Share

Chapter 2

Chapter 2

Kinabukasan nang magising ako sa umaga ay una kong tiningnan ang mukha ko sa salamin na puno ng pasa. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko nang makita na mas lalong namaga anb pasa ko sa pisngi. Dahan-dahan ko iyong nilagyan ng gamot. I am teary eyed while doing that because it hurts so much.

Matapos kong lagyan ng gamot ang pasa ko ay mabilis akong lumabas ng kwarto ko sa bahay na ito. We are maybe married but we don't share in one room which I like. Mabuti na ito.

Nang makalabas ako sa kwarto ko ay kaagad kong nilingon ang pinto ng kwarto ni Carl na sarado pa rin. Alas sinko na ng umaga at maya-mayang alas otso ay magtatrabaho na siya kaya dapat akong magluto ng agahan.  

Mabilis akong bumaba at tulad ng nakasanayan ko ay sa garden muna ako dumiretso. I immediately smiled when I saw my sunflowers. Matingkad ang mga kulay nila at sabay-sabay na sumasayaw dahil sa hangin kaya kaagad akong nakaramdam ng saya.

Sunflower is just a simple flower but it could make me happy. Mabuti na lang at hindi ako sinaktan ni Carl noong pinuno ko ang garden ng sunflowers.

Kumuha ako ng ilang bulaklak ng sunflowers para ilagay sa loob ng bahay at hindi maalis ang ngiti ko dahil doon. I put it in a small vace in the dining area and in the island counter. Naglagay rin ako sa living room.

After doing that I immediately prepared the ingredients for our breakfast. Madalian akong nagluto ng pancake, ham at hotdog. After that I prepared his coffee. At nataranta ako nang mamataan siyang pababa sa hagdanan.

"Where's my coffee?" kaagad na tanong niya.

"Teka," mabilis na sabi ko kasi hindi pa handa ang kape.

"Hurry up," inis na sambit niya kaya dali-dali ko nang inangat ang mainit na kape para ibigay sa kanya.

At dahil punong-puno ang baso, natapon ito bago ko pa maibigay sa kanya. Natapon sa mismong harap niya pero hindi siya natamaan kasi agaran siyang umatras. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaba.

"Walang kwenta, nawalan na ako ng gana," malamig na sambit niya saka mabilis tinabig ang kapeng natitira kaya nabuhos ito sa kamay ko.

"Ahh!" sigaw ko dahil sa init at kaagad kong nabitawan ang baso dahilan para mabasag ito.

Tumakbo ako palapit sa sink saka hinugasan ko kaagad ang napaso kong kamay. Mangiyak-ngiyak ako habang ginagawa iyon. Hindi ko na pinatagal ang paghugas ko dahil baka mas lalo siyang mainis.

Nilingon ko siya sa hamba ng pinto ng kitchen. He's still there, currently looking at me coldly like he wants to slap me really hard. Nanginig ako sa kaba.

"I-ipagtitimpla na lang kita ng bago," nanginginig na sambit ko pero mas lalo lang nandilim ang mga mata niya.

"No way, you always makes my blood boil. You are such a gold digger b*tch. If you'll die I will be the happiest," sambit niya saka mabilis na tumalikod. Nahulog ang ilang butil ng luha sa mga mata ko kaya mabilis ko iyong pinunasan bago siya sinundan.

Tuloy-tuloy siyang naglakad patungo sa garrage. Nanatili lang ako sa pinto habang tinatanaw siyang nagda-drive paalis. 

Mas lalo lang tumulo ang luha ko nang makaalis na siya. Ang hapdi ng kamay ko dahil sa paso pero mas masakit ang dibdib ko dahil sa mga salitang binitawan niya. I am not a gold digger. Kailanman ay hindi ko ginusto ang pera nila o ang pera niya. Sadyang wala lang akong choice. Nagtitiis ako dito kasi wala akong choice.

Pinili ko na lang na maglakad pabalik sa kusina. Nakita ko ang mga niluto kong hindi ko naman mauubos pero wala akong choice kundi itapon ang matitira mamaya kasi kung may pagkain na natira sa loob ng ref ay sasaktan niya na naman ako. 

Sinubukan kong ubusin ang niluto ko kaso hindi ko kinaya kaya nagpasya akong huwag na lang magluto sa tanghali kasi hindi naman siya dito kumakain ng lunch. After eating my breakfast I went to the garden with my unfinished book. Umupo ako sa duyan na palagi kong inuupuan at doon ako nagbasa ng libro kasama ang mga nagsasayawang sunflowers na tanging nagbibigay ng ngiti sa akin.

I spent almost three hours reading the book. At natapos ko iyon saktong tanghali na kaya inubos ko ang niluto ko kanina sa breakfast. After eating I decided to clean the whole house. Inuna ko ang kwarto ng asawa ko.

Tahimik akong pumasok sa kwarto niya. His manly scent immediately invaded my nose as I look around his room. Hindi siya makalat sa gamit niya at wala rin siyang masyadong gamit kaya ang spacious tingnan ng room. I fixed his bed and I also mopped the floor. This room is too plain and minimalist. Hindi masakit sa mata.

Matapos kong linisin ang kwarto niya ay sinunod ko naman nasa labas. I cleaned the whole house despite of my hurting hand. Nasa gitna ako ng paglilinis sa living room nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng kotse ni Carl.

My eyes widened because I did not expect him to go home this early. Nataranta ako dahil medyo magulo pa ang living room at kapag naabutan niya 'to ay siguradong magagalit siya. Mabilis kong inayos ang lahat para maibalik sa dati pero hindi ko pa natatapos ay mabilis ko siyang natanaw papasok.

At sandaling tumigil ang mundo ko sa nakita. He is not alone. Carl Sarmiento is currently kissing a woman and they are too close with each other. Napaawang ang mga labi ko at hindi ako nakagalaw mula doon. Tinitigan ko sila habang naglalaban sa halik.

And suddenly the woman stopped and she looked at me. Napatingin rin sa akin ang inis na si Carl kaya doon lang ako natauhan at nag-iwas ng tingin.

"Who is she?" the woman asked with disgust.

"Just a maid, let's go upstairs," Carl said and after that he carried the giggling girl towards his room and I know what will happen next.

Nakaramdam ako ng hapdi sa dibdib ko kaya nanghihina akong napaupo sa couch. This is not the first time. Ikalawang araw matapos ang kasal naming kami lang ang nakakaalam at ang lolo niya ay nagdala na siya ng babae dito. Ilang ulit at ilang beses. Kaya sanay na ako.

Pero sa dinami-dami ng babae na dinala niya ay ngayon lang ako labis na naapektuhan. Ngayon lang ako nanghina at nasaktan sa hindi ko malamang dahilan.

Alam kong matatagalan pa sila. 

Napapikit ako ng mariin sandali bago ko tinuloy ang paglilinis. Natapos akong alas sinko ng hapon sa paglilinis at hindi pa rin sila bumababa. I decided to go upstairs. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko at pati na rin ang panginginig ng tuhod ko.

Nasa huling baitang pa lang ako ng hagdanan ay narinig ko na ang malalakas na ungol mula sa kwarto ni Carl. Natigilan ako at napahawak na lang ng mahigpit sa hawakan sa gilid ng hagdanan.

"Uhmm! Faster Carl! Ughhh!"

Mabilis akong bumaba dahil hindi ko makayanan ang mga naririnig at nang makarating ako sa kusina ay mabilis akong uminom ng tubig kasi pakiramdam ko ang nanunuyo ang lalamunan ko.

Hindi ko maipaliwag kung bakit apektado ako ngayon dahil mag-iisang taon na kaming kasal at palagi siyang nagdadala ng babae dito. I can't understand why I want to cry right now. I can't understand why I am currently hurting.

I tried to hard to calm myself and when I did that I decided to cook for dinner. Tila namamanhid ang buo kong katawan habang nagluluto ng caldereta. Parang pagod na pagod ang katawan pati ang isipan ko.

Habang nilalagay ko sa malaking bowl ang niluto ko ay nakarinig ako ng isang mahinang tawa.

"You are so good at this, Carl. Hindi na ako magtataka kung hindi mo na ako pansinin sa mga susunod na araw. So this is really the Carl Sarmiento they were talking about, huh? I'm lucky then?"

Mabilis kong tiningnan ang direksyon kung saan iyon galing. At dahil malaki ang pinto ng kitchen at kaagad ko silang nakita na pababa sa hagdanan. Halos hindi ako ko magawang kumurap nang makita ang magiliw na ngisi sa labi ng asawa ko habang nakapulupot ang braso niya sa baywang ng babaeng kasama.

"What did you heard about me? I hope it's all positive," Carl said while smirking but the woman just giggled.

"Wala," sabi ng babae kaya sabay silang natawa.

Hearing Carl laugh made me shock. I mean, he's not the kind of person who always laughs. O sa akin lang.

"Maxine!"

Mabilis akong nataranta nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Iniwan ko ang ginagawa ko para puntahan sila. Nakita ko sila sa living room. The woman is sitting on Carl's lap.

Napalunok ako bago tumingin sa mga mata ni Carl. The coldness in his eyes made me shiver.

"A-ano iyon?" utal na sambit ko sabay tingin sa babaeng nakataas ang kilay sa akin. Mabilis akong yumuko para hindi na lang sila makita.

"Prepare us foods, hurry up. Huwag kang tatanga-tanga," Carl said so my lips parted before I nod my head as a response.

Dahan-dahan akong bumalik sa kusina pero bago pa ako tuluyang makapasok ay narinig ko ang sinabi ng babae tungkol sa akin.

 "Is she really your maid? I don't like her."

Of course, no one knew about us being married. Kaming tatlo lang yata ng lolo niya ang nakakaalam. In this one year of being husband and wife I didn't even meet his parents. O baka nga ayaw niya lang at wala naman akong magagawa doon. Lahat ng babae na dinadala niya dito ay kilala ako bilang katulong.

"Masanay ka na, Maxine," bulong ko sa sarili ko habang nagpapatuloy sa paglipat ng ulam at kanina sa malakaking bowls.

Akmang dadalhin ko na sana ang ulam at kanin sa dining area nang makita ko si Carl na papasok. Natigilan ako dahil tuloy-tuloy lang siyang naglalakad. At sa sumunod niyang ginawa ay tila nagwala ang puso ko. 

Kinuha niya mula sa akin ang ulam at kanin ng walang kahit anong sinasabi saka siya pumunta sa dining area. My lips parted as I watch him walk. Tila tumigil ang buong mundo ko dahil doon at nakaramdam ako ng ilang hindi maipaliwanag na damdamin.

It's no big deal. But for me, it is.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Imelda Caranagan
nakakastress basahin
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status