Share

His Battered Wife
His Battered Wife
Author: Affeyly

Chapter 1

Pak!

Mabilis akong napahawak sa pisnging nasampal ng asawa ko. Nanginig ang buo kong katawan at kaagad namasa ang mga mata ko. Masakit ang sampal pero hindi ako pwedeng magreklamo. Wala akong karapatan para gawin iyon.

"C-a—"

"Get out of my way you b*tch!" sigaw niya saka muli akong tinulak ng sobrang lakas dahilan para mapaupo ako sa malamig na sahig. Mabilis na tumulo ang luhang kanina ka pa pinipigilan habang nakayuko.

Binato niya pa ang isang vase na nakapatong sa lamesa sa gilid ng hagdanan bago siya dali-daling pumunta sa itaas. Dahan-dahan akong napatingin sa hagdanan habang humihikbi ng mahina. Ramdam ko ang sakit ng pisngi at likod ko pero wala akong karapatang magreklamo. Dahil sino nga ba ako?

I am just his wife. Asawa niya lang ako sa papel. Asawa na naging isang katulong na araw-araw niyang pinagbubuhatan ng kamay. Pinagbubuhatan ng kamay kahit wala akong kasalanan.

Sino nga bang mag-aakala na ang isang Maxine Claveria na anak ng isa sa pinakamayaman na negosyante noon ay magiging ganito? Sinong mag-aakala na makukulong ako sa isang kasalan na hindi ko gusto para lang mabayaran ang utang ng Daddy ko? Sinong mag-aakala na hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral? Sinong mag-aakala na araw-araw akong makakatikim ng sampal, bugbog at masasakit na salita mula sa lalaking pinakasalan ko?

Unting-unting bumalik sa isipan ko ang ala-ala kung bakit ako nandito ngayon sa sitwasyong ito. Na kung pwedeng baguhin ay ginawa ko na.

"What? No! No!" natataranta na sigaw ko nang may mga pumasok sa tao sa mansyon na tanging iniwan sa akin ng mga magulang ko. They began lifting our couches, tables, and other appliances that made me cry.

"Napag-utusan lang po kami," sabi ng isa kaya mas lalo akong nataranta.

"No! Nakuha na ng bangko ang ibang ari-arian namin at sapat na iyon para sa mga utang ni Daddy! Not this mansion!" sigaw ko.

It can't be. Hindi pwedeng mawala ang mansyon na ito. Ito na lang ang tanging naiwan para sa akin. My Dad died last week. Noong namatay siya biglang lumabas lahat ng utang niya. Naibenta ang stocks namin sa kumpanya noong naospital siya. Lahat ng pera ko sa bangko ay nakuha na rin. Lahat ng rest house at kotse ay wala na rin. Wala ng natitira. Ubos na ubos na ang para sa akin.

"Miss, this letter was from Don Fidel Sarmiento," sabi ng isang lalaki na nakasuot ng kagalang-galang na tuxedo.

Gamit ang nanginginig kong kamay ay kaagad kong kinuha ng sobreng may laman na sulat. At halos maglupasay ako sa iyak nang mabasa ang laman ng sulat. My father's debt was half a billion! Kulang ang mansyon na ito!

"N-No, this can't be. Hindi maaari. Hindi ito totoo," umiiyak na sambit ko habang nakatitig sa sulat. Ayaw kong paniwalaan ang mga nababasa ko.

"Don Sarmiento is expecting you in his office to fix this, Miss. Your father's debt is now your debt, excuse me. The address is written in that letter."

Napaupo ako sa sahig habang iyak ng iyak habang pinagbubuhat ng mga tao ang laman ng mansyon kung saan ako lumaki. Kung saan ako nagmulat at kung saan ko unang nagawa ang mga bagay na natutunan ko.

This is the end of my life. Saan pa ako pupunta? Tanging isang libo na lang ang pera ko sa wallet. Saan ako pupunta? Saan na ako pupulutin ngayon?

I immediately fixed myself after a minute. Huminga ako ng malalim at patakbong lumabas ng mansyon. I can't stop crying as I enter the taxi. I need to talk to that guy. Paano ko mababayaran ang utang ni Daddy? Alam ko ang mangyayari kung babalewalain ko ito. Ako ang makukulong. Kaya kahit walang-wala ako ay gagawin ko ang lahat. Kung kailangan ay lumuhod ako para magmaawakang bigyan pa ng maraming pagkakataon para mabayaran ang utang ni Daddy paunti-unti ay gagawin ko.

Sinabi ko ang driver ang address na pupuntahan ko. I am not familiar with it but I need to take a risk.

"Nandito na po tayo, Ma'am," sabi ng driver kaya napatingin ako sa labas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sobrang taas na building.

"S-salamat po," nanginginig na sambit ko bago bumaba. Pinambayad ko ang huling perang natitira sa akin bago ako unti-unti na naglakad palapit sa entrance ng building.

Sarmiento's Empire, that is the name of the building.

Pilit kong kinalma ang sarili ko hanggang sa tuluyan akong nakalapit sa guard. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko sa ngayon. Pero nang makita ko na bahagya akong hinagod ng tingin ng guard mula ulo hanggang paa na may maasim na reaksyon ay nalaman ko na kaagad na hindi kaaya-aya ang itsura ko.

"M-magandang umaga po. Pwede po bang makausap si Don Samaniego? He's expecting me," mahinang sabi ko sa guard.

"Sa loob ka magtanong," sagot niya kaya napalunok ako bago humakbang papasok.

Mismong pagpasok ko ay kaagad kong naagaw ang atensyon ng marami. Their heads turned where am I. Mabilis akong yumuko habang naglalakad palapit sa front desk. I am shaking and I think I'm gonna faint any minute from now.

"G-Goodmorning, Can I talk to Don Sarmiento po? He's expecting me," mahina at nanginginig na sambit ko sa babae kaya kunot noo niya akong tiningnan.

"Wait a minute," he said before he called someone over the telephone.

Kagat labi akong naghintay hanggang sa matapos ang tawag.

"Top floor," she said I sighed. Mas lalong dumoble ang kaba ko.

"Thank you," sabi ko sabay lakad palapit sa elevator.

I immediately pressed the lift to open. Nang makita ko na walang katao-tao sa loob ay nakahinga ako ng maluwag. Sari-sari ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak ulit. Gusto kong magwala. Nasasaktan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko malalampasan ang lahat ng 'to.

I am alone. I have no one beside me. My mother died when I was still four years old and my father also left me. Utang na lang ang meron ako. Kahit pambili ng pagkain sa araw na 'to ay wala ako.

Nang bumukas ang elevator sa top floor ay kaagad na dumagundong ang puso ko ng sobrang lakas. Halos mawalan ako ng malay habang naglalakad.

"Miss Claveria?" salubong ng isang babae sa akin kaya mahina akong tumango. She smiled before leading the way.

Binuksan niya ang isang malaking pinto kaya kahit nagdadalawang isip ay pumasok pa rin ako. I immediately saw an old guy sitting in a swivel chair. Nakaharap siya sa mga papeles pero kaagad niya yatang napansin ang presensya ko kaya mabilis niya akong tiningnan.

Namuo ang mga luha sa mga mata ko nang makita ang strikto niyang mukha.

"Come here," malamig na sambit niya kaya dahan-dahan akong lumapit. Nanatili akong nakatayo at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Gusto kong batiin pero hindi ko magawang magsalita.

He cleared his throat and that made me nervous even more. I think he's on his sixties. Pero sa nakikita ko ay malakas na malakas pa rin siya. He has this powerful aura. Nakakatakot. Kung kalahating bilyon ang utang ni Daddy sa kanya ay siguradong mayaman na mayaman ito.

"Have you read the letter? Your dad owes me half a billion. I am kind enough to give him a lot of time even though he promised to pay me last year but since he's sick I forgot the promise. But now that he's gone I can't just throw my money, Hija," paunang sabi niya kaya mabilis na naglaglagan ang mga luha ko.

"S-sir, I will pay," umiiyak na sambit ko saka dahan-dahang sinalubong ang mga mata niya. Kaagad akong nagmaakawa sa pamamagitan ng tingin pero seryoso lang siyang nakatitig sa akin.

"Kulang ang mansyon na tanging natitira sa iyo ngayon," sabi niya kaya mas lalo akong umiyak.

"Give me time po, please. Magbabayad po ako, magbabayad ako. Hindi ko tatakbuhan ang utang ni Daddy. Magbabayad po ako," pagmamakaawa ko pero wala siyang naging reaksyon.

Umiyak ako lalo saka dahan-dahan na lumuhod sa harapan niya. Tuluyan ko ng nilunok lahat ng pride na meron ako. Dahil sa sitwasyon ko ngayon ay kailangan kong magpakumbaba.

I heard him sighed.

"How old are you again?" he asked so I cleared my throat before answering.

"Twenty one po."

"Tumayo ka," utos niya kaya dahan-dahan ko siyang tininghala. Nasa harap ko na siya ngayon.

Nang hindi ako tumayo ay marahan siyang sumenyas. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko saka dahan-dahan na sinunod ang utos niya.

"I have one option. Kapag ginawa mo ang gusto ko ay kakalimutan ko na ang utang ng Daddy mo," sabi niya at sa pagkakataong iyon ay bigla akong nabuhayan.

"Gagawin ko po!" agarang sabi ko. Kahit ano pa iyan ang gagawin ko.

Tumango siya ng tatlong beses saka tumingin ng diretso sa akin.

"You will marry ng grandson," he said with authority so my eyes widened. Ang saya ko kanina ay biglang napalitan ng kaba.

Nanuyo ang lalamunan ko at hindi ako nakagalaw.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. Pakakasal?

"You will marry him and I will forget your father's debt," ulit niya kaya kusang humino ang luha ko sa pagtulo.

"P-Po?" tanging nasabi ko sa sobrang gulat.

Biglang bumukas ang pinto na pinasukan ko kanina kaya kaagad siyang napatingin doon. Hindi ko maiwasang magtaka kaya dahan-dahan rin akong lumingon. And my lips hang open when I saw a gorgeous guy wearing a black three piece suit just entered. Kaagad na nagtama ang mga mata namin kaya tila bumagal ang pagtakbo ng oras.

My heart beats so fast and I couldn't breathe properly.

"Lo, what is it?" His deep voice invaded my ears.

"Carl, you're getting married. You'll marry her," Don Sarmiento said so my eyes even got wider.

The guy who he called Carl looked at me again. Kunot ang noo niya at kitang-kita ko doon ang disgusto. At sa mismong oras na iyon ay alam ko na kaagad na mahihirapan ako sa mga susunod na mangyayari sa buhay ko.

Dahan-dahan akong bumalik sa kasalukuyan. Minulat ko ang mga mata ko at kaagad kong nakita ang repleksyon ko sa salamin. My lips parted when I saw some bruises on my cheeks. Kaagad akong nakaramdam ng awa para sa sarili ko.

Napangiwi ako sa sakit nang hawakan ko ang pinakamalaking pasa sa gilid ng kabi ko. Nangingitim na rin ito at sobrang namamaga. My almond shape eyes were so sad. Namumutla ang mga labi ko at namamalat.

I feel sorry for myself. But I don't have a choice.

Kaya ko namang tiisin ang araw-araw na pambubugbog hindi ba? Kaya ko. Mag-iisang taon na. Kaya ko. Kaya ko 'to. Dahil kung umalis man ako dito ay wala rin akong pupuntahan. I am broke. I don't have money. Can't even buy a single bread. My husband is feeding me. Kaya kahit mabugbog ako araw-araw ay wala akong magagawa kundi magtiis.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lilibeth J Baldon
paano po avail neto?
goodnovel comment avatar
buj gqab
nice story...its heartbreaking
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status