Share

Chapter 9

Kinabukasan, nakahanda na ang lahat. Marami rin ang mga ang nagbabaka-sakaling makakuha ng iskolar. Nakita niyang puno ng tao ang barangay hall nila. Pumirma muna siya sa papel kasabay si Carl saka humanap ng upuan. Pinapunta sila sa high school na katabi lang ng barangay hall. Pagdating doon ay nagderetso siya sa room kung saan mag-e-exam. Nakita niya roon si Betsay.

“Andito pala ang feeling maganda!” narinig niyang wika nito.

Hindi niya ito pinansin at nagderetso na lang sa unahan. Inayos niya ang kaniyang mga gagamitin at naupo na. Magkaiba ang room nila ni Carl at sa danami-rami ng tao na puwede niyang makasama ay si Betsay pa. Ramdam na ramdam niya ang init ng dugo nito sa kaniya.

“Isabella, ’di ba? Sa tingin mo makakakuha ka ng iskolar?” tanong ni Betsay na lumapit pa talaga sa kaniya.

Medyo inis siya rito pero ayaw niyang masira ang araw niya at ang gusto niya lang ay mag-concentrate sa gagawing pagsusulit.

“Good luck sa exam,” aniya rito.

Umismid ito sa kaniya at sinipa ang upu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status