Share

/LDR-15/

IDRIS

"Idris, bumangon ka na riyan! Aba, tulog mantika ka talaga kahit kailan!"

Oh, please.

Give me a break! Goddamnit!

Lagi na lang. Palagi na lang.

Hindi na lang ako umimik sa kabila ng pagdadakdak ni Naya mula sa labas. Naiinis ako. Sawang-sawa na ako sa ganto. Gusto ko nang matapos ang lahat nang 'to.

I swear, sa oras na matapos ang pagdurusa ko sa bawat araw, magpa-party ako ng bongga. Ako mismo magde-decorate nitong buong nirerentahan namin. Ako na rin sasagot sa mga pagkain at drinks.

Pramis ko 'yan. Mark my word. Periodt. Periodism. Periodical. Periodicalation. Periodilism. Perio--

"Oh my god! May bata! Paano ka nakapasok dito?!" Rinig kong tili ni Naya mula sa labas kaya natigil ang panunumpa ko't dali-daling bumangon mula sa pagkakahiga.

Anong bata pinagsasabi niya? Wala naman kaming batang kasama rito sa bahay.

Kaagad ko namang binuksan ang pinto ng malakas at kaagad na tinakbo ang hagdan para bumaba. Humahangos akong nakarating sa sala at doon naabutan ko si Naya na nakayuko at mukhang may kinakausap na maliit na nilalang.

Nakatalikod siya mula sa akin kaya hindi ko makita ang batang sinasabi niya kaya tumikhim ako para tawagin ang kaniyang atensiyon.

"Oh, there she is. Idris, hinahanap ka nitong cutie little patotie batang 'to. Hindi ko nga alam kung saan siya nanggaling at bigla na lang sumulpot kanina." pahayag ni Naya at 'saka humarap kaya nakita ko na ang batang sinasabi niya.

"Max? Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong sa pagkakita ko sa kaniya.

Pero ang tsanak--este--bulilit, ngitian lang ako kaya lumitaw na naman ang kaniyang dimple sa magkabilang pisngi kasabay ng paglobo nito.

Why is this kid so cute?!

"Holy molly. Isn't he adorable? But wait, kilala mo 'tong baby boy na 'to? Don't tell me anak mo siya?" singhap na saad ni Naya kaya hindi napairap na lang ako dahil sa naging reaksiyon niya.

"Oo, kilala ko siya. Pero hindi ko siya anak! Mukha ba kong nanay?!" singhal ko kay Naya pero napa-peace sign na lang ito.

"Sorry naman. Malay ko ba. Tsaka ang weird lang na may kilala kang bata no." depensa nito.

"Tss. Porket may kilalang bata, anak na agad?"

Kaagad akong lumapit kay Max na nagpapalit ng tingin sa amin ni Naya kaya hinila ko ang kamay nito at pinaupo sa sofa.

"Hey, what are you doing here?"

"I miss you, Ate. Kaya naisipan kong puntahan ka kasi gusto kitang makita." nakangiting saad nito 'saka ako niyakap.

"Max, that's...sweet."

Hindi ko alam ang sasabihin. Parang nalusaw ang puso ko sa sinabi niya. Bakit naman niya ako mami-miss eh kakikilala lang namin kahapon? I mean sa ibang araw ng kahapon--aish--basta alam niyo na 'yun.

"Pero paano mo nalaman na dito ako nakatira?"

Lumikot naman ang mata nito at sinimulan niyang kagatin ang kuko niya. Panay din ang lunok niya kaya hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya.

"A-Ahhh e-eh, hehe, a-ano po kasi eh..." Utal nitong saad kaya pinigilan ko na ito. Baka mamaya umiyak pa.

"'Wag mo nang sagutin." Ngiting wika ko rito kaya parang nakahinga naman ito ng maluwag.

"I want to show you something."

"What is it?"

"Hello? Andito pa ako oh. Pansinin niyo naman ako." untag ni Naya kaya muntik ko nang makalimutan na nandoon pala siya at nakikinig sa usapan namin ni Max.

Hula ko naguguluhan siya sa pinag-uusapan namin ni Max pero hindi na dapat niya malaman dahil hindi naman niya alam kung anong tunay na nangyayari.

"Sorry po, ate Naya." hinging paumanhin sa kaniya ni Max.

"It's okay, baby boy. Paano mo nga pala namalan name ko?"

Paano nga pala niya nalaman ni Naya eh hindi ko naman 'to nabanggit sa kaniya? Nag weird din nitong batang 'to ha.

"Secret." Sa halip ay sagot ni Max nang nakangiti.

Heh. Kanina pa 'to ngiti ng ngiti ah. 'Yung totoo? Nanghaharot ba 'tong batang 'to?

"O siya, alam kong hindi ka pa kumakain kaya halika na, mag-umagahan na tayo." aya ko rito kaya kaagad naman itong tumalima at nauna na sa kusina.

Nagkatinginan na lang kami ni Naya dahil doon.

Hindi naman siya magpapakita sa akin nang walang dahilan 'diba?

-----

"We're here."

Nandito kami sa isang park kung saan maraming tao. Hindi ko alam kung anong trip nitong si Max at bakit kami nandito.

I wonder kung ano 'yung ipapakita niya sa akin.

"Look, my parents!" bulalas niya at 'saka itunuro ang isang babae at lalaki na nasa gitna ng damuhan.

Mukhang nagpi-picnic sila base sa tela na nakalatag at sa mga pagkain na nakahain sa harapan nila. Masaya silang nagtatawanan at nagbabatuhan ng petal ng bulaklak sa isa't-isa.

Kitang-kita ko ang itsura ng dalawa dahil medyo malapit ang pwesto namin sa kanila kaya napagmasdan ko ang mukha nila parehas.

Maganda ang babae. Blond ang buhok nito at maputi rin ang balat. Samatalang ang lalaki ay may itsura rin at may mahaba at kulot itong buhok na bumagay sa kaniyang mukha.

Napagtanto ko na mas nakuha ni Max ang mukha ng kaniyang ama kaysa sa kaniyang ina.

"Ang saya-saya nila." wika ni Max habang nakatingin sa dalawa. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Ngayon pa lang ay masasabi kong maswerte ang mag-asawa at biniyayaan sila ng mabait, masiyahin at makulit na anak.

Sa palagay ko ay gano'n din si Max sa kaniyang mga magulang.

Napansin ko naman na napatingin sa direksiyon namin ang kaniyang ina at napatigil ng makita si Max pero kaagad na nagtago sa likod ko si Max na parang tinataguan ang mga ito.

Nagtaka naman ako sa inakto niya at kaagad siyang nilingon na sumusulyap sa harapan. Palagay ko ay nagtataka ang babae dahil sa pagmamasid namin pero buti na lang ay nilayo na nito ang tingin sa amin.

"Hey, what's wrong? Are you hiding from them?"

"No...it's just that I can't let them see me." tugon nito.

"But why? Those are your parents. I don't see a reason why your hiding."

"I just can't, okay?"

"What do you mean you can't?"

Bakit naman kasi niya tataguan ang sarili niyang mga magulang, 'diba? May nagawa ba siyang mali para taguan ang mga ito? O may iba pang dahilan?

"If you have a problem about your parents, you should talk to them."

"Wala akong problema sa kanila...po. Ayoko lang na makita nila ako lalo na't ilang beses ko nang nilabag ang patakaran na sinasabi ni Lucina." anas nito kaya mas lalo akong naguluhan.

Ano bang pinagsasabi ng batang 'to?

"Anong patakaran? Who is Lucina? What are you talking about, kid?" kunot-noong tanong ko rito.

And there he is again, doing his mannerism when he's nervous. Kagat-kagat ang mga kuko niya at ang pagiging malikot ng kaniyang mga mata.

This kid is hiding something. Ano ba talagang sinasabi niya? Hindi ko alam kung anong issue para taguan ang mga magulang niya at 'yung mga sinabi niya kanina? Pakiramdam ko may bagay siyang alam na ayaw niyang sabihin.

"I don't know what you're up to but one thing's for sure, you're being weird and it's freaking me out."

"You don't understand! Hindi ko po sila pwedeng lapitan, hindi ako pwedeng magpakita sa kanila." Gulat naman akong napatingin dito. Ano bang problema ng batang 'to? At anong sinasabi niya na hindi siya pwedeng lumapit sa kanila?

Naguguluhan na talaga ako sa inaakto ni Max. Something is..off with him.

"Look, Max. If you could just tell me what's going on then maybe I could help you."

"No, you can't...you can't help me, you don't know anything!"

"Then tell me!"

"I'm sorry..." Bigla na lang itong umalis at tumakbo palayo.

"Max!" tawag ko rito pero hindi na niya ako nilingon.

Hindi ko alam kung susundan ko ba siya at hahabulin o hayaan muna siya na mag-isa. Pero sa tingin ko ay hindi ko muna siya guguluhin. Mukha kasi talagang may problema siya ukol sa mga magulang niya.

Kung ano man 'yon ay sana maging maayos na.

-----

Sumapit ang hapon at gabi pero wala pa rin si Max at hindi nagpapakita sa'kin. Halos naging lutang ako kanina sa intrams at makailang ulit na akong tinatanong ni Naya kung may problema ba ako.

Nagu-guilty tuloy ako kay Naya. Feeling ko kasi ay nagtataksil ako sa kaniya dahil sa hindi pagsabi ng katotohanan sa nangyayari sa'kin pero wala naman akong magagawa kundi sarilinin ito dahil kahit anong paliwanang ko sa kaniya ay balewala lang din.

'Pag natapos ang lahat nang 'to, ililibre ko si Naya, pramis 'yan. Posible rin sigurong ikwento ko sa kaniya ang lahat kapag tapos na ang lahat ng 'to.

Nag-aalala na tuloy ako kay Max. Hindi ko alam kung saan siya pupunta at baka kung napano na rin 'yun.

Alam kong kahit anong pagkamatay niya ay mabubihay pa rin siya dahil parehas lang kami ng sitwasyon na nakakakulong sa time loop, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil baka hindi na siya bumalik pa.

Paano kung nakabalik na siya sa tunay na araw? Paano kung bumalik na 'yung buhay niya dati? Samantalang ako, nandito pa rin at nakakulong.

Pinilig ko na lang ang ulo ko dahil sa naisip. Kailangan kong mahanap si Max. Naguguluhan pa rin kasi ako sa mga pinagsasabi niya kanina.

May pakiramdam ako na konektado ito sa nangyayari sa akin, sa amin. Ayaw niya lang talagang sabihin.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang ideyang 'yun pero kailangan ko talaga siyang makausap.

Saan ko ba siya pwedeng mahanap? Ang alam ko may nakwento siya na paborito niyang lugar at nandito lang 'yun sa Central City.

Biglang pumasok sa isip ko ang isang lugar na pinuntahan namin nung isang araw. Posibleng doon siya nagtungo kaya kaagad akong lumabas ng dorm at umalis para puntahan ang kinaroroonan ni Max.

-----

"I knew you were here."

Naglakad ako palapit sa nakaupong si Max sa damuhan at nakaharap sa tanawin sa ibaba.

Nandito kami sa High Ground. Ang lugar kung saan makikita ang buong lugar ng Central City. Katulad noong nakaraan, malamig ang simoy ng hangin at tahimik ang paligid.

Ito ang tamang lugar kung saan pwede kang mag-relax at malayang mag-isip ng bagay-bagay.

Nakakakalma ng isipan ang katahimikan ng kabuuan ng lugar. Malayo sa maingay at maliwanag na siyudad. Dito mararamdaman mo ang kapayapaan.

"I'm sorry..." panimula ni Max pagkatapos ng ilang minuto naming hindi pakikipagkibuan.

"Why are you saying that? Ilang beses ko na 'yang naririnig sa'yo simula ng makita kita."

Bakit naman kasi siya magso-sorry? Para saan naman at lagi niyang binabanggit 'yon na parang napakabigat ng kasalanan niya sa'kin?

"Kung hindi dahil sa'kin, hindi mangyayari ang lahat ng 'to sa'yo..."

"Anong ibig mong sabihin? Just tell me exactly what the hell is happening." Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkainis. Ang dami niya kasing paligoy-ligoy. Gano'n na kahirap ang sasabihin niya?

"I'm not stuck in a time loop. Lahat po ng sinabi ko sa'yo ay hindi totoo."

"Ano?"

"I'm a time traveler. I'm from the future. I came back here because I want to see my parents and I want to...be with you."

I'm right. Mayroong kakaiba sa batang 'to na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko man ito sinasabi pero napapansin ko rin ito.

"What? Hold on. You're kidding me,"

"No, I'm not,"

"So...you lied to me all the time?"

"Yes and I'm not gonna tell you about everything anymore."

Kung gano'n, kasinungalingan lang pala ang lahat ng sinabi niya. Paano niya nagawa 'to? Plinano na niya ba 'to simula ng kinausap ko siya?

"Wait, may kinalaman ka ba sa lahat ng 'to? Ikaw ba ang may kagagawan nito? Tell me the truth, Max!"

"I can't!"

"Tell me the fucking truth!"

"I said I can't!"

"Then why?!"

"Because you're my sister! Idris Theresa Hutton is your full name! Are you happy now?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Anong sinabi niya? Kapatid ko siya? Pero paano nangyari 'yon?

"What the hell are you saying, Max?" kalmadong tugon ko rito. Hindi ako pwedeng magalit ng basta-basta lalo na't wala namang ebidensiya kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"I told you, you're my sister. Not biologically because you and you're Mom adopted me when I was a kid." sagot naman niya pero wala roon ang atensiyon ko.

"What? You said 'was'. What is that?" naguguluhan kong tanong.

Gulong-gulo na ang isip ko dahil sa mga pinagsasabi niya at hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang lahat ng 'yon.

Ang sabi niya hindi siya totoong na-stuck sa time loop bagkus ay galing siya sa future at bumalik siya sa nakaraan para makita ang mga magulang niya.

Alam kong nami-miss niya ang parents niya pero tama ba na babalik siya sa nakaraan para lang doon? Hindi ba't may consequences ang pagta-time travel?

Sinabi din niya na kapatid ko siya pero hindi bilang kadugo dahil inampon daw namin siya nina Mom. How the hell did that happen? May nangyari ba sa future para ampunin namin siya?

"Yeah, was. Dahil hindi na ako totoong bata. I'm already a grown up teenage boy!" sagot nito. Para namang sasabog ang utak ko dahil sa sinabi niya.

Eh bakit ganyan ang itsura niya kung gano'n? Bakit ang bata niya tingnan?

"You're kidding." di ko makapaniwalang saad sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng napalagod na tingin.

"Yeah. Sa tingin ko naapektuhan ang katawan ko simula no'ng unang-una kong ginawa ang time travel. Hindi ko rin alam kung bakit nagbago ang katawan ko simula no'n kaya wala akong ideya."

Napasapo na lang ako sa noo at napahawak sa railings para doon kumuha ng suporta. Napahugot ako ng malalim na hininga dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko.

"I know I messed up but I'm gonna make this right, okay? Just...give me more time, Ate. I'm---"

Doon na ko napaharap ng tuluyan sa kaniya. How dare he to call me sister kung siya rin pala ang may kagagawan ng lahat ng nangyayari sa'kin?

He thinks this is funny? Ang makulong sa isang arse na paulit-ulit na nangyayari? Sino namang matinong tao ang may gusto no'n?!

I'm trying to live my life despite of what's happening but I told to myself that I must keep living because I have many things to do for muself, for my family and for my future.

"Don't you dare call me Ate 'cause in the very first place, we're not related. Lahat ng nangyayari sa'kin ay kasalanan mo kaya 'wag na 'wag kang magpapakita sa'kin kahit kailan." mariin kong saad bago ko siya tuluyang iniwan doon.

I'm done for this shit. Ngayong alam ko na ang lahat, kikilos na ako at gagawa ako ng paraan para maibalik sa dati ang lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status