Share

/LDR-18/

THIRD PERSON

Pagkapasok pa lang ni Max sa worm hole ay alam niyang may mali na. Hindi lang sa paligid niya kundi sa katawan niya rin.

Hindi katulad sa mga nakaraan niyang pagtawid mula sa kasalukuyan papuntang nakaraan, wala siyang nararamdamang kung ano pero ngayon ay mayroon na.

Umiikot ang paningin niya at mistulang mabibingi siya dahil sa matitinis na tunog na naririnig niya.

Napapansin din niya na ang makukulay at maliliwanag na ilaw na nadaraanan niya sa loob ng worm hole ay unti-unting nawawalan ng kulay.

Patay-sindi ang mga ito at iindap-indap dahilan para mas lalo siyang mahilo. May malakas din na pwersa ang naghihila sa kaniya papunta sa iba't-ibang direksiyon dahil para umikot ang buo niyang katawan at mawala sa tamang balanse.

Kung dati mabilis siyang maglakbay sa oras pero ngayon ay inabot siya ng ilang minuto bago bumungad sa kaniyang harapan ang nakakasilaw na liwanag.

Tuluyan siyang nilamon nito at matagumpay siyang nakaapak muli sa nakaraan.

----

Ilang minuto bago siya makarating ay nagising siyang masakit ang ulo. Parang pumipintig ang mga ugat niya rito at rinig na rinig niya ang pagkabog ng kaniyang dibdib.

Hindi niya maimulat ang kaniyang mga mata at nanghihina ang kaniyang mga tuhod kaya kaagad siyang naghanap ng mauupuan at doon nagpahinga.

"What is happening to me?" tanong niya sa sarili.

Kapagkuwan ay naalala niya ang babala na sinambit sa kaniya ni Lucina, ang A.I.

"Travelling in time has its consequences. It has limits too. Once it reached its limit, you have to deal for the outcome of it. It is a dangerous thing if you overuse the time machine. Your body will feel unexplainable feeling such as dizziness, heart beating rapidly, your nerves palpitating through your brain and the last, the feeling of your existence fading in the world and that's what you must fear the most."

"No..." Hindi niya akalain na kung kailan sa huli niyang pagbalik sa nakaraan ay 'saka niya mararanasan ang sinabing babala ni Lucina.

"Once you die, the time machine you used will be destroyed. The inside of the worm hole will collapsed in just a second. And every person you know will forget you in their memories. It's like you don't even exist."

Huli na ba siya? Makakabalik pa ba siya sa kaniyang panahon pagkatapos nito? O tuluyan nang mabubura ang pagkatao niya sa nakaraan man o sa hinaharap?

-----

Ilang oras matapos umalis ni Max ay hindi pa rin ito nakakauwi.

Walang katao-tao sa bahay nang dumating si Theresa.

Nagtataka siya dahil kapag umuuwi siya ay madalas naabutan niya ang kapatid sa sala at naglalaro ng video games pero ngayon ay wala ito.

Nagkibit-balikat siya dahil inisip niyang baka nasa loob ito ng kwarto at doon nananatili.

Pagod siyang nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig sa ref at 'saka uninom.

Tinanggal niya ang kaniyang heels dahil makirot na ang kaniyang mga paa 'saka niya sinunod na tanggalin ang coat at sinabit sa likod ng upuan.

Minasahe muna niya ang batok na nangangawit kayuyuko bago tuluyang tumayo para i-check si Max.

"Max! You home?" tawag nito sa kabuuan ng bahay. Wala siyang narinig na responde.

"Max! Are you here?" Sinimulan niyang maglakad papuntang hagdan at umakyat para magtungo sa kwarto ng kapatid.

Nagsimula siyang kabahan ng hindi niya malaman ang dahilan. Maraming senaryo ang namumuo sa utak niya pero lahat nang 'yon ay hindi niya alam kung totoo.

Pagkarating niya sa kwarto ni Max ay wala siyang naabutan roon. Dumoble ang kaniyang kaba lalo na nang pati sa banyo ay wala ito.

Nahagip naman ng kaniyang mata ang isang papel na nakapatong aa dulo ng mesa kaya kaagad niya itong kinuha at binasa.

'Be right back. This is my last travel and I won't do it again, I promise. Love you sis. -M.'

"No, no, no, no, no." bulong niya dahil sa frustration na nararamdaman. Naglakad siya ng pabalik-balik habang ginulo gulo ang buhok dahil sa inis.

"Napakatigas talaga ng ulo! Ano na naman bang gagawin niya roon?" sambit niya sa sarili.

Sa kabila ng inis ay hindi niya maiwang mag-alala para sa kalagayan ng kapatid. Baka kasi may mangyaring hindi inaasahan.

Dali-dali siyang nagtungo sa sariling kwarto at pumunta sa laboratory.

Pagkarating niya roon ay naabutan niya na nakabukas ang lahat ng ilaw tanda na nanggaling ang kaniyang kapatid dito.

Ngunit napansin niya ang machine sa gitna na nag-iba ng kulag at itsura. Kung dati ay maliwanag ito pero ngayon ay mistulang nawawala na ito ng ilaw at umiindap-indap ang kabuuan nito.

Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa machine dahil hindi pa naman niya ito nakikita noon pa man.

"Lucina! Tell me what the hell is going on in that machine?" tanong nito sa kaniyang A.I.

Kaagad naman itong sumagot. "The machine is starting to tear down. I'm afraid it'll be closing down any minute from now." sagot nito.

"W-What?" gulat nitong sambit. Kaagad na sumulpot sa kaniyang isip ang kapatid na kasalukuyang nasa nakaraan at hindi pa bumabalik.

"W-What about M-Max? Will he be okay? Where is he? Is he n-not returned yet?" utal nitong tanong dahil nagsisimula siyang magpanic.

Halo-halo ang kaniyang nararamdaman. Pangamba, takot at gulat dahil sa kaisipang may posibilidad na hindi makabalik sa Max.

Sinabi na ito sa kaniya ni Lucina noon na kapag na-over use ang machine ay mangyayari ang kaniyang kinatatakutan.

"Oh, God. Please get back to me, Max." Tumulo ang luha ni Theresa dahil sa emosyong namumuo sa kaniyang dibdib lalo na't ilang oras na ay wala pa rin si Max na dapat ay nakabalik na sa loob lang ng tatlong minuto.

"Please..." Napaupo na lang siya sa sahig at napayuko dahil sa panghihina.

Hindi niya kayang mawala ang kapatid dahil siya na lang ang nag-iisa niyang pamilya at kasama.

Aaminin niyang nagsisisi siya dahil sa pagtrato niya sa kapatid sa nakalipas na taon at ngayong wala ito sa tabi niya ay doon niya napag-alaman na napatawad na niya ito.

Hiling niya na sana ay walang mangyaring masama sa kapatid at makabalik ito ng tama sa oras.

-----

IDRIS

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa faculty building ng mga professors para hanapin doon ang anak ni Prof. Arden.

Kailangan ko siyang makausap tungkol sa tatay niya. Gusto kong humingi ng tulong ukol kay Max.

Sana maintindihan ni Max kung anuman ang gagawin ko at kung ano ang mangyayari.

Napatigil na lang ako sa paglalakad ng matanaw ko ang pamilyar na pigura na nakaupo sa gilid ng building.

Teka, si Max ba 'yon?

Dahan-dahan akong lumapit at mabagal na tiningnan ang mukha nito.

"Max?" Nakumpirma kong si Max nga ito dahil lumingon siya pagkarinig ng tawag ko.

Nagtaka naman ako sa itura nito. Mukha kasi siyang nanghihina at namumutla din siya. Habol-habol niya ang kankyang hininga na parang pagod na pagod.

Anong nangyari sa kaniya?

"Hey, Max. Are you alright? Why are you so pale? Is there something wrong?" nag-aalala kong tanong dito. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan niya lalo na't alam kong kapatid ko pala siya.

"A-Ate Idris..." sambit nito sa mababang boses. Parang nahihirapan siyang magsalita.

"What? Tell me what's wrong," wika ko habang hinahaplos ang likod niya.

"You have to help me," panimula niya. "There is something wrong with my body, I can't tell what it is. Alam kong tungkol ito sa pagta-time travel ko. Sa tingin ko hindi na ako makakabalik sa future."

Nagulat ako sa sinabi niya. Paano naman nangyari 'yon? At anong sinasabi niyang hindi na siya makakabalik? Posible ba 'yon?

"What do you mean, you can't come back?" tanong ko.

"The wormhole, it's nearly collapsing. I can tell by now that the time machine will be destroyed soon and if I don't come back in the right time, my existence will be vanished," paliwanang niya.

No way. It's impossible! Ang kumplikado ng sinabi niya pero naiintindihan ko naman ang pinupunta niya roon.

Paano ko siya matutulungan kung gano'n? Hindi ko naman siya pwedeng hayaan na mawala sa mundong 'to. He had a life to live too. Marami pa siyang pwedeng gawin sa buhay.

I have to help him but how? I had none. I don't have a time machine. I don't even know about science stuffs related to these case so how?

"Prof. Adler! Tawag ka raw ni Ma'am Sophie. May sasabihin daw siya sa'yo about sa upcoming event natin next year." Natigilan ako sa pag-isip ng sandaling marinig ko ang salitang 'yon.

Kaagad akong napalingon sa likod ko at doon nakita ko ang isang lalaking propesor na may kausap.

Matangkad ito at maputi. Medyo may edad na ito na sa tingin ko ay nasa 30's na.

Mukhang alam ko na kung paano matutulungan si Max. His father creates a machine meaning maybe I can tell him to help us so Max can finally go back.

"Come on, I have an idea," aya ko kay Max saka ko siya inalalayan patayo. Nakakalakad pa naman siya kaya okay lang.

Naglakad kami malapit sa pwesto nila para mapansin niya kami kaagad. Pinatapos muna namin ang usapan nila nung lalaki bago kami tuluyang lumapit.

"Professor Adler? Son of Sebastian Adler?" tawag ko rito kaya kaagad siyang napalingon sa gawi namin.

Kunot-noo niya kaming tinapunan ng tingin. "Yes? Can I help you two?" tugon niya.

"We need your help. Well actually, we need your father's help. I heard that he made an time machine and my brother might use that to go back to the future," walang paligoy-ligoy na wika ko.

Walang mangyayari kung magpapakeme pa ko. We don't have much time. Kapag sumapit ang hatinggabi, 'yon na ang magiging katapusan ng lahat.

Natahimik naman ang lalaki ng ilang minuto na parang pinoproseso ang sinabi ko bago siya dahan-dahang tumango.

"Come with me in my office. Let's not talk about it here." tanging sabi nito kaya kaagad kaming sumunod sa kaniya papasok sa loob ng building.

"Just hold on, Max. You'll come home soon."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status