Share

/LDR-20 part 2/

THIRD PERSON

"Ipaupo mo siya rito. Dahan-dahan lang." utos ni Sebastian kay Gavin.

Kasalukyang buhat-buhat ng lalaki ang nanghihinang katawan ni Max.

Bagaman ay nanghihina at nanlalabo ang paningin ni Max ay alam pa rin naman niya ang nangyayari sa paligid niya. Mas pinili na lang niyang huwag magsalita dahil napapagod siya.

"Ate Idris..." mahinang tawag nito sa pangalan ng kapatid. Nang marinig ito ng babae ay kaagad siyang tumabi sa kapatid at hinawakan ang kamay nitong nanlalamig niya.

Hindi maiwasang mapaluha ni Idris dahil sa sitwasyon ng kapatid. Namumutla na ito na parang wala ng dugo sa katawan, nanghihina at malamig ang katawan.

"Gavin, prepare the cap. Hurry!" aligagang saad ng matanda. Nagkakagulo na ang mag-ama ngunit hindi nito inalintana ang natitirang oras para sa magkapatid.

"Hey...I'm here, Max. Masaya ka ba? Look, makakauwi ka na. 'Wag kang matakot, nandito lang ako, okay?" Tumulo ang luha ni Idris sa kamay ni Max.

Pilit inabot ni Max ang mukha ni Idris at siya na ang nagpunas ng luha nito.

"Don't cry, Ate. Please, I can't leave knowing that you're hurt. Be happy for me too. Magkikita pa naman tayo sa future."

Dahil sa sinabi ni Max ay hindi na nakasagot si Idris at napayuko na lang. Niyakap niya lang ang kapatid na parang ayaw niya muna itong umalis.

Sa sandaling panahon lang sila nagkita ngunit ayaw na nilang mawalay sa isa't-isa.

"Dad, we don't have much time. Kailangan na nating magmadali." paalala ni Gavin.

May hawak-hawak itong isang metal hat na maraming nakakabit na wires. Hindi na inabalang alamin ito ni Idris dahil ang nasa isip niya ay ang maaring mangyari kay Max.

"Makinig ka. Magiging okay ka lang. Makakauwi ka. Tandaan mo, mahal na mahal kita, Max." Hinalikan niya ang noo ng kapagid at ipinagdikit ang ulo nila.

"I love you too, Ate. Please, don't forget me..."

"I won't, Max. Never.

"Move, Idris. Isasagawa na namin ang proseso,"

Hindi pa sana muna gagalaw si Idris kung hindi lang siya hinila ni Gavin sa isang tabi.

"Isuot mo na, Gavin."

Hawak ang metal cap, dahan-dahang inilagay ni Gavin ang bagay sa ulo ni Max.

Kunot-noo namang pinapanood ni Idris ang ginagawa ng mag-ama sa kaniyang kapatid. Ano ang bagay na iyon? Para saan ito ay bakit ito suot-suot ng kapatid?

"Sandali, ano ho ang bagay na 'yan? Ligtas ho ba 'yan para kay Max?" kinakabahang tanong ni Idris. Lumapit pa siya kung saan nakaupo si Max para tingnan ito ng malapitan.

"This is a channel transmitter cap. This helmet will help to channel the time into the frontal cortex of Max and ignite the synaptic pathways and send a message in the time machine."

Kahit walang masyadong naiitindihan si Idris ay patuloy lamang siya sa pakikinig sa sinasabi ni Gavin.

Ang itsura ng channel transmitter cap ay parang isang tipikal na cap. Gawa ito sa metal. May mga bilog-bilog na hugis ito sa ibabaw na nagsisilbing pinagmumulan ng power sa cap.

"With that, someone must receive the channel across the portal so that it can be finally connected in the helmet. Sa pamamagitan ng helmet, hahanapin nito sa kasulok-sulukan ng utak ni Max ang memory kung saan ang eksaktong taon, buwan, araw at oras siya sa future. Matapos no'n, ang electricity power na nagmumula sa dalawang nakatutok na ito ay dadalhin siya sa wakas sa mismong panahon na 'yon," dugtong nito.

Wala sa sariling napatango na lang si Idris pero kahit papaano naman ay may parte siyang naintindihan sa paliwanag ng lalaki.

May kung anong ikinabit na dalawang wire si Gavin at isinipit ito sa magkabilang gilid ng cap. Pagkatapos ay may pinihit siya na patang volume.

Tiningnan muna niya ang tatay niya. "Ready, Dad?" Tumango lang sa kaniya ang matanda.

Nang ipinihit na ni Gavin ang volume ay ang siyang paglabas ng napakaliwanag at malakas na electricity na nagmumula sa laser gun. Hindi lang ito birong electricity kundi bolta-boltaheng kuryente ang pino-produce nito papunta sa cap.

Nanginig ang buong katawan ni Max dahil doon. Lumalabas ang mga ugat nito sa litid at sa noo dahil sa matinding pagkakakuryente.

Unti-unting dunaloy ang kuryente papunta sa buong katawan ni Max. Umakyat ito lahay sa kaniyang ulo na parang mga uod na lumalangoy papunta roon.

Nanlaki naman ang mga mata ni Idris at labis na nagulat dahil hindi niya inaasahan ang gagawin ng mag-ama sa kaniyang kapatid.

"T-Teka, ano hong ginagawa niyo sa kaniya? Tigilan niyo ho 'yan, please!"

Nagkagulo ang sistema ng katawan ni Max lalo na nang tuluyang makapasok sa utak niya ang kuryente. Inatake ng mga ito ang neurons at nerve cells.

Hindi na alam ni Idris ang gagawin sa nakikita. Kitang-kita niya kung paano tumirik ang mga mata ni Max dahil sa nangyayari sa kaniya.

"Don't worry, hija. Alam namin ang ginagawa namin. Umatras ka muna, baka masabit ka sa kuryente," tugon sa kaniya ng matanda.

Parang may sariling buhay ang mga kuryente dahil pilit nilang pinapasok ang memorya ni Max at kinakalkal nito lahat ng madadaanan nito.

Hindi niya makikitaan ng kaba ang dalawa sa halip ay parang kalmado pa ang mga ito na alam na alam talaga ang ginagawa nila.

Nang mahanap na ng mga kuryente ang dapat hanapin ay kaagad na nag-send ito ng message sa pamamagitan ng channel papuntang future sa loob lamang ng ilang segundo.

in the future

"Anong gagawin ko, Lucina? Should I follow Max? Maabutan ko pa naman siguro siya 'di ba?" natatarantang saad ni Theresa. Pabalik-balik ang lakad niya dahil sa pagkabalisa.

Alalang-alala na siya sa kaniyang kapatid dahil hanggang ngayon ay hindi la ito umuuwi.

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin ito.

"Sorry, I can't understand you." sagot sa kaniya ni Lucina, ang kaniyang A.I.

"Nasaan ka na ba, Max?" bulong nito habang patingin-tingin sa kaniyang time machine, umaasang susulpot doon si Max.

Ilang minuto pa siyang naghintay at dahil hindi na siya nakatiis ay kaagad siyang nagtungo sa harap ng time machine.

"Pupunta ako sa nakaraan. I can't bear to stay like this. Hahanapin ko si Max." matigas na saad ni Theresa. Hahakbang na sana siya para makapasok pero natigilan siya dahil biglang tumunog ng sabay-sabay ang monitors.

"What is that?" nagtatakang tanong nito na napaatras.

"Someone's transmitting a channel from unknown location," sagot sa kaniya ni Lucina.

Kaagad siyang nagtungo sa harap ng monitor para tingnan ito.

"What the hell is this?" kunot-noong tanong niya.

Mula sa screen ay may lumabas na audio record ngunit static lang ang inilalabas nitong sound.

May kasama pa itong mga series of numbers na nasa ibaba ng record. Mabilis itong nagpapalit-palit.

Hindi na bago sa kaniya ang ganitong senaryo kaya agad niyang nalaman na isa itong record with a code in it.

Pero hindi lubos maintindihan ni Theresa ang pinapakinggan niya. Nagtipa-tipa siya sa keyboard at gumawa ng paraan para malaman ang ibig sabihin ng message pero sumuko din siya dahil hindi niya talaga ito maintindihan. Pagkalipas ng ilang minuto ay unti-unting luminaw ang sinasabi ng boses.

Medyo malabo nga lang ang pagkakasabi kaya naisipan niyang humingi ng tulong kay Lucina.

"Lucina, try to decipher this thing. Faster."

Kaagad na tumugon ang A.I. Mamaya-maya ay bigla na lang may nag-play at doon, rinig na rinig na niya ang sinasabi.

May naririnig siyang boses ng dalawang lalaki at isang boses ng babae na parang sumisigaw. Hindi niya makilala kung sino ang mga ito at hindi niya alam kung bakit ito ang sumulpot sa computer niya.

Saka lang siya natigilan dahil sa paulit-ulit na pagbanggit ng boses ng babae sa pangalan na 'Max'.

Nanlaki ang mga mata niya sa naririnig. May mga namumuong teorya sa isip niya pero ni isa roon ay hindi siya sigurado kung totoo.

'Posible kayang...?'

"Lucina! Where the hell did this recording came from?!" hindi mapigilang sumigaw dahil nagsisimula siyang kabahan at kutuban sa nangyayari.

"It's from the past, Theresa and according from what I depicted, Max is in there and he needs you to pull him here in the future."

"What?!" hindi makapaniwalang tugon niya.

Muli niyang sinilip ang message na nasa computer niya. Lalo tuloy siyang nataranta dahil sa sinabi ng A.I.

Mabilis siyang nagtipa sa kaniyang computer upang i-proseso at sagutin na rin ang nagpadala sa mensahe. Kung sinuman 'yon.

Dahil nasa nakaraan si Max ay wala siyang magagawa kundi maghintay na higupin siya ng time machine.

Wala siyang machine na maaring makapaghigop ng isang bagay mula sa nakaraan.

Sa ngayon, nasa kamay ng mga taong nagpadala ng mensahe kung makakauwi si Max.

in the past

"Someone's receiving the signal. We have to unplug the circuits, Dad," paalala ni Gavin nang mapansing naipadala na ang mensahe sa kabila.

"Alright, son. On my signal, you turn down the circuits," tumango lang si Gavin at hinanda na ang pagpihit.

Nag-aabang si Gavin sa signal ng tatay niya habang pasulyap-sulyao naman ang matanda na parang tinatantiya ang bawat segundo na lumilipas.

"Almost there... and now!"

Sa sinabing 'yon ng matanda ay biglang mawala ang kuryente at ang liwanag sa paligid. Tumigil na rin sa panginginig ang katawan ni Max.

Agad tumakbo si Idris sa kinauupuan ng kapatid at dali-dali niya itong sinipat.

Hahawakan na sana niya ito pero ilang gahibla pa lang ang kamay niya sa balat ni Max ay napa-aray na siya.

"Umuusok ang katawan niya! What the hell did you do to him?!" galit na tanong ni Idris sa mag-ama. Hindi niya mapigilan ang kaniyang emosyon dahil sa sinapit ng kapatid.

Kung titingnan ay aakalaing patay na si Max. May mga lumalabas na usok sa katawan nito dahilan para pagpawisan ang buo niyang katawan. Ni hindi niya malaman kung buhay pa ba ito o hindi na.

Dahil sa makabagong monitor nina Gavin ay nalaman ni Idris na stable naman ang heartbeat ni Max. Ang ibig sabihin ay success ang nagawa nila.

Ngunit sa oras na iyon, alam niyang kailangan na niyang magpaalam sa kaiyang kapatid dahil babalik na ito sa kung saan siya nararapat.

Wala mang malau si Max ay mas pinili niyang tumabi rito para kausapin ito.

Nagsimulang tumulo ang luha niya at nanginig ang kaniyang mga kamay.

"Max, kung naririnig mo ko sana malaman mo na...kahit saglit lang tayo nagkita at nagkakilala, alam ko sa puso ko na kapatid kita. Ingatan mo ang sarili mo at tandaan mo na mahal na mahal kita," humagulgol si Idris habang hawak ang kamay ni Max.

Wala siyang pake kung mainit pa rin ang katawan nito, ang mahalaga ay mahawakan niya sa huling pagkakataon ang kapatid.

Hinalikan niya ang ulo nito at hinawi ang iilang mga hibla ng buhok na nakatabing sa noo.

"Hija, tama na 'yan. Malapit na ang oras, baka hindi siya maabutan." babala ng matanda at saka niya hinawakan ang balikat ni Idris na parang sinasabing magiging maayos lang ang lahat.

Wala man magawa ay unti-unting binitawan ni Idris ang kamay ni Max.

"Safe travel, Max. Please, don't come back ever again."

Napaatras siya dahil alam na niya ang susunod na mangyayari. Sa oras na pindutin ni Gavin ang switch na siyang puwersahang hihigop sa katawan ni Max ay tapos na ang lahat.

Napakagat-labi na lang siya at tumulo muli ang kaniyang luha ng tuluyang pinindot ni Gavin ang button.

Kitang-kita niya kung paano naglaho na parang bula ang katawan ni Max papasok sa portal.

Humangin ng malakas sa loob ng silid, umugong ang kinatatayuan nila at maririnig ang matinis na tunog.

Napapikit na lang ang tatlo nang biglang lumiwanag sa huling pagkakataon ang time machine.

Ang machine kung saan una at huli niyang nakita si Max.

"Goodbye, Max. May we meet again in the future."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status