Share

/LDR-4/

IDRIS

Napabalikwas ako ng bangon at habol-habol ko ang hininga ko. Napahawak ako sa iba't-ibang parte ng katawan ko nang maalala kong naaksidente kami ni Naya mula sa sinasakyan naming kotse.

"Buhay ako...pero papaano?" Wala sa sariling sambit ko kaya bigla akong napatingin sa suot-suot kong damit at agad nanlaki ang mata ko nang ito ang suot ko noong nakaraang araw pa.

Napasabunot ako sa buhok ko at pabalik-balik akong naglalakad habang nasisimulang magsisulputan ang mga nangyari simula noong gabing una akong namatay.

Dapat patay na ako pagtapos no'n pero bakit buhay pa rin ako?

"This is not happening..." Nagpalakad-lakad ako habang kagat-kagat ang kuko, hindi mapakali at lubos na naguguluhan kung anong nangyayari.

"Idris, bumangon ka na! Aba, tulog mantika ka talaga kahit kailan!" Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Naya.

That exact same words. Again. Napapikit ako ng mariin 'saka kinalma ang sarili bago tuluyang buksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang nakabusangot at nakapameywang na si Naya. "Buti naman at gising ka na," wika nito pero napakagat-labi lang ako dahil sa kaalamang lahat ng sasabihin niya ay alam ko na.

"Ang unfair mo talaga, bakit kahit ang gulo-gulo ng buhok mo at may laway ka pa sa labi, ang ganda-ganda mo pa rin?" Tanong niya sabay yugyog sa balikat ko.

Hindi ako umimik sa sinabi niya at sa halip ay hinawakan ko ang kamay niya 'saka siya tinitigan sa mga mata. Kailangan kong malaman ito mula sa kaniya. Baka kasi pinaglalaruan lang ako ng isip ko o bala nagkaroon lang ng glitch ang utak ko kaya nag-malfunction ito dahilan para hindi ako makapag-isip ng diretso.

"Stop talking." Pagpapatahimik ko rito. Napabuka naman ang bibig niya na parang may sasabihin pero agad niya itong tinikom at tumango na lang.

"Sagutin mo ko ng maayos. Anong nangyari kagabi?" seryosong tanong ko.

"What?" nagtatakang tanong nito na ikinabuntong hininga ko. "Look, just answer me okay?" giit ko.

"Okay, chill. Pumunta tayo sa sa bahay nina Stella kagabi dahil birthday niya. 'Diba nandun pa yung ex mong si Atlas? Gusto pa nga niyang makipagbalikan sa'yo pero sinigaw-sigawan mo lang siya sa harap ng maraming tao kaya 'ayun, nag-walk out ang lolo mo. Teka nga, bakit mo ba tinatanong 'yan? Don't tell me, nagka-amnesia ka?" mahabang paliwanang nito.

Mas lalo naman akong naguluhan. Parang naalog ang utak ko sa sinabi niya. Pero hindi 'yun ang nangyari kagabi. It was supposed to happened two days from now. How is that even possible?

"Hindi. Noong isang araw pa 'yun nangyari," depensa ko rito dahilan para kunot-noo niya akong tinignan.

"Anong bang pinagsasabi mo? God, Idris. You're freaking me out." pahayag niya ng may pangamba sa kaniyang mukha.

"Oh, God. I think I'm going crazy..." bulalas ko. Naipahid ko na lang ang kamay ko sa mukha ko dahil sa frustration at stress na nararamdaman.

If I told her what I was going through, she wouldn't understand it anyway. Baka isipin pa niyang nababaliw na ako at sabihing kung ano-ano ang pinagsasabi ko na wala namang katuturan.

"Hey, what happened to you really? Come on, tell me." nag-alalang sabi nito habang pilit niya akong pinapaharap sa kaniya.

"You wouldn't believe me if I told you." Nanghihinang tugon ko pero hinawakan niya lang ang kamay ko. "Sabihin mo sa'kin kung anong problema mo." pilit niya.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "It might sound crazy but...I've already lived this day, the exact same day," panimula ko. Hindi naman siya umimik at sinenyasan ako na magpatuloy sa pagsasalita.

"Nangyari na 'tong araw na 'to ng pang-apat beses na. Pangatlong beses na rin akong namatay at kapag nagigising naman ako ay nandito pa rin ako sa kwarto, in the same day. Same clothes and same time. I keep dying when the day ends. I don't know that the hell's going on with me. I-I just don't know what to do anymore." paliwanang ko rito. Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa naiisip. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya sa sinasabi ko.

Pero kailangan ko 'tong sabihin sa kaniya lahat dahil kung hindi ay baka tuluyan na akong mabaliw.

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay nagsalita na rin siya dahilan para iangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko. "That's...messed up. Imposible 'yang mga sinasabi mo pero base sa kinikilos mo ay alam ko na nagsasabi ka ng totoo."

"I know. Feeling ko mababaliw na ko ngayon pa lang. Pero paano kung magpatuloy pa 'to hanggang sa susunod na araw o sa susunod pang linggo?" Napaupo na lang ako sa kama habang marahang hinihilot ang sentido.

Itong nararanasan ko ay hindi biro. I keep reliving the same day over and over again. Hindi ko maiwasang isipin na may nagawa ba akong matinding kasalan kung bakit nangyayari 'to? Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng ginawa kong pagkakamali sa araw araw kong pamunuhay? Dahil kung oo, aba't sobra sobra naman 'ata ang kaparusahan ko.

But...what if someone is messing up in my timeline and controlling what's going to happen to the past and the present? Pero imposible naman 'yun. That's far more beyond science.

Oo, posibleng konektado ito sa siyensiya pero wala naman akong alam ni katiting sa bagay na 'yun. Malayong-malayo yun sa course ko na Medical Technology. Ang alam ko lang ay kumuha ng dugo, gumamit ng microscope at iba pa.

Naiisip ko pa lang na mararanasan ko ito sa araw-araw eh parang masisiraan na ako ng mabait, paano pa kaya kung hindi na ito matapos?

Wala naman akong kakilala na pupuwedeng tumulong sa'kin kung sakali man.

Ugh, this is so frustrating. I don't know what to think anymore.

Pero hindi puwedeng ganito ako habang buhay, hahanap ako ng paraan para maalis ako rito sa time loop o kung ano man ang nangyayari.

"I think it's pretty cool though." biglang bulalas ni Naya dahilan para matigilan ako sa naiisip at nagtatakang napatingin sa kaniya.

"What the hell are you saying? This time freaking loop is not cool at all. Kung ikaw kaya ang nasa pwesto ko anong mararamdaman mo?" inis na saad ko rito.

Nakita na nga niyang nahihirapan na ko sa sitwasyon ko tapos sasabihin niya na ang cool ng nangyayari sa'kin? Seriously?

"Whoa, chill. That's not what I meant. Geez." depensa nito. Lumakad ito sa harapan ko at doon tumayo. "Don't you get it? If this keep happening the same day, you can do whatever you want and whenever you want. Ikaw na rin ang nagsabi na when the day ends, it's all the same once you wake up." paglilinaw niya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. She has a point tho. Kung ganito lang rin naman ang mangyayari sa akin, might as well enjoy it. Mamamatay din naman ako pagsapit ng gabi.

'Gaya nga ng sinabi niya, magagawa ko lahat ng gusto ko sa loob ng isang araw at kinabukasan, lahat ng ginawa ko ay parang hindi nangyari.

Pero...tama ba na magpakasaya ako sa kabila ng nangyayari sa akin? Wala naman sigurong mawawala kung magsaya ako 'diba? Wala namang masama kung gawin ko ang lahat ng hindi ko nagagawa noon.

With that silly thought, a smirk formed in my lips.

"Uh-oh. I know that smirk. Wait, don't tell me sineryoso mo 'yung sinabi ko kanina?" kinakabahang tanong nito.

"You're right, Naya. I will do anything I want and no one will stop me." nagngingiting sabi ko rito.

Her lips formed an 'O' as she heard what I said at napangiti rin siya sa sinabi ko.

"Let's skip school. We're going out."

-----

"Now we're here. Ano namang pumasok sa isip mo at inaya mo kong mag-mall? And mind you, we freaking skip school!" bulalas nitong wika.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa loob ng mall at naghahanap ng boutique shops. Puro kasi pag-aaral ang inaatupag namin at wala kaming time para gumala kaya kinumbinsi ko siya na pumunta rito para gawin ang mga bagay na hindi namin nagagawa.

"You're aware that I'm stuck in some alternate reality, right?" tanong ko rito. Tumango naman siya sa sinabi ko.

"Well if I was going to relive the same day over and over, I'd want it to be a day that would make a difference. We're gonna spend our money, we're gonna buy clothes, eat in a fancy restaurants, buy some stuffs. Alam ko naman kasing kahit anong gawin ko, mababalewala ang lahat ng 'yon pagkatapos ng araw na 'to." paliwanang ko sa kaniya. Napaisip naman siya sa sinabi ko at mahinang napatango.

"I get it now. But are you sure that your plan is going to work? What if the day comes tomorrow, it's not the same anymore?" tutol ma tanong niya.

"E, ano naman? At least nag-enjoy tayo once in our lifetime, right?" nakangiting wika ko rito.

Naglibot kami sa mall at pumunta sa iba't-ibang shops. We bought shoes, accesories, bags and clothes at pagkatapos ay naghanap kami ng isang restaurant na makakainan.

Parehas kaming napagod dahil kanina pa kami palakad-lakad plus ang dami naming dala kaya ang ending kumain kami.

We talked about our lives as we eat. We laugh and chat like there's no tomorrow and somehow this bonding gives me importance to our friendship. I just realized how lucky I am to be Naya's friend because no matter what, she's always there for me when I need her. We held each other's back when one of us had a problem and that's what I love the most.

"O, ito. Anong tawag sa gulay na maputi?" natatawang tanong nito. Nagbibiruan kasi kami at tinatanong ang isa't-isa. Kapag mali ang sagot ay siyang babatukan. How childish is that?

"Labanos? Singkamas? I dunno." kibit-balikat na sagot ko. 'Yun lang naman ang maputing gulay diba?

"Engk! Mali! Edi, putito! Gets mo? Pu-ti-to!" tugon niya at 'saka tuluyang humalakhak. Hindi ako natatawa sa joke niya dahil mas natatawa ako sa tawa nito. Kapag tumawa kasi ay wagas at kita ang ngala-ngala niya. Kaya ang sarap niyang patawanin, e. Nakakabuo ng araw.

Mangiyak-ngiyak ang itsura niya at nanghihina itong tumigil sa pagtawa pero wala pang ilang segundo ay tumawa ulit ito kaya napailing na lang ako.

Saktong ngumunguya ako ng pagkain ng maramdaman kong hindi ako makahinga. Bumara ang kinakain ko sa lalamunan ko at hindi ko ito malunok-lunok. Inabot ko ang tubig para uminom pero hindi pa rin ito maalis sa halip ay mas lalong nahirapan akong huminga.

Napansin naman ito ni Naya kaya nag-panic siya at nilapitan ako. Naalerto rin ang mga tao sa paligid at nakita kong napapaligiran na ako pero wala roon ang atensiyon ko.

Hinahampas ko ng hinampas ang dibdib ko, nagbabakasakaling masuka ko ang nakabara pero walang nangyayari.

Habol-habol ko ang hininga ko ng may pumunta sa likod ko at itinutok ang kamay niya sa may bandang baba ng dibdib ko at malakas niya itong pinisil patalikod.

Nawawalan na ko ng hangin pero tuloy-tuloy lang ang pagpisil sa may tiyan ko pero hindi nito mailabas ang nakabara roon.

Hindi ko na ito nakayanan pa at tuluyan na akong nalagutan ng hininga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status