Share

/LDR-9/

THIRD PERSON

"Hurry up, honey! We're gonna be late!" sigaw ng isang babae na nakabihis ng office attire habang inaabangan ang anak na bumaba.

Samantalang aligaga naman sa pag-asikaso ang lalaki sa kaniyang necktie na hindi niya maayos-ayos kanina pa.

Napansin naman ito ng babae na kaniyang asawa at nilapitan niya ang lalaki at ito na ang nag-ayos.

Nang matapos ay nagpasalamat ang lalaki rito na nginitian lang ng babae. Mamaya-maya ay humahangos na bumaba ang isang batang lalaki na gulo-gulo pa ang uniform at nakabaligtad pa ang sapatos.

Gulat na napatingin ang mag-asawa sa anak nila at nagkatinginan na lang. Parehas silang natawa dahil sa nakangusong itsura ng bata dahil sa kamamadali nito.

"Mommy, I told you to wake me up in 8'oclock, not 7:30! I'm late na po tuloy!" Nagpapapadyak na reklamo ng bata dahilan para mataranta ang mag-asawa dahil late na nga ang anak nila sa school.

"Oh, honey. I'm so sorry. Next time I will wake you up earlier than that, okay?" paumanhin ng kaniyang Mommy pero ngumiti lang sa kaniya ang anak at 'saka siya nito hinalikan.

"It's okay, Mommy. I still love you, anyways." nangingiting saad nito dahilan para lumitaw ang malusog nitong pisngi at iilang bunging ngipin dahilan para maging cute ito lalo.

"Alright, you two. Come on, we're all late!" sabat ng lalaki kaya nagsikilusan naman ang pamilya at kaagad na nagtungo sa kanilang sasakyan 'saka nagmaneho paalis.

Pagkarating nila sa school ng anak ay binilinan muna nila ito bago sila umalis.

"Honey, your Dad and I are going to pick you up later. Wait for us to get back, okay?" bilin ng babae sa anak na siyang ikinatango ng huli.

"And remember, don't talk to strangers." dugtong pa nito sabay hinalikan ang bata sa ulo gayo'n din ang ginawa ng lalaki.

Hinintay muna nila na makapasok ang bata sa loob ng gusali bago sila tuluyang umalis.

-----

Ilang oras nang nakaupo ang bata sa isang bench sa kanilang school. Iilang mga magulang na rin ang nakikita niya na sinusundo ang kanilang mga anak. May pangilan-ngilan na tinitingnan siya pero wala roon ang atensiyon niya.

Nasan ang kaniyang Mama at Papa?

Hanggang sa naging kakaunti na ang tao ay hindi pa rin dumadating ang kaniyang mga magulang dahilan para lubos siyang magtaka. Gusto niyang umiyak dahil sa lungkot pero pinigilan niya ito dahil ang paalala ng Mommy niya ay hintayin sila.

Naghintay pa siya ng ilang oras doon pero hindi siya umalis dahil na rin sa bilin ng Mommy.

Mamaya-maya ay may nakapansin sa kaniyang guro. Nagtataka niyang tiningnan ang bata na nakaupo at nag-iisa, walang kasamang mga magulang kaya napagpasiyahan niyang lapitan ito at kausapin.

"They said they're coming and I'm going to wait here until they pick me up." mariing sambit ng bata dahilan para mapakamot sa ulo ang guro.

Sinabi ng guro sa kaniya na sasamahan na lang niya ito hanggang sa makarating ang mga magulang niya kaya naupo siya sa tabi ng bata at doon parehas silang naghintay.

Dahil nakita na ng guro ang bata ay awtomatikong responsibilidad niyang bantayan ito habang wala pa ang kaniyang mga magulang.

Isa pa, ayaw naman niyang iwanan ang bata na mag-isa lang dahil baka kung mapaano pa ito.

Pagkalipas ng ilang minuto ay may tumawag sa cellphone ng guro kaya kaagad niya itong sinagot. Isa itong unknown number kaya hindi pa siya sigurado kung sasagutin ba niya ito o hindi. Sa huli ay pinili niya itong sagutin.

Gano'n na lang ang gulat niya ng marinig ang sinabi sa kabilang linya. Napatakip siya sa bibig sa nalaman kaya napatingin siya sa batang katabi niya na inosenteng nakatingin sa kaniya at nakikinig pala sa usapan.

Dahil bata pa ito ay walang itong kamuwang-muwang sa nangyayari kaya hindi niya ito masyadong pinansin. Nang matapos kausapin ng guro ang nagpakilalang pulis ay naaawa siyang napatingin sa bata na hinihintay siyang magsalita.

"Is that my parents? Are they coming over here now?" excited niyang tanong pero taliwas ang nararamdaman ng guro habang dahan-dahan itong umiling.

"Sweetie, your parents are in the hospital. They were in an accident."

-----

"Hey," bati ni Max sa babae pagkapasok nito sa loob ng kanilang bahay.

"Hey," matipid na bati nito pabalik.

Napangiti na lang ng mapait si Max dahil sa pare-parehas na tugon nito sa tuwing nag-uusap sila. Ang malamig nitong pakikitungo at ang matipid nitong pagsasalita sa kaniya.

"So, remember the contest that I've been telling you? Good news is I---" panimula ni Max sa sasabihin niya pero tumikhim lang ang babae na parang hindi interesado sa kahit anong sasabihin niya.

"Look, I'm gonna be late. Can we just talk about it later when I got home? I really need to go." malamig nitong tugon nang hindi sinusulyapan si Max.

Isa siyang laboratory scientist sa isang sikat na kumpanya sa kanilang lugar---ang Hepburn Laboratories. Dahil na rin sa angking talino at kagustuhan na makamit ang gano'ng trabaho ay nakapasok siya roon.

Bukod sa pagiging scientist ay may isa pa siyang pinagkakaabalahan. Ilang taon na niya itong ginagawa at inaayos ng palihim. Aksidente niya kasi itong nadiskubre isang araw habang nasa laboratoryo at doon nagkaroon siya ng kakaibang ideya na posibleng gawin ang bagay na iyon.

Wala siyang pinagsabihang iba sa tinatrabaho niya maski ang sarili niyang kapatid. Pasekreto niya itong ginagawa sa patagong bahagi ng kanilang bahay.

Kinuha ng babae ang kaniyang scarf na nakasabit sa estante sa tabi ng pinto at 'saka ito pinalibot sa kaniyang leeg paikot. Pagkatapos ay kinuha nito ang tumblr mula sa ref at 'saka dinaanan ang susi ng sasakyan mula sa ibabaw ng ref.

Natutop naman sa kinatatayuan si Max at wala siyang magawa kundi manahimik at tumango kahit labag sa kaniyang kalooban.

"Yeah, you always said it like every time." Mapait na pahayag ni Max kaya nalabuntong-hininga naman ang babae.

"I don't have time for this, Max."

"Hanggang kailan ka ba magiging ganito? Ha? Treating me coldly, not talking to me? You can't even look me in the eye! Tell me, dahil ba 'to sa nangyari non'g gabing 'yon?" bulyaw sa kaniya ni Max na humarang pa sa dadaanan ng babae dahilan para matigilan ito.

"Don't you dare start it, Max! Now, get out of my way!" singhal sa kaniya ng babae kaya hindi makapaniwala niya itong tiningnan.

Hindi niya maiwasang mapaluha dahil sa inaakto ng kapatid. Sa tingin niya ay hinding-hindi na sila magkakaayos pa dahil sa nangyari.

"I'm sorry..." mahinang sambit ni Max dahilan para matigil sa paglalakad ang babae at nilingon siya nito.

"I know I already said it for a hundred time but I'm so, so, sorry, Ate. No'ng nangyari 'yung gabing 'yon? Hindi ko 'yon ginusto... kaya sana mapatawad mo na ko..." muling wika ni Max habang nakatingin sa babae.

Napayuko lang ang babae at sa halip na magsalita ay mas pinili niyang manahimik. Baka kasi kapag nagsalita siya ay mag-away lang sila at lalong lumala ang lahat.

"I gotta go. I left some food in the fridge in case you're hungry." tanging tugon niya 'saka tuluyang sumakay sa kotse at nagmaneho paalis.

Naiwang mabigat ang loob ni Max dahil sa inakto ng kapatid. Pinilit niyang pihilan ang pag-iyak at 'saka pinunasan ang luha.

"I wish that one day, you'll forgive me."

'Saka siya pumasok sa loob at sinara ang pinto.

Naglalakad siya sa hallway pabalik nang mahagip ng mata niya ang kwarto ng kapatid na nakabukas ang pinto.

Nagtaka siya dahil sa tuwing umaalis ito ay sinigurado ng kapatid na naka-lock ang kwarto kapag papasok ng trabaho. Kabilin-bilinan pa naman ng kapatid na 'wag na 'wag siyang papasok sa kwarto nito ng walang permiso. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw na ayaw siya nitong papasukin doon.

Hindi naman niya magawang magtanong sa kaniya dahil malayo ang loob nila sa isa't-isa at mabibilang lang sa darili kung sila ay mag-usap.

Hindi na sana ito papansinin ni Max at isasara na sana niya ang pinto ng biglang mag-vibrate ang sahig.

Napakapit siya sa dingding dahil ang akala niya ay lumilindol pero hindi naman gumagalaw ang mga gamit at hindi nagbibitak ang sahig. Nalaman na lang niya na ang sanhi ng vibration ay nanggagaling sa loob ng kwarto ng Ate niya.

Nagdalawang-isip pa siya kung papasok ba siya o hindi dahil sumulpot sa isipan niya ang paalala ng kapatid pero sa huli ay pinili niyang tuluyang pumasok sa loob.

Sa isip niya ay sisilipin lang naman niya ang loob ng kwarto at alamin kung ano ang kakaibang makikita roon at 'saka aaalis na pagkatapos.

Nagtataka rin kasi siya sa kinikilos ng Ate niya nitong nakaraang taon. Pansin niya na lagi itong nagpupuyat at parang busy sa kung anong bagay na parang may ginagawa tuwing gabi.

Sa tuwing dadaan siya sa kwarto nito ay nakakarinig na lang siya ng kalabog at parang kuryente sa loob pero ipinagkibit-balikat na lang niya ito at inisip na normal lang na mag-ingay ang kapatid niya dahil isa itong scientist na gumagawa ng kung ano-ano na may kinalaman sa siyensiya.

Pero ngayong wala sa bahay ang Ate niya ay naisip niyang ito na ang pagkakataon para alamin kung anong pinagkakaabalahan ng kapatid sa loob ng mahabang panahon.

Pagkarating niya sa kwarto ay 'saka nawala ang ingay na pinagtaka niya. Naguguluhan siyang nagmasid sa loob ng kwarto. Imposible kasi na mawala ang ingay dahil kanina ay naramdaman niya pa ang pagyanig ng lupa na nanggaling sa loob ng kwarto.

Nag-ikot ikot siya sa paligid, nagbabakasakaling baka may kakaibang device na nandoon na nakatago o kaya ay pintuan. Nang aksidente niyang masagi ang isang nakasabit na frame dahilan para tumabingi iyon.

Gayon na lang ang gulat niya ng may isang pintuan na lumitaw sa dingding. Walang alinlangan niya itong binuksan at tumambad sa kaniya ang madilim at mahabang pasilyo na hindi niya alam kung saan patungo.

"Okay, let's see what you got here, sis." sambit niya saka tuluyang naglakad sa pasilyo.

Bahagya pa siyang nagulat ng bawat paglakad niya ay ubti-unti ring nagbubukas ang mga ilaw sa itaas at gilid na mistulang sinusunod siya nito.

Nang makarating sa dulo ay nagtaka siya dahil isa lang itong purong pader lamang. Halos ikutin niya ang bahagi ng pasilyo pero wala siyang makitang bukasan. Nakaramdam siya ng inis dahil mukhang mautak ang Ate niya at hindi siya basta-bastang makakapasok sa loob ng gano'n lang.

Dahil sa inis ay nahampas niya ang pader sa harap at doon, unti-unting gumilid ang pader sa magkabilaan at tumambad sa kaniya ang malawak na bulwagan.

Isa itong malawak at mataas na kwarto. Maliwanag sa loob at purong puti ang gamit doon kaya hindi niya maiwasang mamangha sa nakikita. Maraming hindi pamilyar na bagay ang makikita roon.

Mayroon ding malapad na mesa sa gitna na may nakapatong na mga computers. May mga estante sa gilid na punong-puno ng mga hindi niya mawaring kagamitan.

Pero napukaw ng atensiyon niya ang bagay na nakapwesto sa gitna. Wala siyang kaide-ideya kung ano ang istrukturang iyon kaya naman ay dahan-dahan niya itong nilapitan para makita ang kabuuan ng kakaibang bagay.

Mayroon kasing tatlong malalaking bilog sa gitna na mistulang konektado sa kisame at sa gitna nito ay may bilog at lahat ng ito ay napapalibutan ng malaking glass cage.

'Di kalayuan mula sa malasalamin na kulungan ay nakapwesto roon ang isang mistulang mesa na kasintaas ng baywang niya. Nagliliwanag ang gitna nito kaya tiningnan niya ito para malaman kung ano 'yon.

Kunot-noo niya lang itong tinitigan at hindi niya mawari kung anong gagawin doon kaya naisipan niyang maghanap kung anong pwedeng makapag-activate sa bagay na nasa loob ng glass cage.

Nasagi ng kamay niya ang bagay sa gitna kaya naman ay biglang may lumitaw na hologram sa harapan niya. Isa itong human hologram na naka-program.

Nanlalaki ang mga mata ni Max na napatingin dito. "Woah..."

"Welcome aboard. Good day, Max." biglang bulalas ng hologram kaya lalong naguluhan si Max.

"You know me?" nagtatakang tanong niya rito.

"Of course, I know you. You're Max Egan. Adoptive brother of Theresa." sagot nito dahilan para lalong kumunot ang noo ni Max.

Ang hologram na nasa harap niya ay kilala siya. Pero paano siya nito nakilala 'gayong ngayon niya lang ito nakita?

"Okay. Who are you?" walang kasiguraduhang tanong nito sa nagsasalitang programmed hologram.

Hanggang ngayon pa rin kasi ay namamangha pa rin siya sa bagay na ito.

"My name is Lucina. An interactive artificial conciousness, programmed to operate this chamber's system." sagot nito. Napanganga siya dahil sa impormasyong narinig.

"An A.I." manghang sambit niya sa sarili. Hindi niya kasi inaakala na makakakita siya ng gano'n sa totoong buhay.

'Saka niya lang napagtanto ang sikreto ng kaniyang kapatid. Dito pala siya laging pumupunta kapag hinahanap niya ito sa bahay. Mukhang importante ang ginagawa niya sa kwartong ito at 'yon ang hindi niya alam kung ano.

Pagkatapos kausapin ang hologram na nagpakilalang 'Lucina' ay nagtungo siya sa glass cage at pinagmasdan ito ng malapitan. Sa loob ng mahigit isang taon ay ito ang pinagkakaabalahan ng kapatid niya at hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa o kung para saan ito.

Napatingin siya kay Lucina at naisipang magtanong dito. Nagbabakasakaling baka alam nito ang bagay na nasa loob ng glass cage.

"Theresa, what's this thing here?" tanong nito habang patuloy na tintingnan ang bagay sa loob.

"That is the machine that you're sister has been trying to build and develop. She named it 'Time Accelerator Traveling Machine' or also known as Time Machine." sagot nito kaya lubos siyang nagulat sa narinig niya.

She made all of this by herself? But why?

"That machine will allow you to travel in time. Even in the past or in the future."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status