Share

/LDR-17/

THIRD PERSON

Pagkatapos nang sagutan at pag-aayos ng magkapatid ay hindi muna sila nagkibuan ng ilang oras. Tahimik at malalim ang iniisip ni Max habang nakaupo sa kaniyang kama.

Kanina, napagpasyahan ni Theresa na tuluyang i-secure ang kaniyang buong kwarto para hindi na tuluyang makapasok ni Max. Sa kagustuhang magkasundo sila ng kapatid ay walang nagawa si Max kundi sumang-ayon sa gusto nito.

Pinalitan ni Theresa ang password sa secret chamber ng kwarto niya at ni-lock pa nito ang pintuan kaya imposible talagang makakapasok pa roon si Max.

Lingid sa kaalaman ni Theresa ay marunong mag-hack si Max kaya marami siyang kaalaman pagdating sa mga ganoong bagay. Ngunit nagdadalawang-isip si Max kung papasukin niya ang kwarto ng kapatid gayong kakasundo lang nila.

Nais ulit ni Max na bumalik sa nakaraan para pormal na makapagpaalam sa kaniyang mga magulang at humingi ng tawad sa kaniyang kapatid (Idris) sa lahat ng nagawa nita rito.

Pagkatapos no'n ay nangangako siya na hinding-hindi na niya gagalawin ang machine. Sana lang ay hindi siya mahuli ng kapatid kundi paniguradong mag-aaway na naman sila.

Tumayo na siya at malalim na humugot ng hininga bago tuluyang naglakad papunta sa kwarto ni Theresa.

Gamit ang kaalaman ay madali niyang nabuksan ang pintuan sa pamamagitan ng pick-lock na sisiw lang sa kaniya.

Sunod ay ginalaw niya ang frame na nakasabit sa dingding katulad ng lagi niyang ginagawa at dahil doon, bumungad ang isa pang pinto na maghahatid sa kaniya patungo sa laboratoryo.

"Shit, there's a passcode." sambit niya sa sarili pagkatapos mag-error ang unlock detector ng pipihitin na sana niya ang doorknob.

Napangisi na lang siya nang may maisip. Kung hindi niya mabubuksan ang pintuan na may passcode ay may iba pang paraan para roon.

Nagmamadali siyang bumalik sa loob ng kaniyang kwarto at hinablot ang nakalapag niyang laptop sa kama at 'saka siya bumalik sa loob ng kwarto ng kapatid.

Kinuha niya ang connector at kinabit ito sa kaniyang laptop samantalang ang kabilang dulo ay kinonek niya sa loob ng passcode detector device.

Nagsimula siyang magtipa ng kung ano-ano mula sa kaniyang laptop. Lumabas doon ang sari-saring mga numero at letra na halos hindi niya mabasa dahil sa bilis mapalitan.

Pero kahit gano'n ay himalang naiintindihan niya ang nagaganap sa screen ng kaniyang laptop ay mamaya-maya ay may lumabas na series ng iba't-ibang number at nagsimula itong mag-shuffle.

Nakalagay dito ang salitang "passcode processing" habang pasalit-salit ang pagpalit ng mga letra at numero.

Nang matapos ay lumabas ang numerong "814690" na sa tingin niya ay 'yun na ang passcode kaya mabilis na bumukas ang pintuan matapos ma-access ang code mula sa kaniyang laptop.

Tuwang-tuwa siyang pumasok sa loob bitbit ang laptop at 'saka naglakad sa mahabang corridor. Sa bawat pagdaan niya ay unti-unti ring nagbubukas ang mga ilaw sa kaniyang paligid na mistulang sinusundan siya.

Nang nasa harapan na niyang muli ang pinakahiling pintuan ay napapikit na lang siya. Nagtatalo kasi ang isip niya kung gagawin niya ba talaga ito o hindi.

Pero naisip niya na huli naman niya ito kaya bakit hindi pa siya tutuloy? At isa pa, nandito na siya sa harapan at wala nang atrasan kaya sa huli ay muli niyang hinarap ang pintuan.

Katulad ng inaasahan niya ay hindi kusang nagbukas ang pintuan dahil mayroon na naman itong passcode na mas mahirap buksan at i-hack.

Sinubukan niyang magtipa ng random number sa passcode set pero hindi pa rin ito nagbubukas. Sinubukan niya na rin ang birthday ng kapatid, ang araw kung kailan siya pinanganak at ang araw kung kailan siya grumaduate ay wala pa ring nangyayari.

Dahil sa inis ay napaupo na lang siya sa sahig dahil mukhang wala na siyang pag-asang makapag-travel muli sa nakaraan.

Makapagpaalam man lang siya sa kaniyang kapatid sa nakaraan dahil sa pinakita nitong kabaitan sa kaniya kumpara sa pinapakita nito ngayon sa kasalukuyan.

Magkaiba ang ugali ng kaniyang kapatid kaysa ngayon sa nakaraan. Hinihiling niya na sana at mapatawad na siya nito sa nangyari sa kaniyang ina para muling bumalik sa dati ang ugali nito.

Naniniwala siyang darating din ang araw na mawawala na ang galit nito sa kaniya.

Dismayado man ay bagsak ang balikat siyang naglakad pabalik mula sa kwarto dahil sa hindi siya nagtagumpay na buksan ang pintuan.

Napaupo na lang siya sa kama at sinapo ang mukba dahil sa frustration na nararamdaman.

Pero bigla na lang siyang napatayo ng makaisip ng ideya. Hindi lang niya sigurado kung gagana nga ito.

Muli siyang bumalik sa corridor at pumunta sa harapan ng pintuan na parang hinihintay siyang makapasok na sa loob.

"Please work." pikit mata niyang sambit bago niya hinanda ang kamao at malakas na sinuntok ang power circuit na nagkokonekta sa pinto.

Napadaing siya sa sakit dahil sa ginawa pero ininda niya lang ito lalo na nang makita niyang nag-react ang mga wire at ilang segundo pa itong binalot ng kuryent bago tuluyang matagumpay na bumukas ang pinto.

"It worked!"

Hindi niya maiwasang matuwa dahil sa nangyari pero kaagad din siyang mapatigil ng indahin ang dumudugo niyang kamay.

Pinunit niya ang laylayan ng kaniyang damit at 'saka ito ipinangbalot sa kamay na nagdurugo para maibsan ang sakit nito.

Binalik niya ang oanibgin sa harapan at inilibot ito bago tuluyang dumako ang tingin sa machine sa pinakagitna ng loob ng lugar.

"Okay, Max. This is it. Just one more travel and it's all done."

-----

IDRIS

Kakaisip ko, hindi ko namalayan na tuluyan na pala akong nakatulog at napunta na naman sa parehas na araw. Sa halip na bumangon ay napapikit na lang ako dahil sa pagod.

Ilang beses ko na bang sinabi na sawang-sawa na ko? Ilang beses ko ng sinabing pagod na ko? Kahit naman anong reklamo ko hindi na maayos ang nangyayari sa'kin.

Ganito na ba talaga ako habangbuhay? Walang pag-asa na maayos ang lahat? Kung oo, anong itsura ng magiging buhay ko sa hinaharap kung sakali? Lahat ng katanungan ko ay wala ring kasagutan.

Ay ewan! Nakakabobo mag-isip.

Kahit labag sa kalooban ko, pinilit ko pa ring bumangon at magpanggap na maayos lang ang lahat.

Mukhang kakainin ko lang din ang mga sinabi ko dahil ang totoo ay wala akong ideya kung paano magsimula at anong gagawin.

Ugh. I hate my life! This is so frustrating. I'm so tired of all this bullshit that I want to give up but I just can't.

I can't just give up, you know? Alam kong mahirap ang nangyayari pero ayokong sumuko ng basta-basta.

'Yung feeling na pagod na pagod ka na pero kinakailangan mong mabuhay at lumaban? Alam niyo 'yon? Ha?

Siyempre hindi niyo alam eh wala naman kayo sa sitwasyon ko. Hmp.

Drained na drained na ang buong katawan ko. Wala na kong lakas para bumangon at magpanggap na parang walang mali sa akin.

Nawawalan na tuloy ako ng gana pumasok, makipag-usap sa mga tao dahil alam kong pare-parehas lang naman ang sasabihin at gagawin nila.

Hays, I want to die now.

Charot.

Kahit labag sa pagkatao ko ang lumabas at gawin ang mga bagay na paulit-ulit lang na nangyayari, sa huli ay mas pinili kong bumangon.

As usual, kumatok na naman sa pintuan si Naya at tinatawag ako kaya nag-ayos na lang rin ako.

Nang matapos ay tamad na tamad akong bumaba ng hagdan at kulang na lang ay gumapang ako dahil sa sobrang kabwisitan.

Naabutan naman ako ni Naya at kaagad niya akong tinaasan ng kilay dahil sa itsura ko.

"Hoy, anyare sa'yo? Puyat ka ba? Mukha kang ewan. Umayos ka nga," kunot-noong wika nito habang nakatayo sa harapan ko.

"Hey, what would you do if you're reliving the same day over and over again?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya.

Takang tiningnan niya ako, pinoproseso ang mga sinabi ko. "Huh? Sinasabi mo?"

Pero hindi ko siya pinansin sa halip ay parang wala akong ibang marinig at maramdang iba. Para akong namamanhid.

"What if you already lived this one specific day and it's just keeps repeating everytime the day ends? Huh?" Hindi ko maiwasang maiyak habang nagsasalita.

"I'm fucking tired, Naya. I just want to live normally! I want to end this stupid and fucking loop hole or whatever! Ayoko naaaa."

Nag-panic naman si Naya at kaagad akong dinaluhan at niyakap. "Jusko, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong nito sa kabila ng paghangod niya sa likod ko.

Gusto kong ilabas lahat ng 'to. Ilang araw ko ng kinikimkim ang nararamdamn ko at wala man lang akong ibang mapagsabihan dahil alam kong hindi sila maniniwala.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak ng malakas para mawala na 'yung bigat ng pakiramdam ko. I feel fucking drained.

Hindi ko alam kung bakit sa dinami ng araw na napagdaanan ko, ngayon ko lang naisipang maglabas ng sama ng loob.

This is all Max's fault! Kung hindi lang siya paulit-ulit na nagta-time travel eh hindi ko naman mararanasan ang lahat ng 'to!

But thingking of what he had said, about his parents and about her sister which is me, I can't help but to feel pity for him.

He just wanted to be loved. He just wanted to be feel how to be with someone for him.

Alam kong hindi ko siya tunay na kapatid pero may parte sa'kin na gusto siyang sumaya. I can't blame him for doing those things. He's just a kid. A sad ang lonely kid. Poor Max.

Kaya kung gusto niyang magpabalik-balik sa nakaraan para lang makita ako, them I will let him do it, just to make him happy for once.

Kung ano man ang pinag-awayan namin sa hinaharap, sana maayos namin ito.

Pero paano naman ako? Paano naman 'yung nagyayari sa akin sa araw-araw? I'm tired. Nakakasawa na.

Should I tell him to stop traveling here? Should I tell him to never come back and live his life there?

"Ano ba 'yan, Idris. Hindi ko naman alam na may mabigat kang problema. Matagal na ba 'yang nangyayari sa'yo? Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong nito 'saka niya ko pinaharap sa kaniya.

Kumuha siya ng panyo para punasan ang luha kong walng tigil na pumapatak. Wala na kong lakas para sumagot. Tanging nagagawa ko lang ay umiyak at lumuha.

Gusto kong sabihin sa kaniya lahat. Gusto kong ikwento sa kaniya ang lahat ng pinagdaanan ko pero mas pinili ko na lang manahimik dahil alam ko sa sarili ko na hindi niya rin maiintindan.

"Kung ayaw mong umalis pwede kang manatili dito. Sasamahan pa kita kung gusto mo." aniya habang hinahaplos ang buhok ko.

Kinuha ko ang panyo sa kaniya at ako na ang nagpunas ng lha ko. Umiling ako sa sinabi niya. "No, you go. Okay lang ako rito." tanggi ko sa kaniya.

Unti-unti nang kumakalma ang katawan ko at tinigil ko na rin ang pag-iyak. Suminghot muna ako bago ko siya tiningnan.

"I'm okay. It's fine really," Nginitian ko siya ng tipid. Mukhang nagdadalawang-isip pa siya pero tumango lang siya.

Niyakap muna niya ako ng matagal bago siya tumayo. "Tawagan mo ko kung may mangyari ha. Uuwi ako kaagad." wika niya.

Tumango lang ako bilang tugon kaya tuluyan na siyang umalis. Napabuntong-hinga na lang ako't napatingala.

Somehow, parang nabawasan ang bigat sa dibdib ko dahil sa ginawa ko kanina. Parang nabunutan ng kaunting tinik ang dibdib ko.

Sa ngayon, ang kailangan ko ay ang hanapin si Max. I think I should talk to him.

----

"Max!" parang tangang sigaw ko pagkalabas ko ng bahay.

Malay ko naman kasi na baka kapag nasa loob ako ay hindi niya ako marinig kaya lumabas na lang ako, baka sakalong marinig niya ako.

Alam kong nasa paligid lang siya. Hindi ko alam kung paano siya hahanapin at hahagilapin kaya naisipan kong tawagin na lang siya hanggang sa bigla na lang siyang sumulpot sa kung saan.

"Max?! Where are you?! I need to talk to you!" Pinagtitinginan na ko ng iilang mga estudyante na nakatira rin malapit dito, nagtataka sa inaasta ko.

Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagsigaw pero wala akong tugon na natanggap katulad ng inaasahan ko.

Nasaan na ba 'yung batang 'yon? Oh, right. Hindi na nga 'raw' siya bata dahil ang sabi niya, iba ang edad niya sa past at future.

I wonder kung ilang taon na siya ngayon?

Pero saan ko ba siya mahahanap?

Sa school ko siya nakita at unang nakausap kaya naisipan kong doon magtungo, baka doon ko siya matagpuan.

Pagkadating doon ay maraming tao at karamihan ay mga estudyante dahil nga intrams ngayon.

Sa gitna ng siksikan at maiingay na tunog, muli kong tinawag ang pangalan ni Max.

"Max!"

Habang naghahanap, may narinig akong nag-uusap na nakakuha sa atensiyon ko.

Mayroong tatlong sa tingin ko ay mga professor base sa suot nila na nag-uusap sa gilid.

Dahil malapit lang ako sa kinatatayuan nila ay nagpanggap akong nagce-cellphone at pinagpipindot ito habang busy ang tainga ko karirinig ng sinasabi nila.

Hindi ako chismosa, sadyang interesado lang ako sa pinag-uusapan nila. Hmp.

"Ay oo nga, Sir. Naku, kailan ba 'yon? Oo, tatlong taon na ang nakararaan. Biruin mo? Sa mismong sa underground pa niya ginawa ang imbensiyon niya? Para ano? Mapasabog ang buong bulding? Jusko, grabe talaga, buti wala pa ako rito noon. Nakakakilabot talaga." kwento ng isang babae sa dalawa niyang kasama.

Sinong pinag-uusapan nila? At bakit ba ako nag-aaksaya ng oras na makinig sa kanila?

"Hindi naman siguro niya intensiyong pasabugin ang buong bulding, Ma'am. Hindi naman niya ginusto ang nangyari. Sayang nga lang at kasama sa nasunog ang imbensiyon niya. Paniguradong, mayaman at sikat na sana siya ngayon." sagot naman ng lalaki.

"Oo nga, grabe ang talino ni Sr. Arden, ano? Nakaimbento siya ng isang time travel machine. Kahit sinong tao, hinding-hindi kayang gawin 'yon!" sabat ng isa pa.

"Eto ha, balita ko buhay pa raw si Sr. Arden. Mayroon siyang anak dito sa campus na prof din kaso hindi ko kilala kung sino."

Napanganga ako sa narinig. Patungkol ito sa time machine, big sabihin, pwede akong humingi ng tulong sa sinasabi nilang prof.

Ang kailangan ko lang gawin ay hanapin ang sinasabi nilang anak nito at sabihin kung nasaan ang propesor para makabalik na sa tamang oras si Max at para hindi na siya muling makabalik dito sa nakaraan.

Hindi ko pwedeng ipaalam 'to kay Max kung sakali dahil alam kong tutol siya pero gusto ko na talagang matapos ang lahat ng 'to.

Gagawin ko 'to mag-isa at sana bumalik na sa dati at normal ang lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status