Share

/LDR-2/

IDRIS

Nagising ako habang habol-habol ko ang aking hininga. Napatingin ako sa paligid at nalaman kong nasa kwarto pa rin ako. Akala ko kasi totoo 'yung napanaginipan ko na na-holdap kami ni Naya at parehas kaming namatay.

Napahawak ako sa noo ko dahil parang bahagya itong kumirot. Hinilot-hilot ko ito para mawala pero nagtaka ako nang makapa ko ito. Mainit ang parte ng noo ko at parang may nakaukit na bilog doon.

Tumayo ako at nagtungo sa salamin para tingnan ang sarili ko. Napatingin ako sa noo ko at may nakita ako roong bilog na bakat na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Hinimas ko pa ito para mawala pero narinig ko na lang ang malakas na katok mula sa aking pintuan kasabay ng pagsigaw ni Naya.

"Idris! Gumising ka na, aba! Tulog mantika ka talaga kahit kailan!" sigaw nito.

Napakunot-noo ako dahil sa narinig. Bakit parang narinig ko na ang salitang 'yan?

Napailing-iling na lang ako dahil sa naisip. Siguro dahil lang 'to sa napanaginipan ko kaya parang naapektuhan ang utak ko.

Pumunta ako sa pintuan para buksan ito dahil baka tuluyang sirain ni Naya ang pinto kung sakali.

Bumungad sa akin ang nakapameywang at nakabusangot na mukha ni Naya. "Buti naman at gising ka na," sabi nito saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

Owkay? I have a strange feeling today but I can't explain it.

"Ang unfair mo talaga. Bakit kahit ang gulo-gulo ng buhok mo at may laway ka pa sa labi, ang ganda mo pa rin?" tanong nito habang nakanguso at niyugyog niya pa ang balikat ko. Sa halip na pansinin ang sinabi niya ay kunot-noo ko lang siyang tinignan.

"Hoy, anyare sa'yo? Natulala ka riyan?" tanong niya habang pinipitik pa ang daliri niya sa harap ko.

"Okay lang ako." sagot ko rito pero mukhang hindi pa ako sure doon. Ang weird lang kasi eh, parang nakaranas ako ng dejavu. It's like I've experience this before, hindi ko lang alam kung kailan.

"By the way, kailangan mo nang magbihis dahil aayusin pa natin 'yung booth natin." paalala niya. Oo nga pala, ngayon kami magde-design para sa aming booth. Malapit na kasi ang intrams namin at kailangan matapos na namin 'yun agad para wala na kaming poproblemahin sa susunod na araw. Wait, did I say this words before or it's just me?

Aaaah, I'm being weird.

"Right, mauna ka at susunod na lang ako." wala sa sariling sagot ko rito. Hanggang ngayon pa rin kasi ay naguguluhan pa ako sa nangyayari.

Am I being crazy? Kulang ba ako sa tulog kaya kung ano-ano ng naiisip ko?

"O sige. Dalian mo lang ha? Alam kong mabilis kang kumilos kaya siguraduhin mo na nandun ka na in 10 minutes." wika nito pero tinitigan ko lang siya ng nagtataka kaya sinapo niya ang mukha ko at tiningnan ako ng mariin.

"You're acting weird, Idris. Tell me, naka-drugs ka ba? Ba't parang tulala ka?" nag-aalalang tanong nito. Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. "I'm fine. Kinulang lang siguro ako ng tulog kaya ganito." Walang kasiguraduhang sagot ko rito.

Mukhang hindi naman ito nakumbinsi sa sagot ko kaya humalukipkip siya.

"Are you sure you're alright? Pwede ka namang hindi pumunta kung masama pakiramdam mo." dugtong niya pa. "No, ayos lang ako. Susunod na lang ako, okay?" pagpumilit ko rito.

Mukhang nakuntento naman siya sa sagot ko kaya nagpaalam na siya.

Pagkaalis niya ay dahan-dahan kong sinara ang pintuan. Hindi ko namamalayan na tapos na pala akong mag-ayos kaya lumabas na ako ng dorm.

Pagkalabas ko ng dorm ay bumungad sa akin ang grupo ng mga studyante na may hawak-hawak na flyers at inabot nila sa akin ang isa.

"Hi good morning, Miss. Sali ka naman sa booth namin. Kailangan kasi namin ng 30 participants para sa aming laro. Wag lang mag-alala, masaya doon at once na manalo ka ay may gift surprise ka pa." Dire-diretsong wika ng babaeng na sa tingin ko ay leader.

Inabot ko naman ang binigay niya at sinabing pupunta sa booth nila. Tuwang-tuwa naman silang nagpasalamat at saka umalis.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero nagulat na lang ako ng biglang may humarurot na sasakyan sa harap ko.

My adrenaline kicks in kaya mabuti na lang mabilis akong nakaatras kaya hindi ako nahagip. Muntik pa kong mahagip kaya nawalan ako ng balanse at akala ko matutumba na ko pero may bumunggo sa akin.

Huli na para saluhin ang mga kahon na nahulog sa sahig kaya tuluyan na itong kumalat.

"Sorry. Hindi ko sinasadya." pamumanhin ko rito saka tinulungan siyang magdampot.

"A-Ahhh, h-hindi na. Ako na l-lang." nauutal na sabi nito kaya bahagya akong natigilan sa sinabi niya at kahit na naguguluhan ako ay hinayaan ko na siya roon.

Nagkibit-balikat na lang ako kahit na hindi mawala-wala ang aking pakiramdam na parang nangyari na ang lahat.

Patuloy akong naglakad at sa 'di kalayuan ay natatanaw ko na ang kinatatayuan ng booth namin ng biglang may sumulpot sa harap ko dahilan para mapasigaw ako sa gulat.

Sapo-sapo ko ang dibdib ko at habol ang hininga habang tinitingnan kung sino 'yung hinayupak na nanggulat sa akin.

Isa itong mascot na lumalabas lang tuwing may event ang campus. Tinatawag namin ito si Mr. Blue dahil sa kulay nito. Base sa nakita ko sa panaginip ko ay ito si Owen, ang aking crush.

Mula sa loob ay rinig ko ang halakhak niya kaya sa inis ay hinampas ko ito. Napahawak ito sa braso na parang nasaktan talaga na ikinairap ko na lang. Maya-maya ay tinanggal niya ang ulo ng higanteng mascot at tumambad sa akin ang tumatawang si Owen.

Sabi ko na nga ba, sya 'to.

Sa halip na mahiya sa paghampas sa kaniya ay tiningnan ko lang siya ng nakahalukip saka hinintay siyang matapos sa pagtawa.

Nang kumalma siya ay umakto pa itong nagpupunas ng luha saka niya ko dinuro.

"You should have seen your face. You're so funny, Idris." natatawang sabi nito. Kahit na pilit kong iwinawaksi na naguguluhan ako sa pangyayari ay hindi ko maiwasang mainis sa kaniya. Kahit naman kasi crush ko siya ay medyo may pagkamahangin at mayabang ito. Malakas din siya mang-asar pero hindi naman ako magpapatalo.

"Whatever, Owen." inis na saad ko rito. Kung magaling siyang mang-asar, mas magaling ako.

"Why the hell are you on a mascot, huh? Hula ko, inutusan ka na naman ni Ms. DeVoe na maglinis ng CR pero hindi ka sumipot kaya ang ending pinagsuot ka niya ng ganiyan?" nakangising tanong ko rito. Napahalakhak na lang ako ng bigla itong yumuko at kinamot ang likod ng ulo 'saka nahihiyang tumingin sa akin. Hah, akala mo ha.

"Yeah, yeah. You know what? Oo bully ako pero bakit parang mas magaling kang mam-bully sa'kin?" nakangusong tanong nito. Cute. Nginitian ko lang siya ng pagkatamis-tamis at hinawi ang buhok ko.

"Because I'm awesome." mahanging saad ko rito saka iniwan siya roong naguguluhan.

Dumiretso na ako sa booth kung saan naghihintay si Naya at ang iba kaya nang makita nila ako ay 'saka namin sinimulan na mag-ayos.

-----

"Grabe, nakakapagod naman. Biruin mo inabot tayo ng gabi rito sa campus dahil sa letcheng booth na 'yan?" pagtatalak ni Naya saka niya isa-isang dinampot ang mga kalat.

Pero hindi ko siya sinagot dahil malalim ang iniisip ko. Simula kasi kaninang umaga, lahat ng nangyari ay katulad na katulad ito sa nangyari sa panaginip ko.

Hindi ko alam kung panaginip ba 'yun o kung totoo nga ba itong nangyari. O kung pinaglalaruan lang ako ng isip ko.

"Hoy, anyare sa'yo? Parang kanina ka pa tulala riyan?" tawag-pansin na wika ni Naya na bahagyang natigilan 'saka ako pinakatitigan.

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kanya ang iniisip ko pero pinili ko na lang na manahimik.

Kung sakali man kasi na nangyari na ang lahat ng 'to ay parang napakalaking imposible naman 'yun. Baka nga siguro kulang lang ako sa tulog kaya kung ano-ano ang naiisip ko.

"Hala, natulala na. Okay ka lang ba talaga?" tanong niya 'saka niya ako nilapitan. Pilit akong tumango kahit na hindi ako sigurado sa tugon ko kaya mabuti naman at hindi na ito nagsalita pa.

Nang matapos kaming magligpit ay saktong namatay lahat ng ilaw sa gym.

"Para sa lahat ng estudyante, magsi-uwi na kayo sa bahay at dorm nyo dahil isasara na namin ang campus. Mag-ingat ang lahat at magandang gabi." malakas na sabi sa announcement.

Kahit na medyo hindi ko matandaan ang kabuuan ng panaginip ko ay paniguradong narinig ko na ang mga katagang 'yan.

"Kain muna tayo bago umuwi." suhestiyon niya dahilan para mabalik ako sa kasalukuyan. "Okay." ang tanging nasagot ko.

"Libre mo?" taas-babang kilay na sabi nito.

"Tigilan mo ko, ang yaman-yaman mo nagpapalibre ka? Naghihirap ka na ba?" pang-aasar ko rito. Hindi makapaniwala niya akong tinignan.

"Hindi ako naghihirap no! Ang sabihin mo kuripot ka lang talaga." depensa nito.

"Halika na nga. Bilisan na natin." sabi ko na lang rito 'saka ko sinabit ang kamay ko sa braso niya. Sanay na kong lagi ko siyang ginaganun lalo na lag maglalakad kaming dalawa.

"Maiba nga tayo. Ikaw, nakita kita na kausap mo si Owen kanina. 'Diba crush mo 'yon?" itsuserang tanong nito. Naging malikot naman ang mga mata ko dahil sa narinig.

"Wala 'yon. As usual, bully pa rin at mahangin. Di na 'ata magbabago 'yun." natatawang saad ko.

Matagal ko ng gusto si Owen pero hindi ko masabi dahil hindi naman kami masyadong close ngayon at isa pa, sa dami ng babaeng umaaligid sa kanya ay imposible namang mapansin niya pa ko.

Kaya lang naman kami nagkakausap ay dahil kagrupo ko siya sa isa naming subject.

"Talaga? Eh bakit parang nung binanggit ko 'yung pangalan niya parang sumigla ka a'ta? Ayan oh, naghuhugis puso 'yang mga mata mo." pang-aasar niya sabay turo sa mata ko. Tinakpan ko naman ito dahil sa hiya na ikinatawa niya.

"Alam mo, umamin ka na kasi sa kanya. Wala namang masama kung gagawin mo 'yun eh. Hindi 'yung ganyan na hanggang tanaw at kausap mo lang. Malay mo, gusto ka rin nya." masayang saad nito.

Huh, ako aamin? No way. Di bale na no.

"Tsaka maganda ka naman, matalino, sexy at mabait. Nasa sa'yo na ang lahat, kaya imposibleng hindi siya magkagusto sa'yo." Dire-diretsong wika niya pero wala ang isip ko sa sinasabi niya.

Naalala ko kasi na dito mismo sa kinatatayuan namin ang pwesto ng mga nangholdap sa amin. Katulad ng nangyari sa panaginip ko.

Hinawakan ko ng mariin ang braso niya saka siya hinigit pakanan para lumihis kami ng daan.

"Hoy, ano ba! Hindi dito 'yung daan papunta sa kainan. Ano bang ginagawa mo?" naguguluhang tanong nito.

Pero sa halip na sagutin siya ay panay ang tingin ko sa likod ko. Natanaw ko na sinusundan kami ng mga nakamotorsiklo kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad kaya walang nagawa si Naya kundi sumunod na lang.

"Teka, dahan-dahan naman. May humahabol ba sa atin?" pagpigil nito. Lumingon ulit ako sa likod pero mukhang huli na ang lahat dahil nasa harapan na namin sila.

Ayokong sabihin sa kanya na may sumusunod sa amin kaya patuloy ko lang siyang hinila ng hindi nagsasalita.

Pero agad kaming natigil ng may narinig kaming nagkasa ng baril. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mukhang magkakatotoo yung panaginip ko.

Nagkatinginan muna kami ni Naya bago kami dahan-dahan na lumingon sal likuran namin kung saan nakatayo roon ang dalawang lalaki na may takip ang mga mukha at may dalang baril.

"Amin na yang mga gamit niyo kung ayaw niyong mamatay." wika ng isa habang nakalahad ang mga kamay.

Ginapangan ako ng takot dahilan para mapalingon ako kay Naya na tuluyan ng natuod sa kinatatayuan.

Napalingon ako sa paligid para tingnan kung may tao. Napamura ako sa aking isipan dahil bukod sa madilim ang paligid, wala ring katao-tao rito na pwedeng mahingan ng tulong.

"W-Wala kaming ibibigay sa inyo." Napalingon ako kay Naya dahil sa sinabi niya. Shit, ito yung sinabi niya sa panaginip ko. At 'yun ang naging dahilan ng pagkamatay naming dalawa.

"Anong ginagawa mo?" pasigaw kong bulong rito. Pinanlakihan ko siya ng mata na parang sinasabing 'wag ng magsalita ng hindi maganda.

"What? Alangan namang ibigay ko 'to ng basta-basta sa kanila no. Andito kaya yung flash drive para sa report ko bukas at kapag nawala 'yun, baka bumagsak ako! Alam mo naman si Sir." balik nitong sigaw sa mabilis sa pananalita.

"Naya, ibigay na lang natin 'to sa kanila! Buhay natin ang nakasalalay dito!" depensa ko rito.

Sa gitna ng pagtatalo namin ni Naya ay sabay kaming nagulat ng tutukan ng lalaki si Naya ng baril.

"W-Wag. Ibibigay na namin sa inyo 'to, wag niyo lang kaming saktan." nanginginig kong pakiusap sa mga ito.

"What the fuck?" pabulong na tanong sa akin. Sinenyasan ko lang siya na ibigay na ang purse nya para matapos ang lahat ng 'to. Ganun din ang ginawa ko at pagtapos no'n ay kaagad silang sumakay sa motor nila. Akala ko ay iiwan na nila kami roon pero huminto sila at parang nawala ako sa katinuan ng binaril nila si Naya sa mismong harapan ko.

Bumagsak ang walang buhay niyang katawan. Nanginginig akong tumakbo patungo sa kaniya pero nakarinig ako ng pagkasa ng baril at pag-angat ko ng ulo ko ay nakatutok na ang baril sa noo ko.

Napapikit na lang ako ng tuluyang pinaputok ng lalaki ang baril at pagtapos no'n ay mistulang nahulog ako sa walang hanggang kadiliman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status