Share

/LDR-8/

IDRIS

As I fell into the never ending loophole, I ended up in a place of darkness. I have no idea how I got here or where I am.

Napahaplos ako sa aking braso dahil may kalamigan din dito at isa pa ang dilim-dilim na para bang nabulag na ako ng tuluyan. I can't see anything or no one kaya naman ay hindi ko maiwasang kabahan kung anong nangyayari.

I'm trying to move my feet to walk around. I walked and walked but nothing is happening. I still don't see anything and I don't even know how to get out of here.

This never happens to me every time I die. This is the first time that I've been here.

Oh, shit. Patay na ba ako? Ito na ba yung sinasabi nilang purgatoryo? Pero bakit wala akong nakikitang anumang mga kaluluwa? Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa isiping baka ma-trap na naman ako rito ng ilang araw.

So dito na ba 'yung next stop ko? Pagkatapos ng time loop, dito naman ako napadpad sa madilim na lugar?

Mamaya-maya, may napansin akong isang lagusan na unti-unti lumiliwanag malapit sa kinatatayuan ko.

Nag-adjust naman ang mga mata ko mula sa dilim ng paligid kanina kaya ngayon ay kitang-kita ko ang isang kakaibang bilog na maliwanang na unti-unting lumalaki. Hindi ko maiwasang mamangha habang nakatingin dito.

Wait, is that a portal?

Maya-maya ay lumiwanag ito ng sobra kaya hindi ko maiwasang mapatakip sa mata ko. Naramdaman ko na lang na parang nag-vibrate ang sahig kasabay ng paglitaw ng isang anino.

Bigla na lang itong tumalon kaya malaya ko na itong nakikita ng malapitan.

Lubos akong nagtaka nang makita ko ang isang bata na nakatayo sa harap ko at gulat na nakatitig sa'kin.

Teka, bakit may bata rito? Eto na ba yung susundo sa'kin papunta sa kabilang buhay?

Bago pa ako makapagtanong sa kaniya ay nagulat na lang ako nang bigla itong tumakbo papunta sa isa pang portal na nagmula sa hawak-hawak nito.

Napanganga ako ng nanggaling talaga sa hawak niya ang portal at ngayon ay akmang tatalon na ang bata papasok sa loob kaya hinabol ko na ito.

"Sandali!" pagpigil ko sa kaniya. Natigilan naman siya at humarap sa akin.

Sa tingin ko ay nasa mga sampung taong gulang ang batang kaharap ko. May dala-dala siyang bag at may suot siyang sumbrero. Ang pinagtataka ko lang ay ang suot niya. Kakaiba kasi ito.

"Who are you? Where am I? Do you know this place? Where are you going?" sunod-sunod kong tanong habang hinihintay siyang sumagot. Yumuko lang siya at muling humarap sa portal.

"I'm so sorry..." narinig ko na sinabi niya bago siya tuluyang tumalon sa portal at iniwan ako roong naguguluhan.

Naman eh! Bakit niya ako iniwan?

Nakita kong unti-unting lumiliit ang portal kaya walang pagdadalawang-isip na tumalon din doon.

Mistulang nahulog na naman ako sa walang hanggang katapusan hanggang sa tuluyan na akong nagising sa loob ng aking kwarto.

What the? Why am I ended up in this place? Is this where the portal leds?

Ano bang meron sa portal na 'yon? Sino 'yung bata kanina at saan siya napunta?

Higit sa lahat, anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya?

-----

Ilang minuto na akong nakatitig sa kisame pero wala pa rin akong balak bumangon. Nakalipas na rin ang segundo na umalis si Naya pagkatapos niya kong bulabugin.

Naalala ko ang nangyari bago ako magising. Napunta ako sa isang lugar na madilim at walang kahit ano. Wala akong ibang maisip na ideya kung paano ako napunta roon.

At ito pa, palaisipan sa'kin ang nakita kong bata na bigla na lang sumulpot kasabay ng isang malaki at maliwanang na portal. Hindi lang kasi isa ang lumitaw na lagusan kundi dalawa ito. Hindi ko mawari kung saan nanggaling ang batang iyon at kung saan siya nagpunta pagkatapos.

Pakiramdam ko ay kumikirot ang ulo ko kaiisip kaya naisipan ko ng bumangon at maligo para magpunta sa school.

Pagkatapos ko ay 'saka ako nagtungo papunta sa booth namin. As usual, katulad ng nangyayari nitong nakaraan, everything happens just the same.

Habang maghapong nakatayo sa booth at kasalukuyang nag-e-entertain ng mga estudyante ay biglang lumapit sa'kin si Naya na may malawak na ngiti. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit parang excited siya.

"Guess what?" excited na tanong nito.

Napataas naman ang kilay ko dahil para siyang kiti-kiti dahil sa kinikilos niya.

"Mason invited us to come to his house tonight! Today it's his birthday!" tiling wika niya kaya muntik na akong mapatakip sa tainga dahil sa lakas ng boses nito.

Mason. Naya's crush.

Ilang buwan na rin niya itong pinagpapantasyahan kaya dahil sa kahaharot niya ay nakuha niya ang atensiyon ni Mason kaya 'ayun, himalang naging close ang dalawa.

Hindi ko alam kung ano nang meron sa kanilang dalawa basta ako, kung saan masaya si Naya ay susuportahan ko siya kahit anong mangyari. That's what friends for, right?

"Fine. We're coming. Just stop what you're doin'. Para kang uod na binudburan ng asin diyan." natatawang saad ko pero imbes na maasar ay siya masaya tumalon-talon na parang nanalo sa lotto na ikinailing ko.

"Thank you, friend!"

-----

"Omo! Is this Mason's house? Grabe ang laki!" manghang sambit ni Naya pagkarating namin sa harap ng bahay ni Mason.

Dahil sa isang subdivision sila nakatira ay malamang na malaki talaga ang bahay nila.

Mula rito ay maririnig mo ang malakas na music na nanggaling sa loob. Buti na lang ay layo-layo ang bahay dito kaya hindi masyadong nakakaabala sa mga kapitbahay.

Nagkalat ang mga taong papasok at papalabas ng bahay. Marami ring mga sasakyan ang naka-park sa labas.

Pagkarating namin sa loob ay kaagad na sumalubong ang mga estudyante sa malawak na open space sa gitna. Maaamoy rin ang halimuyak ng alak sa paligid. Mga iba't-ibang ilaw na nakakahilong tingnan.

Nakipagsiksikan kami sa pagitan ng mga tao roon hanggang sa marating namin ang malawak na bulwagan. Nandoon karamihan ang mga tao dahil may pagkain at may fountain ng beer sa gitna.

Sa 'di kalayuan ay nakita rin namin kaagad si Mason kasama ang kaniyang mga kaibigan. Kaaagad namang kumaway si Naya at tinawag pa si Mason kaya napatingin ito sa amin.

Naglakad siya papunta sa aming direksiyon. "I'm glad you came, guys." Nakangiting bati niya habang nakatingin sa amin.

Para namang linta na kumapit si Naya sa braso ni Mason na ikinaismid ko. Kailan pa 'to naging maharot?

"Of course." nangingiting sagot ko. Tinawag naman si Mason ng mga kasama niya kaya bumalik siya roon kasam si Naya. Naya gave me an apologetic look before going into Mason's mates that's why I'm left here alone.

Great, bakit nga ba ako sumama rito kung maiiwan naman pala ako mag-isa?

Napabuntong-hininga na lang ako saka lumapit sa food section at doon nagdampot ng mga pagkain at lumamon. Kumuha rin ako ng isang plastic cup na mula sa fountain at sumahod ng beer para magsilbing panulak.

Okay lang naman sa'king uminom dahil hindi ako masyadong nalalasing. Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa lugar kung saan nagaganap ang sayawan.

Napapikit ako dahil sa magandang musika na maririnig. Katulad ng mga tao ay sumayaw din ako. Wala akong pake kung wala akong kasama basta nagsasaya ako.

Dahil siguro sa nainom kong alak ay naramdaman ko na lang na parang may gustong lumabas sa lalamunan ko na ewan.

Ang shunga ko rin kasi, kakain ako tapos sasayaw ako pagtapos?

Lumayo ako sa kumpulan ng mga tao at nagsimulang maghanap ng lugar na mapasusukahan. Pinipigilan kong masuka dahil nakakahiya naman kung basta-basta na lang akong magmilagro sa gitna ng party.

Malawak ang bahay kaya nahirapan akong maghanap ng banyo. Naisipan kong magtungo sa 2nd floor ng kabahayan para doon maghanap ng restroom.

Pag-akyat ko ay kaagad kong binuksan ang unang kwarto roon pero nagulat na lang ako ng iba ang nakita ko.

"Oh my God! Shit! I'm so sorry!" hinging paumanhin ko dahilan para mahinto sila sa ginagawa nila.

It's Naya and Mason making out in that room. I almost puke in the sight of it but I swallowed it back.

Nakita ko namang parang mamumula sa hiya si Naya. Napansin kong kinuha niya ang sapatos saka akmang itatapon sa'kin pero mabilis kong sinarado ang pintuan bago ako matamaan.

"Punyeta. Muntik na ko do'n ah." mahinang sabi ko.

But seriously? Naya and Mason are making out?! What in the world is happening?!

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng pinto pero bawat kwarto ay may lamang mga tao na may ginagawang kababalaghan kaya naiinis na ginulo ko ang buhok.

So ano? Pumunta lang sila rito sa party para magjugjugan? Babalik na sana ako sa baba pero nahagip ng mata ko ang isang kwarto na walang laman kaya kaagad akong nagtungo rito.

Sinilip ko muna ang loob kung may tao o wala. Nang makitang walang tao ay kaagad akong pumasok at dumiretso sa banyo at doon pinagpatuloy ang naudlot kong pagsuka.

Nang matapos ay inayos ko muna ang sarili bago lumabas pero nagulat na lang ako ng may makita ako sa loob ng kwarto.

It's Atlas. My ex.

Mukha siyang lasing dahil pasuray-suray ang lakad niya at mula rito ay naamoy ko ang alak.

Naisipan kong hindi na lang siya pansinin dahil nakayuko naman siya at mukhang hindi niya ako makikita pero napasinghap na lang ako ng hinila niya ang braso ko at malakas niya akong sinandal sa pader.

"Hmm, Idris. You never changed. You still smell good. Just like strawberry wine." mahinang bulong niya sa tainga ko dahilan para magsitayuan ang buhok ko sa katawan.

"Let go of me, Atlas!" sigaw ko pero hindi ako makawala sa hawak niya dahil masyado siyang malakas.

Pilit ko siyang tinutulak mula sa'kin pero hindi niya ko binibitawan. Nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang tumilapon sa sahig.

Nakita ko roon si Owen na nakatayo sa harap ni Atlas na dumadaing dahil sa suntok na inabot. Makikita ang galit sa mukha ni Owen habang nakatingin kay Atlas.

Kinwelyuhan niya si Atlas at itinayo ito 'saka tinulak palabas ng kwarto.

"Fuck off, man." galit at mabigat na sabi niya.

Kaagad ko naman siyang nilapitan at hinawakan ang braso niya para pakalmahin siya. Napatingin naman siya sa'kin saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Hey, are you okay? Did he do something to you?" nag-aalala niyang tanong.

Gusto kong mapangiti dahil sa inaakto niya pero pinigilan ko.

"I'm fine." sagot ko rito dahilan para mapabuntong-hininga siya na parang nabunutan ng tinik.

"Are you alone? Where's your friend?" tanong muli nito kaya naalala ko ulit si Naya na kasama si Mason. Ayoko siyang puntahan at istorbohin muna.

"She's somewhere here inside." sagot ko.

Parehas kaming natahimik pagkatapos no'n pero siya rin ang unang bumasag ng katahimikang namamayani sa amin.

"Can I talk to you for a second?" bigla niyang tanong.

Ano namang pag-uusapan namin?

Sa huli ay pumayag ako sa gusto niya kaya nagtungo kami sa terrace sa third floor ng bahay. Hindi na abot ang maingay na tugtog dito kaya medyo tahimik ang paligid.

Iilan lang ang mga tao rito kaya may pagkatahik din.

Pagkarating doon ay sabay kaming napatingin sa baba kung saan ang swimming pool na puno rin ng tao. Rinig na rinig ang sigawan at tilian nila.

Napatingin naman ako sa kaniya dahil hindi pa siya nagsasalita. Akala ko ba kakausapin niya ako?

"So what do you want to talk about?" tanong ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin.

"Idris,look. I want to tell you something. I've been wanting to tell you this for a long time but I have no confidenve to say it so I think this is the right time to tell you this."

Sa pangalawang pagkakataon, bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi niya.

I already knew that he's about to confess dahil ganito rin ang inakto niya noong nasa detention room kami.

Pero bago pa niya masabi ang sasabihin niya ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na portal sa 'di kalayuan. Kaagad akong tumayo at napatingin kay Owen.

"Where are you going?" kunot-noo niyang tanong na napatayo na rin dahil sa biglaan kong pagkilos.

Sa halip na sagutin siya ay lumapit ako sa kaniya at saka tumingkayad at mariin siyang hinalikan.

Natigilan naman siya sa ginawa ko at maski ako ay nagulat sa ginawa ko pero hindi ako tumigil. Pagkalipas ng ilang segundo ay hinihingal akong kumalas 'saka siya nginitian.

"I will always love you, Owen." ang tanging nasabi ko bago tuluyang umalis at iwan siya roong nakatulala.

Mabibilis ang lakad ko papunta sa bukana ng gubat na malapit sa likod bahay. Habang papalapit ako ay unti-unti kong nasilayan ang maliwanag at malaking portal na nakita ko pagkatapos kong mamatay.

Kumaripas ako ng takbo papalapit at nang makarating na ako sa harapan ay muli kong nakita ang batang 'yon.

Lumitaw ang isang portal sa kaliwa at nakita kong papasok na siya roon ng pigilan ko siya.

"Stop!" sigaw ko habang nakaangat ang mga kamay.

Natigilan naman siya at lumingon. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa akin.

Mistula siyang nataranta kaya muli siyang tumalikod at akmang hahakbang na paabante pero pinigilan ko siyang muli.

"Please, stop!" nagmamakaawang sigaw ko rito.

Humarap naman siya sa akin nang may pagkabahala sa mukha.

"I have no time! I have to go back!" sigaw niya kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan at pagguhit ng kidlat sa kalangitan.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya sa halip ay lumapit ako sa kaniya.

"Who are you? Where are you going? Tell me, did you know anything what's happening to me?" sunod-sunod kong tanong pero umiling lang siya na parang sinasabi na hindi niya na masasagot ang tanong ko.

Bago pa ako makalapit sa kaniya ay mabilis na siyang tumalon sa lagusan dahilan para mahigop siya nito kasabay ng pagkawala ng portal.

Dumilim muli ang paligid at naiwan akong mag-isa sa gitna ng kagubatan. Basang-basa na ako pero hindi ko ito maramdaman dahil nangingibabaw sa'kin ang kalungkutan.

Wala na ba talagang pag-asa na maayos ang lahat ng 'to? Habang buhay na lang ba na mangyayari 'to sa'kin?

Napapikit ako dahil sa malakas na kulog at kidlat kasabay ng pagbuhos ng ulan na parang sinasabayan ang naratamdaman ko ngayon.

Bagsak ang balikat na naglakad ako pabalik pero naramdaman ko na lang ang mainit na pagtama ng kidlat sa akin dahilan para mangisay ang buo kong katawan at doon tuluyan na akong nawalan ng ulirat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status