Share

/LDR-6/

IDRIS

"W-What?" nabibiglang tanong ko dahil sa sinabi nito. He... loves me? What the hell is he saying? Pinagloloko niya ba ko?

Napaiwas naman ito ng tingin at marahas na ginulo ang buhok saka tumayo. Narinig kong bumulong ito ng kung ano sa sarili pero hindi ko naman marinig.

So all these years na magkasama kami, may nararamdaman na siya sa'kin at hindi lang 'yun bilang bestfriend lang kundi ay higit pa.

Napahampas ako sa noo dahil sa napagtanto. Imbes na magalit ako sa kaniya dahil sa hindi niya pagsabi ng katotohanan ay nakaramdam ako ng matinding tuwa ng malamang mahal niya rin pala ako.

Tumayo ako at hinarap ko siya pero patuloy pa rin sa ginagawa kaya kinalabit ko na ito. Mukha naman siyang natauhan at gulat na napatingin sa'kin.

"Huh?" wala sa sariling tanong nito pero nginitian ko lang siya.

"Say it again." utos ko rito pero nagtataka lang akong tiningnan.

"Yung sinabi mo kanina. Say it again, you stupid. I wanna hear it one more time." pigil ngiting saad ko. Nakita ko namang napalunok ito ay namula ang mukha niya. "I... uh... damn it! Kailangan ko ba talagang ulitin? Can't you see I'm shaking here---"

"Say it!" pagputol ko sa anumang sasabihin niya kaya natigilan siya.

"Okay." Tumango siya.

Huminga muna siya ng malalim at 'saka ako tiningnan sa mga mata dahilan para mapagmasdan ko kung gaano kahaba ang pilikmata niya, kung gaano kaganda ang mata niya, katangos ang ilong niya at kung gaano kasarap halika--okay, I'll stop right there.

"But, aren't you mad at me? For leaving you without saying goodbye?" naguguluhang tanong nito. Oo, galit ako sa kaniya pero dahil sa tagal na nang panahon na lumipas, unti-unti ko na siyang napatawad sa nagawa niya. Hindi naman kasi ako 'yung tipo ng tao na nagtatanim ng galit.

"Gusto mo ba?" taas-kilay na tanong ko at halos matawa ako ng mataranta ito at lumikot ang mga mata niya.

Napakamot naman siya sa batok niya bago sumagot. "Siyempre, ayoko. It's just weird, you know. I thought you were so angry at me and you never want to see my face ever again but I think it's better this way dahil kinakausap mo ko." nakangiting sagot niya.

Ako naman para akong sira na kinikilig dahil sa simpleng pangngiti niya. Damn those pretty smile.

"I love you, Idris. Eversince we we're kids. As crazy as it's sound but that's the truth. I love seeing you everyday, hearing your laugh, seeing your smile and the moments that your with me. Hanggang sa tumuntong tayo sa high school, ikaw pa rin ang nasa puso ko, Idris. The love that I felt for you never fades. Kaya lang no'ng handa na akong umamin sa'yo, 'saka sumulpot si Matteo. Lagi mo siyang kinukwento sa'kin. Lagi mo siyang pinupuri sa harap ko at sinasabi kung gaano siya kabait at maalaga. Samantalang parang nadudurog ang puso ko sa tuwing binabanggit mo siya. Kaya no'ng araw na sinagot mo siya, hindi ko na kinaya. Hindi ako nagpakita sa'yo dahil nasaktan mo ko ng sobra. Nang umaga ring 'yon, nakahanap si Papa ng trabaho sa Manila kaya napagdesisyunan kong sumama sa kaniya at sabihing doon ko balak ipagpatuloy ang pag-aaral. I tried to forget you in my mind but I can't dahil ikaw lang ang tanging laman ng isip ko. It's you, Idris. It's always you." mahabang paliwanang niya.

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinasabi niya at kasalukuyang nagpo-process ang mga sinambit niya. Geez, he's confessing to me. Hindi ko siya kinakaya, mygad.

Gusto kong maluha sa sinabi niya pero ayokong sirain ang moment namin kaya naman ay tuluyan ko siyang hinila at niyakap. Matagal ko nang pinapangarap na mangyari itong pag-amin niya pero ngayong nangyayari na ay wala naman akong masabi.

Mukha naman siyang nabigla at bahagyang natigilan pero naramdaman ko na lang na niyakap niya ako pabalik.

"God, you don't know I've waited for this day to come." mahinang bulong niya.

Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko kaya hindi ko na napigilan at tuluyan na akong napaiyak.

"Wait... are you crying?" takang tanong niya saka kumalas sa yakap. Hindi naman ako nakapagsalita dahil tuloy lang ako sa pag-iyak.

"Shit I'm so sorry, Idris. It's okay if you don't love me back but always remember that---" pinutol ko ang sinasabi niya nang hinampas ko siya ng malaks sa balikat.

"O-Ouch! What was that for?" nabiglang tanong nito habang hinihimas ang pinalo ko.

"Ikaw kasi eh! Bakit ngayon ka lang umamin?" umiiyak na tanong ko rito.

"I'm sorry. Hindi kasi madaling umamin, 'diba? Fuck, ang sakit ng hampas mo." nangingiwing sagot niya kaya mahina na akong napatawa.

Sa tingin ko, ngayon na rin ang oras para sabihing mahal ko rin siya. Tutal umamin na rin siya kaya I'm gonna return the favor.

"What if I say that... I love you too?" mahinang saad ko dahilan para matigilan siya.

Mistulang lumiwanag ang mukha niya at bakas sa mukha nito ang gulat at tuwa dahil sa narinig.

"Really? You... you love me too?" pigil-ngiting at sabik na tanong niya kaya tumango lang ako at nginitian siya.

"I'm sure you heard what I said, Wenwen." sagot ko.

Nagulat na lang ako ng umangat ako sa ere dahil bigla niya akong binuhat at pinaikot-ikot habang yakap niya ako.

Natatawang hinahampas ko naman siya dahil sa ginagawa niya hanggang sa tumigil na rin siya. Parehas kaming nagkatinginan ng may ngiti sa aming mga labi.

Sa pamamagitan ng pagkinang ng aming mga mata, malakas na pagkabog ng aming dibdib at sa matatamis naming ngiti, walang salita ang makakapaglarawan kung gaano namin kamahal ang isa't-isa.

Nanatili kaming nakatayo roon at napansin kong unti-unting lumalapit ang mukha niya sa'kin. Alam ko ang gagawin niya kaya naman ay sabay naming pinikit namin.

"You're time is u---oh, I'm sorry... just.. want to say that she's free now..." biglang saad ng isang lalaki na basta na lang binuksan ang pinto dahilan para maudlot ang kung anumang mangyari.

Tiningnan lang namin siya na parang sinasabi na umalis.

Nakaramdam naman ito dahil sa talim ng pagkakatingin namin sa kaniya.

"Alright guys... uh... just continue whatever your doing... Imma... Imma head out." patigil-tigil na saad nito saka tuluyang umalis.

Bwisit 'yun ah. Ang ganda ng timing. Andun na nga eh! May kissing scene na tapos naudlot pa! Anak ng saging naman oh. Pero 'di bale marami pa namang pagkakataon para mahalikan ko siya eh hihi.

Kakamot-kamot na napatingin naman si Owen sa'kin at nahihiyang ngumiti. Nakita kong namumula na naman ang mukha niya dahilan para mapakagat ako sa labi.

He's so cute! I wanna squish his burning cheeks!

"God, you're so handsome." Parehas naman kaming natigilan dahil sa sinabi ko.

Pasimple kong kinurot ang sarili dahil sa pabigla-biglang pagsasalita.

"Did I... say it out loud?" tanong ko mahina lang siyang tumango habang lalong namula ang mukha niya.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan na nasabi ko. Teka, bakit ba ako nahihiya eh, umamin na kami sa isa't-isa? We freaking love each other for God's sake!

Napansin ko naman na tumalikod ito mula sa'kin at napahilamos ito sa mukha. He and his cute acts. I would love to see those all the time.

To remove the awkwardness, pumunta ako sa harap niya na tuloy pa ring nakatakip ang kamay sa mukha. Napatingala ako at pinipigil ko na hawakan siya pero sa huli ay tumikhim ako para makuha ko ang atensiyon niya.

Dahan-dahan naman niyang binaba ang kamay niya kaya nagkasalubong ang mga mata namin. At ang siraulo kong puso, parang lalabas na sa dibdib ko anumang oras sa lakas ng kabog.

Kalma ka lang heart! Jusko naman.

"Wanna... go out and grab some drinks?" aya ko rito. Kinalma naman niya ang sarili at bahagyang tumikhim.

"Yeah, yeah. I would love that." sagot niya.

Parehas naming ngitian ang isa't-isa tumungo sa pinto.

"Let's get the hell out of here."

-----

Nagtataka naman akong napapatingin sa'kin sa paligid dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kanina pa ako nagtatanong sa kaniya pero hindi niya ako sinasagot at tanging ngiti lang ang ginagawa niya.

"Malapit na tayo." sabi niya kaya nagkibit-balikat na lang ako. Bahala na siya diyan kung saan niya ako dadalhin. I trust him anyways. Sa tagal naming magkaibigan, alam kong hindi niya ako ipapahamak.

Maya-maya ay nakarating na kami sa lugar na maraming tao. Maraming iba't-ibang klase ng rides na makikita sa paligid at hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita.

Nakalimutan ko na kasama ko si Owen at tuwang-tuwa na nilibot ang paligid.

We're here at Enchanted Kingdom!

Bata pa ako nang huli akong makapunta rito kaya naman ay sobrang tuwa ang naramdaman ko. Lagi pa namang binabanggit sa'kin ni Naya na pasyal daw kami rito kapag weekends pero hindi matuloy-tuloy dahil sa school stuffs at ngayong nakarating na ko rito ay hindi ko ito palalagpasin.

"You're so happy. I love seeing you like this, Idris." nakangiting saad ni Owen at inakbayan ako saka kami tuluyang pumasok sa loob.

Maraming makikita pagdating sa entrance pa lang. Marami akong naririnig na sigawan mula sa mga nakakalulang rides. May mga nagtitinda ng pagkain sa gilid-gilid. May mga nagpa-papicture.

This place is wonderful. Masaya ako na nakabalik akong muli rito. Maari kong makalimutan pansamantala ang problema ko kahit saglit lang. Kailangan ko lang na mag-enjoy dahil paniguradong paggising ko bukas at magsisimula ulit ako sa umpisa.

I'm gonna enjoy this moment with Owen because this maybe the last time that we're doing this. Malay ko naman kasi na, pinatikim lang sa'kin ang kaligayahang 'to ngayong araw lang. Hindi rin ako sigurado kung mangyayari muli ang pag-amin namin ni Owen sa hinaharap o magpapatuloy ang pagiging strangers namin sa isa't-isa.

Naiisip ko pa lang ito ay nalulungkot na ako. Kung ako lang sana ang masusunod ay hindi ko na siya pakakawalan pa at maging masaya na lang kaliling niya pero alam kong hindi mangyayari 'yon 'gayong may iniisip akong malaking problema.

"Hey, want to ride there?" tanong ni Owen habang tinuturo ang isang ride na may malaking barko.

Nakakatakot siya pero alam kong mag-e-enjoy ako kung susubukan ko kaya tumango ako at hawak-kamay kaming nagtungo sa Vikings at pumila roon.

Pagkatapos namin doon ay sumakay pa kami sa iba't-ibang rides. Parang lahat nga 'ata nasakyan na namin eh. 'Saka lang kami huminto ng napagod na kami kalalakad kaya pumunta kami sa malawak na food court sa may tabi ng Space Shuttle at doon kumain.

Marami kaming kinain dahil parang na-drain ang energy namin sa pagsakay sa mga rides. Nang matapos kami ay papalubog na ang araw kaya unti-unting nagbukas ang mga ilaw dahilan para naging makinang ang gabi.

Naglakad-lakad kami habang magkahawak-kamay. Walang nagsasalita sa amin pareho at wala kaming balak na magsalita dahil parehas kaming nakaramdam ng kapayapaan.

Nang mapagod kalalakad ay naupo kami sa isang bench doon. Pinagmamasdan namin ang mga taong nagdaraan, ang mga pamilyang magkakasama at mga magkakaibigang nagkakasiyahan sa gitna ng maingay at maliwanag na gabi.

"So, I have a question for you." basag ni Owen sa pagitan namin kaya agad akong napalingon sa kaniya.

"Ano 'yun?"

"If you love me back then, why did you agree to be Matteo's girlfriend?" tanong niya.

Napaisip naman ako sa tanong niya kaya muli kong naalala si Matteo at ang dahilan kung bakit ko siya sinagot.

"You remember that his parents died in an accident, don't you? Nakikita ko siya lagi sa school na laging malungkot at tulala dahil siguro sa nangyari sa mga magulang niya kaya nilapitan ko siya at kinausap. Magkakilala si Papa at ang Mama niya kaya nakilala ko rin si Matteo. 'Ayun nga, lagi kaming nag-uusap at siyempre, naawa ako sa tao kaya lagi ko siyang sinasamahan noon. Simula noon, naging palangiti na siya at palatawa. Hindi ko inaasahan na may mararamdaman siya sa'kin kaya tinanong niya ako na kung pwede ko siyang maging boyfriend at dahil ayokong malungkot siya ulit, sinagot ko siya. The rest is history." paliwanag ko sa kaniya.

Saglit lang siyang natahimik sa sinabi ko pero maya-maya ay tumangi tango ito na parang naintindihan ang sinabi ko.

"I see. I understand now." saad niya pero bahagya siyang natigilan na parang may naisip.

"So, you said na kaya mo siya sinagot ay dahil naawa ka sa kaniya and that means you don't love him, am I right?"

"Yes. I loved him a---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ito.

"What?"

Nakita kong dumaan ang lungkot sa mata niya dahil sa nasabi ko pero napatawa na lang ako.

"Silly. I loved him as a friend." ngiting dugtong ko sa sasabihin ko dahilan para makahinga siya ng maluwag.

"Thank, God." bulong niya na narinig ko naman kaya napatawa na lang ako.

"Now that we love each other, I think that makes us a boyfriend and girlfriend thing?" taas-babang kilay na tankng nito kaya tuluyan na akong napahalakhak sa sinabi niya. Kanina ko pa hinihintay na sasabihin niya 'yan kaya hindi ko mapigilang tumawa.

"Okay." ngiting sagot ko rito.

"Okay." dugtong naman niya na parang hindi makapaniwala.

"We're officially in a relationship now." malawak na ngiti niyang sabi.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya pero agad rin 'yong napawi ng mapagtanto ko na pagdating ng kinabukasan, lahat ng nangyari ngayon ay mawawala na parang bula.

"You know what, I'm tired. Uwi na tayo?" ayang tanong ko rito kaya sabay kaming tumayo.

"Okay, babe." ani niya kaya gulat akong napatingin sa kaniya at mahina siyang hinampas.

When were on our way through ay may nadaanan kaming isang lalaki na may hila-hilang malaking ice cube and since basa ang dinaanan ng yelo, huli na para maiwasan ko ito dahilan para matumba ako at naramdaman ko na lang na tumama ang ulo ko sa matigas na sahig 'saka nandilim ang paningin ko.

Oh, shit. Not again.

"Idris!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status