"Galit ka parin ba?" Nakatungo kong tanong sa lalaking kaharap ko ngayon.Tatlong araw na kasi ang nakakaraan simula nung nangyari yung alitan namin dahil sa ewan ko.Actually until now 'di ko parin alam kung bakit nga ba kami nagaway.
"How many times do I need to tell you that I'm not mad at you?" Straight english n'yang saad kaya muntik nanamang dumugo yung ilong ko.Akalain mo yun ang galing magenglish nung nakikitira lang sa bahay ko.Nakita ko naman s'yang tinignan ako nang masama kaya napapeace sign na lang ako.Nasanay na 'ko na nababasa n'ya kung ano yung nasa isip ko.Unti na lang talaga at magiging normal na sa'kin yung pagbabasa n'ya sa isip ko."Pwedeng magtanong?" Tanong ko kahit nagtatanong na 'ko.Hehe"Mmm?""Ano yung ibig sabihin mo dun sa pinadala ka ni Lord?" Tanong ko pero napatingin ako bigla ako sa iba dahil parang may mali sa tinanong ko."Oh..It's nothing, 'wag mo na lang pansinin." Saad n'ya sabay tingin sa pintuan kaya napatingin din ako roon."May tao sa labas." Pagiiba n'ya ng topic.Talaga ba ah.Tumayo ako at pumunta sa pintuan.Tumingin muna ako sa kan'ya bago ko buksan yung pintuan.Pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa'kin ang Tiyahin ko na kulang na lang ay maging clown dahil sa sobrang kapal ng make-up n'ya."Oh, kakatok pa lang sana ako.Anyways, tabe." Utos n'ya at balak nang pumason ngunit hinarangan ko s'ya."Lumayas ka sa dadaanan ko." Mariin n'yang utos pero matigas ako dahil ayokong umalis.Sigurado ako na maghahalungkat nanaman 'tong dimonyita kong Tiyahin sa loob ng pamamahay ko.'Di ko alam kung ano ba yung pinaparit-parito n'ya rito sa bahay ko pero sure ako na kung hindi pera ay something na maibebenta n'ya para magkapera."Tita Gina, umalis na po kayo." Pagtataboy ko sa kan'ya ngunit sa halip na umalis ay itinulak n'ya ako para makapasok s'ya sa bahay ko.Tumama sa likuran ko yung doorknob kaya napilipit ako sa sobrang sakit."Sino ito??Grabe napakalandi mo talaga!" Rinig ko na sabi ni Tita Gina.Nakita n'ya siguro si Daniel.Habang namimilipit sa sakit ay tinignan ko si Dan dahil baka mamaya s'ya naman yung pagtuunan ng kademonyohan ng aking Tita."Trespassing po yung ginagawa n'yo" Kalmadong saad ni Daniel habang papalapit sakin.Nginitian n'ya 'ko at hinawakan yung likod ko.Napatingin ako sa mata n'ya ng maramdaman kong biglang nawala yung pananakit nung likod ko na tumama sa door knob.Anong nangyayari?"Are you okay?" Tanong n'ya sa'kin habang inaalalayan akong tumayo.Unti-unti akong tumango bilang tugon sa kanya.Bakit nawala bigla yung sakit ng likod ko samantalang hinawakan n'ya lang naman 'to?"Nasan wallet mo?" Tanong ni Tita Gina.'Di ko s'ya sinagot dahil for sure kukunin n'ya laman ng wallet ko.150 na nga lang laman kukunin mo pa.Buti na lang bukas pa 'ko sasahod."ABA!SUMAGOT KA!" Sigaw n'ya sabay bato sakin ng picture frame na sila Mama at Papa yung nasa picture.Napapikit na lang ako at hinihintay na tumama sa'kin yung picture frame pero wala parin akong nararamdaman kaya napamulat ako.Nakita ko si Dan na hawak hawak ngayon yung picture frame at tila ba na sinalo n'ya yun kahit na may kalakasan ang pagkakabato ng Tiyahin ko doon."Nakahanap ka ng tagapagtanggol ah.Ayos ka rin eh noh?!" Napasinghap na lang s'ya dahil sa inis at naisipan na lang lumayas ng pamamahay ko.Napatingin ako sa loob ng bahay at napabuntong hininga na lang ako.Walang buwan na hindi magulo ang loob ng bahay ko dahil sa demonyita kong Tiyahin.Naiinis na naiiyak ako lagi pagnapunta rito ang Tiyahin ko.Nakakainis lang kasi sila na lang yung kamag-anak ko tapos ganun pa yung trato nila sakin.Mas pipiliin ko pang makasama si Dan na hindi ko naman kadugo kaysa sa mga demonyo kong kamag-anak na kulang na lang pati 'tong tinitirahan kong bahay ay kunin.Buti na lang ay nangunngupahan lang ako kaya wala silang karapatan na angkinin 'to."Maglilinis nanaman ako" Bulong ko at matamlay na pinupulot yung mga pinagbabato ng Tiyahin ko nang maghalungkat s'ya kanina."Palagi bang ganto yung nangyayari pagnapunta yung Tita mo rito?" Tanong n'ya habang tinutulungan akong magpulot ng kinalat ng Tiyahin ko.Napangiti ako ng unti pero naiiyak at the same time.Ngayon lang din kasi ako may nakatulong sa pagaayos ng mga kinalat ng Tiyahin ko.Nakakatuwa na nakakaiyak isipin na may karamay na 'ko.Nakakatuwa kasi may nandito na para sakin.Nakakalungkot naman dahil ngayon ko lang ulit naranasan 'to pagkatapos mawala ng aking mga magulang."You must be really lonely." Saad n'ya habang inaayos yung mga pinulot n'ya.Nakatingin lang ako sa kan'ya habang inaayos n'ya yung mga 'yon.Lumingon s'ya sakin at ngumiti."Thank you for not giving up, Hannah." Malambing n'yang saad habang nakatingin sa mga mata ko.Maya-maya ay naramdaman ko na may tumulo sa mata ko kaya agad kong pinunasan 'yon.Nakakainis, pinapaiyak mo naman ako eh.Narinig ko s'yang tumawa nang mahina kaya napatingin ako sa kanya.Ba't ka nanaman natawa jan mag-isa, Dan?"Can you call me Dan next time?" Saad n'ya na ikinalunok ko ng laway ko.Alam n'ya pala yun?Nandito kami ngayon sa labas ng inuupahan ko at nagpapahangin habang nagpapatugtog ng music sa phone ko.Gabi na rin at medyo maalinsangan sa loob kaya lumabas kami."Nga pala" Saad ko na ikinalingon n'ya sa'kin."Thank you nga pala kanina.'Di ko malilimutan yung ginawa mo para sakin kanina." Pasasalamat ko sa kan'ya bago ngumiti."No worries.That's my duty." Rinig kong bulong n'ya.Duty??Panong duty?Security guard ka ba??Narinig ko s'yang natawa kaya napatingin ako sa kanya. "Pwede naman" Saad n'ya na ikinasama ko ng tingin sa kan'ya."Tigilan mo nga yung pagbabasa ng isip ko." Masungit kong utos sa kan'ya na lalo pa n'yang ikinatawa.Anong nakakatawa aber??"I'm sorry pero malabo ata yung gusto mong mangyari" Saad n'ya."May tanong ako.""Mmm?What is it?""Nababasa mo rin ba yung nasa isip ng Tita ko kanina?" Tanong ko kasi curious ako if ano ba yung hinahanap ng Tiyahin ko sa pamamahay ko."Nope.""Ha?Di mo nabasa??""I mean...di ko kaya."Sagot n'ya na ikinataka ko.Ha?Kala ko ba may ability s'ya na basahin yung nasa isip ng tao?" Well oo, may ability ako but the thing is..""Is??" Pinapaputol putol pa kasi ayaw na lang sabihin ih.Kita ko s'yang natawa, nabasa nanaman siguro yung nasa isip ko."Yung nasa isip mo lang yung kaya kong basahin." Sagot n'ya na ikinataka ko lalo."As in yung akin lang??" Tanong ko ulit na ikinatango n'ya naman.Eh??Ba't ako pa?"Why?Ayaw mo ba?" Tanong n'ya bigla na ikinakurap ko ng ilang beses."H-ha?"Tumawa nanaman s'ya ng mahina bago guluhin yung buhok ko. "Let's go inside.Malamig na baka sipunin ka." Pagbabago n'ya sa topic at nauna nang pumasok sa loob.Lord ano po bang klaseng tao yung pinadala n'yo po sakin??Naisipan namin ni Dan na mag Mall dahil nakasahod na kami.Inferness dito kay Dan kasi medyo malaki laki yung kinita n'ya which is good.Niyaya n'ya 'ko na sumama sa kan'ya kaya 'di na 'ko tumanggi dahil matagal-tagal na rin akong 'di nakakapunta rito kaya sobrang excited ko."Should we eat first?" Tanong n'ya sakin nang nakangiti.Mukhang excited din kasi s'ya at parang first time n'ya ngang nakapunta rito dahil nagtatanong s'ya sakin kung ano raw 'yong mga 'yon basta kung anong makita n'ya sa loob ng Mall na ito ay itinatanong n'ya sakin.Tinuro ko yung Jollibee at tinignan s'ya. "Kain tayo sa Jollibee!" Excited kong aya sa kan'ya.Tumango naman s'ya sakin kaya agad ko s'yang hinila papasok ng Jollibee dahil baka maubusan pa kami ng mauupuan.Umorder na 'ko at hinayaan ako ni Dan na mamili ng makakain namin.Mukhang first time n'ya rin na makakain dito sa Jollibee at nakapagtataka lang dahil parang lahat first time para sa kan'ya.Umupo na 'ko pagkatapos kong maka-oder.Nasa harapan ko s'
Napamulat ako ng mata sa walang kadahilanan, nilibot ko ang dalawa kong mata sa silid kung saan ako naroroon at masasabi kong madilim at ang tanging ilaw lamang sa labas ang nagsisilbing liwanag upang makakita ako kahit papaano.Kinapa ko yung telepono ko sa bandang uluhan ko upang tignan ang oras.Nakita ko namang mag aalas dos pa lang ng madaling araw kaya naisipan kong ipikit ulit ang aking mata.Sinubukan kong matulog muli ngunit tila ayaw ng diwa ko.Kaya minulat ko na lamang ang mga mata ko at naisipang bumangon.Sa kalagitnaan nang paglalakad ko palabas ng kwarto ko ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot ng biglang humangin at lumamig sa bandang likuran ko.Agad kong binuksan yung ilaw ng kwarto ko at napatingin sa buong sulok ng kwarto ko."Ganto yung mga napapanood ko sa tiktok ah" Bulong ko habang yung buong pagkatao ko ay ngayo'y nababalutan ng takot.Pagnagising ka raw kasi sa oras ng alas dos hanggang alas 4 ng madaling araw ay maaaring may demonyo raw na nanonood sa'yo
DANIEL'S POVSinigurado ko munang tulog na si Hannah bago ako maglaho rito sa tabi n'ya.I have business to do sa taas, alam ko naman na may nagawa akong bawal at labag sa batas namin kaya pumunta na lang ako agad para maayos ito.I introduce myself to Hannah as Daniel pero hindi talaga 'yon yung tunay kong pangalan.Isa rin kasi sa rules ang bawal sabihin ang tunay na pangalan namin, Angel names are mysterious and holy.I also have a virtue about Love, Development, Protection, Knowledge and Premonitions.I'm Hannah's Guardian Angel, and I have a mission to do kaya ako napadpad sa tabi n'ya.'Di lamang ako ang Anghel na nandirito sa lupa, madami kami at nandito kami upang tapusin ng maayos ang bawat misyon namin.I've been protecting and guiding Hannah since she was born in this world.Lagi akong nasa tabi n'ya, I always protecting her from evil spirits that hunts her everyday.Guardian Angels serve to protect whoever the Deity assigned us to.I was assigned to serve and protect, Hannah Kim.
Nandito ako ngayon sa working place ni Dan at laking gulat ko dahil halos masira at mag mistulang abo ang building kung saan nag tatrabaho si Dan.Mas lalo akong kinabahan dahil hanggang ngayon ay may mga tao parin na inilalabas sa building ang mga rescuer.Sugatan sila at halata sa kanila na sobrang naapektuhan sila sa nangyari.Mukha kasing pinasabog ang building na 'to at makikita mo parin hanggang ngayon ang mga nagsisiliparang abo na sanhi ng malakas na pagkasunog.Anong nangyari rito?Nasa'an si Dan??Nagkakagulo rito at muntik pa nga akong 'di makapasok dito kasi may mga nagbabantay at restrikto rin ang parte ng lugar na ito dahil sa nangyari.Tinakasan ko lang yung nagbabantay dahil 'di na talaga ako mapakali.Pumasok ako sa loob ng sirang building at maya-maya pa ay may pumigil sa'kin. "Miss, bawal po kayo rito." Hinila ako ni Kuya papalayo sa building kaya pinigilan ko agad s'ya. "T-Teka lang po, Kuya.Dito po kasi nagtatrabaho yung... " Napatigil ako dahil hindi ko alam kung ano
"Aray!" Sinamaan ko s'ya nang tingin kasi gumalaw s'ya bigla. "Bakit kasi nagpapakabayani ka doon?" Tanong ko sa kan'ya sabay pahid ng ointment sa sugat n'ya.Alam ko namang Anghel ka pero anyong tao ka dito sa lupa, 'di pwede na ganyan."I know, but I can't help it." Saad n'ya bago ngumuso. "'Di mo ba kayang I-heal sarili mo?" Tanong ko sa kan'ya na ikinailing n'ya naman.Tamo!Tas kung makasugod ka sa sumabog na building eh wagas?"I can only heal you.Pero hindi naman sa point na kada madidisgrasya ka ay kaya kitang I-heal.Minor lang kaya ko." Mahabang paliwanag n'ya kaya napatango na lang ako.Kaya pala nawala bigla yung sakit nung likod ko na nadali sa door knob that time."Nga pala, Anghel--" "Don't call me Angel.." Bulong n'ya sa'kin kaya napatikom ako ng bibig 'ko.Bakit naman??Tayo lang naman yung nasa loob ng bahay na 'to ah."Bawal malaman ng iba na galing ako don." Sabay turo n'ya sa taas.Napakurap na lang ako ng ilang beses dahil sa sinabi n'ya.Well sabagay, nung sinabi mo nga
HANNAH'S POV"What's this?" Tanong n'ya habang hawak hawak yung cellphone na binili ko para sa kan'ya.Delikado na kasi, need namin ng contact sa isa't isa, yoko na maulit yung nakaraan." Cellphone?" Patanong kong sagot sa kan'ya. 'Di ba halatang cellphone yan teh?"I mean..yeah, cellphone 'to pero para saan?" Tanong n'ya ulit.Ang slow din pala ng mga Anghel minsan. Nilayasan ko na lang s'ya at 'di s'ya sinagot.Bili ka muna common sense, Idol."Oii!" Tawag n'ya sa'kin na agad kong ikinalingon sa kan'ya. Oii???Angas sa'n mo natutunan yan? "Ba't?" Tanong ko kasabay ng pagtaas ng isa kong kilay." 'Di ako marunong neto...." Saad n'ya na ikina kurap ko ng ilang beses.Oo nga naman syempre 'di s'ya marunong nan diba.Lumapit ako sa kan'ya at inagaw sa kan'ya yung phone."Sabihin mo muna, please master." Biro kong saad na ikinatingin n'ya sa'kin ng nagtataka. "No.Bawal.Sa'yo na lang yan if ayaw mo 'kong turuan." Seryoso n'ya masyadong saad bago mag walk out.Luh"Dan!Jino-joke time lang kita!P
Naglalakad lakad kami ngayon at naghahanap ng for rent na karatula sa labas ng bahay.Tatlong oras na kaming naglilibot libot pero wala parin kaming mahanap.Medyo nagugutom na nga rin ako at feel ko mabubutas na yung pinaka baba ng sapatos ko kakalakad. " 'Di ka ba napapagod?" Tanong ko sa kasama ko na parang 'di man lang napapagod sa kakalakad.Grabe sana all ah. "Mmm..Hindi naman.Why?Pagod ka na ba?"Tanong n'ya sabay tigil sa paglalakad.Tumigil rin ako at tumingin sa kan'ya.Bumuntong hininga muna ako bago tumango.Hindi ba delikado 'tong ginagawa naten? "I guess...oo?"Patanong n'ya ring sagot sa'kin.Lumingon lingon ako sa lugar kung nasaan kami ngayon at biglang napatigil ng bigla akong may nakitang karatula. "House for rent..."Pagkabasang pagkabasa ko nun ay agad ko s'yang hinila papunta sa bahay kung saan 'ko nakita yung karatula. "May nahanap ka?" Tanong n'ya kaya nakangiti akong tumango sa kan'ya.Kung 'di pala s'ya tumigil edi 'di ko 'to makikita.May dulot talaga s'ya hehe.Wal
Hapon na pero 'di parin kami nalabas ng kwarto.Nakatungannga lang ako sa tebisyon na nakapatay habang si Dan naman ay naghihintay ng tawag mula sa may ari ng bahay na balak naming upahan.'Di kami makalabas kasi baka mamaya nand'yan yung mga namasok sa dating bahay namin 'diba. " 'Di ka ba na bo-bored?" Napatingin ako sa kan'ya at ngumuso.Tinatanong pa ba yan?Halos mag mukha na kong ewan dito kakatitig sa tv na nakapatay sa sobrang bored bhie."Let's go outside." Tumayo s'ya sabay punta sa pintuan kaya napatayo rin ako.Nahihibang na ba s'ya?Alam kong Anghel ka pero-- "Trust me." Saad n'ya bago ngumiti sa'kin. 'Di ba s'ya napapagod kakangiti?"Oo na po."Ngumiti rin ako sa kan'ya bago ayusin ang sarili ko.Lumabas na kami ng room namin at walang takot n'yang nilakad yung corridor hanggang sa mapadpad kami sa elevator. Ba't parang ang lakas ng loob n'ya ngayon?" Because you trust me. " Saad n'ya bago tumabi sa gilid para paunahin akong makapasok sa loob ng elevator. Nakakapanibago...I