Share

Chapter 3

Halos magdadalawang linggo na simula nung nanatili sa bahay ko si Daniel.Sa loob ng dalawang linggo ay medyo nakilala ko na siya, he's a good person at unti unti ko na ding nakikita at nararamdaman kung gaano niya ko pahalagahan at protektahan.

I know na unting panahan lamang ang dalawang linggo pero ewan, medyo magaan na ang loob ko sa kanya.Actually masaya ako dahil sa wakas ay mayroon na akong kasama sa malungkot na buhay na 'to.

"Sure ka ayaw mo talagang ihatid kita sa coffee shop?" Tanong niya habang nagaasikaso.Nakahanap na rin kasi siya ng mapakakakitaan at kasalukuyan niya rin akong tinutulungan sa mga bayarin at sa pagkain namin.

"Yes, sure na 'ko" Saad ko sabay tingin sa kanya.Gwapo n'ya talaga.

"Really?" Tanong niya bigla na ikinagulat ko.Lintek na 'yan!Nababasa n'ya nga pala yung nasa isip ko.

"H-ha?" Taka kong tanong na kunyari'y 'di alam kung ano yung tinutukoy niya.

Tumawa muna s'ya nang mahina bago ako sagutin. "Nothing.Sabay na tayong umalis." Napatango na lang ako sa sinabi n'ya at dali-dali na ring nagasikaso.

Nandito na 'ko sa coffee shop at kasalukuyang busy sa paaasikaso ng mga costumers.Bigla akong napatingin sa labas ng Cafe namin dahil biglang umingay ang paligid.

'Di ko makita kung sino yung pinagkakaguluhan nila kasi bukod sa maraming tao ang nakaharang ay maliit na tao rin ako.Saklap naman ng buhay ko.

"Anong meron sa labas?" Tanong ni Belle sa'kin habang nakatingin din sa mga nagkakagulo sa labas ng Cafe namin.

"Ewan?Baka may sikat na artista?" Balik kong tanong sa kan'ya.Bigla siyang naglakad palabas ng Cafe namin at nakiusyoso sa mga nasa labas.Chismosa rin nito eh.Hinayaan ko na lang sila magkagulo at nagasikaso nalang ng mga costumers.Gusto ko na agad umuwi.

Ewan ko kung bakit atat na atat akong umuwi simula nung mga nagdaang araw.'Di ko alam kung pagod lang ba ako o gusto ko s'yang makita.Miss ko na s'ya--Ihhh.Actually ngayon na lang ulit ako naging masaya at excited na uuwi sa pamamahay ko.

After ni Alex gumawa ng coffee ay agad ko itong sinerve sa umorder.Pagkatapos kong maserve ay napahinto ako malapit sa pintuan ng Cafe namin dahil may papasok na costumer.Ganito lagi ang ginagawa namin.We greet out costumer pagpapasok sila then magpapasalamat at iimbitahan ulit namin sila na pumunta ulit dito sa Cafe namin.

Kahit rude ang costumer ay wala ka talagang choice kundi bumati at magpasalamat.Nanaisin mo na nga lang sabihin sa kanila na Please don't come again eh.

Nagbow muna ako bago I-greet yung pumasok na costumer. "Welcome our dear costumer!Please come in--" Napatigil ako sa pagbati nang makita ko yung mukha niya.

"You miss me?" Nakangisi niyang tanong bago ilapit yung mala anghel niyang mukya saakin.Napaestatwa na lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang lapit niya sakin.

"H-Ha?" Utal kong tanong na para bang hindi naintindihan yung sinabi n'ya.Pano ko kasi maiintindihan kung bigla bigla n'ya na lang ilalapit yung mukha niya sakin??!

Tumawa s'ya ng mahina bago lumayo sakin, nilagpasan n'ya ako at umupo sa bakanteng pwesto.Maya-maya pa ay sinenyasan niya ako na lumapit sa kan'ya kaya wala na 'kong nagawa kundi sundin s'ya.

"May I take your order....Sir?" Saad ko habang nakatingin sa maamo n'yang mukha.Kung hindi mo talaga siya kilaka ay aakalain mo talagang artista na galing sa south korea.Yung mga boyband doon.

"Am I?" Tanong niya habang nakangiti.Napaubo na lang ako dahil nakalimutan ko nanaman na nababasa niya nga pala yung nasa isip ko.

"Ano order mo?" Casual kong tanong kasi why not?It's not like di kami magkakilala ng taong nasa harapan ko diba?

"I'm not." Saad niya habang nakatingin sa menu.Pinagsasabi n'ya?Anong I'm not?

"I mean...'Di ako tao." Napatawa naman ako sa sinabi n'ya kaya napatingin samin yung mga taong nandito sa loob.

Napaubo ako bago sumeryoso ng mukha. "Order mo, bilis." Utos ko na agad niya namang sinunod after n'ya kong pagtawanan.Jinoke time ba naman.

Oras na nang uwian at nagsiuwian na sila maliban samin ni Alex.Magoover time kasi kaming dalawa, mukhang malaki rin pangangailangan n'ya.

Nagasikaso lang kami nang nag asikaso ng costumers.Medyo rush nung mga 7-9pm dahil nagdagsa ang mga panggabi na workers na nagtatrabaho sa company na malapit dito sa Cafe namin.

Makalipas ang ilang oras ay sa wakas makakauwi na kami ni Alex.S'ya ang nagpresinta na magsara ng Coffee Shop kaya nagasikaso na 'ko ng mga gamit ko upang makauwi na rin.

"Nakauwi na kaya si Dan?" Napatigil ako ng ilang segundo nang mabanggit ko yung shortcut ng name n'ya.Natawa naman ako ng mahina nang sumagi sa isipan ko na ang cute nung nickname na 'yon.

"What if itawag ko sa kan'ya 'yon?" Tanong ko sa sarili ko at lumabas na sa Staff Room.Nakangiti akong lumabas ng Staff room at bigla akong natigilan sa paglalakad nang makita ko s'ya na tinutulungan si Alex na magayos ng mga upuan.

"Hi, Hannah!" Bati n'ya sakin habang nakangiti ng matamis.Parang hindi s'ya nagtrabaho dahil mukhang 'di s'ya napagod sa araw na 'to.

"Oh, nanjan ka na pala Hannah.Isasara ko na 'tong Shop.Napabilis yung gawain ko dahil kay Daniel eh" Natatawang saad ni Alex.

Maya-maya pa ay naisara na ni Alex ang Coffee Shop at nagpaalam na kami sa kan'ya.Naglalakad kami ngayon ni Dan...Ihh.Ehem, I mean naglalakad kami ngayon sa madilim na kalsada na tanginang ang punding street lights lang ang nagsisilbing ilaw.

Okay na rin kahit pundi, kaysa sa wala 'diba?

"How's your day?" Bagbasak ni Daniel sa katahimikan.Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.Pansin n'ya namang napatigil ako sa paglalakad kaya ganoon din ang ginawa n'ya.

Hindi ko alam pero may side sa puso ko na masaya ngunit malungkot at the same time.Halos ilang taon ko ring hindi narinig 'yan.Ngayon na lang ulit may nagtanong sa'kin nan.

"O-Okay lang naman." Tugon ko na ikinangiti n'ya.Pinadala mo po ba sakin 'to, Lord??Ganun na po ba ako kaawa-awa?

"Pano mo nalaman?" Tanong n'ya bigla na ikinataka ko.Ha?

"Ang alen??" Tanong ko.Nagtaka lalo ako ng bigla s'yang yumuko na para bang may nagawa s'yang kasalanan sa'kin.

"Na pinadala n'ya 'ko." Sagot n'ya na ikinataka ko ulit.Ha?You mean...pinadala ka ni Lord sa'kin?Ha?

"Oo...yun nga" Saad n'ya ulit habang nakayuko parin.Nagkaroon ng unting katahimikan sa paligid namin at hindi ko na napigilan at tinawanan ko na s'ya.

"Kanina mo pa ko jinojoke time ah" Natatawa kong saad na ikinatingin n'ya sakin nang nagtataka kaya napatigil ako sa pagtawa.

"I'm not kidding around, Hannah." Seryoso n'yang saad na nagpatigil lalo sakin sa pagtawa.Seryoso mo naman masyado.

"Let's go home." Nauna na s'yang maglakad at naiwan ako rito na nagtataka.Ha?May nasabi ba akong masama??

Susuyuin ko ba s'ya o ano??

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status