Share

Chapter 4

KASAMA ngayon ni Nickson sa University si Denise. Hawak-kamay sila na naglalakad sa corridor nang mapansin nila ang fiancee ni Nickson na si Olive sa 'di kalayuan sa kanila. Biglang binitawan ni Nickson ang kamay ni Denise. Dumapo ang tingin ni Olive ay sa kamay nila na magkahawak ni Denise. Mabilis niyang binawi ang kamay mula sa nobya.

"What's the problem, Babe?" nagtatakang tanong ni Denise. Sinundan ng tingin ni Denise ang tinitingnan ni Nickson. At nakita niya si Olivia kasama ang mga kaibigan nito. Nagtama ang mga tingin nila ni Olivia. Nagbago ang hilatsa ng mukha niya sa tingin na iyon ng nobyo. Pati na ang pagbawi ng kamay nito sa kanya.

"Ah, wala naman."

"Why? I think, it's okay kay Olivia ang ganito," at walang paalam na hinalikan ni Denise si Nickson sa labi.

Nakita iyon ni Olivia at naiinis na niyaya ang mga kaibigan na umalis. Naalibadbaran siyang makita ang nobya ni Nickson. Masyadong paepal sa kanya. Kahit na wala naman siyang ginagawa rito. Insecure masyado sa kanya. Kilala niya si Denise at matanda sa kanya ng ilang taon ito. Gayunpaman, hindi niya pinapatulan ang mga pagparinig nito.

"Tara na nga. Nakakawalang gana," naiinis na aya ni Olivia sa mga kaibigan. Hindi nakaligtas iyon sa pandinig ni Nickson.

"Teka lang, Olive. Bakit ka ba naiinis?" tanong ni Ashley sa kaibigan niya.

"Huwag ka ng magtanong, Ashley? Hindi mo ba nakita si Nickson kanina? Kasama ang girlfriend niyang si Denise. At hinalikan pa ang fiance ni Olive sa harapan natin," si Yza na ang sumagot sa tanong ni Ashley.

"Ohh," nasabi na lamang ni Ashley. Hindi niya kasi napansin dahil sa pagbabasa ng libro na hawak niya.

"Huwag mo na lang pansinin, Olive. Isa pa magiging asawa mo na si Nickson, di ba?" sabi naman ni Ashley. Pinapagaan lang nito ang loob ng kaibigan.

"Tayo na sa klase natin. Baka mahuli pa tayo," aya na lamang ni Olive sa mga kaibigan. Saka bakit ba siya nagpapaapekto? E, wala naman silang relasyon ni Nick.

Nang nakaalis sina Olive ay binalingan ni Nickson si Denise. Masama niya itong tiningnan.

"Why did you do that?"

"Bakit ba ganyan ka kung makatanong ha, Nickson?!"

"Ang sinasabi ko lang nasa public place tayo. Saka marami ang nakakaalam na ikakasal na kami ni Olive."

"Ah, so ngayon ipinagtatanggol mo pa ang babae mo! Sige magsama kayo!" galit na iniwan ni Denise si Nickson.

This, past few days lagi na lamang silang nag aaway ni Denise. Lagi itong kumokontra sa lahat ng gusto niya. At minsan pa ay nagiging mainitin ang ulo nito sa kanya. Palagi rin itong nagseselos kay Olive. Kahit na sila naman ang palaging magkasama. Halos mawalan na siya ng oras para asikasuhin ang kasal nila ni Olive. Dahil sa sobrang pagkademanding ni Denise.

Nahihirapan na siyang pagtimbangin ang lahat. Maigi na lamang at hindi pinapatulan ni Olive ang girlfriend niya. At hindi siya isinusumbong sa Daddy niya sa tuwing pupunta sila sa bahay ng fiancee niya. Mabait si Olive, pasensiyosa at maunawain. Minsan nga sobrang mabait na ito to the point na kahit ang pangit na ng trato sa kanya ni Denise ay hindi nito pinapatulan.

Nahihiya lang siya minsan para dito. Dahil sa mga inaasal ni Denise sa kanya.

"Nick, tomorrow na susukatan si Via ng wedding gown niya. Samahan mo ang fiance mo," sabi ng Papa ni Olive.

"Okay po, Tito," sagot niya habang si Olive ay tahimik lang sa tabi niya.

Siniko ni Nickson ang fiancee niya na tahimik na nakaupo sa tabi niya. Tiningnan lang siya nito ng masama. At tinawanan naman niya lang ang pagsusungit ni Olive sa kanya.

"Anong problema mo?" naiinis na tanong ni Olive.

"Ang tahimik mo kasi. Susundin kita eight in the morning. Ayaw ko nang pinaghihintay ako," aniya.

"Okay po," at hindi na inabalang tingnan pa si Nickson.

"Tito, uuwi na po ako," paalam nito sa Papa ni Olive. Tumango naman ng ulo ang Papa ni Olive. Tumayo na si Nickson. Pero si Olive ay nakaupo pa din.

"Hatid mo naman ako kahit hanggang sa gate lang," bulong na sabi ni Nickson sa tenga ni Olive.

"Sige na, Via. Ihatid mo ang fiance mo sa labas," utos ng Papa niya.

Napilitan namang tumayo ni Olive. Pinagmamasdan ni Nickson ang fiancee niya. Maganda naman si Olive. Lalo na ngayon nakadress siya. Bagay naman dito kahit anong isuot na damit.

Inakbayan ni Nickson si Olive. Bigla naman napaiwas si Olive sa ginawa ng binata.

"Ano ba?!" galit nitong sabi.

"Fiance naman kita, di ba? So normal lang na akbayan kita."

"No! Hindi puwede!" mariing tanggi ni Olive.

"Isumbong kaya kita kay Tito," banta ni Nickson kay Olive.

"Heh! Kahit magsumbong ka pa!" Matinis na sigaw ni Olive. Siya pa ang tinakot. Akala naman ni Nickson ay matatakot siya.

Natatawang sinusundan ni Nickson ang fiancee niya na nasa may gate na. Ang sungit sungit nito ngayon sa kanya. Parang may buwanang dalaw.

"Goodnight kiss ko," at nagpout pa si Nickson. Tinampal naman ni Olive ang labi niya.

"Grabe ka naman sa akin. Parang goodnight kiss lang, e," maktol ni Nickson.

"Goodnight kiss mong mukha mo. Umuwi ka nga!" taboy ni Olive sa kanya.

"Okay, uuwi na ako. Goodnight and dream about me," at bigla na lamang ninakawan ng halik si Olive sa pisngi. Saka nagtatakbo papunta sa kotse niya at pumasok na kaagad sa loob.

"Loko 'to, ah! Ninakawan pa ako ng halik," narinig na lamang ni Olive ang tunog ng sasakyan ni Nickson na paalis. Sinusundan na lamang ng tingin ni Olive ang papalayong sasakyan ni Nickson. Napangiti siya at hinawakan ang pisngi na hinalikan ni Nickson.

PAST eight o'clock in the morning. Wala pa si Nickson. Kanina pa nakahanda si Olive sa pagpunta nila ng botique. Isusukat niya ngayon ang wedding gown niya. At kasama niya si Nickson.

"Via, call your fiance. Baka tinanghali ng gising," utos ng Papa niya. Napakagat siya ng labi niya. Nakalimutan niya, wala pala siyang phone number ni Nickson.

"Sorry, Pa. Wala po pala akong number ni Nickson," paumanhin ni Via.

"Okay. Here," sabi ng Papa niya. Sabay abot ng phone nito.

Hinanap niya ang phone number ni Nickson at nang makita ay idinial niya kaagad. Nagring kaagad. Pero nakakadalawa na ay hindi pa din nito sinasagot. Hanggang sa naputol na ang ring.

"Papa, wala pong sumasagot," sabi ni Via.

"Mas maganda, tatawagan ko muna ang Tito Erickson mo," ibinigay ni Via ang phone ng Papa niya at nakita niyang nagtitipa ang kanyang Papa sa cellphone nito.

Umupo na muna siya sa sopa at hinintay na makipag usap ang Papa niya sa Daddy ni Nickson.

"Via, ang sabi ng Tito mo ay hindi raw umuwi sa bahay nila. Baka raw nasa condo niya ito. Puntahan mo na lang, Anak," utos ng Papa niya. Nagulat naman si Via.

"Pa, ayaw ko pong pumunta doon" tanggi ni Via.

"Sige na. Fiance mo naman si Nickson. Ihahatid ka ni Kuya Norman doon," pangungumbinsi ng Papa niya sa kanya para pumunta siya sa condo ni Nickson.

Naiinis na sumunod na lamang siya. Sakay siya ng kotse nila at ang personal driver ng Papa niya ang maghahatid sa kanya doon. Ibinigay na din ng Papa niya ang address, floor at room number ng condo ni Nickson.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status