Share

Chapter 5

SAKAY na si Olive ng kotse. Patingin tingin siya sa labas ng bintana. Hindi naman ganoon kalayuan ang condo ni Nickson. Kaya nakarating kaagad sila.

Villa Land basa ni Olive sa malaking pangalan ng building. Pumasok na siya sa loob at pumunta sa reception.

"I'm looking for the unit of Mr. Nickson Balderama," sabi niya sa babae doon. Tiningnan siya nito.

"Fiancee niya po ako," dugtong na sabi ni Olive.

"18th floor, room number 54," wika ng babae na receptionist. Tiningnan ni Olive ang name tag nito. Noime, basa niya sa name tag.

"Thank you, Noime. But next time be nice sa guest niyo," at malawak na ngumiti si Olive dito. Nahihiyang tumango naman ng ulo ang receptionist.

Pumunta na si Olive sa elevator at pumasok sa loob. Pinindot niya ang 54 kung saan ang unit ni Nickson. Nakapalaki ng building kung saan naroon ang unit ni Nickson. Maya maya ay tumunog ito at nasa 54th floor na siya. Lumabas na kaagad siya ng elevator at hinanap ang unit ni Nickson.

Nakita naman niya kaagad iyon dahil tatlo lang pala ang unit bawat floor sa building na ito.

Nagdoorbell siya. Naiinis na talaga siya. Sinabi ni Nickson na ayaw niya maghintay. Tapos hindi pala siya sisipot. Walang nagbubukas. Kaya pinindot na naman niya ang doorbell.

Nakita niya na pinihit ang door knob may nagbubukas na ng pinto. Pagkabukas ng pinto ay nakita niya si Denise na nakatapis lang ng tuwalya.

"Oh, good morning," nakataas ang sulok ng labi na bati nito sa kanya.

"Babe, sino 'yan?" tanong ng pamilyar na boses sa kanya. Niluwagan ni Denise ang pagkakabukas ng pinto at nakita si Nickson na nagpupunas ng buhok at nakatapis lang din ng tuwalya. Natigilan si Nickson

Nanlaki ang mga mata ni Olive. Pakiramdam niya niloloko lang siya ni Nickson.

"Olive?" doon niya naalala na magkikita pala sila. Ngayong araw ang pagsusukat nito ng wedding gown.

Dali-daling umalis si Olive sa harapan ng pinto ng condo ni Nickson.

"Shit, Olive!" malakas na tawag ni Nickson sa kanya. Agad din siyang lumabas ng pinto at sinundan si Olive.

Naabutan niya ito sa harap ng elevator.

"I'm sorry, I forgot," nakayukong hingi ng paumanhin ni Nickson. Hindi siya pinansin ng dalaga. Kaya hinawakan na niya ang kamay nito.

Tumingin si Olive sa kamay niya na hawak ni Nickson. Saka matalim na bumaling sa mukha ni Nickson.

"Bitawan mo ako," malumanay pa na utos ni Olive.

"Please, Olive let me explain," pakiusap pa ni Nickson. Hindi nito binibitawan ang kamay niya.

"Sinabi nang bitawan mo ang kamay ko!" galit na utos muli ni Olive.

"Sandali lang mag usap muna tayo," pagmamakaawa pa ni Nickson. Pilit na pinapakalma niya si Olive.

"Hindi ka ba nakakarinig, ha Nickson?! Sinabi nang bitawan mo ang kamay ko!"

"No!" matigas na tanggi ni Nickson.

"Anong kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin ngayon, Nickson?! What time it is? Ten o'clock in the morning already. Ang usapan alas otso ng umaga. Naghintay ako sayo ng dalawang oras. Pagkatapos nagpapasarap ka lang pala!"

Natigilan na naman si Nickson. Kasalanan naman niya. Nagsabi pa siya kagabi na ayaw niyang naghihintay. Pagkatapos pinaghintay niya si Olive ng dalawang oras.

"Kung ayaw mong makasal sa akin! Puwes, ayoko rin! Ikaw ang magpaliwanag sa Daddy mo at sa Papa ko kung bakit ako aatras sa kasal nating ito. Tutal wala ka namang pakialam sa napagkasunduan natin, hindi ba? Kaya ngayon palang mag isip ka na ng sasabihin mo sa kanila! Dahil ayoko ko nang magpakasal sayo! Mahawa pa ako ng sakit mo!" galit na galit na sabi ni Olive. Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Nickson sa kamay niya. At pumasok na siya sa loob ng elevator.

Napaiyak siya.

"Nakakainis ka Nickson! Dapat hindi na ako pumayag sa deal natin! Buwisit ka!" nawika ni Olive sa isip habang umiiyak.

Lalag ng balikat na nakayukong bumalik sa loob ng condo niya si Nickson. Agad naman na sinalubong siya ni Denise nang makapasok siya sa loob ng condo niya.

"What happen?" nagkukunwari na tanong ni Denise.

"Go home, Denise. I don't want to talk, now," utos ni Nickson dito.

"Huh? Bakit mo ako pinapaalis? Di ba dapat natutuwa ka na umatras na siya?"

Napaigting ng bagang si Nickson. At humarap kay Denise.

"I said go home! Ayokong makipag usap muna ngayon! Go out and leave!" galit na galit na taboy ni Nickson kay Denise.

Pumunta ng kuwarto si Denise at isinuot ang mga damit niya.

"Break na tayo!" sigaw na sabi ni Denise saka umalis.

Napasabunot si Nickson sa buhok niya. Hindi na niya alam ang gagawin. Kung si Denise ba o si Olive ang hahabulin niya.

Sakay ng kotse ni Nickson. Sinundan niya kaagad si Olive sa bahay nila. Kanina pa siya hampas ng hampas sa manibela dahil naipit siya sa traffic.

"Fuck, this life! Fuck! Fuck!" saka pinaghahampas ang manibela.

"You're so careless, Nickson! Nakapa iresponsable mo! Hindi kita pinapalaki ng ganyan!" galit na sabi ng Daddy niya. Nakayuko lang ng ulo si Nickson habang pinagsasabihan siya ng Daddy niya. Tinanggap niya ang mga mura ng Daddy niya. Nagpasya na lamang muna siyang maunang kausapin ang Daddy niya.

"Sorry, Daddy. It was my fault. And kapag umatras si Olive ay kasalanan ko po," Paghingi ng paumanhin niya sa Daddy niya at pag ako sa kasalanan.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, Nickson. Either, pagbuhatan kita ng kamay ay walang mangyayari. Now, face it. At humingi ka ng tawad kay Olive. Makiusap ka sa kanya,"

"How? She don't want to talk to me. Nagmakaawa na nga po ako kanina kay Olive. Matigas pa din po siya."

"Then ipakita mong sincere ka sa sinabi mo. Huwag mong hayaan na mawala ang kompanya nila. Halos naiinvest ko ang lahat doon, Nickson. And I dont want a failure," tumalikod si Erickson sa anak at umalis.

Naiwan si Nickson na problemado. Paano niya palalambutin ang puso ni Olive? Mas pinoproblema niya ngayon si Olive kesa sa girlfriend niya. Ex-girlfriend na pala. Nakipaghiwalay si Denise sa kanya.

Pabor sa kanya ang pakikipaghiwalay ni Denise para makapag isip-isip siya.

Kinuha niya ang phone niya at idinial ang number ng kanyang kaibigan.

"I need help. Let's meet all in the bar," sabi ni Nickson sa kanilang linya. Then he cut the line.

Samantala magkasama sina Ely at Omar ngayon sa bar.

"Loko talaga itong si Nickson. Mukhang problemado. Ngayon lang siya nanghingi ng tulong sa atin," sabi ni Ely. Tumango tango naman ng ulo si Omar.

"Parehas lang kayo ni Nickson na problemado sa mga babae. Buti na lang ako walang sabit. Hindi pa naiinlove. Problema lang ang mga babae na iyan!" sabi naman ni Omar. Hinampas naman ni Ely si Omar sa ulo.

"Bakit ka ba nanakit? Hindi pa kasi amining problemado ka rin kay Cindy," dagdag na sabi ni Omar.

"Oo na! Iniiwasan na kasi ako ni Cindy ngayon," amin na din ni Ely. Naghihintay na sila ngayon sa pagdating ni Nickson. Parker is still in London. Kaya hindi nila ito kasama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status