Share

Kapitulo 3

HINUBAD niya ang kaniyang leather jacket at pinalibot dito para takpan ang katawan nito kahit pa may bahid na ng dugo ito.

Malaki ang jacket niya para dito kaya hindi na alintana ang kahubaran nito. Maingat niya itong binuhat at mahigpit na niyakap para hindi ito lamigin, lumakad na siya papalabas nang may humarang sa kaniyang isa sa mga tauhan nila.

"Sir, ako na po." Bahagya pa itong nakayuko sa kaniya. 

Umiling siya sa lalaki. "Ako na." Dumiretsyo na siya sa tube-like passageway para ilayo na ang babaeng buhat niya sa lugar na iyon. 

Hindi maiwasan ni Austin mapatitig sa maamong mukha ng dalaga. Nakikita niyang may mga marka sa leeg nito na nagpadilim ng mukha niya.

Siya ang babaeng ginagalaw ng mga lalaki doon kanina. Minabuti niyang tawagan si Larkspur gamit ang earpiece.

"May buhay pa bang kahit isa doon sa kwartong pinasukan ko?" nagtatagis ang bagang nitong tanong.

"Sorry, dingleberry," hingi nito ng patawad, mukhang alam nito ang binabalak niya. "Unfortunately, napatay mo lahat. Sobrang grabe ng ginawa mo."

Nang makalabas na ang lahat ng mga tao sa kailaliman ng lupa saka niya nadinig si Lysandros na tunawin na ang testing ground ng Triumvir gamit ang mga bomba na hinanda ni Lazzini. 

"Smooth! Ang linis ng gawa natin," nasisiyahang sabi ni Lysandros sa kabilang linya.

"Yea, maliban kay Aust na kulang na lang hiwain niya ang bituka ng lahat ng mga tauhan ng Triumvir." Matabang na sabat naman ni Larkspur.

Napailing na lang siya saka dumeretsyo na sa hospital plane ni Helios.

Maingat niyang inilapag sa hospital bed ang dalaga, napansin niyang sumisilip ang dibdib ng babae kaya agaran niya itong tinakpan gamit ang kaniyang jacket. 

Mahigpit na iniiwasan dumapo ang mata sa katawan nito. 

"Dingleberries, ready for departu---"

"Wait, Austin is not here," pahabol ni Divine kay Larkspur.

"I'm busy with someone," he promptly answered to his friends in a fretful tone.

"You sound concerned what's up with you, Aust?" Efron asked, he connected his earpiece with him.

"I might go home tomorrow, Cleo, tell Lios and Lark that I need them with something, I will call you later. Bye," he dismissively said.

Anthony turned on his earpiece to join him. "But we planned to play that one-second song quiz," he whined.

There were a lot of questions that were asked but he didn't give an answer to anyone, he turned off his earpiece.

When their hospital plane was settled they immediately flew to Helios' nearest hospital which is covert, binantayan niya lang ang dalaga hanggang sa makarating na sila sa assigned room nito.

Ipinalabas siya ng mga nurse doon, kahit ayaw niyang iwan ang dalaga sinunod niya na lang ang mga ito. Umupo muna siya nang tinawagan siya ng kaibigan.

Sinagot niya ito agad nang makita na si Larkspur iyon. "That girl I carried, who is she? Can you give me some information about her? I'll give you a minute, dingleberry," deretsyahang utos niya.

"You sounded like a worried shit, dingleberry," sagot ng kaibigan.

"I am worried," pag-amin niya. Hindi na siya sinagot ni Larkspur at tanging pagtitipa lamang ang narinig niya nang eksaherada itong napasinghap. "What's with the gasp?"

"I don't think you'll want to know these, Aust." There was a hint of hesitation in his voice, he can't help but to clasped his hand. 

'I was horrified when I saw the long mark of scars on her neck, it looks like it was whipped.'

"Then let me know the basics only." He has to take it slow since he has anger issues that can trigger anytime. Good thing his best friend knew him too well.

Tumikhim muna ang kaibigan bago nagsimula. "Her name is Fauzia Niryana Alfonso, she's 26 years old. Her mother left her in her father's care. Her father had a mistress that has two sons. Ang dalawang lalaki na ito ay pinagsamantalahan siya." Nakapikit siya ng mariin, patuloy na nakinig si Austin sa kaniyang kaibigan. 

Umpisa pa lamang ay kumukulo na ang dugo niya. 

"Sabi dito, kinakadena siya ng ama 'pag hindi nito gusto ang ginagawa ng anak---"

Wala sa huwisyong napatayo siya. "Anong klaseng ama 'yang tanginang yan?!" hindi na niya nagawang alalahanin ang taong nakapaligid sa kaniya. 

"Calm down, dingleberry, umpisa pa lang 'yan, do you want me to get going?" nag-aalinlangan itong nagtanong. 

Tumango siya kahit 'di niya kaharap ang kausap. "Keep going." Bumalik na muli siya sa kaniyang pwesto. 

"Halos anim na taon na gano'n ang buhay niya, may tumulong sa kaniya pero inabandona lang rin siya nito dahil pinapatahimik ito ng kaniyang ama---I don't want to say these parts---nang makawala siya sa bahay ng kaniyang ama saka naman may dumukot sa kaniyang isa sa mga tauhan ng Triumvir." Habang tumatagal humihina ang pagsasalaysay nito. 

"Apat na taon siyang nandoon, kapag nahuhuli siyang tumatakas nilalatigo siya ng mga tauhan ng Triumvir at ang masama pa dito---ahm, hindi mo na kailangang malaman." Napahilamos ng mukha si Austin sa paghinto ng kaibigan. 

"Tell me, anong ginagawa sa kaniya?" halos wala nang boses na aniya.

Hindi sumagot ang kaibigan sa kabilang linya, wala pa itong balak magsalita kung hindi lang niya maotoridad na tinawag sa pangalan ni Austin. 

Nahirapan pa itong deretsyuhin ang dapat sabihin, alam ni Larkspur ang magiging reaksyon nito sa babanggitin niya. "T-They... Gang up on her..."

His fist balled, Austin unconsciously stand up. Hindi na niya nakontrol ang emosyon na nag-aalburoto. 

"Austin, I can see you. Stop whatever you're thinking and calm down." Pilit na pagpapakalma sa kaniya ni Larkspur kahit na hindi niya na mapipigilan ang binata. 

Nagpatuloy lang siya sa paglakad, sinigawan na siya ni Larkspur sa kabila. "Austin! Stop right there! Huwag kang maglabas ng galit sa ibang tao---Austin!" 

Hindi niya na pinalipas pa ang lalaking dumaan sa direksyon niya, sinalubong niya ito ng marahas niyang kamao. 

He was goaded by anger. He wasn't restraining, still punching and giving a heavy blow on someone he doesn't know.

Hindi na niya nagawang pigilan ang sarili, sa bawat pagsuntok nito hindi malabong makapatay ang binata.

Ramdan niyang may lalaking puimigil sa kaniya gamit ang syringe. 

Dahil sa turok na iyon bumigay ang katawan niya at nanghina. 

"W-What..." was the only thing he could say and when he looked at the man who stopped him it was Helios that's angrily looking down at him.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status