Share

CHAPTER 2: MEMORIES

QUINN’S POV

(Flashback 8 Years Ago)

Napaangiti ako sa bulaklak na nasa harapan ko ngayon. Umangat ang gilid ng labi ni Denver matapos makita ang reaksyon ko. Agad kong tinanggap ang isang pirasong rosas na inaabot niya sa akin. Tumikhim siya at nahihiyang umiwas ng tingin.

Tahimik ang rurok ng bundok habang nakatanaw kami sa papalubog na araw. Ang mga bulaklak na nakapalibot sa amin kung noon ay pinaglalaruan lang namin, ngayon ay nagsilbing instrumento para mas maging romantiko ang paligid sa aming dalawa.

“Umaasa pa rin ako na babalikan ako ng mga magulang ko,” he whispered while we are sitting on the grass.

Nakataas ang isang tuhod niya at doon nakapatong ang siko nito.

“Pero masasabi ko na masaya na ako dito sa shelter, kasama ka at iba pang mga kaibigan natin,” he added again with a smile on his lips.

Inamoy ko ang rosas na binigay niya. Sa loob ng sampung taon na magkasama kami, sa kanya lubos napalapit ang loob ko. Siya ang matalik kong kaibigan dito, ngunit nitong nakaraang araw ay nag iba ang pananaw ko sa kanya lalo na dahil sa kakaibang kilos nito na pinapakita sa akin. Mas lalo niya akong inaalagaan, binibigyan ng atensyon, at pinuprotektahan higit pa sa kaibigan.

“Hindi na tayo mga bata pa, Quinn. Darating ang araw na aalis na din tayo dito sa shelter. Isang taon na lang ay malapit na akong mag-18, maaring umalis ako at maiwan ka dito,” he uttered seriously while looking at the wide landscape of farm in front of us.

Ang kahel na kalangitan ay nagbibigay repleksyon sa kanyang mukha. Nang balingan ko siya ay hindi ko maiwasan na masaktan sa mga sinasabi niya.

“Sasama na lang ako sayo,” I suggested.

Bumaling siya sa akin na may ngiti sa labi pero kalaunan ay naglaho ang malambing na ngiti nito at unti-unting umiling.

“Hindi ka makakaalis dito sa murang edad hangga’t walang umaampon sayo. Kapag walang gustong umampon sayo at umabot ka sa tamang edad, maaring makalabas kana at magdesisyon para sarili mo,” paliwanag niya.

Malungkot akong napatingin sa bulaklak na rosas. Malapit na mag-18 si Denver, aalis na siya at iiwan ako.

“Aalis kana?” malungkot kong tanong sa kanya.

“Siguro… after 5 months baka makalis na din ako, hindi na ako bata para manatili dito.”

Bumagsak ang balikat ko. Hindi ko gusto na umalis siya.

Naramdaman ko na lamang ang kamay niya sa akin, kinuha niya ang rosas na hawak ko at nilagay iyun sa tabi namin upang mas mahawakan ang kamay ko ng maayos. Humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata.

“Maghahanap ako ng trabaho malapit dito sa shelter habang nag-aaral ako. Hindi ako lalayo o aalis ng isla para mas madalaw kita ng madalas. Kapag nangyari yun at yumaman ako, babalikan kita at kukunin dito. Magpapayaman ako para mabuhay ka, Quinn. Sa ngayon, prinsesa muna kita, pero huwag kang mag-alala, darating ang panahon na gagawin kita na reyna,” he promised while holding my hands tightly.

“Paano kapag hindi ka yumaman, hindi mo ako kukunin?”

Mapait siyang napangiti sa tanong ko. Maaring bata pa ako ngunit may alam ako sa ikot ng mundo. Mahirap yumaman kapag ganito ang estado ng buhay mayroon kami. Walang pamilya na susuporta sa amin.

“Paano ba?” he chuckled embarrassedly.

“Kahit hindi ka yumaman, balikan mo ako at sasama ako sayo,” marahan kong sambit at kasabay nun ang pagtulo ng luha sa aking pisngi.

Agad niyang pinunasan iyun gamit ang daliri niya. Suminghot siya at namumula na rin ang mga mata, marahil dahil sa tuwa sa narinig mula sa akin. Hindi man siya umiiyak ngayon ay kita ko kung paano siya natuwa sa sinabi ko.

“Oo, babalikan kita!” tumango siya nang sabihin yun.

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi man klaro kung ano talaga ang tunay na relasyon namin ay kuntento na ako dito.

“Sa pagbalik ko…” he drawled while staring at me eyes deeply. “Pwedi na ba kitang pakasalan? Tingin ko nasa tamang edad ka naman na kapag nakabalik ako, let’s say, you’re 23 or 24 years old?” kabado niyang tanong.

Napanganga ako at hindi nakaimik sa gulat. Masyado pa akong bata, ngunit kung ako ang papipiliin ngayon…

“A-ayos lang… O-oo,” nahihiyang sagot ko at napayuko.

Dumating man yung araw na siya pa din ang mahal ko, magpapakasal ako sa kanya.

Nakahinga siya ng maluwag at naramdaman ko na lamang ang pagtayo nito. Pumunta siya sa likod ko at sinuot sa akin ang isang kuwintas na silver na may pendant na rosas.

“Sa susunod… singsing na ang isusuot ko sayo, pangako,” he whispered on my ear behind me. “Kapag dumating ang araw na mahal pa natin ang isa’t isa, pakakasalan kita,” bulong niya malapit sa tainga ko.

Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap nito mula sa likod ko. I smiled while holding the pendant of the necklace from him.

ANG PANGAKO NI Denver sa akin ay pinanghawakan ko, kahit nagulo ang dapat na plano niya para sa aming dalawa sa pagdating ng tunay niyang mga magulang matapos ang dalawang buwan. Lahat ay nagulat, namangha, at nagkagulo. Hindi ko maintindihan kung bakit. Biglaan ang pangyayari sa araw na iyun.

“Denver!” tawag ko sa kanya.

Naabutan kong nag-iimpake ito sa kanyang kuwarto. Agad akong napaatras ng makitang hindi siya nag-iisa roon. May kasama itong dalawang matanda, isang lalaki na seryoso ang mukha at may mamahaling kasuotan. Ganun din ang katabi nitong ginang na maraming alahas na suot at magara ang pananamit.

Si Sister Jona na nagbabantay ay akmang lalapit sa akin. Ngunit nang makita ako ni Denver ay siya na ang lumapit sa akin at hinila ako palayo sa kanila.

“Sino yun? Aampunin kana daw nila? Nagkakagulo ngayon ang mga tao sa shelter, sino ba ang mga dumating?” takang tanong ko sa kanya.

“Sila yung tunay kong mga magulang, Quinn,” ngumiti siya ng tipid. “Narito sila para kunin ako,” he added and caressed my cheek.

“Ba-babalik ka naman, hindi ba?” kabadong tanong ko.

Bumagsak ang ulo niya at napayuko.

“Nasa syudad ang tirahan ng mga magulang ko. Malayo dito sa isla, kailangan pang sumakay ng barko o eroplano at bumiyahe ng sampung oras. Mahihirapan ako, Quinn, pero hindi hadlang iyun para hindi ka makita. Bibisita ako ng madalas, magkikita pa tayo,” he said like marking his words.

“Maghihintay ako,” I whispered and smiled in pain.

Gusto kong maging masaya para sa kanya dahil alam kong masaya siya na makita ang tunay niyang mga magulang. Matagal na niyang hinintay ang araw na ito at natupad na. Pero bakit hindi ko maiwasan na masaktan? Malungkot? At matakot?

“Denver, kailangan niyo ng umalis,” usal ni Sister Joan sa kanya. “Male-late kayo sa flight niyo,” dagdag pa nito.

Flight? Sa eroplano sila sasakay? Isa sa mga pangarap kong makasakay doon, ang sabi nila mga mayayaman daw ang nakakasakay sa ganun.

“Babalik ako,” he said and hugged me tightly.

SA PAG-ALIS NI Denver ay naging usap-usapan siya ng mga madre at mga tagabantay ng shelter. Habang naglilinis ako ay hindi ko maiwasan na makinig sa kanila.

“Napakayaman ng pamilya ni Denver. Mga Salviejo daw na angkan. Jusmeyo! Nag-donate ba naman ng napakalaking halaga sa shelter natin,” usal ni Sister Ann

“Ito ang kwento sa akin ni Madre Gina, yung mga magulang daw ni Denver ay tago ang relasyon noon dahil tutol ang mga angkan nito. Nagtanan sila at itong ina ni Denver ay nabuntis ng walang nakakaalam. Ayun, sa takot ay dinala niya dito ang bata sa shelter,” kwento ng tagapagluto ng shelter.

“Hindi alam ng ama ni Denver ang pagbubuntis nito?” takang tanong din ng isa.

“Hindi nga pinaalam ng ina ni Denver kahit kanino, lalo na at nagkakalaabuan na ang relasyon nila. Ayun, nagkabalikan din pagkatapos. Nahirapan hanapin sila hanapin si Denver kaya umabot ng ganun kahabang taon,” paliwanag muli ng tagapagluto ng shelter.

Pinaglaruan ko ang pendant na binigay ni Denver sa akin habang nakaupo sa labas ng kuwarto.

“Hindi ba at nag-iisang anak lang daw itong si Denver? Ang naririnig ko ay siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga negosyo ng Salviejo, lalo na at parehong galing sa mayamang pamilya ang ina at ama nito. Naku! Napaka-swerting bata. Sana ay hindi tayo makalimutan!” usal ni Sister Ann at humagikhik.

Malalim akong napabuntong hininga at binalot muli ng kalungkutan.

Lumipas ang araw, linggo, buwan, hanggang sa umabot ng taon at hindi na bumalik pa si Denver. Hanggang sa umabot na ako ng benteng taon ay wala pa rin siya, hindi na siya bumalik pa. Dahil doon ay napagdesisyunan kong lumuwas ng isla para hanapin siya.

Hanggang sa napunta ako sa syudad, pinasok ang buhay na sobrang hirap at mapangahas. Malayo sa probinsya na kinalakihan ko. Sa apat na taon na paghahanap ko sa kanya ay nakapagtapos ako ng pag-aaral sa abot ng aking makakaya  habang nagtatrabaho ako, nasubukan ko na ang maglinis ng school, maging katulong, at magbenta sa palengke. Lahat ng pangarap ko, lahat ng paghihirap ko, siya ang dahilan… siya ang dahilan ng pagpupursigi ko. Ang makita kami muli.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status