Share

CHAPTER 43: WATER

QUINN’S POV

MAHIGPIT AKONG napakapit sa baton nang dumaan ang malaking alon. Namamasyal kami ni Kate sa burol, ngunit dahil ito ang pinakamalapit na daan ay ang daanan sa gilid ng dagat kung saan may mga bato na madadaanan kahit papaano ay dito kami nagdesisyon dumaan sa pag-uwi.

“Humawak ka nang mahigpit, Kate.” Tinignan ko siya at nakita kong nahihirapan ito ngunit ang mukha niya ay matapang at walang takot binabaybay ang malalaking bato.

“At sayo pa talaga manggagaling yan? Ikaw ang mag-ingat dahil ikaw ang hindi marunong lumangoy.” Tumawa ito at nakarating na sa itaas ng isang bato. Humakbang ako habang mahigpit ang kapit upang makarating sa kanya.

Naabutan kami ng hapon, kaya ang kaninang tubig na mababaw ngayon ay lumalim na. Kayang kaya naman ni Kate languyin ito, ngunit dahil sa matataas at malakas na alon ay natatakot siya. Habang ako ay hindi marunong lumangoy.

Inabot niya ang palad niya sa akin at tinanggap ko naman yun. Nang pareho na kaming nasa may kataasan ng kaonti na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status