Share

CHAPTER 3: CHANGE

QUINN’S POV

(Flashback)

Nakapagtapos ako ng HRS, nagtrabaho ako sa hotel hanggang isang araw ay nakita ko si Denver sa isang magazine. Binasa ko iyun, ngunit hindi sapat ang impormasyon na naroon, sa tulong ng aking kaibigan na si Alexa ay mas napadali ang paghahanap ko sa kanya. Hanggang sa nag-apply ako bilang janitress sa isang exclusive restaurant na sabi ni Alexa ang laging pinagkakainan ng mga Salviejo.

Nagbakasakali ako na makita isang araw si Denver, sa paglipas ng araw ay nakilala ko pa ang ibang angkan ng mga Salviejo mula sa pagtanaw lamang sa malayo. Hanggang sa pumasok si Denver Salviejo kasama ang mga magulang niya, doon ang unang beses kong pagkakakita sa kanya matapos ang mahabang taong paghahanap ko dito. Pumasok sila sa isang private exclusive lounge na para lamang sa mga mayayaman.

He change a lot, he became manlier, attractively hot, and powerful. Hindi ko siya halos makilala sa tindig, kasuotan at emosyon ng mukha nito. Malayo sa malambing na Denver na kilala ko noon. Lalo na nung makita ko kung paano niya pagalitan ang babaeng waitress sa maliit na pagkakamali nito, he became arrogant and emotionless. Iniisip ko, ganun ba ang naibibigay ng pera at kapangyarihan? Nababago ang katauhan ng isang tao?

Gusto ko siyang lapitan at magpakilala, ngunit may mga bodyguards itong nakapalibot sa kanya. Agad din siyang nawala sa paningin ko ng gabing iyun at hindi na nasundan pa ang una kong pagkakita sa kanya.

Not until Alexa gave me an offer. Sinasabi niya na may isang exclusive bar na pinupuntahan ng mga bachelor upang bumili ng babae sa isang gabi. May mga requirements bago makapasok, legal age, rules and regulations, and medical certificate. Napakiusapan namin ni Alexa ang manager na kung maaaring ako ang ibigay kay Denver Salviejo, hindi naging madali ngunit nagawan ng paraan.

“Sigurado ka ba dito, Quinn? Paano kung hindi ka na niya maalala?” nag-aalalang tanong ng kaibigan ko.

Inayos ko ang maskara na kulay pula at tinignan ang sarili sa salamin.

“Impossibling mangyari iyun, Alexa. Walong taon ang lumipas na hindi kami nagkikita, ngunit mahigit sampung taon kaming nagkasama sa shelter at sa sampung taon na yun ay kaming dalawa ang laging magkasama. Mahihigitan ba nun ang walong taon na hindi namin pagkikita?” tanong ko sa kanya na ikinatahimik niya.

Matapos ang ilang segundo ay hinawakan nito ang balikat ko.

“Paano kung ayaw kana niyang maalala? Ang tao ay nagbabago, Quinn. Walang consistency ang mga tao dito sa syudad, maraming dahilan para mabago ang isang tao.”

Napayuko ako at huminga ng malalim.

“Tama ba itong gagawin ko? Kailangan ko bang umabot sa ganito kababang level para lang malapitan siya?” mapait kong tanong sa kanya kasabay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

Niyakap ako ni Alexa at hinagod ang likod ko.

Wala akong sapat na kapangyarihan at koneskyon para lapitan si Denver. Masyadong mahigpit ang sekuridad ng mga Salviejo dahil puro politiko ang pamilya nila. Nasubukan ko na ang lahat na maaring gawin ngunit hindi ko siya nagawang lapitan man lang. Ito na lamang ang tanging paraan na naiisip ko. Lalo na at bilang lang daw sa isang kamay ang pagpunta ni Denver dito, sa madaling salita, ngayong gabi ang pangatlo niyang punta at out of the blue moon din ang pagbalik nito.

BINUKSAN KO ANG pinto at pumasok sa loob ng kuwarto, hinihintay ang pagdating ng isang Denver Salviejo na nagbayad sa akin sa gabing ito.

(END OF FLASHBACK)

PAGBUKAS KO NG pinto ng apartment ni Alexa ay napatalon ito sa gulat. Agad akong dumiretso sa upuan niya at doon umiyak. Nalito siya sa biglaan kong paghagulhol ngunit kalaunan ay mukhang naging malinaw na sa kanya kung anong nangyari.

“Ano? Hindi kana daw mahal?”

Umiling ako.

“Hindi niya ako maalala,” pag-iyak ko sa kanya.

“Hindi maalala o ayaw ng maalala? Naku, yan na ang sinasabi ko sayo, Quinn. Hindi lahat ng lalaki ay katulad sa probinsya niyo, dito sa syudad marami kang pagpipilian na babae, marami kang makikita. At kapag usapang Salviejo na, babae na mismo ang lalapit sa kanila,” sermon nito at niyakap ako.

Kinalma ko ang sarili ko at pinunasan ang luha sa aking pisngi.

“Ang laki ng pinagbago niya. Hindi na siya ang Denver na nakilala ko noon,” I mumbled while recalling the memories we had.

“Ganyan ang naidudulot ng pera at kapangyarihan. Naaalala ka nun, sadyang hindi ka na talaga mahal pa ni Denver. Umaasa ka na mamahalin ka ng isang Salviejo? Sa estado pa lang ng buhay natin, aayaw na yun! Lalo pa at ang hanap ng mga katulad niya ay yung babaeng may pangalan din sa industriya na ginagalawan niya,” paliwanag nito sa akin na ikinatahimik ko.

Napahilamos ako ng mukha gamit ang palad ko. This make sense now. Kailangan ko ng tanggapin na si Denver Salviejo ay nagbago na, ibang landas na ang tinahak niya, ibang pangarap na ang nais niyang matupad, at mas pinili niya ang landas an wala ako. Maaaring naglaho na ang nararamdaman nito sa akin.

“Ano na ang plano mo? Maghahabol ka pa rin ba sa lalaking iyun? Naku, Quinn! Ilang taon kanang naghahabol sa kanya, hindi ka pa ba pagod?” sarcastic na usal nito tila inis na na makita akong ganito.

Umiling ako at mapait na ngumiti. Napaawang ang labi niya sa pag-iling ko at tila naghihintay sa sasabihin ko.

“Hindi na… malinaw na sa akin ang lahat. Hindi na niya ako mahal,” mapait kong usal kasabay ang muling pagpatak ng luha.

Napapalakpak siya sa sagot ko at tumayo.

“Sa wakas, narinig ko din ang matagal ko ng gustong marinig sayo! Thank you, Lord! Tapos na ang pagpapakatanga ng kaibigan ko,” she said in victory.

Noon pa man hindi na naniniwala pa si Alexa na mahal pa ako ni Denver hanggang ngayon. Lalo na at mahirap paniwalaan dahil sa layo na ng agwat ng buhay naming dalawa. Ang katulad niya ay hanggang pangarap na lamang at hindi na maabot pa.

Masakit tanggapin, mahirap man. Ngunit kailangan kong magpatuloy sa buhay ko. Tanging masasayang alaala na lamang ng nakaraan ang mananatili sa aming dalawa. Dahil sa araw na ito, ayoko ng umasa pa. Dito ko na tutuldukan ang nararamdaman ko sa kanya.

MAAGA AKONG NAGISING dahil sa trabahong inalok sa akin ni Alexa. Pagbukas ko ng pintuan galing kuwarto ay bumungad na siya sa akin na nakapang-alis. Ilang minuto ang biyahe bago kami huminto sa napakagandang hotel. Ngunit agad din na nalaglag ang panga ko nang mapagtanto ang hotel na kinaroroonan namin.

“Salviejo Hotel, are you kidding me, Alexa?!” singhal ko nang balingan ko siya.

Umikot lang ang mga mata nito at napailing.

“Why? Do you expect na si Denver lang ang Salviejo dito sa bansa? This is owned by one of Denver’s cousin, ito lang ang bakanteng trabaho na pwedi mong ap-layan na related sa natapos mo, aayaw ka pa ba? Wag ka ngang maarte, hindi ka makikilala ni Denver kung sakali man na magkasalubong kayo!” sermon niya sa akin.

“Ba-bakit dito pa kasi… ‘tsaka pinsan siya ni Denver, tingin mo impossibling magkrus ang landas namin?” sarcastic kong tugon.

Pagod siyang bumuntong hininga.

“Ano namna ngayon kung sakali man na magkasalubong kayo isang araw? Tingin mo hahabulin ka ng lalaki? Naku, Quinn. Huwag mo akong aartehan, maging praktikal ka nga at huwag puro Denver. Si Mr. Charlton Salviejo ang CEO ng Salviejo Grande Hotel. Itong trabaho ang pasok sa kursong kinuha mo, ito ang tanging trabaho na gusto mong gawin. Aatras ka dahil lang Salviejo ang may ari?” mahabang paliwanag niya dahilan para mapangiwi na lamang ako.

“Paano kapag hindi ako natanggap? As if qualified naman ang background ko sa ganyang ka-engrandeng hotel,” I murmured.

“Kaya nga susubukan diba?” binilugan niya ako ng mga mata. “Hindi naman sa tinatakwil na kita pero kailangan mong magtrabaho, Quinn. Gutom ang papatay sa atin kapag pinagpatuloy mo yang kaartehan mo.”

“Alam mo… ang bait mong best friend. Sakit mo magsalita,” madamdamin kong usal sa kanya na ikinatawa lang nito.

“Thank you,” she said smiling.

“Welcome,” I answered sarcastically. Ilang segundo pa kaming nagtitigan bago nagtawanan sa loob ng kotse.

HUMINGA AKO ng malalim bago pumasok sa opisina ng HR. Kabado ako lalo na habang nililibot ang mga mata ko sa sobrang rangya at gara ng mga kagamitan at furniture sa loob. Napatingala pa ako sa isang malaki at mamahaling chandelier na minsanan ko lang makita sa buhay ko.

Salviejo really has power and wealth. Mas lalo lang sinasampal sa akin ang katotohanan na hindi magiging kami, mahirap abutin ang katulad niya.

“We will call you back for some updates,” the woman said after my interview.

Napanguso ako at lumabas na rin ng opisina. Saglit muna akong umupo sa lobby area para magpahinga.

Ilang segundo lang bago ko napagpasyahang tumayo para umalis ay siya ring paglabas ng isang babae na tumatalon sa tuwa habang sinasalubong ng kaibigan nito.

“Natanggap ako!”  masayang usal nito.

“We will call you back? Psh! Pwedi namang sabihin na hindi ako tanggap,” I murmured to myself in disappointment.

Hindi ko na kailangang masaktan, expected ko ng hindi ako matatanggap una pa lamang.

Tumayo ako at inayos ang sling bag ko. I was stunned when I saw Denver Salviejo together with a man around his age, pinalilibutan ng mga bodyguards. I froze on my position when I saw him walking on my directions, gusto kong magtago sa hiya at baka naaalala niya ako. Ngunit ni hindi ako nito tinapunan ng tingin hanggang makalampas.

Shit! Ngayon pa talaga? Dito pa talaga?

Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa at hinawakan ang dibdib ko. Those stares, I can’t imagine he can look at me that way.

UMUWI AKO ng apartment namin ni Alexa, binalita ko sa kanya na hindi ako natanggap. Sa loob-loob ko ay nagpapasalamat ako at hindi na magku-krus pa ang landas namin ni Denver. Gustuhin ko man, kailangan ko na siyang malimot.

“Makakahanap ka rin,” tanging sambit ni Alexa sa akin at tinapik ang balikat ko.

But that was I think… Not until one day, I receive a news that surprised me a lot.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status