KANINA pa si Sandra nakatingin sa salamin. Bumabalik sa isipan niya ang mga nangyari kagabi. Ang mga panghuhusga ni Aj sa kanya. Nagtagumpay siyang huwag mapaiyak sa harapan nito kahit sobrang nasasaktan na siya sa mga binibitiwan nitong salita.Nasabi na ni Kevin ang ginawang deal ng lolo ng mga ito. Hindi nga siya makapaniwala noong una. Pero sabi naman nito na huwag niya masamain 'yon. Sa totoo lang hindi naman siya nakaramdam ng galit. Mas pabor pa nga sana sa kanya 'yon dahil si Aj mismo ang lalapit sa kanya. Pero pinatunayan lang talaga nito na hindi siya nito magugustuhan. Dahil kahit may yate ng premyo ay ni hindi siya nito nilandi.Malalim siyang napabuntung-hininga."Panget ba ako?" kausap niya sa repleksyon sa salamin."You are not ugly. You are the most beautiful girl I ever seen," sagot ni Sammy habang papalapit sa kanya. Napakagwapo talaga nito.Ngayon ang engagement party ni Clara. Silang dalawa lang ni Sammy dahil bukas pa ang uwi ni Samuel na hindi niya alam kung saan
HINDI na bumalik si Sandra sa pag-swimming pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Aj.She was really hurt.Aj just proved that his not interested to her. She is almost gave herself but he refused. Sampal 'yon sa pagkababae niya. Hindi na niya sana ipapaalam 'yon kay Sammy pero kilala siya ng kapatid kaya wala siyang nagawa kundi sabihin dito ang nangyari.Wala siyang nakuhang reaksyon sa kapatid. Pinagbihis lang siya nito dahil kailangan na nilang bumaba para sa party."Don't think about it. We're here to enjoy," nakangiting wika ni Sammy na kakalabas lang ng banyo. Nginitian niya lang ito bilang sagot.She's now wearing a navy blue maxi dress na backless kaya litaw ang napakakinis niyang likuran pa-vneck rin ang design sa harapan kaya naman kitang-kita rin ang kanyang cleavage dahil sa mababang neckline. Kapatid niya ang pumili nito, ewan ba niya kung ano na naman iniisip nitong kalokohan."You're really gorgeous, Ate. Bulag talaga 'yang boss mo!""Ano na naman drama mo Sammy, masyado re
PAPUNTA na si Aj sa opisina, nagpahatid na lang siya sa driver nila dahil masakit ang kanyang ulo. Halos wala siyang tulog kagabi dahil ang isip ay okupado ng dalawang taong nasa katabing silid lang.Hindi niya na talaga maintindihan ang trip ng secretary niya. Inamin nitong isa itong tunay na babae at gusto nito siya. Halos ibigay na nga ang sarili sa kanya, buti na lang malakas ang self control niya sa sarili.Parang ang dali lang para rito makipag-sex sa kanya. Kung sabagay ano ba aasahan niya. She is really a whore! Handang makipag-sex sa kanya habang may iba itong kasama sa kwarto. She is really crazy!She is a liar! Nagtiwala siya rito pero sinira lang nito ang ibinigay niyang tiwala. Anong dahilan nito para magpanggap?! Bakit hindi niya napansin? Ang tanga-tanga niya!Pinaglaruan siya! Pwes kung sa tingin nito, he will dismiss her then she was wrong because he is willing to play her game. Hanggang sa ito mismo ang kusang umayaw sa larong inumpisahan.No one messes with Andrew J
"HINDI ka mabubusog kakatingin sa pagkain mo," wika ni Raymond kay Sandra.Nandito sila ngayon sa canteen dahil lunch time."Baka busog na kasi," singit ni Jayson.Sinamaan niya ito ng tingin. "Hoy! Sandra kung makatingin ka parang ang laki ng kasalanan ko, ah," maarte nitong sambit, "hindi ba natuloy ang jugjugan?"Hinampas niya ito sa braso. "Ouch, Sandra!"Binalik niya ang tingin sa pagkain. Wala talaga siyang gana, naiinis siya sa walang hiyang boss niya!"Ano'ng hindi natuloy?" tanong ni Sarah."'Yong jugjugan nila ni Dragon, dumating kasi ako ayun naistorbo ko," pabulong na wika ni Jayson pero rinig naman nila.Inirapan niya ito. "Pwede ba Jayson, dalagang Pilipina ako.""Dalagang ano? Baka kung hindi ako dumating nakahiga ka na sa sahig at umuungol," mahina pa rin nitong sambit.Nakita niyang napanganga sina Sarah at Raymond. Parang inosente kung maka-react!"Ano 'yan reaksyon niyo? Inosente lang?""You mean Sandra, you and dragon do the jugjugan in the office?" nanlalaki ang mg
HINDI pumasok si Aj sa araw na 'yon. Tinawagan niya ito pero naka-off ang cellphone nito. Kaya si Anthony na lang ang tinanong niya. Sinabi nito na may importante raw inasikaso. Hindi man lang marunong magsabi, mabut ati wala itong meeting ngayon.Napatingin siya sa wrist watch na suot, mag-alas kwatro na pala, wala naman siyang masyadong trabaho. Nang marinig niya ang pagtunog ng private elevator ay napadako ang tingin niya rito.Baka ang boss niyang hambog ito.Ngunit mali siya dahil si Anthony ang sakay nito. Papalapit ito sa kanya na tila 'di mapakali."Good afternoon, Sir Anthony," bati niya rito. Kapag nasa opisina ay pormal sila.Tipid itong ngumiti. Parang may kakaiba rito."Ah, Sandra..." panimula nito. Nanatili naman siyang walang imik at hinihintay ang susunod na sasabihin na mukhang 'di masabi-sabi.Nang lumipas ang ilang minuto na hindi pa ito nagsasalita ay siya na ang nagtanong, "May kailangan po ba kayo?" Tiningnan siya nito pero mahahalata ang pagkabalisa na nagpapaka
ISANG linggo na hindi pumasok si Aj. Mas ayos na 'yon para kay Sandra dahil wala siyang mukhang ihaharap dito pagkatapos niya itong gerahin.Akala niya nga wala na siyang trabaho pero hindi naman siya hinarangan ng security at inihagis palabas.Joke lang…O.A lang siya dahil sa pinanggagawa niya. Nasermunan pa tuloy siya ng mga kuya niya nang ikwento niya ang ginawa niya. Hindi naman niya pinagsisisihan ang mga sinabi. Ewan niya ba kung ano ang sumapi sa kanya at sinermunan ang boss niya.Siguro, dahil pareho sila ng sitwasyon at ewan niya rin kung bakit nasasaktan siyang isipin na nahihirapan ito. Gusto niya itong tulungan makawala sa nakaraan."Ang lalim ng iniisip natin, ah." Nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Anthony. Napataas ang kilay niya nang makita ang apat sa kanyang harapan."What are you doing here?" Walang respeto niyang tanong sa mga ito. Kapag walang ibang tao ay walang dahilan para galangin ang mga ito."We're going to eat," sagot ni Kevin na itinaas
NAKASAKAY na si Sandra sa company car na maghahatid sa kanya sa mansion ng boss niyang herodes. Nagulat talaga siya nang makitang tumatawag ito. Aaminin naman niya na sobrang na-miss niya ito.Pero ang walang hiya imbes mangamusta puro tanong sinalubong sa kanya parang ewan! Wala pa rin pinagbago. Akala niya sa pagkawala nito ng isang linggo ay may mabuting espiritu ang sumanib dito. Pero wala! Wala! Wala!"Nandito na po tayo ma'am." Kalabit sa kanya ni Kuya Jaime. Kanina pa yata sila nakahinto at dahil naglalakbay ang kanyang isipan ay hindi niya ito napansin. Napilitan tuloy siyang kalabitin.Nakakahiya!"Ah, opo, salamat po Kuya." Mabilis siyang bumaba sa sasakyan. "Hihintayin n'yo po ba ako?" tanong niya pagkababa."Hindi na po ma'am, sabi rin kasi ni Mr.Villaflor na iwanan ko na po kayo rito," magalang nitong sagot.Napatango na lang siya at pinaalis na ito.Ano na naman kaya ipapagawa ng lalaking 'yon?Nakabukas naman ang napakalaking pintuan na tila aabutin ng sampung taon ang
NAALIPUNGATAN si Aj nang may tumatapik sa pisngi niya. Ang ganda pa man din ng panaginip niya na katabi niya raw si Sandra at nakaunan siya rito habang nakayakap .Kung sino man itong istorbo makakatikim talaga sa kanya.Bahagya niyang iminulat ang mga mata. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Sandra. Muli niya tuloy ipinikit ang mga mata. Namamalikmata na yata siya."Hey, sleepy head wake up! Kailangan mo ng kumain at uminom ng gamot para gumaling ka. Huwag kang pabebe diyan." Alog nito sa kanyang balikat.Napabalikwas tuloy siya ng bangon.Pero napangiwi nang maramdaman ang sakit ng ulo."Ayan! Bakit kasi kailangan pabigla-bigla babangon? Hay naku!" rinig niyang sermon nito.Bahagya niya muling iminulat ang mga mata. Nakita niya itong may kinuha sa mesa at ngayon ay pabalik na sa kanya.Naka-uniform pa ito.Hindi panaginip ang lahat. Naalala na niyang pinapunta niya ito."A penny for your thoughts?" taas kilay nitong tanong habang hawak-hawak ang tray na may umuusok na lugaw.