공유

Chapter 103.2

"Bakit mo nga ako tinititigan?" muling tanong nito sa kaniya dahil hindi niya nasagot ang tanong nito kanina. Ngunit sa halip na sumagot ay nag-iwas na lamang siya rito ng tingin at hindi sumagot, hindi niya rin kasi alam ang isasagot niya rito sa totoo lang.

Paano ba niya sasabihin rito? O sasabihin nga ba niya? Hindi ba masyadong nakakahiya pag nagkataon? Pero kung pipigilan niya iyon ay baka mabaliw siya.

"Uhm, ano kasi…" Muli siyang tumingin sa TV at pilit na naghanap ang isang pinakamagandang dahilan para tigilan siya nito. "Sa tingin ko lang medyo katulad ka ng lalaking bida sa TV." sabi na lamang niya.

"Kung ganun ay may problema na ang mga mata mo." sabi sa kaniya bigla ni Lucas.

Sasabihin sana ni Annie rito na tama na dahil artista ang mga iyon at mga sikat. Kahit na gwapo si Lucas ay hinding-hindi siya magiging artista, sasabihin niya sana ngunit pinigil niya ang sarili niya. Hanggang sa ilang sandali pa ay narinig niya ang tinig nito bigla. "Tingnan mo nga ang mukha niya.
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status