Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay hindi ito nanggugulo sa kanila ni Lucas ay dahil pinaalis pala si ito. Bigla tuloy naisip ni Annie ang tawag ni Trisha kay Lucas kagabi, marahil ay kaya ito tumatawag kay Lucas upang magpasundo rito kung nasaan mang lupalop ito ng bansa.Nang mga oras na iyon ay bigla na lamang inilabas ni Alejandro ang isang sobre mula sa drawer at iniabot ito kay Annie. "Tingnan mo ito." sabi nito.Ang unang pumasok sa isip ni Annie ay baka ito ay isang bagay na iniwan ng kanyang lolo para sa kaniya kaya agad niya itong binuksan. Ngunit nang makita niya ang mga larawan sa loob ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata at hindi siya agad nakapagsalita. Natulala siya na napatingin sa mga larawan."Dad, itong mga larawang ito? Totoo ba ang lahat ng ito?” gulat na gulat na tanong ni Annie at hindi makapaniwala habang nakatingin sa mga larawan na sa mga oras na iyon ay nakakalat na sa mesa. Ang lahat ng larawan ay larawan ni Trisha.Bagamat alam niyang hindi ganun
Katulad nga ng hula ni Annie ay tama siya dahil pumunta ito doon para humingi ng tulong kay Alejandro dahil kahit papano ay kamag-anak pa rin naman daw sila ng mga ito.Sa mga oras na iyon ay napakahirap ng buhay ng mga ito lalo na at naubos na ng mga ito ang pera na iniwan ng ama nito kaya kinapalan na nito ang mukha nito at nagpunta doon.Nang hindi makuha ni Cathy ang gusto niya pagkatapos niyang makausap si Alejandro ay biglang umusok ang tenga niya sa galit. Halos ipagtabuyan pa siya nito paalis doon kaya nagmartsa siya palabas ng study room nito na nakakuyom ang mga kamay at nagngingit ang kalooban. Napatigil siya sa mismong pinto ng silid at halos mag-apoy ang kanyang mga mata at muling nilingon ang pinto."Annie, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi dahil sa iyo ay hindi namin aabutin ang ganito. Pero dahil sayo ay nabigo ang lahat ng plano ko, kaya ipinapangako ko na hindi ko hahayaan na maging masaya ka." sabi niya ng mahinang tinig habang galit na galit siya.A
Pagkagaling ni Annie sa mansiyon ng mga Montenegro ay kaagad siyang umuwi sa bahay nila ni Lucas. Bigla siyang napabilang ng wala sa oras kung ilang buwan na ang tiyan niya ng mga oras na iyon at doon niya nalaman na three months na pala siya ngayon.Nitong mga nakaraang araw ay mas lalo pa siyang naging antukin kaya pagdating niya lamang sa kanilang bahay ay kumain lang siya ng tanghalian at kaagad siyang nagtungo sa kanilang silid at nahiga. Pagkahiga niya ay agad siyang nakatulog.Hindi siya nakatulog nang maayos dahil sa kanyang panaginip. Bigla kasi siyang nanaginip na may humahabol sa kaniya kaya takot na takot siya. Patuloy siyang tumakbo. Tumakbo siya ng tumakbo ng walang katapusan kahit na pagod na pagod na siya. Nagising lang siya nang bigla na lamang kumalabog ang pinto.Dahan-dahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata at pagkatapos ay napatingin sa pinto. Agad niyang nakita doon si Lucas kaya agad siyang nagpaskil ng ngiti sa kanyang mga labi. Kaya lang ay nang makita niya
May ilang segundo nitong kinalikot iyon bago nito tuluyang ini-abot sa kaniya. "Tingnan mo, tingnan mo kung ano ang ginawa mo. nagmamaang-maangan ka pa talaga." sabi nito sa kaniya.Samantala ay wala naman sa sariling kinuha ni Annie ang cellphone nitong inaabot sa kaniya at pagkatapos ay agad niyang tinignan ito. Agad niyang nakita na isa iyong artikulo tungkol kay Trisha at kalakip nito ay ang mga larawan nito noong nasa ibang bansa pa ito kaya agad siyang natigilan. Hindi niya rin napigilan na manlaki ang mga mata niya dahil hindi siya makapaniwala.Paano napunta doon ang mga iyon? Hindi ba at pinunit na niya ang mga iyon kanina at pagkatapos ay itinapon niya sa basurahan sa labas ng study room ng ama ni Lucas? Nangako rin naman ang DAddy nito na nirerespeto nila ang kanyang desisyon kaya nasisiguro niya na hindi nila gagawin ang bagay na ito. Kung hindi sila ang gumawa nito? E sino? At bakit siya ang pinagkakasalanan nito samantalang ni wala na nga siyang balak na ipakita ang mga
Agad na sinagot ni Lucas ang tawag. Pagkalagay niya ng kanyang cellphone sa tapat ng kanyang tenga ay kaagad niyang narinig ang naghihisteryang tinig ni Cathy sa kabilang linya. “Kuya, may malaki tayong problema. Wala si ate Trisha rito sa silid niya.” bakas sa tinig nito ang matinding pag-aalala."Paano mo siya makikita kung masyado kang kinakabahan. Hanapin mo siya.” sabi niya kaagad rito.Agad naman itong sumagot sa kaniya. "May isang grupo ng mga tao kanina ang dumating rito at dali-dali silang pumasok sa silid niya. Kung ano-ano ang mga sinabi ng mga ito kay ate Trisha at alam kong nasaktan siya. Pag-alis ng mga ito ay masaya pa naman si ate Trisha sa harap ko at akala ko ay hindi niya dadamdamin ang mga iyon. Nagpaalam lang ako sandali na bibili ng tubig peor pagbalik ko ay wala na siya." sabi nito sa kaniya. “Kuya anong gagawin natin?” mangiyak-ngiyak na tanong na nito sa kaniya."Hanapin mo siya diyan sa buong ospital, sa bawat palapag. Pupunta na ako diyan para tulungan kang
Agad niyang dinukot sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone at mabilis na tinawagan si Kian. “magpadala ka ng dalawang tao rito sa bahay.” bilin niya rito kung saan ay kaagad namang umuo si Kian sa kaniya.Samantala nang marinig naman ni Annie ang sinabi nito ay hindi siya makapaniwalang tumingin rito at lumabas mula sa banyo. “Anong ibig mong sabihin? Pababantayan mo ako?” malamig na tanong niya rito.“Oo. natatakot kasi ako na baka gumawa ka ng hindi magandang bagay ngayon.” mabilis na sagot nito sa kaniya."Huwag kang mag-alala. Wala akong gagawin na hindi maganda ngayon. Since hindi ka na rin naman makapaghintay na makita ang babaeng iyon ay pumunta ka na agad dahil hindi na kita pipigilan pa.” Nang matapos siyang magsalita ay agad na namatay ang liwanag sa kanyang mga mata. Ang kanyang desperasyon na habulin ito ay unti-unti ng nawawala.Nang dumating ang bodyguards na pinatawag ni Lucas ay nagbilin lamang ito sa mga ito bago ito tuluyang umalis. Narinig ni Annie ang mga ibinilin
Biglang iniunat ni Trisha ang kanyang kamay at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ni Lucas at nag-umpisang magpaawa rito. "Aalis ka na ba?" tanong nito sa kaniya."Yes. Since okay ka na ay hindi na tama para sa akin na magtagal pa rito. Nasabi ko na rin naman sa iyo na may asawa na ako. Hindi maganda na manatili ako rito, nandito naman si Cathy na makakasama mo.” mabilis na sabi niya rito. "Tatawag na lang ako mamaya." sabi ni Lucas kay Trisha.Nang marinig naman ito ni Trisha ay halos maiyak ito. "Naniniwala ka sa mga pictures na iyon diba?” tanong nito sa kaniya. "Akala mo rin sa akin ay napakaraming lalaking nilalandi sa ibang bansa." dagdag pa nitong sabi sa kaniya."Maniwala ka sa akin Lucas. Sa loob man o sa labas ng bansa ay ikaw lang ang mahal ko.” sabi pa nito sa kaniya at pagkatapos ay nag-umpisang umiyak. Samantala si Lucas naman ay walang ibang maramdaman sa kanyang dibdib kundi galit.Ilang sandali pa nga ay hinawakan niya ang kamay nito at tinanggal mula sa pagkahawak s
Sa mga sandaling iyon ay bigla niyang naramdaman na hindi niya kayang hulaan ang lalaking ito. Hindi niya namalayan ay bigla na lamang niyang naamoy ang napakapreskong amoy at hindi nagtagal ay agad na bumalot sa kaniya ang pares ng banayad at makapangyarihang mga kamay. Agad niyang napagtanto na nasa kama na ito ay yakap-yakap siya."Ano ba. Hindi ako sanay." Tinulak ni Annie ito kasabay ng pagrereklamo niya."Kung lagi kong gagawin sayo ay tiyak na masasanay ka na rin." Sabi nito sa kaniya.Galit na galit si Annie ng mga oras na iyon dahil ayaw niya ngang magpayakap rito kaya mabilis siyang humarap rito at pagkatapos ay kinagat ang balikat nito.SAMANTALA napakagat-labi naman si Lucas nang maramdaman niya ang sakit dahil sa ginawa ni Annie na pagkagat sa kaniya. Sa kabila nito ay mahigpit pa rin ang yakap niya sa beywang nito at wala siyang balak na bitawan ito.Tumigil si Annie at muling tumingin ang maitim niyang mga mata sa lalaking nasa harapan niya, galit at galit: "Lucas bit