Share

Chapter 106.2

Katulad nga ng hula ni Annie ay tama siya dahil pumunta ito doon para humingi ng tulong kay Alejandro dahil kahit papano ay kamag-anak pa rin naman daw sila ng mga ito.Sa mga oras na iyon ay napakahirap ng buhay ng mga ito lalo na at naubos na ng mga ito ang pera na iniwan ng ama nito kaya kinapalan na nito ang mukha nito at nagpunta doon.

Nang hindi makuha ni Cathy ang gusto niya pagkatapos niyang makausap si Alejandro ay biglang umusok ang tenga niya sa galit. Halos ipagtabuyan pa siya nito paalis doon kaya nagmartsa siya palabas ng study room nito na nakakuyom ang mga kamay at nagngingit ang kalooban. Napatigil siya sa mismong pinto ng silid at halos mag-apoy ang kanyang mga mata at muling nilingon ang pinto.

"Annie, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi dahil sa iyo ay hindi namin aabutin ang ganito. Pero dahil sayo ay nabigo ang lahat ng plano ko, kaya ipinapangako ko na hindi ko hahayaan na maging masaya ka." sabi niya ng mahinang tinig habang galit na galit siya.

A
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status