Hindi sumagot si Annie at sinundan lamang ng tingin si Kian na papalayo. Samantala, nang marinig ni Lucas ang sinabi ni Kian ay labis siyang nagali dahil sa ipinilit pa talaga ni Annie na ibigay sa kaniya ang payong. "Pero sir, siguro ay nag-aalala lang siya sa inyo. Mas mabuti na tanggapin niyo na po ito para na rin matapos na ang problema." sabi ni Kian sa kaniya. Ngunit sa huli ay hindi ito tinanggap ni Lucas at pagkatapos ay agad na nagngalit ang kanyang mga ngipin at mabilis na sumagot rito. "Ayokong tanggapin ang payong na ito." malamig na sabi niya rito. Matapos sabihin iyon ay kinuha niya ito at dali-daling itinapon niya ito gamit ang kanyang mga kamay at ang payong ay nahulog sa lupa pagkatapos. Kitang-kita ni Annie na itinapon ni Lucas ang payong sa lupa. Dahil sa lakas ng hangin ay hinangin ito ng malakas. Sobrang sakit ng puso ni Annie. Pakiramdam niya ay ang puso niya ay parang ang payong na iyon. "Annie, sumuko ka na! Hindi ka niya mahal at hindi ka niya kailanman ma
Bumagsak ang ulo ni Annie sa sahig ng kotse. Hindi na niya matandaanan pa kung ilang beses na gumulong ang kotse sa kalsada bago ito tuluyang tumigil ngunit ang tanging alam niya lamang ay ang buong katawan ay masakit. Lalo na ang kanyang ulo, sobrang sakit nito. Pakiramdam niya ay para ng hihiwalay na ang kaluluwa niya dahil sa sobrang kirot ng ulo niya. Sa pamamagitan ng rearview mirror ay nakita ni Annie na patuloy na nagmaniobraang sasakyang nakabangga sa kanila hanggang sa palayo na ito ng palayo. Sobrang sakit ng ulo niya at pakiramdam niya ay sasabog na ito, pero pinilit niya pa rin ang sarili niyang manatiling gising. Dahan-dahan siyang gumalaw, inipon niya talaga ang lahat ng kanyang makakaya at pagkatapos ay tiningnan ang kanyang harapan, nakita niya ang driver na nakasubsob sa harap ng manibela at umaagos ang dugo mula sa ulo nito. Pinilit niyang abutin ito at ginamit ang natitira niya pang lakas para yugyugin ito. “Gumising ka manong! Gu…mising ka…” sabi niya rito. “Kai
Pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay agad ulit siyang nag-dial at sa pagkakataong iyon ay ang emergency hotline na ang tatawagan niya. Gusto niyang mabuhay, kailangan niyang mabuhay dahil sa ganuong paraan lamang magiging maaring maligtas ang kanyang mga baby. Gayunpaman, nakakatatlong pindot pa lamang siya nang bigla na lamang naging itim ang screen ng kanyang cellphone. Sinubukan niyang buhayin ito ulit kaya lamang ay walang naging epekto dahil nanatili pa ring black ang screen. Kung alam niya lang na magiginga ganun pala ang sagot sa kaniya ni Lucas e di sana ay hindi niya sinayang ang huling pag-asa niya rito. Diretso na lang sana siyang tumawag sa emergency hotline. Napakalaking pagkakamali ng ginawa niyang iyon. Gayunpaman, alam niya na wala namang makakaalam ng mga mangyayari sa mundo idagdag pa na wala na siyang magagawa pa kahit na manghinayang pa siya. Mabilis niyang itinapon ang kanyang cellphone at pagkatapos ay napaiyak ng mapait. Tumulo ang luha sa kanyang pisngi. Dahi
Abala sa pagmamaneho si Billy, napakalakas pa rin ang buhos ng ulan at halos napakahirap makita ng daan dahil madilim ang lakangitan. Biglang siyang napatitig sa kanyang harapan upang tingnan ito ng mabuti. Napahigpit rin ang hawak niya sa mnibela ng mga oras na iyon at napatitig sa kanyang harapan at mabilis na napalingon sa kanyang tabi."Boss bakit parang may aksidente sa harap natin. Sobrang lakas kasi ng ulan at hindi ko alam kung tama ba ako, tingnan niyo nga." sabi ni Billy kay Greg.Nang marinig naman ni Greg ang salitang aksidente ay agad na napamulat ng mga mata si Greg at mabilis na sumilip sa kanyang harapan at seryosong tingnan ito.Nang makita niya ang isang kotse na nakabaliktad sa gilid ng kalsada, humigpit ang kanyang paghinga at agad siyang lumingon kay Billy. "Aksidente nga. Bilisan mo. lapitan natin kaagad." utos niya rito."Masusunod boss." mabilis naman ni Billy at pagkatapos ay diniinan niya silenyador ng sasakyan. Ilang sandali pa nga ay huminto na sila sa ta
"Magtanong ka lang." sagot ni Greg rito at sinubukan niya ang lahat ng kanyang makakaya para maging kalmado ang kanyang boses."Ang mga baby ko, wala na ba talaga sila?" tanong ni Annie na halos madurog ang puso niya. Patuloy niyang sinasabi sa kanyang sarili na dapat ay maging matatag, ngunit nang bigkasin niya ang mga salitang iyon ay doon niya napagtanto kung gaano kahirap na pigilan ang sa sariling emosyon niya.Natahimik si Greg. hindi ito sumagot sa tanong niya at nakatitig lamang sa kaniya kaya muli na naman siyang nagtanong rito. "Greg sagutin mo ang tanong ko, hindi ba talaga nailigtas ang mga baby ko?” sa pagkakataong iyon ay ginamit ni Annie ang buong lakas niya at nagtanong rito sa nanginginig na tinig.Nang mapatapos siyang magtanong ay halos manghina ang buong katawan niya. Pero kahit na ganun ay kakapit at aasa pa rin siya na baka mali lang siya.Nakatitig lamang siya kay Greg hanggang sa binuksan nito ang kanyang mga labi. "Pasensya na Annie pero mukhang hindi ko masa
Nang makita ni Lucas na nakangiti si Annie sa iba, ay bigla na lamang nadurog ang puso niya. Pakiramdam niya ay ilang kutsilyo ang tumarak sa dibdib niya."Gusto kitang samahan pa sana kahit na dalawang araw pa kaso ay may misyon akong natanggap e. Alam mo naman kailangan ko itong gawin. Pasensiya kana baka hindi ako makadalawa sa iyon." sabi ni Greg kay Annie. Sa totoo lang ay gusto ni Greg na samahan pa si Annie doon pero dahil pulis siya at naglilingkod sa bayan ay tungkulin niyang gampanan ang kanyang mga tungkulin at sundin ang mga utos sa kaniya kahit na ano pa ang mangyari. Hindi niya pwedeng pabayaan ang kanyang mga misyon dahil iyon nga ang sinumpaan niyang tungkulin."Babawi na lang ako sayo kapag natapos ko na ang misyon ko." dagdag pa niyang sabi rito.Mas tumamis pa ang ngiti ni Annie sa kaniya. "Salamat Greg. Kapag nagkita tayo ulit ay ililibre na talaga kita ng kape." sabi nito sa kaniya.Napatango rin naman siya at pagkatapos ay bahagyang ngumiti. "Mauna na muna ako."
"Lucas sobrang sakit, tulungan mo ako!"Mangiyak-ngiyak na sabi ni Trisha at mabilis na pinagulong ang wheelchair nito patungo ay Lucas. Agad naman na tiningnan ni Lucas ang sugat ni Trisha at pagkatapos ay nilingon si Annie. Nanatili lamang na nakatayo si Annie at hawak-hawak pa rin niya ang tinidor sa kanyang kamay at hindi gumalaw. Naatingin lang siya sa mga ito at halos hindi niya nagawang kumurap ng mga oras na iyon.Sa kamay ay bahagya pang tumutulo ang dugo at halos mangamoy ang dugo sa buong silid. Nang makita niyang tinutulungan ni Lucas si TRisha ay malamig ang kanyang mga matang nakatingin sa mga ito. Pero habang nakatitig siya kung paano nito asikasuhin ang walang hiyang babae ay wala na siyang pakialam pa. Kung noon ay magpapaliwanag siya, ngayon ay hindi na. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang sasabihin pa nito sa kaniya.Wala na rin siyang pakialam kung ano man ang maging tingin nito sa kaniya dahil sa ginawa niya. Wala siyang pakialam. Sa mga oras na iyon ay patay
"Okay lang ako, hindi mo na ako kailangang alalahanin pa Mr.Montenegro." malamig na sagot ni Annie rito.Nang tingnan niya ito ay nakita niya na kaunti na lang pala ang distansiya sa pagitan nilang dalawa kaya mabilis niyang ini-unat ang kanyang kamay at inaabot rito ang tinidor. "Ang sugat ni TRisha ay dahil sa akin at inaamin kong ako ang may gawa. Dahil mukhang nag-aalala ka sa kaniya ay lumapit na ako. Pwede mo akong gantihan sa ginawa ko sa kaniya. Gamitin mo rin ang tinidor na ito para ibalik sa akin ang ginawa ko. Hinding-hindi ako aatras at manlalaban." sabi niya rito ngunit habang sinasabi niya ang mga iyon ay syempre hindi pa rin niya maiwasang masaktan. Pero iyoon na lang ang nakikita niyang paraan para wala ng gulo pa."Sa tingin mo ay yun ang gusto ko?" tanong ni Lucas kay Annie at nabalot ng kalungkutan ang puso niya. Ganun ba talaga ang tingin nito sa kaniya? Isa pa ay hindi siya naniniwala na sinadya nito ang ginawa nito, hinding-hindi niya ito tututukan ng tinidor na