Share

Chapter 110.1

Nang makita ni Annie wala nang paraan para maiwasan ito ay wala na siyang ibang nagawa pa kundi ang sagutin na lamang ang tanong nito. "Gusto ko kasing sumagap ng preskong hangin, kaya lumabas ako." mabilis niyang sagot rito.

"Wala namang problema doon, pero bakit kailangang patayin mo pa ang cellphone mo?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay napatingin sa isang kamay niyang nakahawak sa kanyang cellphone. Wala siyang nagawa kundi ang mapakagat-labi na lamang at napaisip kung ano nga ba ang pinakamagandang isasagot niya sa tanong nito.

“Baka na-lowbat na ito kaya namatay na lang bigla.” sagot niya rito at pagkatapos ay nag-iwas ng tingin kay Lucas.

Samantala, lingid sa kaalaman ni Annie na halos maikot nila ang buong lungsod para lang hanapin ito at hindi na niya binanggit pa rito ang tungkol doon. Sa huli ay mabilis siyang humakbang para mas lumapit pa rito at dali-daling hinawakan ang kamay nito.

Ngayong nandito na si Lucas ay alam ni Annie na hindi na siya makakatakas pa mula r
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status