Share

Chapter 106.1

Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay hindi ito nanggugulo sa kanila ni Lucas ay dahil pinaalis pala si ito. Bigla tuloy naisip ni Annie ang tawag ni Trisha kay Lucas kagabi, marahil ay kaya ito tumatawag kay Lucas upang magpasundo rito kung nasaan mang lupalop ito ng bansa.

Nang mga oras na iyon ay bigla na lamang inilabas ni Alejandro ang isang sobre mula sa drawer at iniabot ito kay

Annie. "Tingnan mo ito." sabi nito.

Ang unang pumasok sa isip ni Annie ay baka ito ay isang bagay na iniwan ng kanyang lolo para sa kaniya kaya agad niya itong binuksan. Ngunit nang makita niya ang mga larawan sa loob ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata at hindi siya agad nakapagsalita. Natulala siya na napatingin sa mga larawan.

"Dad, itong mga larawang ito? Totoo ba ang lahat ng ito?” gulat na gulat na tanong ni Annie at hindi makapaniwala habang nakatingin sa mga larawan na sa mga oras na iyon ay nakakalat na sa mesa. Ang lahat ng larawan ay larawan ni Trisha.

Bagamat alam niyang hindi ganun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status