“Sa kaniya ba ito?” tanong ni Annie kay Kian. sa buong byahe nila ay ngayon lang siya nagsalita.Agad namang tumango si Kian. “opo ma’am. Isa pa ay talagang ibinilin po ni Sir dahil alam niya raw na malamig ngayon sa labas at natatakot daw po siya dahil baka sipunin po kayo. Isa pa ay alam niya rin daw po na mahina kayo sa lamig.” sabi nito sa kaniya.Nagtaas siya ng kilay. “So, ibig sabihin ay siya ang humiling na sunduin mo ako at dalhin ako sa ospital?” tanong ni Annie rito.Agad namang tumango si Kian sa kaniya. “Opo, ma’am.”Hindi na siya sumagot pa at pagkatapos ay naglakad na papasok ng ospital at hanggang sa makarating siya sa opisina ng doktor. Agad naman siyang sinuri ng doktor at sinabi na medyo malalim nga daw ang sugat niya at mabuti na lamang daw at walang napinsalang buto.Ilang sandali pa nga ay natapos ng linisin ang sugat niya at pinahiran ng gamot at pagkatapos ay binigyan din siya ng gamot para sa kirot. Agad naman niyang sinabi na gusto niya ay ang ipinapahid lama
Biglang nanlaki ang mga mata ni Lucas na napalingon kay Annie at bakas rin ang pagkagulat sa mukha nito. “Annie, ba-bakit ka nandito?” halos nauutal pa na tanong nito sa kaniya.“Bakit bawal ba akong pumunta rito?” balik na tanong niya rito ng mga oras na iyon. Kung pagkukumparahin ang ekspresyon nilang dalawa ay mas mukha pang natataranta si Lucas ng mga oras na iyon samantalang siya ay kalamadong nakatingin lamang sa kanila.“Hindi, hindi iyon ang ibig kong sabihin.” mabilis na pagdepensa nito sa kaniya na may kasama pang pag-iling. Tumayo si Lucas at naglakad palapit sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan ang mga kamay niya.“Kamusta ang sugat mo? Ano ang sinabi ng doktor?” tanong nito sa kaniya na ikinapag-salubong ng mga kilay niya.“Hindi naman delikado.” malamig na sagot niya rito at pagkatapos ay nilingon si Trisha na sa mga oras na iyon ay nakahiga sa kama at nakatingin din sa kanila. “Kamusta ang lagay niya?” tanong niya rito.“Maraming dugo ang nawala sa akniya at mabuti na l
Sa pag-iisip nito ay biglang nakaramdam ng kirot si Lucas sa kanyang puso. Bigla niya pang naalala ang mga nangyari kagabi kung saan ay hinalikan niya ito ng mapusok at sinubukang makipagniig ngunit sa una ay tinanggihan siya nito at siguro ng mga oras na iyon ay labag na labag talaga sa kalooban niya ang pagpayag sa gusto niya.At pagkatapos ay naalala niya na noong nagsabi siya rito na maghihiwalay na sila ay hindi man lang ito tumutol at basta na lamang pumayag ng hindi man lang nagdadalawang isip. Sa huli ang dahilan kung bakit hindi sila naghiwalay ay dahil pa rin sa hiling ng kanyang lolo sa kanilang dalawa. Iyon lamang ang dahilan kung bakit nananatili pa rin silang kasal na dalawa.Nang mga oras na iyon ay napatanong sa isip si Lucas kung hanggang sa mga oras na iyon ay iyong lalaking iyon pa rin ba ang iniisip nito at isinisigaw nito. Ang lalaking bumihag sa puso nito sa loob ng sampung taon. Nang maisip niya iyon ay para siyang isang baliw na nagselos.Nang hindi mahintay n
Agad naman na napatitig si Lucas sa mukha ni Trisha. “Sigurado ka bang kaya mong mag-isa rito?” tanong niya rito.Ngunit hindi pinansin ni TRisha ang tanong sa kaniya ni Lucas. “O siya sige na, sanay naman akong mag-isa. Isa pa ay maliit na bagay lang ito sa akin dahil magpapalipas lang naman ako ng gabi e.” sagot niya rito. “Isa pa ay alam ko ng may asawa ka na at may sarili ng pamilya at ako ay isang pilay na walang magawa.” dagdag pa niyang sabi rito.“Pasensiya ka na. Hindi na kita hahanapin pa at sa pamamagitan nito ay baka…” tumigil ito sa sinasabi mo nito at pagkatapos ay napakagat-labi at nilingon ang direksiyon ni Annie. “Sa mga susunod na raw ay baka hindi na niya ako hanapin ng mali o puntiryahin pa ako.” sabi niya kay Lucas.Samantala ang mga paghakbang na gagawin sana ni Annie ay natigil nang mainig niya ang sinabi ni TRisha. Sa totoo lang ay nagtataka siya kanina pa kung bakit nananatiling kalmado si Trisha a halos hindi man lang kinakabahan na iwan siya ni Lucas mag-isa
Habang sakay ng kotse na minamaneho pa rin ni Kian ay tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana si Annie. Hindi siya masaya at hindi rin siya malungkot ngunit parang walang nararamdaman ang puso niya ng mga oras na iyon. Pagkauwi niya ay nagkulong siya sa kwarto at natulog.Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi umuwi si Lucas sa bahay nila ng isang buong linggo at sa loob ng isang linggong iyon ay hindi sila ni minsan man na nag-usap sa telepono. Hindi rin ito nag-text o nag-chat sa kaniya o ni nagkita ng personal.Naging mapayapa ang mga araw at sandali na wala si Lucas sa tabi niya at naisip pa nga niya na halos nakalimutan na niya ito dahil sa tagal ng hindi nila pagkikita. Bigla tuloy niyang naisip na pwede naman pala siyang mabuhay na patulog-tulog lang at nakikinig ng musika at pakikipag-usap sa kanyang mga baby sa kanyang tiyan.Ngunit akala lang pala niya.NANG araw na iyon ay nasa opisina niya si Lucas anng bigla na lamang pumasok sa loob si Kian at may inilapag ito sa akniyang
Kaya lang nang makita ni Annie na si Kian ang nasa labas ng kanyang pino ay tila ab kinurot ang puso niya. Ang akala pa naman niya ay si Lucas na ang dumating ngunit hindi naman pala.“Ikaw pala.” sabi niya rito at pagkatapos ay napakunot ang noo.“Ah ma’am may ipinapabigay po si sir sainyo.” nakangiting sabi nito at pagkatapos ay mabilis nitong inabot sa kaniya ang isang tila inbitation yata. Nagsalubong ang mga kilay niya at napatingin kay Kian.“Ano ito?” nagtatakang tanong niya rito.“Malapit na po ang birthday ni Miss Trisha at nagplano si sir ng birthday party nito. Gusto niya po na dumalo kayo.” sabi nito sa kaniya. Kung hindi niya narinig mismo ssa bibig ni Kian ang sinabi nito ay halos ayaw niya pang paniwalaan ito.Nagplano ito ng birthday party para kay TRisha? Ganun ba siya talaga kadesperado para patunayan rito kung gaano nito kamahal si Trisha? Bigla na namang kumirot ang puso niya ng mga oras na iyon at pagkatapos ay napakuyom ang mga kamay niya. Napakagat-labi din siya
“Biglaan nga Mommy. Pati ako ay nagulat.” sabi rin naman ng kanyang kapatid ng mga oras na iyon.Agad na binuksan ni Liliane ang invitation at nakita niyang birthday party. Agad naman nitong inilapag iyon sa mesa.“Sinong miyembro ng pamilya Montenegro? Si Lucas ba?” biglang sabi ni Greg na kanina pa tahimik na kumakain lang. “Ate tingnan ko nga.” sabi niya rito kung saan ay agad din naman itong inabot nito ang sobre sa kaniya. Dali-dali niyang binuksan ito at ang tanging nakalagay sa imbitasyon ay magdaraos ng isang birthday party ang pamilya Montenegro at nakalagay lamang doon ang oras at lugar na pagdadausan ng birthday party.Kung sino ang magbi-birthday ay walang nakalagay basta ang nakalagay lang ay imbitado ang kanilang buong pamilya. Ang unang lumitaw sa kanyang isip ng mga oras na iyon ay ang mukha ni Annie.“Ano?” akala ni Liliane ay mali siya ng narinig. Bakas sa mukha nito na gulat na gulat ito dahil sa sinabi niya.Itinaas niya ang kanyang ulo at pagkatapos ay tumitig rit
Napakalamig ng mga tinig ni Lucas sa kaniya ng mga oras na iyon at hindi lang ang titig nito kundi maging ang boses nito. Tumingin sa kaniya si Trisha na may mga luha sa kanyang mga mata at umaagos sa kanyang pisngi. Hindi ito nakapagsalita ng ilang minuto at nanatiling nakatitig lamang sa mukha niya.“Sa totoo lang ay tinanong ko si Annie tungkol sa singsing at hindi sa hindi ako naniniwala sa kaniya pero, naging dahilan iyon para mag-isip siya ng hindi maganda.” sabi niya rito.“Siya ang asawa ko, dapat ko siyang binubuhusan ng pagmamahal at dapat ko siyang alagaan pero nabigo akong ibigay ang mga iyon sa kaniya. Nabigo akong magpaka-asawa sa kaniya.” dagdag niya pang sabi rito.“At ikaw TRisha ay gusto kong malaman mo na oo nangako ako sayo noong magpakasal sayo pero dahil nga sa ginawa ni lolo ay hindi ko natupad sayo iyon at walang kinalaman sa mga iyon si Annie kaya sana ay huwag mo siyang sisihin. Gusto kong makahanap ka ng taong magmamahal sayo.” sabi nito Lucas sa kaniya.Kun