Share

Ang Bilyonaryo at Ako.
Ang Bilyonaryo at Ako.
Author: NewGem

Kabanata 1

Anastasia POV

Maghapon na akong nakaupo sa gilid ng kalsada, pinagmamasdan ko ang mga taong naglalakad, mga sasakyang dumaraan at higit sa lahat mga kabataang naka uniporme. Naiinggit ako na grade 4 lang natapos ko. Simula ng mamatay mga magulang ko nawalan din ng landas ang buhay ko. Mga pangarap ko biglang naglaho. Iniisip ko nga na baka masama ugali ko sa past life ko. Kaya siguro pinaparusahan ako ni Papa God. Dahil mahirap lang mga magulang ko wala kahit isang kamag anak ko ang kumupkop sakin. Bago pa tumulo luha ko eh magkakayod kalabaw muna ngayong hapon. Naglakad na ako papunta kung saan ako magtratrabaho, sa palengke bilang tindera.

"Tasia, ano na inabot ka na naman ng hapon kabibilang ng mga sasakyang hindi sayo"! Sabi ni Aling Tess at nakapameywangan pa.

"Aling Tess, naman para namang may bago linyahan mo ganun din kaya ka hindi sinasagot ni Manong Jun eh". Sabi ko naman.

" Oh Sya sya, tumigil kana jan, kumilos kana tulungan mo na ako rito ng matapos na tayo ng maaga.

Nagsimula na akong magtratrabaho as usual madali namin napaubos panindang gulay sa galing ko ba naman mag alok, o sadya lang talagang matabil bunganga ko. Ganun talaga dito sa palengke pag hindi ka magaling mag alok, napanisan kana ng laway eh nabulok pa paninda mo. Hay naku! Sana dumating araw na makaahon ako sa hirap, sa edad kong labing pito ay hikahos parin ako.

"Hoy, Tasia"! Sigaw ni Jam

"Ay kalabaw ka"! Ano ba naman Jam at nanggugulat ka? Napano ka ba? Saad ko

"Hoy kanina pa kita kinakausap lutang ka na naman Kasi, ano nanaginip ka na naman na mayaman kana? Hahaha wag na mangarap Tasia, hampas lupa tayo wala tayong pakpak". Tawa Ng tawa si Jam.

Ewan ko ba at may baliw akong kaibigan, pero Masaya ako at Anjan sya lagi kahit sira ulo din katulad ko.

"Eh may masama ba kung mangarap ako? Kaibigan ba talaga kita oh ano? Huh! Hanggat humihinga ako mangangarap ako, libre yun walang bayad, at saka e try mo din minsan at baka mabawasan pagka baliw mo. At ako naman ang tumawa.

Ngunit habang tuwang tuwa ako, pinagmamasdan ko si Jam, magkasing edad lang kami, pero may magulang pa sya, may mga kapatid, katulad ko din siya hindi nakapag aral, at maagang nagtrabaho para makatulong sa magulang, pero syempre wala na akong magulang kaya ako bumubuhay sa sarili ko.

"Oh bakit Jam, natahimik ka ata, may problema ba? Saad ko.

"Naisip ko lang mabuti kapa may pangarap ako, pangarap ko lang mabuhay" Saad ni Jam.

Nahabag naman ako kaya nilapitan ko sya at niyakap, " hayaan mo Jam, pag ako yumaman tutulungan kitang mabago ang Buhay, Hindi yung ganto na para kang basang sisiw, panget kana nga iyakin pa. Saad ko na natatawa.

"Sana nga Tasia matupad mo lahat pangarap ko, at sana magkaibigan parin tayo para naman lalahad ko na lang palad ko hindi na ako magtratrabaho.. na sabay naming kinahagalpak ng tawa.

Maya-maya nagpa alam na kami sa isat isa at gabi na. Ako pauwi sa maliit kong barung barong, hindi ko nga masabi kong Bahay ba eto o palikuran ng mahihirap. Pagpasok ko ng pinto andun na ang maliit na mesa, maliit na higaan, sa gilid may tokador, sa kanan ang banyo, sa kaliwang side naman ay maliit na kusina. May isang ilaw lamang na nagsisilbi liwanag sa aking Bahay. Malungkot mag isa lalo na pag naaalala ko sina Inay at Itay, kung bakit ba kasi hindi pa nila ako isinama. Eh di sana hindi na ako naghihirap. Kinapa ko ang pendant ng aking kwentas, eto ang tanging alaala ng mga magulang ko bago sila namatay. Kaya iniingat ingatan ko eto na huwag masira o mawala. Kahit nga bukasan ay hindi ko ginawa at baka masira. Ginawaran ko eto ng halik bago ibinalik sa loob Ng damit ko. Nagsimula na din akong magluto ng pagkain na binili ko at Ng matapos ay magana akong kumain ng hapunan. Hinanda ko narin ang susuutin ko kinabukasan bago matulog.

Alas singko ng umaga ng ako ay magising, maingay na sa labas na akala mo eh laging may giyera. Hihikab hikab kong nilapitan ang kalendaryong nakasabit sa may paanan ng higaan ko. Hay buhay bayaran na naman ng bahay pati kuryente at tubig. Lord, kongting tulong naman po, pagod na po katawang lupa ko.

Pagkatapos kumain ay nag ayos na ako ng sarili ko. Suot ko ay kupas na pantalon na isang dekada ko na sinusuot, kapares ng puting t shirt.Tinali ko ang mahaba at ma alon alon na buhok, tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin, maganda naman mga mata ko, may katangusan ang ilong, may labing manipis at bilugang mukha. Kulang lang talaga sa glow up, sabagay polbo nga hindi ko afford pang kolorete pa kaya.

Sa umaga nagtratrabaho ako sa karinderya, taga hugas, Ang pasok ko ay araw-araw simula 6 ng umaga hanggang 12 ng tanghali. Pagsapit ng 12, ang sideline ko naman ay taga sundo ng anak ng p****k sa kanto namin. Pagkatapos ko mag sundo dederetso na ako sa bahay ni Manang Rose para magpaligo ng mga alaga niyang aso, mayroon siyang 5 aso, mababait naman nung una lang muntik akong lapain. Eh sa katangahan ko ba naman sabay sabay kong pinakawalan. Talagang lalapain ako ng buhay.Pag sapit ng alas singko, Kay Aling Tess naman ako,bilang tindera ng mga gulay sa palengke hanggang alas siyete ng gabi. Sa maghapon nakakapagod din minsan napapaisip tuloy ako na kung buhay pa sana mga magulang ko baka hindi naman ganto ang dinaranas ko. Kaya lang ano pa nga ba, andito na to wala ng atrasan. Dahil ayaw ko namang maging talunan, talunan na nga susuko pa.

Papunta ako ngayon sa simbahan sa bayan ng Sta Elena, isang sakay lang ng jeep galing sa palengke. Tuwing gabi ito na panata ko bago umuwi Ng bahay. Feeling ko nababawasan dala dala ko pag andito ako, nakapagdarasal Ng taimtim at nakapag hihiling ng maayos at ligtas na buhay, kasama rin sa aking dasal si Jam.

Malayo pa lang ako sa barong barong kong bahay ay nakilala ko na si Jam, ano kaya kailangan niya.

"Oh Jam bakit andito ka? May problema ba"? Sunod sunod kong tanong sa kanya.

Bigla niya akong niyakap at umiiyak.

"Hindi ko na kaya Tasia, gusto ko ng magpakamatay, ayoko na hirap na hirap na ako". Saad nia.

"Ano kaba Jam, huwag mo ngang sabihin yan, pag ginawa mo yan sa tingin mo malulutas lahat na problema niyo? Di ba Hindi! Halika sa loob at dun tayo mag usap. Baka sabihin ng mga kapitbahay ko eh may asong ulol dito. Haha pati siya ay natawa.

"Ikaw lang talaga Tasia nakakapatawa sakin, napakaswerte ko naman at friends tayo". Salamat sa lahat ng naitutulong mo sakin. Huh hayaan mo makatulong din ako sayo". Saad ni Jam.

"Ano kaba, hayaan mo Yun, So, ano problema mo at napasugod ka rito? Saad ko.

"Si Tatay Tasia, nagnakaw, ayon nakakulong na"!

"Anoooo! Bakit ginawa niya Yun?

"Hindi ko alam Tasia, ang alam ko lang Hindi na siya makakalabas ng kulungan. Hindi namin kaya na matubos agad. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko". Iyak na litanya ni Jam.

"Huwag mo na isipin yun, yung Tatay mo nakagawa ng masama, alam nia na may parusa yun. Kaya ang dapat mong gawin tulungan si Nanay Doray pati mga kapatid mo at ikaw panganay. Hayaan mo pag may sobra ako bibigay din ako. Sa ngayon huwag mo isipin ang pagkitil ng sarili mong buhay. Mas kawawa si Nanay Doray pag ginawa mo yun". Saad ko Kay Jam na ngayon ay nagpupunas na ng sipon, kahit kelan talaga babaeng to eh uhugin pa rin. Nangingiti ako sa naisip ko.

"Oh eh bat para kang temang Jan natatawa?! Hoy Tasia iyakin ka din, pareho din tayong uhugin. Nababasa ko yang utak mo, sa mga ngiti mong ganyan eh, baliw na to"!. Palatak ni Jam na pareho kaming natawa.

"Oh sya dito kana kumain, tulungan mo na lang akong magluto".

"Abay, Tasia malamang kakain muna ako bago umuwi, ang layo ng nilakad ko para umiyak lang sayo tas uuwi akong gutom". Saad ni Jam na humayon na sa lamesa at nilabas mga dala dala kong gulay.

Natatawa na lang ako na pinagmamasdan siya, katulad ko rin siya pag naiiyak na eh magiging okay na. Natapos kami sa pagluto at pagkain na puro tawanan at kwentuhan kahit paulit ulit namang topic eh okay lang. Hanggang sa nagpa alam na si Jam na uuwi na, inabot ko sakanya ang limang daang Piso, ayaw pa nga niyang tanggapin at nakakahiya pero pinilit ko sya, at kailangan nia yun para may maibili silang pagkain lalo na at may maliliit pa siyang kapatid.

Niyakap niya ko at nagpa alam na.

"Ingat Jam". Saad ko at kumaway naman siya, "ingat din Tasia". Sigaw ni Jam.

Heto na naman ako, mag isa na naman, tahimik ko na namang pagmamasdan ang maliit na sulok Ng aking bahay. Lahat atang andito sa loob ay naipinta ko na, well tama nababasa nio, marunong ako mag drawing, feeling ko kasi naiibsan problema ko sa tuwing nakakapag drawing ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status