Share

Chapter 14

NANG MAGISING NA si Silver ay laking ginhawa niya at kapanatagan ng makita muli si Evie na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakasubsob muli ito sa kama niya na nakaharap sa kanya kaya hinimas niya muli ang ulo nito. Inalis na rin niya ang oxygen device niya para malaman kung komportable na ba siyang huminga ulit ng wala iyon.

Ilang sandali niya iyon ginagawa hanggang sa tuluyang magising si Evie. Tinigilan naman na ni Silver hawakan ito.

Dahan-dahan bumangon at naupo ng maayos si Evie. Napatingin siya kaagad kay Silver na nakatingin rin sa kanya, napansin niyang nakaalis na ang oxygen nito.

"Kamusta pakiramdam mo? Bakit hindi ka naka-oxygen?" kaagad niyang tanong rito.

"Okay naman na ko. Nakakahinga na ko ng maayos."

"Sure ka? Eh bakit nanikip daw dibdib mo kaya ka na-admit?" pagtayo pa ni Evie at check ng oxygen device ni Silver.

"Akala ko kasi iniwan mo na ko bigla -- kaya nag-panic ako." sinimangutan naman siya ni Evie.

"Naghabilin naman ako sa nurse on duty. Sumaglit lang ako para makapagbihis dahil mukha akong burlesque kanina sa suot ko." paliwanag naman nito at naupo na rin muli.

"Kaya nga eh, hindi ko gustong lumalabas ka ng nakaganun. Nakakainis mga tumitingin sayo." mabuti't naka-red soft pants siya, light pink shirt blouse at naka-2 inches sandals na siya hindi gaya kanina na halos makita ang pisngi ng pwetan niya kung hindi lang dahil sa manipis na robe na pampatong.

"Aba? Hindi talaga ako lumalabas ng ganun kung hindi lang dahil sayo! Naghihinalo ka ba naman alangang magpalit pa ko ng pang ootd di ba?"

Bahagya naman natawa si Silver sa sinabi nito.

"Teka nga? Bakit ka nga pala nasa bahay ko kanina? Anong ginagawa mo roon?" pagusisa na ni Evie na kinatahimik ni Silver. Hindi siya matingnan ng diretso nito at napapaismid.

Pasimple namang ibinalik ni Silver ang oxygen device niya upang maiwasan ang pagsagot kay Evie.

"Hoy Silverio tinatanong kita ah?! Anong ginagawa mo sa labas ng bahay ko? Stalker ka ba?" paghawi pa ni Evie sa oxygen device na hawak ni Silver upang hindi ito maisuot ng tuluyan.

"Hindi ako makahinga." palusot pa ni Silver.

"Malalagutan ka talaga ng hininga sa akin kapag hindi ka sumagot!" banta pa ni Evie rito.

Napabuntong hininga naman na si Silver at bagsak balikat dahil hawak ni Evie ang oxygen device niya at mukhang hindi ito titigil hangga't hindi niya sinasagot ito.

"Hindi ako stalker noh? Nalasing nga ako di ba? Eh nagsipaguwian na rin sina Matt at ibang empleyado ko."

"Oh ngayon? Sa Pasig ang office mo di ba? Sa Pasig din ang condo mo, paano ka napunta ng Pasay?"

"Eh di nag-drive!"

Napatiim labi pa si Evie sa pagtitimpi. "Huwag mo nga akong pilisopohin! Sasakalin kita!"

"Eh yun naman nga ang ginawa ko!"

"Oo nga! Bakit?! Bakit ka nagpunta ng bahay ko?!"

"Duh?!" tila nangiinis pa ring tugon ni Silver kay Evie dahil hindi siya makaamin.

"Talagang ginigigil mo ako ah."

"Gigil yern?"

"Pwede ba?! Hindi ako nakikipaggaguhan sayo ah!" halos singhal ni Evie rito.

"Ako rin, hindi." biglang seryosong sagot naman din ni Silver.

Nagkasukatan naman sila ng tingin. Halatang naiinis na si Evie sa mga sagutan nito sa kanya ngunit pilit kumakalma. Bumibilis rin ang pagtibok ng puso niya dahil sa inis at parang hinihingal siya. At dahil hawak niya ang oxygen device, bigla niya itong ginamit at humigop ng hangin roon dahil tila siya naman ang kinakapos.

"Oh? Ayos ka lang?" pagaalala naman din ni Silver. Sinamaan naman siya ng tingin ni Evie at inirapan habang nakakabit ang oxygen device rito. "Sorry.. Nakainom nga ako kaya lakas loob akong nag-drive papunta dun sa compound kung saan ka nakatira. Masyado akong na-excite pero nung naroon na ko, hindi ako makababa para magtanong man lang kung saan ang unit mo. Nahihiya kasi ako."

Napatingin naman din si Evie kay Silver at nakikinig sa paliwanag nito.

"It brings back memories eh, yung saya, excitement at kaba sa tuwing pupuntahan kita noon sa inyo. Naramdaman ko ulit eh. Hindi ko nga lang akalaing aatakihin ako ng hirap na naman sa paghinga kaya -- heto." pagkibit balikat pa nito.

Inalis naman na ni Evie ang oxygen niya. "So balak mo na naman palang tambayan ulit ang labas ng bahay ko pero hindi magpapakita ganun? Stalker talaga ang peg?" pagtataray muli ni Evie.

"Bakit? Papapasukin mo ba ako sa loob?" bwelta naman ni Silver rito na kinatahimik naman ni Evie at iwas ng tingin sa kanya. "Saka tinatawagan kita, ang tagal busy ng line mo! Dami kasing katawagan." pagmamaktol pa nito.

"Si Ingrid yung kausap ko nun. Kaya pala may nagko-call waiting during our calls."

"Si Ingrid daw?"

"Oh check mo." pagabot pa nito ng phone niya.

"Sa nerbyos ko dahil tinatawagan nga kita para sabihing naroon ako kaso busy line mo, ayun! Inatake na ko ng pagkahirap huminga. Ang tagal mo pang sagutin nung sa wakas naka-connect ako ng ring."

"Oo na! Malay ko bang ikaw yun di ba? Malay ko bang nandoon ka sa bahay ko? Wala naman nagsabi sayong pumunta ka doon!"

"Wala nga, masama ba? May magagalit siguro noh?"

"Wala noh! Kung kailan hindi ka pinapapunta, saka ka pumupunta. Dapat talaga noon pa kita sinabihan ng huwag na lang pumunta baka sakaling napuntahan mo ko."

"Kaya nga pumupunta na ko ngayon di ba?"

"Pwes! Ayokong pumupunta ka!"

"At bakit? Kasi may iba kang inuuwi dun sa bahay mo?"

"Hoy wala noh! Ni si Benjamin, hindi pa nakakatuntong ng unit ko!" depensa naman ni Evie at tinatarayan si Silver.

"Eh di mabuti."

*Tok tok!

Sabay naman silang napatingin sa may pintuan at nakita ang doktor at nurse na pumasok.

"Good morning po, Mr. Silverio. Kamusta na po ang pahinga niyo?" bungad naman ng doktor rito. Bahagyang lumipat si Evie sa paahan ni Silver dahil katabi nun ang doktor at nurse na nagaasikaso sa kanya.

"Okay naman na po ako dok, okay na rin ang paghinga ko." sagot naman din ni Silver roon.

"Okay sige, pero iche-check pa rin naman ang vitals at oxygen level mo ah."

Kinabitan naman si Silver ng device sa daliri para makuha ang oxygen level at pulse rate niya. Kinuhanan din siya ng blood pressure ng nurse.

"Seems normal naman na mga vitals po, pero yung blood sugar mo, as I see in the laboratory results, malapit na, pre-diabetic na. One wrong move, diabetes ka na." natatahimik naman sila at nakikinig lang sa doktor. "Konti na lang din at baka mag-insulin ka na. Nako napakahirap mag-maintenance na nun."

"Dok, magpapareseta na lang din po ako ng bagong gamot na pwede pang maintenance."

"Okay po, sige."

"Pwede na po ba ako ma-discharge, dok?"

"Pagkabalik ko at bigay ng reseta sayo, pirmahan ko na rin ang discharge papers mo."

"Maraming salamat po, dok."

Napabaling naman ang doktor sa gawi ni Evie na nakatingin sa kanya. "Pakibantayan na lang din po ang mga kinakain ni mister, misis ah? Sensitive na po ang kalagayan niya, konting-konti na lang at diabetic na siya."

"Ah hindi po --" tila may naalala naman si Evie kaya natigilan siya. "O--okay po dok. Salamat po."

Lumabas na ang doktor at nurse ng silid kaya naupo naman na muli si Evie sa tabi ng kama ni Silver.

"Alagaan mo daw ako sabi ng doktor." saad kaagad ni Silver kay Evie na tiningnan siya ng masama.

"Walang sinabing ganun. Bantayan lang daw ang pagkain mo!"

"Ganun na rin yun. Syempre ang alam nila asawa kita." tila nagpipigil naman ng saya si Silver.

"Tuwa ka naman?" pag-irap pa ni Evie rito sabay arm cross.

"Galing naman pala magalaga ng asawa ko, minedyasan at kinumutan pa ko oh."

Naalala ni Evie ang ginawa niya kaya napatingin siya rito. Nakita niyang nakangisi si Silver habang yakap ang pinagamit niyang comforter. Tila natutuwa ito sa ginawa niya at hindi niya malaman kung bakit may kung anong kurot ng kasiyahan din siyang nadarama.

"Pagkain ba yung dala mo? Tamang-tama gutom na ko." saad pa ni Silver at napalingon si Evie sa paper bag na dala niya ng pagkain.

"Thank you ah? Alam kong -- hindi pa tayo okay, pero inalagaan mo pa rin ako. Thank you kasi hindi mo ko pinabayaan." saad naman ni Silver kay Evie sabay ngiti niya pa rito.

Tinalikuran naman siya ni Evie upang hindi nito makita ang reaksyon niya.

"Ayokong mamatay ka sa tapat ng bahay ko noh! Kaya no choice ako kundi tulungan ka." natawa naman ng bahagya si Silver sa sinabi niya. Hindi man niya aminin, dama naman din ni Silver ang pagiging concern niya rito.

"Thank you, mommy."

Biglang may kumuryente sa buong katawan ni Evie at hindi siya nakagalaw o makahinga man lang ng marinig ang sinabi ni Silver. Tinawag siya nito sa endearment nila noon.

Halos mangilid ang mga luha niya ngunit matindi niya itong pinipigilan. Mabuti na lamang at nakatalikod siya rito at hindi man lang nagawang umimik.

Nabigla man rin si Silver sa pagtawag kay Evie ng endearment niya rito noon, hindi niya yun pinagsisihan. Alam niyang baka ikagalit pa ito ni Evie ngunit ni hindi ito umimik. Hindi niya alam kung masasaktan ba siya o mabuti na rin ito kaysa makarinig ng pagtutol nito. Tumayo si Evie na nakatalikod pa rin sa kanya at dumiretso sa banyo ng silid. Halos pabagsak pa ang pagsara nito ng pintuan. Napabuntong hininga na lamang din siya at hindi mapigilang hindi malungkot.

Ayaw man ipakita, hindi naman na din napigilan ni Evie ang emosyon niya kaya kaagad siyang nagtungo ng banyo upang makapagtago at doon ilabas ang pinipigilang lungkot. Tinakpan niyang mabuti ang bibig upang hindi makalikha ng anumang ingay habang ibinubuhos ang luhang nais kumawala.

Hindi na dapat ganito.. Masyadong masakit pa rin kahit matagal ng panahon..

NAKAKARAMDAM pa ng panghihina si Silver ngunit nais na niyang magpa-discharge. Sa bahay na lamang daw siya magpapahinga.

"Sigurado ka bang gusto mo ng lumabas? Baka atakihin ka na naman ng hirap sa paghinga." saad pa ni Evie habang tulak ang wheelchair ni Silver patungong parking sa likod ng ospital.

"Alam mo namang ayoko ring nananatili sa ospital. Sa bahay na lang ako."

"Okay -- eh di ihahatid na lang kita."

"Bakit? Alam mo kung saan ang condo ko?"

"Hindi, syempre ituro mo na lang ang daan."

"Eh kung ayoko?"

Nakaramdam naman ng kung anong kirot si Evie sa dibdib ng marinig ang sinabi ni Silver. Hindi niya alam kung bakit siya nalungkot.

"Ah okay, gets." dismayadong sagot lang nito.

"Anong gets?"

"Gets ko naman." malungkot pa rin ang tono nito habang tinutulak ang wheelchair.

"Ano ngang gets mo?" nagtataka namang tanong pa ni Silver at tiningalang lingon si Evie. Napansin niyang umiba ang mood nito.

"Wala."

Nang makarating silang parking, sa tapat mismo ng kotse ni Silver, napatayo na lang si Evie sa tabi na tila iniintay tumayo si Silver.

"Oh? Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong pa ni Silver.

"Eh di umuwi ka na." pagturo pa ni Evie gamit ang kamay sa kotse ni Silver.

"Oo nga, iuwi mo na ko."

"Paanong iuuwi kita? Di ba ayaw mong sabihin sa akin kung saan ka nakatira? Ayaw mo kasing malaman ko di ba?" tila pagtataray nito.

"Hindi naman sa ayaw ko."

"Alam mo, wala akong pakialam kahit saan ka pa nakatira. Hindi ko naman ipapasunog ang buong condo unit mo kung nagaalala ka." nag-cross arms pa ito at inirapan si Silver.

Bahagyang natawa naman si Silver sa katarayan na naman ni Evie sa kanya.

"Ang cute mo talagang magsungit noh?"

"Hindi ako cute, at tigilan mo ko."

Napansin ni Evie na tila pinagkakatuwaan siya ni Silver kaya lalo siyang nainis rito at tumalikod na ngunit kaagad nahawakan ni Silver ang braso niya upang pigilan siya.

"Oh? Saan ka pupunta?"

"Uuwi na ko."

"Iiwan mo ko dito? Hindi ko pa kayang mag-drive oh." tila pagpapaawa nito.

"Eh di sana hindi ka muna nagpa-discharge! Alam mo palang hindi mo pa kaya eh."

"Eh ayoko na nga dun. Gusto ko na lang sa bahay magpagaling."

"Puro gusto mo lang nasusunod eh noh? Tigas ng ulo mo!" malakas na pagbawi naman ni Evie ng braso niya. "Ayaw mong ihatid ka di ba? Pwes, tawagan mo yung driver mo, papuntahin mo dito para ipagmaneho ka pauwi! Tutal ayaw mong malaman ko pala bahay mo eh." tila pagmamaktol pa ni Evie at aalis na sana muli ngunit dalawang kamay na ni Silver ang humawak sa braso niya upang pigilan siya."Ano ba?!" asiwa namang singhal nito.

"Hindi sa ayaw kong malaman ang bahay ko. Dadalahin pa kita dun kung gusto mo."

"At bakit ko naman gugustuhin? May bahay naman ako!"

"Pwede namang ihatid mo ko sa condo ko kaso -- kaso alam kong kapag naiuwi mo na ko doon, aalis ka na kaagad. Iiwan mo na lang ako mag-isa dun." tila lumungkot naman ang tono ni Silver.

"Eh malamang? Alangang mag-stay pa ko dun at alagaan ka di ba? Ni hindi mo ko pinapasahod, ni hindi nga kita kaano-ano."

May kung anong kirot namang naramdaman si Silver sa mga sinabi ni Evie sa kanya.

"Oo nga naman." medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso nito kaya tuluyang nabawi ni Evie ito.

"Sige na, tawagan mo na lang yung driver mo kung ayaw mo talagang magpahatid. Iintayin ko na lang din siyang dumating."

"Hindi na, sige na umuwi ka na. Malaking abala na sayo ang ginawa ko." tila ito naman ang nadidismaya.

"Ang arte mo? Tawagan mo na siya."

"Hindi ko siya mapapapunta dahil naka-leave na silang lahat. Magpapakondisyon na lang ako para makapag-drive." saad pa nito na hindi man lang makatingin kay Evie.

Si Evie naman ang nakonsensya. Napabuntong hininga siya ngunit naiinis pa rin siya rito. Hindi na niya malaman ang gagawin pa niya sa katigasan ng ulo ni Silver. Napapasapo na lamang niya ang ulo niya.

"Ang tigas naman ng ulo mo! Bahala ka nga!"

Napapamewang na lamang si Evie dahil hindi niya malaman kung anong gagawin kay Silver. Nagagalit siya rito dahil nagkakaganito sila dahil lang sa ayaw nitong sabihin kung saan siya nakatira.

"Ibu-book na lang kita ng grab --"

"Huwag na! Umuwi ka na kung gusto mo. Hindi mo na ko kailangang intindihin."

"Pwede ba Silver?! Para kang ewan dyan eh. Ngayon ka pa talaga nagiinarte?!"

"Hindi ako nagiinarte."

"Pwes! Tumigil ka! Ginagawan na nga ng paraan para makauwi ka ng maayos at ligtas, nagiinarte ka pa!"

Tila hindi pa nagtatanghalian ay nakakailang pagaaway na sila ngayong araw.

Ilang sandali pa silang hindi makatingin sa isa't isa at hindi nagkikibuan. Tila pareho silang nagpapakalma sa sarili nila.

Makalipas ng ilang minuto ay dahan-dahang tumayo si Silver sa wheelchair at kumakapit sa kotse niya. Minasdan lang naman siya ni Evie.

"Su -- susi." saad nito at haya ng kamay kay Evie.

Hawak ni Evie ang susi at remote ng kotse ngunit nagaalangan siyang ibigay rito dahil alam niyang hindi nito kayang magmaneho pa sa kondisyon nito.

"Please, listen to me. Hindi mo kayang mag-drive."

"Kaya ko, gusto mo hatid pa kita eh."

Napabagsak balikat na lang si Evie rito at inabot ang susi kay Silver. Paharap ng muli si Silver para buksan ang kotse niya nang bigla namang nanlambot ang tuhod niya at tila tumupi siya na babagsak. Mabuti na lamang at mabilis si Evie at naalalayan niya ito upang hindi tuluyang bumagsak. Niyakap niya ito sa katawan at inalalayang makatayo.

"Oh? Kita mo nga! Hindi mo pa kaya!" inis naman niyang saad dito at tinutulungan itong maiupo muli sa wheelchair.

Parehas naman silang nanghapo dahil mas malaki si Silver at mabigat, tila napagod si Evie. Habang si Silver ay labis na namang nanghihina pa.

Malakas na buntong hininga na lamang ang ginawa ni Evie at tinulak na si Silver patungo sa may pinto ng passenger's seat. Binuksan niya iyon at mas inilapit si Silver.

"Can you hop in?" tumungo-tungo lang si Silver sa kanya. "Dahan-dahan ah." inalalayan naman niyang muli ito sa pagtayo hanggang sa makaupo na ito sa kotse. Nang maiayos niya ang upo ni Silver ay isinara na rin niya ito kaagad.

Mabilis siyang nagtungo sa driver's seat at sumakay. "Akin na ang susi." paghaya niya sa kamay pa niya at inabot rin ni Silver sa kanya ito.

Binuhay niya ang makina ng kotse at dahan-dahang minamaneho ang kotse palabas ng parking ng ospital.

"Saan tayo -- pupunta?" tanong pa ni Silver.

"Iuuwi kita sa Pangasinan. Yun ang medyo alam kong bahay mo eh." seryosong saad pa nito.

"Anong sa Pangasinan?" pagsimangot pa nito sa sinabi ni Evie. Tiningnan lang din siya nito ng masama at bumalik na sa pagmamaneho.

"Sa oras na umokay ang pakiramdam mo, umuwi ka na ah. Bisperas pa naman ngayon, hindi ka ba magpapasko sa pamilya mo?"

"Wala na kong pamilya."

"Ewan ko sayo. Eh mahal na mahal mo mga yun di ba? Yun nga madalas cause of delay noon pero okay lang sayo."

"Hindi na ngayon. Matagal ko na silang cut off sa buhay ko."

"Eh di wow? Tas ilang araw lang nandyan na naman, nandun ka na naman, para kang nanlilimos ng atensyon at pagmamahal."

"Hindi na noh. Almost three years na rin akong hindi nagpapakita sa kanila. Hinahayaan ko lang ma-contact ako pero hindi ko na sila iniintindi."

"Sabi mo eh."

"Nadala na ko sa mga kawalangyaan nila sa akin noon. Halos dahil sa kanila kung bakit nawala ka. Pamilya ko nga sila pero hindi naman ganun ang turing nila sa akin kung hindi lang dahil kay papa, hindi ko naman talaga sila iintindihin."

Pareho naman silang natigilan sa sinabi ni Silver. Isang taong patay na ang ama ni Silver noong nagkakilala sila ni Evie. Nakukwento niya kay Evie noon ang lahat ng ginagawa ng step-mom niya at mga kapatid niya sa kanya lalo na pagdating sa pera. Kahit pa lagi niya itong binibigyan ng pera upang makapagnegosyo, laging nauubos lang din. Lagi rin siyang ninanakawan ng malalaking halaga ng pera at pinapakialaman ang negosyo niya noon hanggang sa malugi ito.

Sapilitan rin siyang hinihingian ng malaking halaga ng pera at nilulustay lang ng mga ito. Pinaghirapan ni Silver bawat sentimo ng kinikita niya. May mga pinamana sa kanya ang kanyang ama ngunit pantay na nahati na yun sa kanila ng stepmom niya, dalawang kapatid at dalawang pamangkin pa. Lahat ng tinatamasa ni Silver ngayon ay galing sa dugo't pawis niya. Ngunit laging nakikisawsaw ang mga ito sa kanya at lagi lang naman din siyang inaalipusta.

Hindi gusto ni Evie ang ginagawa sa kanya ng pamilya niyang iyon, lagi niyang sinasabihan na huwag niyang i-tolerate o pabayaan ngunit hindi siya pinapakinggan ni Silver dahil uhaw ito sa pagmamahal ng isang pamilya.

"Good for you then. Akala ko nagpauto ka na naman dun sa nanay-nanayan mo at pinakasalan na yung mahal mong reto."

"Bakit naman ako magpapakasal dun?"

"Kinokonsidera mo na nga noon di ba?"

"Hindi noh! Hindi nga ako nagpakasal dun noong hindi pa kita kilala, what more na nakilala na kita."

"Sabi mo eh."

"Baka lang pinilit ulit sayo tutal malamang lumigaya yun nung nalamang wala na tayo."

"Hindi nila alam."

"Ang alin?"

"Na wala na tayo. Lumayo nga ako lalo sa kanila noong nawala ka, para sana -- hanapin ka."

Napasulyap saglit si Evie sa kanya na parang hindi makapaniwala bago magpatuloy sa pagmamaneho.

"Pero hindi nakita."

"Pero pinagtagpo pa rin tayo." minasdan namang mabuti ni Silver si Evie na naka-focus naman sa daan. "Don't you think that this is God's will?"

"What do you mean?"

"Na kahit anong pilit natin noon magkita, hindi mangyari. Tapos ngayon -- pinagtatagpo na niya tayo."

Hindi naman makaimik si Evie dahil ang totoo, yun din ang palagay niya.

"Baka hindi pa noon ang perfect timing niya para sa atin. Na baka ngayon yun." saad pa ni Silver na hindi naman inimikan ni Evie.

"I never thought that day will come but I'm so glad it happened. It's like a dream come true."

Ilang beses napapalunok si Evie at napapakagat ng dila niya upang hindi siya bumigay sa emosyon niya. Nais na niyang maluha ngunit pilit niyang sinisinghot ito upang hindi makita ni Silver.

"Baka trip lang niya talaga tayong pahirapan noon pa man." pasubali naman ni Evie na.

"For me it's worth it."

Buong byahe nilang nakatingin lang si Silver kay Evie kaya hindi niya nakikita ang dinaraanan nila. At buong byahe lang din namang nag-focus si Evie sa pagmamaneho dahil naiilang siya sa pagtingin ni Silver sa kanya.

"Pasensya na ah. Uuwi ka ba dapat sa inyo ngayon?"

Napatiim labi naman si Evie. "Hindi muna siguro. Nagpadala naman ako sa kanila ng pamasko nila."

"So, mag-isa ka lang ngayon? May iba kang plano?"

"Hindi ko alam. Tatlong taon na ko hindi nagse-celebrate ng pasko at bagong taon eh. Kinabukasan rin naman nun may trabaho, kaya para saan pa?"

"Same." sagot lang din ni Silver at pareho muli silang natahimik.

Maya-maya pa ay napansin ni Silver na pumasok sila sa isang gate at doon niya napagtanto ang lugar.

Sumaludo pa kay Evie ang guard na naroon bago sila pinagtaasan ng harang upang makapasok.

Hindi naman din makapaniwala si Silver. Hindi niya malaman kung anong sasabihin dahil natutuwa siya sa nangyayari. Tila naganap ang plano niya sanang mangyari.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status