Share

Chapter 16

NILIBOT MULI NI Evie ang tingin sa kusina niya at kay Silver na suot pa ang apron niya habang naghihiwa ng ingredients.

"Ano ba yang lulutuin mo?" pagusisa na ni Evie sabay lapit kay Silver.

"Carbonara, di ba mas gusto mo toh kaysa sa spaghetti?" paglingon saglit sa kanya ni Silver sa gawing kaliwa.

"Pero hindi ka naman pwede sa carbonara. Dapat tuna pesto na lang."

Natigilan naman si Silver sa ginagawa at tila napagtanto ang sinabi ni Evie.

"Oo nga pala?" napalingon pa siya sa likuran niya na tila tinitingnan ang naihandang ingredients.

"Pwede pa naman yan, hindi na lang tayo gagamit ng cream at milk. May pesto paste ako dyan." saad naman ni Evie at binuksan ang cabinet sa itaas niya at may kinuhang botelya. "Eto oh." paglapag niya sa pesto pastes sa tabi ni Silver.

Bumalik si Evie sa mesa at naghalungkat sa mga groceries pang naroon sa plastik. Nakita niyang may pang macaroni salad, fresh fruits, fresh meat, hamon at baking ingredients ang naroon.

Una niyang kinuha ang mga pang chicken macaroni salad na ingredients at sinimulan itong ayusin. Napansin naman ni Silver ang pagkilos rin ni Evie sa kusina at tila natuwa siya rito.

"Tutulungan na kita, baka magkalat ka masyado dito." seryosong saad lang nito habang nililinis ang manok na lulutuin para maihalo sa chicken macaroni salad.

Palihim namang nangingiti si Silver dahil hindi niya akalaing tutulong pa si Evie sa kanya. Nais niya sana itong paghandaan hindi lang dahil inalagaan siya nito kundi dahil ito ang kauna-unahang pasko na magkakasama sila kaya sinasamantala na niya.

Tahimik lang si Evie habang kumikilos at ginagawa ang gawain niya. Panay naman ang sulyap sa kanya ni Silver at nangingiti dahil masyado siyang abala. Ganito sana ang nai-imagine niyang eksena nila noon, na magkasama silang nagluluto.

"Naalala mo ba noon? Sabi mo gusto mo akong ipagluto ng mga natutunan mong dishes at ipag-bake ng mga gusto ko?" pagbasag naman na ni Silver sa katahimikan nila. Hinahalo-halo niya ang pasta para hindi ma-over cooked.

"Noon yun." walang ganang sagot naman ni Evie habang tinatadtad na hiwa ang chicken breast na nilaga niya.

"Oo nga, pero ginagawa mo pa rin ngayon."

"May choice ba ako? Nasa kusina kita eh. Alangang pabayaan ko?" pagsulyap pa saglit ni Evie kay Silver sa gawing kanan niya, nakatingin naman din ito sa kanya.

"Pero gusto pa rin naman kitang paglutuan ng mga sinabi mong gusto mong pagkain."

"Kahit huwag na."

"Pwede mo ba akong ipag-bake?" seryosong tanong pa ni Silver kaya napalingon sa kanya si Evie. "Kahit yung banana bread mo lang, gustong-gusto ko talaga matikman yung mga pinapakita mo sa aking bini-bake mo noon eh."

"Eh bawal ka naman na sa sweets."

"May low calorie sugar akong pinabili. Kahit konti lang, gusto ko lang matikman. Please?" tila pagmamakaawa nito kay Evie at alam niyang napapaisip pa si Evie sa request niya.

"Ayoko nga. Bakit hindi ikaw mag-bake?" at hinakot na ni Evie ang mga nahiwang manok sabay alis sa pwesto niya patungong dining table, naroon kasi ang ibang ingredients sa ginagawa niya.

"Gusto ko syempre yung gawa mo noh."

"Matagal na kong hindi nagbi-bake. Wala na kong gana." seryosong sagot lang din ni Evie.

Dismayado man, hindi na lamang nagpumilit si Silver rito, baka mapalayas pa siya ng di oras kaya hinayaan na lamang niyang ipagpatuloy nila ang kani-kanilang gawain.

Hindi gusto ni Evie na pinapaalala pa ni Silver sa kanya ang mga plano sana nila noon. Nanunumbalik man ang alaala, gayun din ang sakit na kalakip nito kaya tila lagi siyang nagiiba ng mood.

Magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman niya sa tuwina'y may maaalala ng tungkol sa kanila ni Silver noon. Bagay na kinatangi-tangi niya sana at pinangarap ngunit nasira na at masyado ng masakit upang balikan pa.

Nailagay na ni Evie sa ref ang ginawang chicken macaroni salad upang lumamig na para mamaya, natapos na rin si Silver sa ginawang tuna pesto at fettuccine.

Parehas silang naupo sa dining table ng magkatapat. Hinawi pa ni Silver ang mga grocery plastics sa harapan niya upang makita si Evie na tila natutulala.

"Gutom ka na ba? Gusto mo ng kumain?" pagusisa pa niya rito at umiling-iling lang si Evie bilang tugon. Tila nakatingin pa rin ito sa malayo.

Kanina pa nakakaramdam si Silver ng pagod at paninikip ng dibdib ngunit ngayon lang niya nainda dahil nakapagpahinga na siya. Napansin naman ni Evie ang paghawak at himas niya sa dibdib niya.

"Ayos ka lang?" pagbigay pansin na ni Evie kay Silver.

"Ayos lang, medyo -- medyo napagod lang." tila hinihingal pa nitong sagot.

"Tsk! Tsk! Ayan! Luto-luto ka pa kasi! Sinabing ayokong maghanda, nagpa-grocery ka pa."

"Nandyan na eh, sayang naman kung hindi lulutuin di ba?" tila panghahapo na ni Silver.

Kumuha naman kaagad si Evie ng warm water at gamot nito na nasa coffee table, kaagad rin namang ininom ni Silver ito. Guminhawa saglit ang pakiramdam niya.

"Magpahinga ka na muna ulit sa sofa. Ako ng bahala dito."

"Pero -- magliliglit pa ko."

"Hindi na. Ako na lang. Sige na, mahiga ka na dun." pag-insist na ni Evie sa pagturo nito sa sofa niya. Wala na rin naman ng nagawa si Silver kundi sundin siya.

Nahiga ngang muli si Silver sa sofa at si Evie naman ang nagligpit na at ayos ng dining at kusina. Minamasdan lang ni Silver si Evie na kumikilos habang siya ay nadidismaya sa sarili dahil hindi na nga niya ito matulungan, mukhang pinahirapan pa niya.

Unti-unti muli nakaramdam ng antok si Silver dahil na rin sa gamot na iniinom, pinikit na niya ang mga mata na si Evie ang huling nakikita.

Habang nilalabas na lamang ni Evie sa plastic bags ang mga pinabili ni Silver na grocery items, sinalansan niya ito bandang kitchen counter at nilingon si Silver na mukhang nakatulog na naman. Napapailing na lamang siya dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari sa kanila ngayon ni Silver.

MAHIGIT isang oras din ang lumipas ng pagpapahinga ni Silver, nabuhay ang diwa niya dahil may kakaiba at mabangong aroma siyang naamoy kaya napadilat na rin siya.

Nahihilo man, dahan-dahan naman niyang nilingon ang kusina kung saang nakita niya si Evie na tila abala pa rin. Narinig niya ang pagtunog ng oven na hudyat na tapos na ang nakasalang roon. Nakita niyang lumapit doon si Evie na may dalang pot holder at may kinuha sa loob ng loob.

"Ahh! Tss!" tila napaso naman si Evie pa ngunit patuloy pa rin sa pagkuha ng binake nito.

Naamoy lalo ni Silver iyon ng nilabas ni Evie sa oven, alam niyang banana bread yun. Kahit pa nanghihina at nanlalabo ang paningin niya, napangiti talaga siya dahil doon. Saka naman siya napapikit muli at hinayaan na niya ang sarili makatulog.

Nag-bake nga si Evie ng banana bread gaya ng request ni Silver kahit pa noong una ay tumanggi siyang gawin ito.

Inayos ni Evie ang mga binake niya at tumikim ng kaunti nito.

Masarap pa rin pa pala ako mag-bake.

Sinulyapan niya ang hintuturo sa kanang kamay dahil napaso ito ng aksidenteng lumagpas ang daliri sa pot holder pagkahawak niya ng baking pan.

Nagligpit na siyang muli at napatingin sa wall clock sa may dining niya, alas nueve na ng gabi. Napatingin siya sa gawi ni Silver at natutulog pa rin ito sa may sofa niya.

Napaupo na lamang siya sa may dining table at nilapitan naman siya ni Steve. Hinimas niya ang mukha at leeg ng aso na tila nagpapalambing sa kanya.

"Oh, bakit narito ka sa akin? Akala ko close na kayo nung -- nung lalaking yun ha?" pagbibiro niya pang kausap sa aso niya. "Ang laki laki mo, hindi kita maasahang palayasin yun akala ko pa naman tatakutin mo siya. Nahawakan ka lang, hindi ka na mahiwalay dun. Bakit? Daddy mo ba talaga yun ha?" tila nae-enjoy naman ng aso ang paghimas niya rito. "Hindi mo daddy yun, okay? Ako lang ang mommy mo."

NANG makapagpahinga ay naligo muna si Evie upang papreskuhan, nadumihan na rin kasi siya dahil sa pagluluto.

Lumabas siya ng kwarto na may towel pang nakabalot sa ulo niya at nakita niyang gising na pala si Silver.

"Kamusta pakiramdam mo?" bati naman din niya rito.

"Okay naman na. Hindi na rin nahihilo."

"Nagugutom ka na ba? Magsabi ka lang." at pagupo na ni Evie sa solo chair sa salas niya at binuksan muli ang tv.

"Kumain ka na?" sinasapo pa ni Silver ang ulo niya at bahagyang umangat sa pagkakahiga.

"Nope." sagot lang nito na hindi man lang nililingon si Silver.

"Sana all nakaligo na." saad pa ni Silver dahil mula pa kahapon ang suot niya.

Doon naman na siya tinabunan ng tingin ni Evie na tila napapaisip.

"Wala akong extra damit pang lalaki, sana nagpa-bili ka na rin sa grab." at tila parang snob naman niya si Silver.

"Kung pwede lang eh. -- ay hindi may shirt pala ako sa kotse."

"Oh, eh di kunin mo ng makapagpalit ka."

Dahan-dahan namang bangon si Silver ngunit nanghihina pa rin ito. Nakaramdam din siya bigla ng hilo kaya natigilan siya at napasandal sa sofa.

Napansin naman iyon ni Evie at napairap na lang.

"Akin na susi, ako ng kukuha. Nasaan ba banda?" paghaya niya ng kamay niya kay Silver.

"Hindi, ako na."

"Tigas talaga ng ulo. Dumiretso ka na lang ng banyo para makaligo ka. Dadalahin ko na lang sayo yung towel at damit mo." seryosong utos pa nito at wala na ring nagawa si Silver kundi iabot kay Evie ang susi ng kotse niya.

Kahit pa may towel na nakabalot sa ulo ni Evie, bumaba pa rin siya sa may parking at binuksan ang kotse ni Silver. Hinanap niya sa compartment ang damit at nakita niyang naroon pa ang bag na dala nito mula noong nanggaling silang Pangasinan. Kinuha na niya ang buong bag at sinara na rin iyon.

Papabalik na sana siya ng makasalubong ang isang ginang na kapitbahay niya.

"Oh, hi Evie! Merry Christmas!"

"Merry Christmas din po."

Napasulyap pa ang ginang sa likuran ni Evie kung saan naroon ang kotse ni Silver.

"Aba? Mukhang ngayon lang kita nakitang may bisita ah? Boyfriend mo?" paguusisa pa nito.

"Ah, hindi po. Ka -- kaibigan lang." naiilang namang sagot nito at napipilitang mangiti.

"Ay sus! Tagal-tagal na nating magkapitbahay, ngayon ka lang nagkaroon ng bisita, at lalaki pa ah?" tila nangaasar pa ito sa dalaga.

"Ay hindi po talaga. Emergency lang kaya nadala ko siya rito."

"Hmm.. Ikaw ah! Ang pogi ang boyfriend mo, ang tangkad-tangkad pa! Foreigner ba yun?" pagkurot pa nito ng mahina sa tagiliran ni Evie.

"Ay hindi rin po. Pinoy na pinoy yun. May pagka-half half lang."

"Oo nga pala! Mangangaroling kami ng mga ka-church ko dito sa atin mamaya. See you! Merry Christmas na lang sa inyo!" natutuwa pang pagpapaalam nito kay Evie at dumiretso sa unit nito sa baba lamang.

Napapailing na lang si Evie at natatawa sa pangaasar ng kapitbahay.

Nako yare na ko nito! May nakakita pa sa amin ni Silver.. Hay..

Pumanik na si Evie at pumasok rin kaagad sa unit niya, napansin niyang nasa banyo na si Silver kaya kumuha na rin siya ng extra towel sa kwarto niya.

Kinatok niya ang pinto ng banyo bago ito tinawag.

"Silver? Eto na yung towel at bag mo." saad niya rito na nakapatalikod sa pinto.

Narinig niyang bumukas ang ang pinto ngunit hindi niya ito nililingon.

Naramdaman niya ang malamig at basang kamay ni Silver na dumampi sa braso niya kaya inabot niya rito ang bag na. Kinuha rin naman ni Silver iyon at napansing hindi man lang siya nililingon ni Evie.

"Iabot mo ng maayos, baka iba mahawakan mo." tila pagbibiro pa ni Silver dahil tila nangangapa si Evie sa pagabot rito ng towel na nakapasok ang isang kamay niyang may hawak ng towel. Nakatago naman si Silver sa likod ng pinto ng banyo ngunit hubo't hubad.

Sumulyap ng kaunti si Evie kay Silver ngunit napatingin siya sa mukha nitong tila nangingiti sa kanya kaya sinimangutan naman niya.

"Abutin mo na kasi!"

"Eto na nga oh! Nilapag ko lang yung bag." at inabot na rin ni Silver ang towel bago isinara ang pinto. Napapangiti pa siya dahil kahit sinusungitan siya ni Evie, hindi pa rin siya pinababayaan nito.

Napailing at irap na lamang si Evie saka nagtungo ng kusina upang makapaghain na. Pasulyap-sulyap siya sa tv sa salas at narinig na tila may low pressure area na magla-landfall bukas ng umaga sa bansa.

"Ano ba yan? Paskong-pasko may bagyo. Hmm.." nilabas na ni Evie ang chicken macaroni salad at naglagay sa bowl. Naglagay na rin siya ng separated bowl ng pasta at tuna pesto sauce. Nakalagay na rin sa rectangular plate ang banana bread na ginawa niya.

*Tok! Tok! Tok!

Nagtaka naman si Evie ng marinig ang katok sa pinto niya. Natigilan siya sa ginagawa at lumapit ng pinto. Sinadya niyang hindi magpalagay ng door bell dahil ayaw niya talagang naiistorbo siya. Sumilip pa siya sa pinto para tingnan kung sino ang naroon at mas lalo siyang nagtaka dahil naroon ang guard at may kasamang mukhang delivery boy.

"Good evening Ma’am, may delivery daw po kayo." bungad naman ng guard.

"Huh? Wala naman akong in-order eh."

"For Evie Symaco daw po."

"Yes, ako nga pero hindi ako nagpa-deliver." nakita niyang dalawang box ng pizza ito.

"Bayad na po ito Ma’am." pagabot pa ng delivery boy ng boxes kay Evie at kahit nagtataka ay tinanggap na lamang niya ito.

"Thank you."

"Thank you rin po Ma’am, merry christmas po!"

Pagpapaalam naman na ng mga ito kay Evie bago niya sinara ang pinto ng unit niya.

Buong taka pa rin niyang minamasdan ang diniliver sa kanyang pizza. Wala siyang idea kung kanino ito galing.

Pabalik na sana siya sa kusina ng pagharap niya ay nakita si Silver na nakatayo sa may malapit sa kanya. Napatingin rin ito sa hawak niya.

"Oh? Nagpa-deliver ka pa?" takang tanong pa nito habang pinupunasan ang basang buhok. Tanging shorts lamang ang suot pa nito at nakasampay sa balikat ang shirt niyan.

Napansin kaagad ni Evie ang mga tattoo ni Silver sa katawan nito. Kahit pa mabuhok ang dibdib nito, halata pa rin ang may kalakihang tattoo nito sa kaliwang dibdib at sa gitna. Mayroon rin ito sa may shoulder blade niya. Ngayon lang niya ito nakita kahit pa alam niyang mayroon na si Silver nito dati pa. Hindi niya napigilang titigan mabuti ito kung totoo nga ang sinabi ni Silver noon na mukha niya ang nasa kaliwang dibdib at pangalan niya ulit ang nasa gitna. Marahil ayaw din nitong may makakita sa mga kasama nila sa getaway kaya hindi siya naghubad nun nang maligo sa dagat.

"Next time mag-shave ako para mas makita mo." saad pa ni Silver na nakapagpabalik kay Evie sa wisyo niya. Talagang na-curious siya rito. Wala namang abs si Silver ngunit maganda ang pagka-lean body nito kaya alam niyang tattoo niya ang tinitingnan ni Evie.

Naglakad naman na si Evie patungong dining at inilapag ang pizza.

"Ang dami nito, but enough for us."

"Hindi ba ikaw ang nagpa-deliver?" tanong pa ni Evie at napalingon kay Silver na kasunod niya.

Umiling-iling naman si Silver na nagtataka rin. "Hindi."

"Sure ka? Eh kanino galing toh?"

Binuksan na ni Evie ang pizza para makakain na sila ng may nakita siyang sticky notes sa takip nito.

Merry Christmas Evz! Enjoy your favourite!

Nabasa rin iyon ni Silver at napalingon kay Evie na tila nangiti.

"It's from Benjamin."

"Hmm.. Sweet ah." tila pasaring ni Silver dahil kahit hindi niya aminin, na-imtimidate siya sa ginawa ni Benjamin.

Naupo na lamang si Silver na tila seryoso ang mood na. Ni hindi niya tinitingnan si Evie.

"Ganun talaga kapag gustong mag-effort, kahit nasaan pa, may paraan." pasaring din ni Evie dahil alam ni Silver na kahit kailan hindi niya nagawa ito kay Evie.

"Tss.. Kaya ko rin naman yan." bulong pa ni Silver pero narinig ni Evie.

"Kaya nga, pero hindi nagawa. Eh di wala rin. Tss.." pabulong din ni Evie pero sapat para maiparinig kay Silver iyon kaya nilingon siya nito at siya naman ang hindi ito tinitingnan.

Naupo na sila parehas sa dining ng magkaharap, nagsuot na rin si Silver ng damit niya at nagkanya-kanya sila ng sandok na ng pagkain sa plato nila.

Tila tahimik lang sila na parang magkaaway na magasawa.

Dahil bawal kay Silver ang anumang alak, si Evie lamang ang umiinom ng wine.

Nagkatama naman ang paningin nila ng sabay silang iinom, kay Evie ang moscato wine niya at kay Silver ang tubig.

"Ay teka!" may biglang naalala si Evie kaya tumayo siya at nagtungong ref. Sinundan lang siya ni Silver ng tingin.

Kinuha ni Evie ang isang bote ng wine rin, ngunit nakakapagtakang mukhang red wine ito ngunit nasa malamig.

"Here's for you!" saad naman din ni Evie at pinakita kay Silver ang bote ng wine.

"Bawal nga ako sa --"

"Don't worry, it's not a wine. It's beet root!" tila proud pa nitong saad at pakita ng bote ng beet root juice. Hindi naman makapaniwala si Silver bakit mayroong ganun si Evie.

Kumuha si Evie ng wine glass pa at nilagyan si Silver ng beet root juice bago naupo muli sa pwesto niya.

"Cheers?" paghaya pa ni Evie ng wine glass niya kaya ganun din ang ginawa ni Silver. Nag-toast sila ng mga baso at sabay uminom.

Nangiwi pa si Silver dahil matagal na siyang hindi nakakainom nito. It's actually good for his liver and cleanser.

"Pa -- paano ka naman nagkaroon nito?" takang tanong pa ni Silver kay Evie.

"Kapag napaparami ako ng inom at kain tuwing kasama sina Benjamin, umiinom ako niyan. Stock ko lang." pagkain pa ni Evie.

Napatungo-tungo na lamang si Silver at iniinom muli ang beet root juice.

"Masarap itong tuna pesto mo ah? In fairness." komento naman ni Evie.

"So is your chicken macaroni salad."

Sabay pa silang napahinto ng tila may naririnig sa may pintuan.

"May kumakatok ba?" takang tanong pa ni Silver.

"Oo yata?" napatayo naman na si Evie at sinundan lang siya ni Silver.

"Bakit kasi wala kang door bell, eh?"

"Para walang istorbo, ayoko ng bisita." sagot pa ni Evie at pareho silang nagtungo na ng pinto. Binuksan naman na ni Evie ito at nabigla sila sa mga taong nakatayo roon.

*Silent night.. Holy night...

Nagsimulang kumanta ang mga nasa sampung taong nakatayo sa harap ng pintuan ni Evie. Nakatayo lamang din sila ni Silver roon at nanonood.

*All is calm.. All is bright..

Round yon virgin, mother and child..

Nakita naman ni Evie ang ginang na kapitbahay niya na isa sa mga carollers kaya nginitian niya ito.

*Holy infant, so tender and mild..

Sleep in heavenly peace, ooh..

Sleep, sleep in heaven, heavenly peace..

Magkatabi sa pintuan sina Evie at Silver na nanonood at nakikinig sa mga carollers.

Nang matapos ang pagkanta ay inabutan sila ng sobre at tila nagagawan sina Evie at Silver doon.

"Ako na." saad pa ni Evie na hawak ang sobre.

"Ako na." ayaw din ito bitiwan ni Silver.

"Sa akin binigay, ako nakatira dito."

"Ako na nga lang sabi eh."

Para silang mga batang nagaagawan pa at pinagtitinginan naman sila ng mga taong naroon.

Natigilan naman sila at malakas na hinatak ni Evie ang sobre.

"Ako na kasi!" at tuluyan siyang pumasok sa loob upang kumuha ng pera.

Pero hindi papadaig sa katigasan ng ulo si Silver. Kinuha niya ang wallet niya na nasa coffee table lang at dumukot ng pera. Inabot na niya kaagad iyon sa mga carollers at bago pa man makabalik si Evie ay nakita niyang sinara na ni Silver ang pintuan.

"Oh? Bakit mo sinara?" nagmamadali pa si Evie pero pinigilan na siya ni Silver makapunta ng pinto.

"Umalis na sila eh."

"Eh etong sobre nila --"

"Okay na." saad lang ni Silver at bumalik na sa dining table upang ipagpatuloy ang pagkain nila.

Naupo na rin doon si Evie at pinagpatuloy ang kinakain nila.

"Sabi ng ako na eh."

"Okay lang yun." patay malisya naman si Silver. Napairap na lang si Evie rito bago kumain.

Wala pang alas dose pero natapos na silang mag-noche buena. At ngayon ay sabay nilang titikman ang banana bread na ginawa ni Evie.

"Parang may something?" saad pa ni Silver pagkasubo nito. "Matabang pero flavorful pa rin -- basta! Hindi matamis."

"Gluten free flour ginamit ko, saka yung low calorie sugar mo." sagot naman ni Evie at subo rin sa tinidor niya.

"Really?" napatingin pa si Silver sa kinakain. "Buti meron ka."

"Ganun talaga ginagamit ko na. 'Lam mo na, prevention is better than cure."

At muli nilang pinagsaluhan ang dessert nila.

"Ako na lang, baka mahimatay ka na naman dyan kapag kumilos ka." saad pa ni Evie kay Silver na naghuhugas na ng pinagkainan nila.

"Eto lang, hindi naman nakakapagod toh."

"Hindi nga, pero sayo oo."

"Okay lang, magligpit ka na lang dun." pagngiti pa niya kay Evie pero inirapan lang siya nito.

Sabay nilang natapos ang mga gawain sa kusina, nakainom na rin si Silver ng gamot niya at ngayo'y nagpapahinga na siya sa sofa muli ngunit nakaupo lang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status