ReynaWala pa akong nakitang tao na kasing lakas magpigil kagaya ni Lulu!Sa huli, natulog kaming magkahiwalay, siya sa couch sa baba at ako naman sa malambot na kama niya. Nagising ako kinabukasan, ala una na ng hapon, ako na lang mag-isa at wala si Luntian.Anong oras kaya iyon nagising? Halos umaga na nang natulog kami tapos may trabaho pala siya ngayon.May iniwan siyang note sa ref at pancakes sa dining table. Kumalam ang sikmura ko kaya inuna kong kumagat muna bago basahin ang note.“Eat your breakfast. I'll be at work and I'll try to make it home at lunch,” sabi sa note.Pero ala una na, wala pa siya. Hindi ko naman ma-text dahil ‘di ko naman nadala ang phone noong pinalayas sa bahay.Naibsan naman ng pancake ang gutom ko at wala naman akong balak na mangielam sa kusina niya. Kaya naman habang walang magawa, naglinis na lang ako ng bahay kahit wala naman masyadong lilinisin.Hinugasan ko ang pinagkainan ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos sa living room nang tumunog ang doorb
Luntian“Hinatid ko sa Club X,” si Jerome, sa kabilang linya. “Idadagdag ko ito sa listahan!”Minsan, kung hindi kuripot, sugapa itong si Jerome.Kung natantiya ko lang ang oras nang mabuti, at kung hindi nang-istorbo si Tanya, malamang ay nakauwi na ako at naipagluto pa si Reyna sa bahay.My mind wandered somewhere in there.Nasa bahay ko si Reyna, naghihintay. Siguro nakaupo sa couch habang nagba-browse ng channels sa TV. O ‘di kaya nasa kusina, nagluluto. O baka nasa kuwarto para sa afternoon nap.Gusto ko nang umuwi! I groaned in the back of my mind.Pero dahil tambak ang trabaho at may isang papansin, kinailangan ko pang pakisuyuan si Jerome na hatiran ng pagkain si Reyna sa bahay. At ngayon, siguro nainip, nagpahatid na kay Jerome sa club.“Thanks, man!” tugon ko.“Don't thank me, hindi ito libre!”Napangisi at napailing na lang ako. “Whatever you want, just tell me.”Saktong pagbaba ng linya ay ang pagpasok ng sekretarya kong si Gilbert sa opisina ko dito sa Tan Builders. Ang p
Reyna“Ako na rito, ihanda mo ang paglulutuan. Saka ano bang lulutuin mo? Bakit may carrots, patatas at repolyo?” Tinulak ko siya at ako na ang naghiwa ng mga sangkap.Nagkamot ng ulo, sa taas siyempre, si Lulu. “Uh, anything we can make with that.”Napakurap ako sa kaniya. “Seryoso ka?”Nagkibit-balikat lang siya at tinalikuran ako para daluhan ang inutos. Tinuloy ko naman ang paghihiwa. Kahit paanong hiwa na lang!“Payag ako sa proposal mo sa ilalim ng mga kondisyon,” pahayag ko habang naghihiwa pa rin.Naramdaman ko naman ang pagdaan niya sa likod ko. Akala ko dadaan lang pero sumilip siya lampas sa balikat ko.“Careful,” humampas ang hininga niya sa leeg at tainga ko kaya natigilan, nanigas ako bago siya nilingon.“Ikaw ang mag-ingat,” sabay pakita ng kutsilyo sa kaniya, nagbabanta.Umatras siya na may ngisi sa labi, kinuha ang mga gulay na nahiwa ko na at dinala sa sink para hugasan. Sumandal naman ako sa counter, humalukipkip at pinagmamasdan ang pang-upo niya. Wow! Matambok! Se
Luntian“Dapat agad ipaalam ng Party B ang anumang pangangailangan, alalahanin, o saloobin tungkol sa Party A at sa kanilang kasunduan para agaran itong matugunan ng Party A…”Naihanda ko na ang kontrata at kasalukuyan iyong binabasa ni Reyna sa gitna ng aming hapunan.Tumango ako sa binasa niya, ako ang naglagay noon. Isa sa tatlong mga kondisyon ko.“Ako si Party B,” nahihimigan ko ang pagkalito niya.Tumango ulit ako. “It says there.”“Hindi ba parang mas pabor iyon sa’kin?” Nilapag niya ang dokumento at sumubo sa kaniyang pagkain.“Is that so? I add everything that favors to me though,” I answered nonchalantly, busy sa pagkain ng luto niya.I need to hit the gym, really, mananaba ako kapag ganito nang ganito ang uuwian ko.“Na-review mo ba talaga ‘to?” Puno ang bibig niya habang pinapasadahan ng tingin ang dokumento.“Chew your food and don't talk whe your mouth is full,” pangaral ko at kumuha ng tissue para punasan ang labi niya.“Ako ang gumawa niyan kaya alam ko ang mga nilagay
ReynaAnong oras na pero nakahiga pa rin ako sa kama, nakatulala sa ceiling at pinaglalaruan ang labi kong buong gabi atang pinapak ni Lulu. Siya naman ay paniguradong nasa opisina na.Iniisip kaya ako noon? O kahit ang mga halik namin kagabi?Wala naman kaming ibang ginawa buong magdamag kung hindi ang maghalikan at magpalitan ng laway. Kumbaga, pang kindergarten pa lang ‘yong kagabi. At sa tingin ko, hindi kami basta makaka-advance kung busy siya sa trabaho.Speaking of trabaho, kahit pa ilang araw na akong namumuhay bilang isang disney princess, libre ang tinutuluyan at kumakain ng masarap na pagkain, bonus pang may humahalik sa’kin, kailangan ko pa rin na magtrabaho.Nag-iwan lang ulit ako ng note sa ref bago tuluyang umalis. Wala pa rin kasi akong cellphone, kasama ata sa tinapon ni Mama pero ‘di kasama sa binigay ni Lester. Baka nabenta na o baka sa bakal bote dahil isang ubo na lang naman iyon. Sayang lang ang sim card.May pera naman ako pero walang pampublikong sasakyan sa lo
Luntian“Gilbert,” tawag ko sa secretary.Napahinto ang palabas na sanang si Gilbert at nilingon ako. Binasa ko ang labi at pinaglaruan ang minutes ng kaninang meeting na kalalagay lang niya sa lamesa ko.“Tungkol sa business trip sa Japan, ako na lang pala ang pupunta roon.” Umiwas ako ng tingin at ipiniid ang mga labi.“Sir! Nakabili na ako ng ticket!” dumating ang inaasahan kong daing niya.Nang magrequest kasi ang partners sa Japan ng conference, naisip kong siya ang ipadala. Huli na kasi nang maisip ko na puwede kong isama si Reyna at iwasan si Tanya sa pagpunta ko roon. It was a two birds hit with one stone.Tama naman na simula nang ikasal si Gilbert ay hindi pa sila nakakapaghoneymoon ng asawa niya dahil sa mga pinatatrabaho ko. Kaya naman regalo ko na sana iyon.“I'll pay for it!” sinubukan kong kumbinsihin.“Nasabi ko na kay misis at nakapag-empake na kami!” he frowns.“I’ll give you two weeks paid day offs. I'll let you use the private jet, any country you want. Sagot ko an
ReynaIsang malaking drama na naman para sa mga kapit-bahay nang makita nila ako papasok sa eskinita, pauwi sa bahay.Hindi pa man ay pagod na ako. Siguradong makakarating kay Tiyo Kadyo ang pag-uwi ko. Kaya naman kailangan kong bilisan.“Nakalimutan niyong itapon ang mga papeles ko,” bungad ko kay Mama, walang tingin-tingin, nang salubungin ako sa sala.Wala akong oras para sa panibagong drama. Hindi ako puwede abutan ni Tiyo Kadyo.Nilampasan ko siya at ‘di na hinintay na mapagsalitaan o kaya naman ay biglang sapukin na lang. Dumiretsyo ako sa kuwarto at inangat ang higaan ko. Naroon pa ang brown envelope kung saan nakalagay ang mga papeles ko.Narinig ko ang yabag niya pasunod sa kuwarto. Pero hindi siya lumapit at nanatili lang sa pintuan.“Ang cellphone ko, kasama ba sa naitapon niyo?” tanong ko habang sinisilip ang mga dokumento, kung kumpleto ba at hindi inanay o kaya mineryenda ng mabait.Nakahinga ako nang mamataan na maayos naman ang lahat ng nasa loob noon.“Malay ko naman
LuntianHindi ko inaasahan ang inabutan ko pagdating sa bahay.Balak ko talaga na sunduin ulit si Reyna sa club. Maliligo lang sana nang mabilis dahil kumapit sa’kin ang amoy ni Tanya.May pagmamadali sa kilos ko dahil ayaw ko na mauna na siya mag-commute pauwi. I shoot her a text to make sure but I don't want to make her wait either, kaya naman mabilis talaga ang kilos ko. Ni hindi ko nga napansin na kumpleto ang tatlong footwear ni Reyna sa shoe rack; isang flip-flops, white sneakers at itim na heels.Her slides is still in the floor though. Iyon ang tanging napansin ko. Hindi ko naman akalain na iniwan niya iyon doon talaga at nag-paa lang.Hinubad ko agad ang coat ko at isinunod ang necktie paakyat pa lang sa hagdan. Pagpasok ko sa kuwarto ay namataan ko ang bukas na pinto ng bathroom, pero mas natawag ng brown envelope sa ibabaw ng kama ang atensiyon ko.I put down my discarded clothes on the bed and pick up the envelope. Medyo nabigla ako nang makita na mga dokumento ni Reyna an