Share

Kabanata 17

Reyna

Isang malaking drama na naman para sa mga kapit-bahay nang makita nila ako papasok sa eskinita, pauwi sa bahay.

Hindi pa man ay pagod na ako. Siguradong makakarating kay Tiyo Kadyo ang pag-uwi ko. Kaya naman kailangan kong bilisan.

“Nakalimutan niyong itapon ang mga papeles ko,” bungad ko kay Mama, walang tingin-tingin, nang salubungin ako sa sala.

Wala akong oras para sa panibagong drama. Hindi ako puwede abutan ni Tiyo Kadyo.

Nilampasan ko siya at ‘di na hinintay na mapagsalitaan o kaya naman ay biglang sapukin na lang. Dumiretsyo ako sa kuwarto at inangat ang higaan ko. Naroon pa ang brown envelope kung saan nakalagay ang mga papeles ko.

Narinig ko ang yabag niya pasunod sa kuwarto. Pero hindi siya lumapit at nanatili lang sa pintuan.

“Ang cellphone ko, kasama ba sa naitapon niyo?” tanong ko habang sinisilip ang mga dokumento, kung kumpleto ba at hindi inanay o kaya mineryenda ng mabait.

Nakahinga ako nang mamataan na maayos naman ang lahat ng nasa loob noon.

“Malay ko naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status