Share

Kabanata 1

Reyna

“Magkano?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Mama.

“200 po. 100 pesos para sa PTA at 90 pesos po para sa school newspaper,” sagot ko bago tikman ang niluluto. Sardinas na may malunggay na kinuha ko lang sa likod-bahay. Mura at madaling lutuin. Masarap din naman kung gutom ka talaga.

“Anong nushpaper?!” iritado na aniya.

Nushpaper? Bigla tuloy sumakit ang sentido ko.

“Dyaryo po,” buntonghininga ko.

“Dyaryo?! Tapos 90 pesos? Anong klase dyaryo ‘yan?! Bente lang ‘yan diyan kay Marites na chismosa! Doon ka na lang bumili!” Ngayon ay galit na galit na aniya.

Hindi na ako nangahas na silipin siya sa maliit naming sala at ipaliwanag ang pinagkaiba ng school newspaper at ang nushpaper daw ni Aling Marites. Wala siya sa mood dahil wala siyang mahithit, walang sigarilyo. Dinekwat ni Tiyo Kadyo, kinakasama niya, ang kita niya kagabi sa club no’ng tulog siya, na malamang ay pinatalo na sa sabungan.

Sila naman ang magsasabong mamaya panigurado.

“Akala mo siguro nagtatae ako ng pera! Saka anong dalawang daan? 190 lang naman pala! Dudugasan mo pa ako!”

Hinayaan ko na lang siya na pagbuntunan ako kaysa mag-ingay kami pareho. Useless din nama dahil sarado ang isip niya sa iba. Tinapos ko na lang ang niluluto at inihain sa lamesa. May mga assignments pa akong kailangan pagtuunan.

Sakto namang tapos na ako maghain nang dumating si Tiyo Kadyo. Niratrat agad siya ni Mama ng bunganga.

“Huwag ka na magalit, darleng, paldo naman ako ngayon,” dinig kong masuyong ani Tiyo Kadyo, na mukhang nanalo ata. At nasundan ng mga weird na tunog na pamilyar na pamilyar naman ako kasi araw-araw na lang, parang ‘di napapagod. Ang liit pa naman ng bahay at hindi soundproof. Dinig na dinig ang malalaswang tunog hanggang kabilang ibayo.

“Kakain na ho!” sabad ko agad bago pa matuloy ang milagro at mawalan ako ng gana.

Nakaakbay si Tiyo Kadyo sa kay Mama habang nagbibilang ito ng pera nang pumasok sa maliit naming kusina.

Maliit lang ang bahay namin. Isang kuwarto na may dalawang papag; isa sa mag-asawa at isa sa’kin, may privacy curtain lang ako sa sarili kong papag para sa pagbibihis. May isang banyo at sala na may dibisyon na plywood para sa kusina.

Magara na ito para sa squatter dahil may sariling banyo. Kung ‘di kasi panlilimos, pagpo-p****k ang trabaho ng mga nandito. At sa maruming katotohanan, mas may kita talaga ang mga nagpo-p****k kaysa sa mga namamalimos. Matumal na daw ngayon dahil sinasaway sila ng mga pulis o enforcer. Saka matalino na rin ang mga tao ngayon. Hindi madamot, matalino at hindi nangungunsinti.

Ramdam ko agad ang pagdapo ng tingin ni Tiyo Kadyo sa’kin. Pareho sila ni Mama na may nakakabulok ngipin na ngiti nang punatahan ang hapag. Si Mama dahil sa pera at si Tiyo Kadyo para sa’kin. Kinilabutan ang buing katawan ko. Kadiri. Eww.

Sinimulan ko na agad kumain para makaalis na sa harap nila. Babalikan ko na lang ang hugasin kapag tulog na sila. Mas komportable ako gumalaw kapag tulog sila o kaya ako lang mag-isa. Hindi kasi ako komportable lalo na kay Tiyo Kadyo.

And speaking of him… “Ano nga yung narinig kong kailangan mo sa school?”

Hindi naman ako manghihingi. Kung magbibigay, tatanggapin ko. Pero nauna na agad si Mama.

“Dyaryong pagkamahal-mahal! Nobenta ang isa! E, bente lang riyan kay Marites, doon na lang siya bumili!”

Masama daw bumuntonghininga sa harap ng pagkain kaya pinigilan ko na lang. Wala na ring sinabi si Tiyo Kadyo kaya tumahimik ang bunganga ni Mama. Peace.

Nauna ako natapos kumain kaya nagpaalam na ako. Hinakot ko ang gamit mula sa papag ko at dinala sa sala, sa kahoy na bangko, para sa assignment. Mas maliwanag kasi ang ilaw dito.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang matapos ang dalawa at lumitaw sa sala.

“Hugasan mo ang pinggan, baka gapangan ng ipis at daga!” Utos ni Mama sabay pasok nila ni Tiyo Kadyo sa kuwarto.

Nagpatuloy ako sa pagsulat at nagdesisyon na kapag tapos na lang ng assignment huhugasan ang mga hugasin.

Kaso mukhang hindi pa matatapos ang assignment dahil sa malupit na distraction.

“Ah! Kadyo, sige diyan nga!” Tumindig ang mga balahibo ko sa ungol ba nanggaling sa loob ng kuwarto.

Hindi ito ang first time pero hindi ako masanay. Sa ganitong mga pagkakataon ako naiingit doon sa maasim at brat na anak ni Aleng Marites na mayroong headphones! Kahit malibag at medyo maasim na, mas matitiis ko siguro iyon kaysa rito.

Gayunpaman, natapos ang unang assignment ko kasabay ng pagsigaw nilang dalawa sa loob.

“Andiyan na!” si Tiyo Kadyo.

“Sa loob mo iputok!” si Mama.

Sinimulan ko ang sunod na assignment, ang totoong digmaan, Mathematics. Hindi naman ito mahirap kung pag-aaralan. Amg problema, hindi ko kasi inintindi no’ng timuturo. Ang daldal kasi no’ng katabi ko.

Bilang nagmamagaling naman ako, inintindi ko na siya on the spot. Hindi ko sigurado kung tama pero ang importante may assignment.

Patapos na ako nang lumangitngit ang pinto ng kuwarto. Hindi ko pinagtuunan kung sino man iyon dahil malamang sa banyo lang naman ang tuloy. Pero nagulat ako nang umupo ang hubad na si Tiyo Kadyo sa bangko kung saan nakapatong ang mga gamit ko, tanging brief lang ang suot.

“Ang sipag mo naman mag-aral, Reyna,” bati niya sabay ngisi sa’kin.

“Ipagpatuloy mo lang ‘yan,” aniya pa nang hindi ako umimik. Ano naman kasi ang sasabihin ko?

Hindi ko na tinuloy ang panghuling problem sa kagustuhang makaalis na sa sitwasyon. Sinimulan kong tipunin na ulit ang mga gamit nang inabot ni Tiyo kadyo ang bilot ng mga tig-iisang daan.

“Gamitin mo sa school. Huwag mo na lang sabihin sa nanay mo.”

Nagdalawang isip ako. Ayaw ko magkaroom ng utang na loob kay Tiyo Kadyo. Ayaw ko na may gamitin siya laban sa’kin balang araw.

Pero sa huli, natukso pa rin ako.

Ilang segundong nanatili ang hawak ni Tiyo Kadyo sa kamay ko nang tanggapin ko ang pera. Binawi ko agad ang kamay ko, kinilabutan sa interaksiyon.

“Salamat ho,” tanging sambit ko bago siya iwan roon para ilagak sa kuwarto ang mga gamit.

Hinintay ko pa muna na bumalik siya sa kuwarto at tabihan si Mama bago bumalik sa kusina para tapusin ang hugasin.

Kinabukasan ay ginising ako ng sampal ni Mama.

“Hindi kita pinaling magnanakaw!” sigaw niya sa’kin.

Wala na ang privacy curtain ko. Ang mga gamit ko ay sabog na sa higaan at sa sahig. At hawak niya na ang bilot ng pera na inabot ni Tiyo Kadyo kagabi.

“Mandurugas ka!”

Umilag ako nang akmang sasampalin niya ulit. Pero nahuli niya ang panga ko.

“Wala kang utang na loob! Pinanganak na nga kita, pinakain at binihisan tapos ngayon ay dudugasan mo ako!”

Humawak ako sa braso niya nang humihpit pa lalo ang hawak niya sa panga ko.

Hindi ko mapagtanggol ang sarili dahil alam kong useless lang ang pagpapaliwanag.

Pabalya niya akong binitawan. Napahawak agad ako sa panga ko sabay siksik sa gilid.

“Kung gusto mo ng pera, pagtrabahuhan mo! Sinabi ko na sa’yo na walang kuwenta ang skewalahan. Doon sa club, may trabaho, madali ang pera.”

Tumatak sa’kin ang sinabing ‘yon ni Mama. Ayaw ko ‘yong paniwalaan. Gusto kong patunayan ang kapangyarihan ng edukasyon.

Nang grumaduate ako nang walang tulong ni Mama, daig ko pa ang bida sa pelikula o tagapangalaga ng brilyante ng hangin dahil feeling ko may napatunayan na ako, pero wala pa pala. I couldn't afford to go to college so I tried hunting for decent jobs with my credentials.

Pero wala. Ang nahanap ko sa kalye ng Maynila dala ang diploma ko, ay ang natapakan ko lang na ebak ng aso sa daan. Kailangan ko ng college diploma, ng degree. Kaya naman sa mga scholarship ako kumapit.

Sa dami ng pagod na naipon ko, akala ko wala ng pag-asa. At hindi nga ako nagkamali. Wala talagang pag-asa. Wala sa mga tulad kong mahirap na nga, pinipilit pang ilubog ng sariling magulang.

“Sabi ko na, sa pagpo-p****k ka lang rin mauuwi!” Si Mama, siyempre.

That hit hard. Pero stubborn pa rin ako. Hindi ako papayag na magiging p****k ako kagaya niya. Hindi ako magpapagalaw at magpapalaway sa lung kani-kanino para sa pera.

Kung makikipag-sex ako, gusto ko iyon at hindi dahil sa pera.

“Experience?” Tumayog pa ang matayog na kilay ni Mamang Paula, lider ng mga p****k dito sa’min.

Wow! Kailangan pa pala ng experience sa ganitong trabaho…

“Dancer ako sa school.”

Tumikwas ang kilay niya. “Kaya mo maghubad?”

Napalunok ako ng wala sa oras at hindi nakasagot agad. Tumunog ang mga hikaw at kwintas na suot ni Mamang Paula nang umiling siya.

“Hindi mo kaya, Reyna,” deklara niya.

Lumunok ako at nilakasan ang loob. “Kaya kong sumayaw at m-maghubad. P-Pero hindi sa kama…” papaliit na boses ko.

“Talaga? Kaya mong maging stripper?”

Tumango ako, determinado.

Kung gusto kong lumayo kay Mama, kailangan ko ng pera. Kung guso ko mag-aral, kailangan ko pa rin ng pera. ‘Yon nga lang, mabubusog ako kakalunon ng pride at dignidad ko.

“Maghubad ka.”

Nalagalag ang panga ko sa utos ni Mamang Paula. Lumibot ang tingin ko sa club. Maaga pa, wala pang tanghalian. Bukas ang club. Walang customers pero may mga staff na naglilinis.

“Ano? Hubad na,” ulit niya pa.

Napakapit ako nang mahigpit sa damit ko. Nag-isip pa ulit ako. Wala na ba talagang ibang paraan?

Pakiramdam ko ay milya milya ang nilakbay ng utak at katawan ko dahil sa pintig ng pulso at mga ugat ko.

“Hindi mo kaya,” nainip na ani Mamang Paula na tumayo na mula sa sofa.

Tinignan ko ulit ang mga naglilinis nang tahimik ilang distansiya malayo sa’min. Kung sa harap pa lang nila hindi ko na kayang maghubad, paano pa kaya kung sa stage na at maraming nakatingin.

Tumatahip ang dibdib na hinubad ko lahat ng suot ko, pati bra at panty at saka hinabol si Mamang Paula at hubad na hinarangan ang daan niya.

“Kaya ko,” hingal na ani ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status