ReynaAnong oras na pero nakahiga pa rin ako sa kama, nakatulala sa ceiling at pinaglalaruan ang labi kong buong gabi atang pinapak ni Lulu. Siya naman ay paniguradong nasa opisina na.Iniisip kaya ako noon? O kahit ang mga halik namin kagabi?Wala naman kaming ibang ginawa buong magdamag kung hindi ang maghalikan at magpalitan ng laway. Kumbaga, pang kindergarten pa lang ‘yong kagabi. At sa tingin ko, hindi kami basta makaka-advance kung busy siya sa trabaho.Speaking of trabaho, kahit pa ilang araw na akong namumuhay bilang isang disney princess, libre ang tinutuluyan at kumakain ng masarap na pagkain, bonus pang may humahalik sa’kin, kailangan ko pa rin na magtrabaho.Nag-iwan lang ulit ako ng note sa ref bago tuluyang umalis. Wala pa rin kasi akong cellphone, kasama ata sa tinapon ni Mama pero ‘di kasama sa binigay ni Lester. Baka nabenta na o baka sa bakal bote dahil isang ubo na lang naman iyon. Sayang lang ang sim card.May pera naman ako pero walang pampublikong sasakyan sa lo
Luntian“Gilbert,” tawag ko sa secretary.Napahinto ang palabas na sanang si Gilbert at nilingon ako. Binasa ko ang labi at pinaglaruan ang minutes ng kaninang meeting na kalalagay lang niya sa lamesa ko.“Tungkol sa business trip sa Japan, ako na lang pala ang pupunta roon.” Umiwas ako ng tingin at ipiniid ang mga labi.“Sir! Nakabili na ako ng ticket!” dumating ang inaasahan kong daing niya.Nang magrequest kasi ang partners sa Japan ng conference, naisip kong siya ang ipadala. Huli na kasi nang maisip ko na puwede kong isama si Reyna at iwasan si Tanya sa pagpunta ko roon. It was a two birds hit with one stone.Tama naman na simula nang ikasal si Gilbert ay hindi pa sila nakakapaghoneymoon ng asawa niya dahil sa mga pinatatrabaho ko. Kaya naman regalo ko na sana iyon.“I'll pay for it!” sinubukan kong kumbinsihin.“Nasabi ko na kay misis at nakapag-empake na kami!” he frowns.“I’ll give you two weeks paid day offs. I'll let you use the private jet, any country you want. Sagot ko an
ReynaIsang malaking drama na naman para sa mga kapit-bahay nang makita nila ako papasok sa eskinita, pauwi sa bahay.Hindi pa man ay pagod na ako. Siguradong makakarating kay Tiyo Kadyo ang pag-uwi ko. Kaya naman kailangan kong bilisan.“Nakalimutan niyong itapon ang mga papeles ko,” bungad ko kay Mama, walang tingin-tingin, nang salubungin ako sa sala.Wala akong oras para sa panibagong drama. Hindi ako puwede abutan ni Tiyo Kadyo.Nilampasan ko siya at ‘di na hinintay na mapagsalitaan o kaya naman ay biglang sapukin na lang. Dumiretsyo ako sa kuwarto at inangat ang higaan ko. Naroon pa ang brown envelope kung saan nakalagay ang mga papeles ko.Narinig ko ang yabag niya pasunod sa kuwarto. Pero hindi siya lumapit at nanatili lang sa pintuan.“Ang cellphone ko, kasama ba sa naitapon niyo?” tanong ko habang sinisilip ang mga dokumento, kung kumpleto ba at hindi inanay o kaya mineryenda ng mabait.Nakahinga ako nang mamataan na maayos naman ang lahat ng nasa loob noon.“Malay ko naman
LuntianHindi ko inaasahan ang inabutan ko pagdating sa bahay.Balak ko talaga na sunduin ulit si Reyna sa club. Maliligo lang sana nang mabilis dahil kumapit sa’kin ang amoy ni Tanya.May pagmamadali sa kilos ko dahil ayaw ko na mauna na siya mag-commute pauwi. I shoot her a text to make sure but I don't want to make her wait either, kaya naman mabilis talaga ang kilos ko. Ni hindi ko nga napansin na kumpleto ang tatlong footwear ni Reyna sa shoe rack; isang flip-flops, white sneakers at itim na heels.Her slides is still in the floor though. Iyon ang tanging napansin ko. Hindi ko naman akalain na iniwan niya iyon doon talaga at nag-paa lang.Hinubad ko agad ang coat ko at isinunod ang necktie paakyat pa lang sa hagdan. Pagpasok ko sa kuwarto ay namataan ko ang bukas na pinto ng bathroom, pero mas natawag ng brown envelope sa ibabaw ng kama ang atensiyon ko.I put down my discarded clothes on the bed and pick up the envelope. Medyo nabigla ako nang makita na mga dokumento ni Reyna an
ReynaSa lahat naman ng puwedeng ipadala ng Diyos, bakit siya pa?Kung kanina nanlilit lang ako sa sarili ko, ngayon naaalibadbaran at nadidiri na rin ako sarili ko para sa katabi kong humahalimuyak sa bango sa kabila ng maghapong trabaho.Siguro centralized ang aircon sa opisina niya kaya ‘di pinawisan at amoy mamahaling perfume pa rin.Pasimple kong inamoy ang sarili. Amoy downy naman ang dress shirt na suot ko. Hindi rin naman ako maasim kahit na medyo pinawisan na kanina sa lansangan.Bukod sa sarili at normal kong amoy sa araw-araw, may kumapit lang na ibang amoy sa sleeve ng suot ko. Panlalaking perfume.Kahit na hindi naman ako mabaho, gusto kong masuka dahil sa pagkadisgusto sa sarili. Gusto kong masuka pero wala akong intensiyon na lalo pang dumihan ang sahig at ang passenger seat ng mamahaling kotse na ‘to, na kahit ibenta ko pa ang kaluluwa ko, hindi ako makakabili. My presence alone is enough to stain the seat and pollute the air inside this car.Hay! Bakit ba ang drama ko
Reyna“Magkano?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Mama.“200 po. 100 pesos para sa PTA at 90 pesos po para sa school newspaper,” sagot ko bago tikman ang niluluto. Sardinas na may malunggay na kinuha ko lang sa likod-bahay. Mura at madaling lutuin. Masarap din naman kung gutom ka talaga.“Anong nushpaper?!” iritado na aniya.Nushpaper? Bigla tuloy sumakit ang sentido ko.“Dyaryo po,” buntonghininga ko.“Dyaryo?! Tapos 90 pesos? Anong klase dyaryo ‘yan?! Bente lang ‘yan diyan kay Marites na chismosa! Doon ka na lang bumili!” Ngayon ay galit na galit na aniya.Hindi na ako nangahas na silipin siya sa maliit naming sala at ipaliwanag ang pinagkaiba ng school newspaper at ang nushpaper daw ni Aling Marites. Wala siya sa mood dahil wala siyang mahithit, walang sigarilyo. Dinekwat ni Tiyo Kadyo, kinakasama niya, ang kita niya kagabi sa club no’ng tulog siya, na malamang ay pinatalo na sa sabungan.Sila naman ang magsasabong mamaya panigurado.“Akala mo siguro nagtatae ako ng pera! Saka anong
Reyna“Kaya ko,” hingal na ani ko.Laglag ang panga ni Mamang Paula nang makita ang kabuuan ko. Pakiramdam ko rin tumigil ang paligid para pagmasdan ang pagiging hubad ko.Oo, parang sasabog ang ulo ko sa sobrang hiya ngunit sa kabila no’n, may bahid ng confidence akong nararamdaman. Tumigil ang lahat para tignan ang katawan ko. Pak! Parang model lang o ‘di kaya beauty queen!Maganda naman kasi ako. Kumpara sa mga taga-sa’min, maganda na talaga ‘ko. Maganda rin kasi si Mama, ugali lang ang hindi maganda sa kaniya na buti hindi ko namana.Mahaba, tuwid at bagsak ang itim kong buhok. Medyo maputi rin ako at makinis kahit laking squatter. Dahil siguro sa tatay kong hindi ko kilala. Hindi rin kasi alam ni Mama kung sino bumuntis sa kaniya, e.In-inspeksiyon ni Mamang Paula ang kabuuan ko. Bagama't gulat, ngumisi siya.“Hindi naman kailangan hubarin lahat. Pwede naman iwan ang panty at bra…”Ha?Tumingin ako sa paligid. Parang huminto ang paligid, lahat laglag ang panga at nakatingin sa’ki
ReynaEww! Kadiri!First time kong maranasan magshower at sa kasamaang palad, sa laway pa ni Tiyo Kadyo. Si Tiyo Kadyo na naninilaw ang ngipin at mabaho ang hininga dahil sa alak at sigarilyo.Kinuha siya ng mga bouncer, kinaladkad habang nagsisisigaw habang pinapahid ko ang laway sa mukha ko. Nailigtas ako sa pagkakataong iyon pero ngayong pauwi na, hindi ko alam.Dala ko ang dalawang libong kinita ngayong araw. Nasira kasi ang performance kaya walang tip. Kainis. Nakapagpalit na ako ng suot pero hindi pa binura ang makeup. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga nadaanang tambay sa eskinita patungo sa bahay. Ganda ko kasi. Kahit yung mga tambay doon na nangingikil kay Estong lampa napatingin sa’kin kaya nakaligtas siya.Hay, salamat sa ganda ko.Nadatnan kong maingay ang bahay dahil sa bunganga ni Mama pag-uwi, hindi dahil sa mga ungol, kundi dahil nag-aaway ang mag-asawa.“Dinugasan mo na naman ba ako, Kadyo?!” Malayo pa lang ay dinig ko na si Mama. “Palagi na lang, Kadyo!”Hindi ko nadin