Share

Beautiful Mess
Beautiful Mess
Author: Apolinariaaa

Simula

Reyna

Sa lahat naman ng puwedeng ipadala ng Diyos, bakit siya pa?

Kung kanina nanlilit lang ako sa sarili ko, ngayon naaalibadbaran at nadidiri na rin ako sarili ko para sa katabi kong humahalimuyak sa bango sa kabila ng maghapong trabaho.

Siguro centralized ang aircon sa opisina niya kaya ‘di pinawisan at amoy mamahaling perfume pa rin.

Pasimple kong inamoy ang sarili. Amoy downy naman ang dress shirt na suot ko. Hindi rin naman ako maasim kahit na medyo pinawisan na kanina sa lansangan.

Bukod sa sarili at normal kong amoy sa araw-araw, may kumapit lang na ibang amoy sa sleeve ng suot ko. Panlalaking perfume.

Kahit na hindi naman ako mabaho, gusto kong masuka dahil sa pagkadisgusto sa sarili. Gusto kong masuka pero wala akong intensiyon na lalo pang dumihan ang sahig at ang passenger seat ng mamahaling kotse na ‘to, na kahit ibenta ko pa ang kaluluwa ko, hindi ako makakabili. My presence alone is enough to stain the seat and pollute the air inside this car.

Hay! Bakit ba ang drama ko ngayon at napapa-english pa? Hindi naman na bago ang ganitong sitwasyon.

Tumikhim ang poging driver sa tabi ko. Naputol ang pagse-senti ko as a passenger princess at napalingon sa kaniya.

Tangina, bakit ba ang guwapo ng lalaking ‘to? Napatanong na lang ako sa isip.

“Those… uh… jerks, are they… hmmm… customers?” kahit na putol-putol at may pag-aalangan, ang ganda pa rin pakinggan ng English niya. Ganoon siguro ang accent sa Stanford. Wow!

Ilang beses na akong natanong nang ganito. Ang palagi kong sagot; ‘Stripper ako. Dancer hindi p****k’. It's on the tip of my tongue but my throat can't push it past my lips.

Bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Kung gaano kadesperado akong lumingkis doon sa lalaki. Kung paano ako pinilit at kung paano ako halos bumigay. Kung paano niya ako nahanap. How he managed to save me again by just his presence.

“Sa pagiging p****k ka rin mauuwi!” Umalingawngaw na naman ang mga katagang iyon sa utak ko. Kung noon naipagtatanggol pa ng pride ko ang sarili, ngayon hindi na. Wala nang natira sa’kin.

“Hindi…”

Bumuga siya ng hangin na parang nakahinga ng maluwag. “Akala ko nadisturbo ko na naman ang trabaho mo.”

Trabaho. He calls it like that.

Hindi ako umimik at tinuon na lang ang atensiyon sa bintana, malayo sa mga mata niya. Sinubukan kong libangin ang sarili sa mga nadadaanan.

Ang liwanag ng paligid. Ang tataas ng mga building, nakakalula! May mga billboard pa, lalo na yung may gumagalaw na parang isang malaking TV. Ang ganda!

Napangiti ako hanggang sa tuluyan nang lumabo ang mga mata sa luha.

Hindi kayang takpan ng mga magagandang bagay ang mga pangit na nararamdaman ko. Nagagalit, nahihiya at naaawa ako sa sarili ko. Tama nga si Mama, ito lang rin ang kauuwian ko. Pagbebenta ng laman. Pagpo-p****k lang rin.

Feeling ko naitago ko ang mga luha pero hindi ko mapigilan mapasinghot. Sinubukan kong hindi pero tumutulo at nalalasahan ko. Kadiri. Kaya hinayaan ko na lang.

Mariin kong pinunasan ang mga luha gamit ang sleeves ng suot ko. Ilang punas lang basang-basa na. Hindi pa nasasama ang uhog ko.

By now, alam ko na alam na ng katabi ko sa driver seat na nag-eemote ako rito sa kaniyang passenger seat. Inasahan ko na ang panunuya o ang mga nakikisimpatyang tanong at naawang mga mata.

Lagi naman kasing ganoon. Kung hindi madidiri o manunukso o nakiki-chisming lang, madalas naaawa. At sa totoo lang, mas nakakainis pa iyon. Kumbaga, durog na ang pride mo, sinaksak ka pa ng mga bubog no’n.

Pero hindi dumating ang inaasahan ko. Sa halip, may kung anong kaluskos lang akong narinig bago may marahan na bagay ang pumatong sa hita ko.

Isang box ng tissue.

Parang hinikayat no’n ang mga nagtatago ko pang mga luha. Mula sa passenger seat ni Luntian, sa tahimik niyang pagmamaneho at sa isang box ng tissue sa hita ko, hinagugol ko na lahat ng sama ng loob ko sa mundo. Lahat ata ng tubig sa katawan ko nailabas ko, sa porma ng mga luha, pawis at uhog.

Wala na e! Wala nang mas nakakahiya pa sa nahuli ako ni Luntian na nanlalaki sa lansangan. Nagbebenta ng laman para sa libreng tutulugan ng isang gabi at kung swerte pati pagkain. Wala lang ang uhog at ugly crying kung ikukumpara do’n.

“Here, drink this.” Inabot niya sa’kin ang isang sealed water na may logo at pangalan ng kumpanya nila.

Wow, makakatikim ako ng pang mayaman na tubig. Isang happy thought!

“You need to drink,” insist niya nang hindi ko agad kinuha yung bottle.

Umisang singhot muna ako bago inabot yung tubig.

Hindi naman pala nalalayo ang lasa sa tubig sa mineral water doon sa squatter. Pero malamang malayong-malayo mga presyo no’n. Minsan ‘di ko gets ang mga mayayaman.

“I can't find anything else open at this hour. Okay lang ba ang fast food?”

Natanaw ko ang fastfood sa malapit. Bigla na lang kumalam ang ang simura ko. Malakas na parang naka-bluetooth speaker. Nakakahiya!

“I guessed fast food is okay,” he chuckled.

Ngumuso ko. “Hindi naman ako maarte.”

Pangarap ko ang Wolfgang steak pero masyado ‘yong mahal at hindi praktikal sa ngayon kaya pwede na ang fast food. Bihira rin naman ako makakain ng fast food, luxury rin iyon para sa’kin.

First time ko sa drive thru. Namamangha ako pero ‘di ko pinahalata ang pagiging ignorante. Umorder siya ng burgers at nakakahiya naman na magkanin ako at burger lang siya kaya nag burger na lang rin ako.

Binigay niya sa’kin ang burger. Akala ko kakain na kami pero nagdrive pa siya. Gutom na ako pero nakakahiya naman kung kumain na ako agad habang nagda-drive pa siya.

“You can eat now. Hanap lang ako ng parking space,” he smiled at me, lumitaw ang mga dimple niya.

Hindi na lang tuloy burger ang nakakatakam. Pakiramdam ko tuloy tumulo na ang laway ko kakatitig sa kaniya sa buong oras na nagda-drive siya. Ni hindi ko namalayan na huminto na pala kami.

“You don't like the burger?”

Saka lang ako nagising sa pagpapatansiya.

Ibinaling ko agad ang tingin sa iba na parang nahuli niya sa isang karumal-dumal na krimen. Pero naglaho ang kahihiyan nang saktong umilaw ang buong paligid kasabay ng pagsirit ng tubig mula sa fountain sa harap.

Wow! May maganda pa pala sa mundong ibabaw bukod sa anghel sa tabi ko.

“I should've got everything they have,” I heard him grimacing.

Tinanggal ko ang balot ng burger at tinikman. Sumabog ang masarap na lasa sa bibig ko. Malaki yung patty at generous ang ilang pang rekado. Hindi siya sa unang kagat lang may patty. Tinikman ko rin ang order niyang drinks. Masarap din.

Masarap na pagkain, magandang view sa harap, nakakakalmang katahimikan at isang prince charming sa driver seat. Mabait pa pala ang langit.

Napasinghot ako at nginitian siya. “Masarap. Sobrang sarap! Thank you.”

Binigyan niya ako ng nanunuring tingin bago napalitan ng concern at abutin ang tissue mula sa dashboard ng sasakyan. Dumukot siya ng ilan duon bago punasan ang mga luha ko na naman.

Kinuha ko ang mga tissue at ako na ang nagpunas ng luha habang kumakain ng burger. Kainis! Umaalat ang burger sa mga luha ko.

Hindi ko kasi mapigilan.

Parang impyerno ang araw na ‘to. Well, kahapon technically dahil pasikat na ang araw. Actually, hindi naman na bago dahil impyerno naman ang araw-araw kong buhay. Araw-araw akong nakikipagsayaw sa demonyo. Minsan ka-sex ko pa.

Pero kanina, nakaharap ko ang sarili kong demonyo. Sinampal at dinuraan ako sa mukha.

But Luntian came and saved me. Tapos ngayon may magandang view at masarap pang pagkain. Na-realize ko lang, I want to see beautiful things. I want to experience beautiful moments. Kagaya nito.

“Kumain ka. Masarap,” udyok ko sa kaniya bago kumagat ng malaki para convincing, parang ‘yung mga nasa mukbang videos.

Kumain kami nang tahimik. Paminsan siyang tumitingin para siguro i-check ang hindi pa rin tapos sa pagluha kong mata. Kumuha ulit siya ng tissue at pinunasan ang luha ko ulit.

Hindi siya nagtanong. Wala siyang sinabi. At na-appreciate ko iyon.

At ngayon, buong existence naman niya ang ina-appreciate ko. Nakikinita ko kung paanong sinisilip niya ang pagtitig ko sa kaniya habang kumakagat siya sa sarili niyang burger. Tapos na kasi ako sa’kin kaya naman inabala ko ang sarili sa pagtitig sa kaniya.

Umiling ako nang ialok niya ang burger sa’kin. Akala siguro gusto ko pa dahil sa paninitig ko. Well, gusto ko pa pero mas gusto ko ata siya.

Halata ko na ang pagkailang niya pero patuloy lang ako sa pagtitig.

Guwapo, mayaman, mabango, gentleman, at caring. He's too good to be true but he is real. Heartbroken nga lang at walang experience, pero wala lang ‘yon dahil sa mga experiences ko.

Bakit ko ba siya tinanggihan? Kumpara naman sa mga naging customers ko, wala silang binatbat sa isang ‘to. Kung tungkol naman sa kabilang bagay, mukhang talo na ako. Huli na ang lahat. I can taint him and ruin him for anyone else.

If I want to see beautiful things and if I want to experience beautiful moments, I must be with a beautiful person.

Hinintay ko muna siyang matapos sa burger niya bago ko sabihin ang sasabihin ko. Baka mabulunan siya. And it's too nasty for the food. Not in front of the burger.

Wala na ang burger nang kumati ang dila ko.

“Tungkol sa proposal mo, tinatanggap ko na,” bulong ko na parang sikreto kahit na kaming dalawa lang naman ang nakakarinig.

“Hmm?” Himig niya habang nginunguya ang natirang burger sa bibig.

“Gawin na natin,” medyo malakas at may confidence na sabi ko.

“Gawin ang ano?” Sabay lagok sa kaniyang drink.

Dapat nagdahan-dahan ako kung alam ko lang na magugulat siya. Hindi sana ako nabasa nang mabuga niya ang drink niya.

“Magsex tayo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status