Share

Kabanata 2

Luntian

“Wow! Isang karangalan na mabasbasan ng laway mo, Sir!” Hindi ko masabi kung sarkastiko o seryoso siya, halos wala kasing pinagkaiba ang dalawang iyon sa personalidad na babaeng ito.

She's ridiculous and pretty and damn sexy, even in the funniest way.

Paano nga bang nagkrus ang landas namin?

Looking back, halos isumpa ko ang mga kaibigan ko nang dalhin nila ako sa club na iyon para sa aking stag party. Tingin ko kasi noon, doon nag-ugat kung bakit nagulo ang mga bagay. Pero ngayon, I feel like thanking them.

Nagsimula ang araw na iyon nang sabihin kong ikakasal na ako. Sa aming limang magkakaibigan, ako ang mauuna. Parang mga siraulo silang nagwala sa mismong opisina ko. At wala na akong nagawa nang hatakin nila ako palabas nang oras ding iyon para daw sa aking spontaneous stag party.

Wala akong ibang in-expect dahil spontaneous nga. Sa simula, as it was a stag party, nagbar hopping kami sa kahabaan ng P Burgos sa Makati.

It was all PG with a little naughty jokes at first. Kaunting alcohol at sayaw sa dancefloor bago lumipat sa sunod na bar. My friends have their fair time flirting on the dance floor, habang kami ni Keanu na prehong taken, ay nakikisaya lang rin sa kanila. Hindi rin naman kasi ako yung tipo na hindi mapakali kapag may magandang babae sa harap.

I'd been in a relationship and engaged all my life. Pakiramdam ko nga ay ipinanganak na ako na engage. Tanya is a nice and fine woman though. Bata pa lang ay ipinalam na sa amin na para kami sa isa't-isa. Hindi naman iyon puwersahan pero masasabing minolde na ang impormasyon na iyon sa pagitan naming dalawa.

It may not started with love and sparks as what they say, but it bloomed with respect.

Kaya rin siguro hindi na ako naghanap ng iba. Kasi alam ko na ang kahihinatnan ng mga bagay. Wala na akong ibang kinilala bukod sa babaeng nakatakda ko nang pakasalan. I've grown with her. She's my first kiss, my first date, my first girlfriend, my every firsts.

Bakit ko pa sasayangin ang panahon na maghanap ng iba kung sigurado naman na ang hinaharap?

Gabi na at tipsy kaming lahat kaya naman inakala ko na tapos na ang party. Pero may surprise pa pala. Ni hindi ko alam kung kailan naihanda ng mga kaibigan ko ang panghuling sorpresa sa mismong araw din ng announcement pero nagawa nila.

Nagdalawang isip pa ako nang namataan ang huling club sa destinasyon. Hindi ako madalas sa mga ganitong lugar, nakararating lang ako dahil sa ilang business meetings. Hindi pa ako nakapunta rito pero alam ko ang lugar. It's famous!

Ang pulang signage lang ang siyang tumatanglaw sa paligid. It's even hard to tell if you bump with someone familiar because of the intense red shade. It's definitely doing it's wonder, I guessed.

Hindi na ako nabigla nang matagpuan ang mga kaganapan sa loob ng club. Halos katulad lang noong mga nauna naming pinasukan. Ang pinagkaiba lang, the night was deep and the people were wilder.

May mga nagme-make out na sa mga madidilim na sulok pero wala namang pumapansin. Everyone were too drunk to even notice.

Kami na dadalawang taken ang nahuling pumasok sa club, parehong nagdadalawang isip. If Keanu didn't nudge my shoulders, I probably wouldn't go inside, call a cab and then my fiance and sleep the night away.

Naabutan namin ni Keanu ang tatlo pa naming kaibigan sa bar counter, may kausap na tingin ko ay hostess sa club. Pagkatapos ng ilang bulungan at sumasaludong middle fingers ni Keanu para sa mga kaibigan namin, ay iginiya kami ng babae sa isang private room. VIP.

Napalunok agad ako nang masilayan ang kabuuan ng kuwarto. May isang semi-circle na leader couch sa harap ng may kalaparang coffee table. Sa harap ay may malaking screen, a The Weekend song was playing on it. Sa bandang gilid ay may isang pole. Pumintig ang ugat sa sentido ko habang iniisip ang maaring mangyari gamit ang pole na iyon.

At walang wala ang mga naisip kong puwedeng mangyari nang dumating ang main event. Isang ga-tao ang laking cake ang itinulak ng mga halos hubad na mga babae sa loob ng aming private room. Laglag ang panga ko habang pinagmamasdan iyon na masira at iluwa ang isang babae.

Damn. How do they even planned this? Ang tanging sumasayaw sa utak ko ng mga oras na iyon bukod sa magandang babae sa harap.

My friends roared like animals in their rut when the woman from the cake, almost naked, dance the heaven down to us. Tahimik at laglag lang ang mga panga ko. Sa buong buhay ko ng pagiging faithful na boyfriend, kinailangan kong umiwas ng tingin para hindi madala sa tukso.

If there's a word to describe her that night, it would be sinful. She's sinfully beautiful that I had to look away. Na hindi ko dapat ginawa, dahil sa isang iglap, namalayan ko na lang na nasa kandungan ko na siya.

And as if straddling my lap and dancing on it wasn't enought to drive the hell I am crazy, the woman leaned in close to my ear.

“Want a taste, Sir?” Dumampi ang labi niya sa tainga ko.

“Hey! Hey! That's the groom right there!” My friend, the naughtiest of them all and the mastermind of the mess, Maki, interfered.

Parang napaso na napatayo ang babae mula sa kandungan ko. At ako ay tulala pa rin, laglag ang panga, nabibigla sa mga pangyayari.

“Sorry, Sir! Hindi ko alam!” she scrambled on the spot, bowing at me.

“Akala ko si ‘sir’ ang groom,” sabay turo niya sa katabi kong si Maki, siya kasi ang nasa gitna naming lima.

Maki took her in his lap. Buong sandali ay hindi ako tumingin sa gawi nila kahit na katabi ko lang. Ni hindi ko nalaman ang pangalan niya at wala na akong intensiyon na alamin.

Sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng interes sa isang bagay na alam kong walang patutunguhan.

Hindi ko man maalis ang bagay na ‘yon sa isip ko noong mga sumumod na araw, hiniling ko pa rin na sana hindi na kami magkita. That woman, her face and her body, is dangerous for me.

Malayo naman na magkita pa kami, sa isip ko. Wala naman na akong balak na bumalik sa club na iyon kaya hindi na. Para rin hindi na magkaproblema.

And silly of me to think that way. Na porke iniwasan ko iyon, hindi na ako magkakaproblema.

Hindi ko alam kung saan ba nagsimula ang totoong problema. Noong bang tinanong ako ni Tanya at hindi ko kayang magsinungaling? O nang naniwala ako noong sinabi niyang okay lang?

Kagagaling ko lang noon sa opisina at nakatakda ang dinner naming pamilya, kasama rin ang pamilya ni Tanya. Tradisyon na ng mga Tan-Lopez at Razon ang lingguhang family dinners para pagtibayin ang relasyon ng mga pamilya. Bukod sa lingguhang dinner ay may lingguhan din kaming gathering sa church at paminsanang charity events dahil pastor din ang daddy ni Tanya at devoted Christians naman ang mga magulang ko.

Pagkatapos batiin ang mga magulang ni Tanya ay sa kaniya naman ako lumapit. Kagaya ng palagi, dinampian ko siya ng halik sa sentido.

Both of our parents are very conservative. Kahit si Tanya ay ganoon rin. Hindi lumampas sa mga patagong halik sa labi ang narating na ng relasyon namin. I respect Tanya as well as her beliefs and her parents’. Kaya halik sa sentido lamang o beso ang nagagawa namin sa harap ng aming mga magulang.

“I heard you had your stag party last night? Agad?” Panimula niya nang maiwan kaming dalawa sa living room. Nasa garden na ang mga nakatatanda para magpababa raw ng kinain.

Ilang beses na akong nakapunta sa magarang mansiyon ng mga Razon at halos kabisado ko na ang mga detalye sa living room, pero daig ko pa ang unang beses makapunta nang ilibot ang tingin ‘wag lang matignan sa mata si Tanya. I hate lying and my eyes can't, kaya iniwasan ko ang mga tingin niya.

“Yeah, alam mo naman ‘yun sila, mas excited pa kaysa sa groom,” I chuckled nervously.

“Hmmm,” tumatangong sang-ayon niya. “Anong ginawa niyo?”

Pinunas ko ang namamawis na palad sa itim na slacks na suot.

“Wala naman masyado… bar hopping at kuwentuhan lang,” sagot ko, hindi pa rin tumitingin.

“Really?” Dinig ko ang pagkamangha sa boses niya, para bang hindi makapaniwala. “Knowing Maki, walang babae?”

Wala. Iyon ang pinraktis ko pero natutop ang dila ko at parang nasama sa kinain kong dinner.

“May babae?” Ulit niya na may tono na ng kuryusidad ngayon.

Napakagat ako sa labi at bumuntonghininga. Sinandal ko ang katawan sa couch at pinagmasdan si Tanya. Her innocent eyes were waiting then. Hindi ko talaga kayang magsinungaling.

“Well, there were three, for Maki, Jerome and Ali. Sa amin ni Keanu, wala,” pagtatapat ko.

Tinignan lang ako ni Tanya, walang bakas ng kahit anong ekspresyon sa mukha. I licked my lips and reach for her hand.

“Say something,” ungot ko dahil wala pa rin siyang reaksiyon. “Wala naman ibang nangyari, I promise.”

“Okay.”

“Okay? Okay lang? You know I can never do that to you right?”

I saw how she held her laughs in. Kapagkuwan ay ngumisi siya at pinatong ang kamay niya sa kamay kong nakawahak sa kabilang kamay niya.

“I know, Luntian.”

Hindi dapat ako naniwala, ang unang naisip ko nang magsimula na magbago ang lahat sa amin ni Tanya.

Naisip ko na baka hindi talaga okay. Na baka ang ibig niyang sabihin ay kabaliktaran. Na baka naghintay siyang mafigure ko na hindi talaga okay pero hindi ko naisip, hindi ko nakita.

I used to blame that stag party and that night I thought everything was okay. Mali pala ako.

Hindi naman pala kasi ang mga gabing iyon ang bumago kay Tanya. Sa halip, ang mga gabing iyon ang nagpalitaw sa tunay ng kulay ng fiance ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status