Share

Kabanata 2.2

Luntian

Linggo noon at pinanood ko si Tanya sa tabi ng altar kasama ng mga choir. Pareho kaming lumaki sa simbahan pero masasabi ko na sa pagitan naming dalawa, mas malapit sa Diyos si Tanya. She's singing for Him and worshipping all her life.

Regular sa simbahan ang parehong pamilya namin. Pinalaki rin ako ng relihiyosong magulang. Kaya rin siguro nanatiling pure kaming pareho ni Tanya. Well, at least I thought so.

Sa buong misa ay focus kaming pareho ni Tanya sa mga salita ng Diyos. Sa parteng nagsasabi na ng “peace be with you” lang kami nagkatinginan. Bukod roon, wala na.

Nang matapos ang misa, saka ko pa pamg siya nalapitan. Inuna ko muna ang parents niya, nagmano sa daddy niya at b****o sa mommy niya. Ganoon din siya sa magulang ko.

Pagkatapos noon ay nagkuwentuhan na ang mga babae at kami naman na mga lalaki tungkol sa business. Ilang minuto rin bago kami nakawala sa kani-kaniyang magulang para naman batiin ang isa’t-isa. And as usual, isang halik sa kaniyang sentido ang pagbati ko.

“Ang galing mo kanina,” puri ko sa kaniya kahit hindi naman siya direktang narinig sa buong choir kanina.

Inasahan ko ang pabiro niyang hampas sa dibdib o braso ko at mahinhin na magtatanong na “Paano mo naman narinig?”. Sa halip, tulala siya sa iisang direksiyon at halatang distracted.

“You okay, Tanya?” Saka lang niya ako tinignan, halatang lutang pa rin.

Tumikhim siya at lumunok. “Restroom lang ako.”

“Samahan kita,” ani ko at iginiya siya sa tamang direksiyon pero tumanggi siya. Sakto namang tinawag ako ng dadddy niya kasama ang daddy ko at ilang pang mukhang mga importanteng tao.

“Kaya ko na mag-isa. Puntahan mo sila,” si Tanya bago tuluyang tahakin ang daan patungong banyo.

Pinuntahan ko ang mga kalalakihan. Siyempre, ang topic ay business at trabaho pa rin. Mukhang narindi naman ang mga babae at mga may-bahay dahil nag-aya na sila ng breakfast at doon na lang ituloy ang kuwentuhan.

“Where's Tanya?” Kapagkuwan ay tanong ng Tita Yasmin, mommy niya.

Nagsimula na kasing mag-disperse ang mga kakilala, nagkasundo sa lugar na pagkikitaan.

“Nasa ladies room po, Tita,” sagot ko at tinignan ang wrist watch. Medyo natagalan na nga si Tanya sa banyo.

“Pupuntahan ko na po,” presinta ko bago pa pakisuyuan ng kaniyang mommy.

Tinungo ko ang papuntang banyo. Halos wala ng katao-tao sa parteng iyon ng simbahan kaya naman hindi na ako nag-alilangan na kumatok.

“Tanya, are you there?”

May narinig akong mga kaluskos sa loob kaya siguradong may tao. I waited for them to come out. Nang bumukas ang pinto ng banyo, nagulat ako nang lalaki ang lumabas roon. Si Brandon, pinsan ni Tanya na galing US. Nag double look pa ako sa sign sa tabi ng pinto, pambabae ang banyo.

“What are you…” I couldn't complete out of horror.

Ngumisi lang si Brandon sa’kin bago inayos ang sinturon sa mismong harap ko. He licked his lips and brushed his hair back with his fingers. Pagkatapos ay tatawa-tawang iniwan akong tulala sa harap ng banyo.

Manyak ‘yon ah! Talagang sa tahanan pa ng Diyos! Sabagay, lumaki sa western country kaya liberated.

Kumatok ulit ako sa pinto. “May tao ba?”

No one answered. Kakatok sana ako ulit nang bumukas ulit ang pinto at this time, si Tanya naman ang lumabas. The first thing I noticed were her glassy eyes. Nag-iba bigla ang kabog ng dibdib ko.

“Did… did something happen inside? May ginawa ba siya sa’yo?” nag-aalalang tanong ko.

Umiling lang si Tanya at kinalas ang mga palad ko sa braso niya. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na masagot ang tanong ko nang tumunog ang phone niya.

“Mommy?” Her hoarse voice echoed on the vacant restroom.

“Papunta na kami, Mom.”

Nang ibaba niya ang phone ay hindi ako nag-atubiling magtanong ulit.

“Si Brandon, may ginawa ba sa’yo?”

Umiling siya at tumikhim. “Nagkamali lang daw siya ng pinto at kailangan na talaga ng banyo. Nothing happened. Nagulat lang ako.”

Dahil sa sinabi ni Tanya, siyempre naniwala ako. Tanya is an angel. Hindi niya kayang magsinungaling, I believed. Saka hindi siya ‘yong tipo ng babae na gagawa ng milagro lalo na sa tahanan ng Diyos.

Pero hindi pa natapos doon ang insidente kasama si Brandon. Dahil kahit doon sa napag-usapang breakfast gathering ay kasama siya sa mga businessman din na naimbitahan. Well, he's a family pero bihira mapasama dahil black sheep siya ng mga Razon.

Sa buong buhay ko, doon lang ako nakaramdam ng matinding inis. Halos gusto kong itumba ang lamesa sa pagitan namin.

Sa mahabang table kasi na inuukupahan namin, sa harap pa namin ni Tanya niya napiling umupo. Idagdag pa ang nakaiiritang ngisi at panaka-nakang kindat niya sa fiance ko.

Kahit na magpinsan sila, I feel something odd about him. He's chaos and revelry.

Gumana ang instinct ko bilang lalaki at fiance ni Tanya at kusang umikot ang mga braso ko sa sandalan ng upuan ni Tanya. Tanda ng teritoryo at pag-aari ko.

“Excuse me, I'll just go to the restroom.” Hindi nakatakas sa paningin ko ang makahulugang tingin niya sa fiance ko bago tuluyang lisanin ang table para sa restroom.

Nagtagis ang bagang ko.

“I'll go to the restroom too,” paalam ko rin sabay tayo para sundan ang lalaki.

Naabutan ko sa lavatory si Brandon na may nakahandang ngisi na gusto kong burahin noon gamit ang kamao ko. That smirk though almost faltered when he saw that it's just me and not someone he expects, my fiance probably. As if naman sasadyain siya ng fiance ko dahil lang binigyan niya ng malaswang tingin.

Nilampasan ko siya at dumiretsyo para umihi. Pagkatapos ay tinabihan ko siya sa lavatory para maghugas ng kamay. Nagkatinginan kami sa salamin at kabaliktaran ng talim ng mga mata ko, ngumisi na naman siya sa’kin sabay bukas ng gripo sa tabi ko at sinabayan akong maghugas ng kamay.

Nauna akong matapos at umabot sa tissue sa gawi niya pero wala ng laman ang dispenser. Umiling-iling siya, hindi pa rin nabubura ang ngisi bago ako abutan ng puting panyo na tinitigan ko lang.

“Can you stop harassing my fiance?” I asked calmly, though hard.

“That's not harassing if she likes it,” his lips twisted in an agonizing smirk.

Lalong nagtagis ang bagang ko sa gusto niyang iparating. Tanya is not that kind of woman!

Sa galit ay tinulak ko siya at kinuwelyuhan. “Gago ka.”

But that day, he really had guts. “Ikaw, ba’t nagpapagago ka?”

Winagayway niya ang puting panyo sa mukha ko. Sumabog sa mismong mukha ko ang amoy ni Tanya. Lalo akong nagngitngit habang patuloy lang ang pagngisi niya sa’kin.

“You have an angel of a fiance. Talagang magaling magdasal, nadala ko sa langit, magaling kasing lumuhod.”

Pinutol no’n ang natitira kong pasensiya. Talagang lalanding ang kamao ko sa mukha niya kung hindi lang iniluwa ng pintuan ang daddy ni Tanya.

The Pastor stared at us with so much horror in his eyes. Napipilitan kong binitawan si Brandon. Nagpagpag naman siya ng suot niyang polo at ako naman ay parang maamong pusang nahuling nagnanakaw ng ulam.

“Are you two fighting?!” Ang awtoratibong boses ng pastor.

Walang sumagot sa aming dalawa. Tumatahip pa ang dibdib ko sa galit at pilit na kinakalma ang sarili.

I have made an impression with my future in laws. Hindi iyon masisira ng gagong ito.

“Brandon? Luntian?” Kuwestiyon ng matanda.

“We are not, Uncle. Misunderstanding lang. Right, bro? Luntian?” He gave me an expecting stares.

Bumuntonghininga ako at kapagkuwan ay tumango rin. Mukhang napanatag naman ang matanda.

“Good. We are one family and families don't fight.”

Hindi pa rin humuhupa ang galit ko nang makabalik sa lamesa.

Bakit naman magsasalita ng ganoon si Brandon tungkol sa pinsan niya? You wont just spit something nasty about your cousin for no reason!

Ang tanging naisip ko lang na dahilan, he doesn't like me for his cousin.

Nanatiling malinis ang imahe ni Tanya sa akin sa kabila ng mga kakaibang kulay na nakikita ko na sa kaniya. Siyempre, sa isip ko, mas kilala ko si Tanya. We've been together since I can remember when. She's an angel. My angel.

Not until I saw that video.

Ang flash drive na siyang naglalaman dapat ng prenuptial photos namin ay napagpalit sa isa sa mga pinakatatagong flash drive niya.

“What about the prenup photos?” Si Tanya sa kabilang linya habang nagmamaneho ako.

“I'm about to see them. Dumaan ako sa bahay niyo, I thought you were there. Your mom gave it to me, dapat ko daw makita.”

Papasok pa lang ako sa opisina at nagbabalak na ihatid naman si Tanya sa kaniyang trabaho. Isa siyang interior designer sa kanilang architecture and engineering firm. Pero naunahan niya na pala akong pumasok.

Tita Yasmin was excited when she saw me, to show me the prenup photos. Talagang hinanap at kinuha niya pa ang falsh drive sa kuwarto ni Tanya.

“I'm sorry, I should've waited for you to see them, pero na-excite ako,” marahang aniya.

Napangiti ako. “Excited na rin ako pakasalan ka.”

Pagdating na pagdating ko sa opisina ay laptop agad ang una kong hinanap. Pakiramdam ko ay nagvi-vibrate ako sa excitement.

Pero lahat ng excitement ay napalitan ng gulat at pagkalito. Walang prenup photos sa flash drive. Wala ni isang inosenteng litrato roon.

Ang bumungad sa akin ay sandamakmak na mga video na may bastos na thumbnails. Mga hubad na larawan. Parang homepage ng isang p**n site.

Ang unang tanong na pumasok sa isip ko, bakit may ganitong drive ang fiance ko? Ang inosente at mahinhin na si Tanya, bakit siya may ganito?

I scrolled through the gallery, may higit kumulang isang daan ang mga video. At sa lahat ng iyon, may kaisa-isang pumukaw sa atensiyon ko.

Tanya's face, extremely close up shot. Nakatingala at may naipon na luha sa mga mata.

Napalunok ako at nanginginig ang kamay na pinindot ang video.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status