Share

Kabanata 13

Reyna

“Ako na rito, ihanda mo ang paglulutuan. Saka ano bang lulutuin mo? Bakit may carrots, patatas at repolyo?” Tinulak ko siya at ako na ang naghiwa ng mga sangkap.

Nagkamot ng ulo, sa taas siyempre, si Lulu. “Uh, anything we can make with that.”

Napakurap ako sa kaniya. “Seryoso ka?”

Nagkibit-balikat lang siya at tinalikuran ako para daluhan ang inutos. Tinuloy ko naman ang paghihiwa. Kahit paanong hiwa na lang!

“Payag ako sa proposal mo sa ilalim ng mga kondisyon,” pahayag ko habang naghihiwa pa rin.

Naramdaman ko naman ang pagdaan niya sa likod ko. Akala ko dadaan lang pero sumilip siya lampas sa balikat ko.

“Careful,” humampas ang hininga niya sa leeg at tainga ko kaya natigilan, nanigas ako bago siya nilingon.

“Ikaw ang mag-ingat,” sabay pakita ng kutsilyo sa kaniya, nagbabanta.

Umatras siya na may ngisi sa labi, kinuha ang mga gulay na nahiwa ko na at dinala sa sink para hugasan. Sumandal naman ako sa counter, humalukipkip at pinagmamasdan ang pang-upo niya. Wow! Matambok! Se
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status