Reyna
“Kaya ko,” hingal na ani ko.Laglag ang panga ni Mamang Paula nang makita ang kabuuan ko. Pakiramdam ko rin tumigil ang paligid para pagmasdan ang pagiging hubad ko.Oo, parang sasabog ang ulo ko sa sobrang hiya ngunit sa kabila no’n, may bahid ng confidence akong nararamdaman. Tumigil ang lahat para tignan ang katawan ko. Pak! Parang model lang o ‘di kaya beauty queen!Maganda naman kasi ako. Kumpara sa mga taga-sa’min, maganda na talaga ‘ko. Maganda rin kasi si Mama, ugali lang ang hindi maganda sa kaniya na buti hindi ko namana.Mahaba, tuwid at bagsak ang itim kong buhok. Medyo maputi rin ako at makinis kahit laking squatter. Dahil siguro sa tatay kong hindi ko kilala. Hindi rin kasi alam ni Mama kung sino bumuntis sa kaniya, e.In-inspeksiyon ni Mamang Paula ang kabuuan ko. Bagama't gulat, ngumisi siya.“Hindi naman kailangan hubarin lahat. Pwede naman iwan ang panty at bra…”Ha?Tumingin ako sa paligid. Parang huminto ang paligid, lahat laglag ang panga at nakatingin sa’kin. Kung kanina na-boost ang confidence ko, ngayon ay bumulusok dahil tingin ko ay natangahan sila sa’kin.Shame suddenly washed over me. Ngayon ay mas naging aware ako sa paligid. Lahat ng trabahante ay nakatitig na sa katawan ko. Taas at baba. Parang buffet ng mga paborito nilang pagkain.Gusto komg takpan ang sarili. Tumakbo o ‘di kaya kainin na lang ng lupa!“... pero choice mo naman iyan. Kung gusto mo ng maraming tip, pwede mamang hubarin mo lahat,” naiiling na aniya.“Magkano ho kaya ang kikitain ko?” diretsya ko na agad sa interesanteng bagay bago pa ako mamatay sa kahihiyan.Bumalik siya sa kaninang couch. Sumunod ako at pinulot ang mga damit ko.“360 per oras, 6 oras per shift, 4 shifts sa loob ng isang linggo at lahat ng tip sa’yo na. Kapag magaling ka at naging paborito ka dito, puwede ka ilagay sa VIP at puwede ka ring i-bid.”Dati hindi ako magaling sa Math, pero mabilis kong nakwenta ang sasahurin sa isip. 360 times 6, dalawang libo kada araw tapos times 4, walong libo kada linggo. Ang buong kita sa isang buwan at ang mga tip. Kung s-swertehin, baka makabili ako o magrent ng disente na apartment malayo sa squatter, kay Tiyo Kadyo at Mama.Umikot roon ang isip ko bago dumako sa mahalagang bagay para sa’kin.“Pero ayaw ko makipag-sex,” aniko.“Hindi kasama sa trabaho ng strippers ang sex, ‘wag ka mag-alala. Puwede kang tumanggi o pumayag. Kung hawakan ka nang walang permiso, para doon ang mga bouncer.”Doon nagsimula na magustuhan ko ang trabaho ko. May sense of pride pa rin dahil puwede akong tumanggi kung ayaw ko. The dancing and stripping makes me feel so sexy without feeling like I'm a downgrade. Sexy at may dignidad. Malayo sa pagiging p****k.Nagsimula muna ako sa demo sa unang linggo. Pinanood ni Mamang Paula ang unang demo ng performance ko at itinama ang ilang mga bagay. Kagaya nang huwag basta-basta hubarin ang lahat all at once, all the way, dahil may tiyempo dapat. Kung paano mo sila kukunin sa pamamagitan ng mga mata at pagpitik ng beywang. Tamang pag-flip ng hair at mga sexy expression.Noong una ay medyo nahihiya pa akong sumayaw dahil may mga customers na kumakain at staffs na nagtatrabaho habang nagpa-practice ako sa platform. Hindi kasi nagsasara ang club kahit umaga na. Open pa rin sila sa diners at mga iinom at manood ng performance.Magsisimula ang unang shift ko ng 1pm, simula sa Linggo, ilang araw mula ngayon. Sabi ni Mamang Paula, puwede akong mapromote at mapunta sa panggabing shift na mas maraming customer na puwedeng magtip. At kung talagang magaling, puwede akong mapunta sa big night, tuwing biyernes, kung saan mayayamang members at galante ang mga customers!Saka ko na papangarapin ‘yung bidding kapag marami na akong experience. Sa ngayon ay kailangan kong aralin ang mga bagay.Kasalukuyan akong nanonood ng sexy dance performance sa YouTube habang nagpiprito ng tuyo, tuyo lang muna pero sa susunod fried chicken na ‘to, nangingiting isip ko, nang sumulpot si Mama sa kusina. Nakita niya agad ang pinapanood ko. Hindi na ako nag-abalang itago dahil kumalat naman na ang balita.Totoong may tainga ang lupa at may pakpak ang balita.Binigyan niya ako ng nang-uuyam na tingin. “Magpo-p****k ka rin pala, kay yabang-yabang mo pa noong una!”Hindi ko siya pinansin at binaliktad na lang amg mga tuyo. Dahil doon ay nagpatuloy siya.“Anong sabi ko sa’yo? Wala kang mararating sa skwelahan. Kung nagpokpok ka noon pa man, matagal ka na sanang nakatulong sa gastusin dito sa bahay, hindi yung pabigat ka lang at sutil! Buti at nauntog ka na at nagising ka na sa katotohanan,” rinig ko ang tuwa sa boses niya.Gusto kong baliktarin ang kawali, pero na-realize ko na mas gusto kong kumain ng may ulam.“Mag-aaral pa rin ho ako, mag-iipon lang.”Napaismid siya. “Sige, magpantasya ka hangga’t gusto mo! Basta ‘wag mong kalimutan ang responsibilidad at ambag mo sa bahay na ‘to! Makabayad ka man lang!”Napabuntonghininga na lang ako.Hay! Hindi na ako makapaghintay na makaipon, makaalis sa lugar na ‘to, malayo kay Mama at kay Tiyo Kadyo, at makapag-aral. Ang hirap lumipad kapag may dala kang basang bulak sa mga pakpak.Sa wakas ay dumating din ang araw na hinintay ko. Linggo. Kabado ako habang naghahanda sa staff’s room. Si Mamang Paula ang nag-ayos sa’kin, makeup, accessories, ayos ng buhok at damit.Ang suot ko ay hindi pa masyadong revealing kung tutuusin, lalo na kung isasama ang paghuhubad ko noong unang tapak ko sa club.Isang red turtle neck bra, na parang mas collar pa nga ang dating, makinang dahil sa mga pulang brilyante na nakadikit. At ang terno nitong pulang boxer panty, na natatabunan ng double slitted see-through cover skirt na abot hanggang talampakan ko. Kulay pula rin ang ankle strapped heels. Ang buhok ko naman ay pinlantsa lang kaya mas bagsak lang siya ngayon.Kahit natatakpan ang mga pribadong parte na dapat ay naka-display para sa trabaho, sexy pa rin ang kabuuan. Hinahighlight ng suot ko ang beywang at ang legs ko.Sabi nga ni Mamang Paula, huwag all the way, patakamin mo muna haggang maglaway— maulol at magtip o kung sobrang hayok, magbid!Habang hindi pa nagsisimula ay pinraktis ko na ang mga ekspresyon ko sa salamin. Dahil smokey ang tema ng makeup sa mata, mas lalong naging sultry ang tingin ko. Kahit ako mismo nat-turn on sa sarili ko!Nahuli akong nasa ganoong disposisyon nang bumalik si Mamang Paula sa staff's room. Nahiya ako lalo na’t may kasama pa siyang tatlong mga babae na tingin ko ay stripper din dahil sa mga postura.Pinatayo ako ni Mamang Paula at pinaharap sa kanila. Tinignan nila ang kabuuan ko, mula ulo hanggang paa.Ang nasa gitna ang naunang nagsalita.“Hmmm… maganda,” mukhang impressed naman na aniya, “Ilang taon ka na?”“20.”“Ang bata naman, Madam!” Singhap nung isa.“Farah, disisais ka lang noong unang sumalang,” ismid ni Mamang Paula.Wala namang sinabi 'yung isa na humihithit ng sigarilyo. Tingin ko siya ag pinakamaganda. Hindi siya mukhang mataray pero mukhang hindi rin mabait, cold lang.“Ang lapad ng balakang mo at ang liit ng beywang mo, anong secret?” Siya ulit, 'yung tinawag ni Mamang Paula na Farah.Akward na ngumisi ako at nagkamot. “Wala naman, kahirapan lang.”Natawa siya at bahagyang hinampas ang braso ko. Tingin ko ay magkakasundo kami.“Maganda nga at sexy. Ang tanong, marunong ba?” 'yung sa gitna ulit, mukhang istrikto siya sa mga strippers, nakaka-pressure!“May experience ka ba?” Tanong niya pa.“Dancer ako sa school,” kagaya ng sagot ko sa parehong tanong ni Mamang Paula noong interview.Umismid siya at parang natawa. “Hindi ‘yon, sa chukchakan!”“Uh…”Natigilan ako at walang maisagot. Wala kasi akong experience. Kahit pagsasarili, wala.“Wala kang experience? Mas malaki ang kita kapag may chukchakan.”Ah… natumbok ko rin ang gusto niya sabihin.“Stripper ako, hindi pangkama,” may galang na aniko.Tumikwas ang kilay niya sa sagot ko. At sa unang pagkakataon, nakuha ko ang simpatya no’ng naninigarilyo. Lumapit siya sa dresser, sa gawi ko, at inupos ang sigarilyo niya sa ashtray ni Mamang Paula.“Ayaw mo ng mas malaking kita?” Tanong niya.“Gusto. Pero ayaw kong gumaya sa nanay ko. Sasayaw at maghuhubad lang ako para makaipon,” ngiti ko.Tumango siya. “Kung gano’n, galingan para makaipon ka agad.”Bumaling siya kay Mamang Paula. “Mauna na ako. May kliyente,” sabay labas sa staff's room.“Siya si Allison,” muwestra ni Mama sa kalalabas lang. Alisson pala. Ang ganda niya at cool.“Ito si Angel at Farah. Silang tatlo ang naghahalinhinan sa big night kapag walang bidding,” muwestra ni Mamang Paula sa dalawang naiwan.Tinaasan lang ako ng kilay ni Angel bago sumunod sa kay Allison.“Hello sa’yo, Reyna. Galingan mo!” Si Farah habang may maliit na kaway bago sumunod sa kay Angel.“Handa ka na?” Si Mamang Paula.Tumango ako, determinado at may gustong patunayan.Tanaw ko mula sa waiting area sa backstage ang iilang mga cusomer ngayong katanghaliang tapat. Mga nagla-lunch lang at umiinom.Pumikit ako at napabuga ng hangin.Regular show lang ito, slay mo ‘yan, girl!Doja Cat’s song started bellowing from speakers. Lumabas ako sa saktong cue na pinraktis. At ang sumunod na oras, pakiramdam ko hindi ako ang may-ari ng katawan ko.Kagaya ng sinabi ni Mamang Paula, nagpakilala ako sa mga tao gamit ang balakang ko. Pitik sa kaliwa tapos kanan. Lahat ‘yon para lapitan ang pole.The cold metal against my palm doesn't kill the passion burning all over my body. Pakiramdam ko ay pinanganak ako para sumayaw. I feel so lost in the music that I think I'm not in control of my body.Kagaya ng practice, tinignan ko ang iilang customers, sa akin sila nakatingin. Hindi sa masarap at tunay na ulam, kung hindi sa masarap na ako. Napangisi ako at lalong tumaas ang confidence.On the right cue, I take off the see through covers around my hips. Hinagis ko iyon pababa sa platform. Ang mga sigawan at palakpakan ay nagsilbing main noise sa tainga ko sa halip na ang tugtog na pinraktis ko.Lalo pang umingay ng tumuwad ako at marahang inalog ang puwet sa mga mukha nila. Humagikgik ako at tinignan sila lampas mula sa balikat ko. Hinawi ko ang buhok at in-expose naman ang shoulder blades ko habang umiikot paharap muli.Sa gilid ng mga mata ay namataan ko ang mga palapit. Sabi ni Mamang Paula, para sila magbigay ng tip. Isisingit sa suot kong panty o bra. Dapat daw tuloy-tuloy lang ako sa pagsayaw. So I did.Ang akala kong tip na sana ay naunsiyami pa nang may humatak sa braso ko mula sa kabila.“ANONG GINAGAWA MO, REYNA?!” Tumalsik sa’kin ang laway ni Tiyo Kadyo.ReynaEww! Kadiri!First time kong maranasan magshower at sa kasamaang palad, sa laway pa ni Tiyo Kadyo. Si Tiyo Kadyo na naninilaw ang ngipin at mabaho ang hininga dahil sa alak at sigarilyo.Kinuha siya ng mga bouncer, kinaladkad habang nagsisisigaw habang pinapahid ko ang laway sa mukha ko. Nailigtas ako sa pagkakataong iyon pero ngayong pauwi na, hindi ko alam.Dala ko ang dalawang libong kinita ngayong araw. Nasira kasi ang performance kaya walang tip. Kainis. Nakapagpalit na ako ng suot pero hindi pa binura ang makeup. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga nadaanang tambay sa eskinita patungo sa bahay. Ganda ko kasi. Kahit yung mga tambay doon na nangingikil kay Estong lampa napatingin sa’kin kaya nakaligtas siya.Hay, salamat sa ganda ko.Nadatnan kong maingay ang bahay dahil sa bunganga ni Mama pag-uwi, hindi dahil sa mga ungol, kundi dahil nag-aaway ang mag-asawa.“Dinugasan mo na naman ba ako, Kadyo?!” Malayo pa lang ay dinig ko na si Mama. “Palagi na lang, Kadyo!”Hindi ko nadin
Luntian“Wow! Isang karangalan na mabasbasan ng laway mo, Sir!” Hindi ko masabi kung sarkastiko o seryoso siya, halos wala kasing pinagkaiba ang dalawang iyon sa personalidad na babaeng ito.She's ridiculous and pretty and damn sexy, even in the funniest way.Paano nga bang nagkrus ang landas namin? Looking back, halos isumpa ko ang mga kaibigan ko nang dalhin nila ako sa club na iyon para sa aking stag party. Tingin ko kasi noon, doon nag-ugat kung bakit nagulo ang mga bagay. Pero ngayon, I feel like thanking them.Nagsimula ang araw na iyon nang sabihin kong ikakasal na ako. Sa aming limang magkakaibigan, ako ang mauuna. Parang mga siraulo silang nagwala sa mismong opisina ko. At wala na akong nagawa nang hatakin nila ako palabas nang oras ding iyon para daw sa aking spontaneous stag party.Wala akong ibang in-expect dahil spontaneous nga. Sa simula, as it was a stag party, nagbar hopping kami sa kahabaan ng P Burgos sa Makati.It was all PG with a little naughty jokes at first. Ka
LuntianLinggo noon at pinanood ko si Tanya sa tabi ng altar kasama ng mga choir. Pareho kaming lumaki sa simbahan pero masasabi ko na sa pagitan naming dalawa, mas malapit sa Diyos si Tanya. She's singing for Him and worshipping all her life.Regular sa simbahan ang parehong pamilya namin. Pinalaki rin ako ng relihiyosong magulang. Kaya rin siguro nanatiling pure kaming pareho ni Tanya. Well, at least I thought so.Sa buong misa ay focus kaming pareho ni Tanya sa mga salita ng Diyos. Sa parteng nagsasabi na ng “peace be with you” lang kami nagkatinginan. Bukod roon, wala na.Nang matapos ang misa, saka ko pa pamg siya nalapitan. Inuna ko muna ang parents niya, nagmano sa daddy niya at bumeso sa mommy niya. Ganoon din siya sa magulang ko. Pagkatapos noon ay nagkuwentuhan na ang mga babae at kami naman na mga lalaki tungkol sa business. Ilang minuto rin bago kami nakawala sa kani-kaniyang magulang para naman batiin ang isa’t-isa. And as usual, isang halik sa kaniyang sentido ang pagba
Luntian“Come here, angel,” a low voice called.Suot ang isang panglalaking puting dress shirt, lumingon si Tanya sa gawi ng kung sino man ang nagv-video. Kahit na sabog ang buhok sa isang magulong bun, alam na alam kong si Tanya iyon malayo pa lang.Lumikot ang camera at mas bumaba ang angulo, naupo yata sa kung saan ang may hawak ng camera. Isang ugatang braso ang lumitaw sa frame at iginiya ang nakasalampak sa malayong sahig na si Tanya gamit ang dalawang daliri.Dahan dahan na gumapang si Tanya sa sahig palapit. At habang palapit, noon ko lang napansin na nakataas ang kaliwang sleeve ng suot niya, may nakataling kung ano sa braso niya, sa bandang itaas ng kaniyang siko.Nang nakalapit, parang maamong tuta siya na tumingala sa angulo ng camera. Doon ay nakumpirma ko, si Tanya talaga iyon. But she's not the Tanya I used to know.May kakaibang kislap sa mga mata niya habang nakatingin sa taong kaharap niya. Her eyes were glassy and like in haze, like she's drunk and the rims were red
LuntianParang binuhusan ako ng malamig na tubig at natigilan sa paghalik.That is not something Tanya I know would say! At ang bibig niya…Bumalik lahat sa alaala ko ang pagsubo niya doon sa…“What's wrong?” Tanong ng naguguluhang si Tanya sa kandungan ko. Sinubukan niyang hulihin muli ang mga labi ko pero bumaling ako at umiwas.“We shouldn't do this…”“What?!” Sa wakas ay natigilan si Tanya.“Look, Tanya, you cheated on me—”“It's your fault! Ni hindi mo nga mabigay ang gusto ko!” Umalis siya sa kandungan ko na nagpupuyos.Ako naman ay napatanga at hindi makapinawala. “What? Kasalanan ko pa kung bakit ka nagcheat?”“Oo!” She answered stubbornly.Hindi naman maarok ng utak ko kung paano ko naging kasalanan ang pagtataksil niya. Nirespeto ko ang pagkababae niya at minahal siya ng hindi hinahanap ang mga bagay na iyon. Sa kabila noon, kasalanan ko pa rin?Napahawak na lang ako sa sentido nang kumirot dahil sa jet lag pa rin at sa matinding pag-iisip.“Ano ng gusto mong gawin ngayon? D
Reyna “Si Reyna sa loob ng cake!” Ang demonyitang si Angel. “Bakit ako?!” pag-angal ko. “E, ‘di ikaw magsabi kay Allison na siya na lang,” mataray na aniya. Naumid ko naman ang dila ko. Napabuntonghininga si Mamang Paula na stressed na naman sa aming dalawa ni Angel, kaming dalawa lang dahil wala si Farah at Ate Alisson. Paano ba naman kasi, may isa na namang VIP na nag-isip gamit ang ulo sa baba! Gusto ba naman kami ilagay sa cake! At dahil VIP nga, gusto ura-urada. Kaninang umaga lang sinabi tapos ngayong gabi na pala kailangan! Grabe talaga ang mga mayayaman mag-isip, naiiling na isip ko. Palibhasa mapepera kaya gusto nasusunod ang mga gusto. Napabuntonghininga na lang rin ako at sumuko. Ano namang laban ko sa demonyitang si Angel. Wala rin naman akong kapangyarihan na gumawa ng himala at mapapayag si Ate Allison na siya na lang sa loob ng cake kahit pa sa aming lahat, mas malapit ako sa kaniya kaysa sa mga nauna na niyang nakasama. Ewan ko. Baka lukso ng dugo ng m
LuntianSa bihirang mga pagkakataon, isa ang araw na iyon na gumising ako hindi dahil sa regular na alarm.Parang binabarena ang ulo ko. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. The awful hints of alcohol on my mouth makes me want to puke. At iyon nga ang nangyari.Kumaripas ako sa banyo ng kuwarto ko. Kuwarto ko?Pagkatapos kong isuka ang mga nainom ko kagabi ay nagmumog ako sa lababo ng banyo ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin, I look equally awful as I feel. Nagsusumigaw ang eyebag ko. Maputla at dry ang lips ko.Napabuntonghininga ako. Ni hindi ko maalala kung paano ako nakauwi at kung paanong iba na ang suot kong pants at nakit wala akong pang-itaas.“You're pretty.”Natigilan ako nang marinig ang lasing na sariling boses sa isip. Napakurap ako at nakita sa isip ang pamilyar at magandang mukha ng babae. That sinful beauty!“Reyna at your service.”“Reyna,” I mumbled dumbly.Nagsimulang bumalik ang mga alaala kagabi. Nakita niya ako sa counter at tinawagan si Maki. She asked for my name p
ReynaLu…Lucas?Louis?Luther?“Lu… Lu…” Ano pa ba ang mga pangalan na nagsisimula sa Lu? Ano ba kasing pangalan niya? Nang mapakulam ko na!Sa kaniya lang ‘di tumalab ang charm ko. Partida, lasing pa siya no’n! Grabe naman ang pagiging faithful niya. Dapat na siyang itumba! Masyado nang nakakalamang ang mapapangasawa niya!Bumalik na naman sa akin ang nangyari doon sa cubicle. Nakatingin kasi siya sa labi ko kaya akala ko gusto niya. Pero tinakpan niya ang labi niya kaya tumama ang labi ko sa kamay niya. Na-hopia na, napahiya pa. Awit.“Lulu siya tapos delulu ka!” nang-aasar na halakhak ni Angel. Nahuli niya kasi kami sa cubicle at ang mas nakakahiya sa lahat, kasama niya pa si Maki na napasipol na lang.Parang gusto ko na lang din na ma-flush sa toilet nang maabutan nila kami sa ganoong posisyon. Napahiya na nga ako mismo kay Sir Lulu, nagmukha pa akong desperada sa may nobya na.Pero hindi nakaapak ng ebak si Reyna Navarro sa kahabaan ng Maynila para lang mamatay sa kahihiyan. Kay