Share

Kabanata 1.3

Reyna

Eww! Kadiri!

First time kong maranasan magshower at sa kasamaang palad, sa laway pa ni Tiyo Kadyo. Si Tiyo Kadyo na naninilaw ang ngipin at mabaho ang hininga dahil sa alak at sigarilyo.

Kinuha siya ng mga bouncer, kinaladkad habang nagsisisigaw habang pinapahid ko ang laway sa mukha ko. Nailigtas ako sa pagkakataong iyon pero ngayong pauwi na, hindi ko alam.

Dala ko ang dalawang libong kinita ngayong araw. Nasira kasi ang performance kaya walang tip. Kainis. Nakapagpalit na ako ng suot pero hindi pa binura ang makeup. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga nadaanang tambay sa eskinita patungo sa bahay. Ganda ko kasi. Kahit yung mga tambay doon na nangingikil kay Estong lampa napatingin sa’kin kaya nakaligtas siya.

Hay, salamat sa ganda ko.

Nadatnan kong maingay ang bahay dahil sa bunganga ni Mama pag-uwi, hindi dahil sa mga ungol, kundi dahil nag-aaway ang mag-asawa.

“Dinugasan mo na naman ba ako, Kadyo?!” Malayo pa lang ay dinig ko na si Mama. “Palagi na lang, Kadyo!”

Hindi ko nadinig na sumagot si Tiyo Kadyo, kaya pala, bagsak kasi siya sa kahoy naming upuan sa sala. Tuspak at namumula sa pagkalasing. Galing siguro sa inuman doon kanina sa kantong nadaanan ko.

Mula sa kusina ay sumulpot si Mama namay kunot ang noo. Naramdaman siguro ang pagdating ko. Umaliwalas ang mukha niya.

“Nakaayos ka ah! Marami kang customer?” Masayang bungad niya, parang hindi banas sa nakahilatang lasing sa upuang kahoy.

“Hindi naman, bago lang ako e,” sagot ko at nilampasan siya para dumiretsiyo sa banyo para maghilamos.

Naghilamos ako para burahin ang makeup. Walang tubig. Buti kasya pa ng isang tabo.

“Magkano ang kinita mo?” Sumunod si Mama sa banyo at walang kaabog-abog na binuksan ang pintuan. Madali kasing sungkitin ang lock gamit ang kutsilyo. Isa pa ‘yan sa problema ko.

Hindi ako sumagot, nagdadalawang isip kung magsasabi ng totoo. Hindi naman kasi sa pagdadamot, pero alam ko kasing kapag pera, hindi siya puwedeng pagtataguan.

“Bakit ayaw mong sumagot?! Akala mo naman kukuhanin ko lahat! Ang ambag mo lang rito sa bahay!” Nagsimula siyang isumbat ang pagpapalaki sa’kin kagaya ng lagi niyang ginagawa. Na parang choice kong mailuwal at maging sabit sa buhay niya.

Bumuntonghininga ako at inabot sa kaniya ang isang libo para tumahimik. Makakaipon naman siguro ako sa pa-isa-isang libo.

“Ito lang?!” aniya na parang barya lang ang inabot ko.

“Puro mayayaman ang customer niyo doon tapos isang libo lang?!”

Napabuntonghininga na lang ulit ako at saka kinuha sa bulsa ang limang daan pa para iabot pero naunahan niya na akong padarag na kalkalin ang sariling bulsa. Madali niya akong natangay para lang kapkapin ang mga tinatago ko sa katawan. Sinubukan kong protektahan ang kita ko pero wala na akong nagawa.

Wala akong nagawa nang mahawakan niya na ng buo ang kinita ko ngayong araw. Binilang niyang mga tig-iisang daan. Gustong-gusto ko iyong kuhain pero alam kong mapupunit lang ang mga iyon dahil hindi niya bibitawan.

“Ang damot mo! Wala ka naman ibang paggagastusan, e ang dami-dami nating bayarin!” Sabay salpak ng isang daan sa bulsa ko. Isang daan lang.

Naiiyak ako sa galit pero wala namang magagawa ang pag-iyak. Gano’n at gano’n lang ang nangyayari sa araw-araw. Kahit anong ipit ang gawin ko, para siyang may mata sa likod ng ulo at sa bawat sulok ng bahay. Araw-araw mas nadadagdagan ang kagustuhan kong umalis.

Hindi rin iyon ang huling beses na nakialam si Tiyo Kadyo sa trabaho ko.

Matapos niya akong matalsikan ng laway at kaladkarin siya ng mga bouncer palabas, hindi pa rin siya tumigil. Bilib talaga ako sa tiyaga ni Tiyo Kadyo! Araw-arawin ba naman ang pagpunta sa club kahit wala naman akong shift roon!

Kaso lang, today, natiyempuhan niya na naman akong papasok pa lang sa club. Parang may megaphone sa lalamunan siyang sumigaw. “REYNA!”

Sinubukan niyang lumapit sa’kin pero mas mabilis ang mga bouncer na pigilan siya. Medyo lasing rin kaya hindi nakalaban.

“PAPASUKIN NIYO AKO!” sigaw niya, nagwawala mula sa hawak ng mga bouncer.

“Ma’am,” lumapit ang isa sa mga bouncer sa’kin. Hindi ko kilala, mukhang baguhan.

“Huwag niyong papasukin,” agap ko agad.

“Banned nga po siya. Kaso nangugulo, e!”

Hindi ko alam kung ano ang kailangan kong gawin. Nakipag-eye to eye pa si kuyang bouncer akala mo isa sa’min si Cassiopeia sa Encantadia na may kakayahang magtelepathy.

“Dadalhin lang namin sa medyo malayo, Ma’am.” Base sa kislap ng mata niya at sa kintab ng ngipin nang ngumisi siya, alam kong hindi lang iyon ang mangyayari.

Inalala ko ang mga nangyari nitong mga nakalipas na walong taon. Oo, walong taon na ang lumipas pero heto pa rin ako sa impyernong buhay ko. Ang kaibahan lang, sumuko na ako sa magandang buhay.

Palagi ko pa ring naabutan nag-aaway si Mama at Tiyo Kadyo. Palagi pa rin kasi niyang kinukupitan si Mama. Dati para lang sa sabong at mga bisyo niya, ngayon ay para na rin makapasok sa club na pinagtatrabahuhan ko.

Hindi ko alam kung anong gusto niya. Gusto niya ba akong kaladkarin sa labas? Panoorin? Hindi ko alam dahil magkaibang magkaiba ang lasing na ai Tiyo Kadyo at may sapak sa ulo kahit sober na si Tiyo Kadyo.

Kapag lasing, lantaran kung mang manyak. Kapag sober, pailalim kung tumira.

Kaya ang ending, ang kalahati ng sweldo ko na entrega dapat sa bahay, wala ng natitira dahil kinukuha lahat ni Mama.

Tinignan ko pa ng isa si Tiyo Kadyo at inisip ang mga posibleng kahantungan niya. Sa huli, wala akong naramdaman kahit ni gatiting na simpatya.

“Bahala ka, Kuya,” huling kataga ko bago pumasok sa club.

Ilang taon na rin nang mapromote ako at malagay sa big night Friday. Tuwing Friday na lang ang shift ko sa club. Sa ibang araw ay bino-book ng mga VIP at flexible ang oras ng trabaho.

At sa totoo lang, mas madali ang trabaho ngayon. Maselan kasi ang mga businessman sa VIP. Kaunting sayaw at halos hindi naman kami pinapansin. Tagasalin ng alak at kapag seryoso na ang meeting, pinalalabas rin kami at tapos na ang trabaho. Easy money at marami pang tip!

Ang mahirap lang sa gano’n, mahirap tumanggi kung aayain ka sa jugjugan. Since VIP at members, hindi ka puwede biglaang manapak at tumawag ng bouncer kung pilitin ka. Kailangan mo pa ring kumalma at ngumiti kahit nakakadiri na ang paghipo-hipo. Madalas kasi sa VIP, matatanda at makunat na ang mga customers.

Parang panat na pasas at expired na hotdog. Awit.

Kaya masisi niyo ba ako kung isinuko ko na ang bataan? Wala kasi akong balak na isusuko ang bataan sa mga expired na hotdog, kay Tiyo Kadyo o doon sa mga sumisipol na manginginom at mga bully in Estong lampa sa eskinita sa’min.

Kaysa isa sa mga ‘yon ang mauna, hatakin ako sa dilim, lapastanganin at itapon nang patay sa ilalim ng tulay, isinuko ko ang bataan sa inosenteng si Estong lampa— na Lester pala ang totoong pangalan.

Ilang taon na rin kasi ang lumipas, ang mukhang isang ubo na lang na si Estong— este Lester, ay nag-improve nang sobra. Nag-glow up siya. Puwedeng gawan ng video, ‘yung uso sa tiktok at malamang magv-viral!

Mantakin mo ba naman kasing ang bango na tignan ni Estong— este Lester nga ngayon.

Nasa college na si Lester noon at talagang blooming! Ang hindi ko naman maintindihan sa mga saltik niyang nga bully sa eskinita, blooming na nga, tinutukso pa rin. Kundi ba naman sila may saltik!

“Blooming si Estong lampa!”

“May crush na ata, e!”

“Crush mo si Reyna, ‘yong expensive na p****k!”

I almost scoffed. Nadamay pa ko, hays!

Ngingiti-ngiti lang si lampang Lester, mapula ang pisngi at tainga, hindi ko malaman kung dahil sa tagay o crush nga ako ng lintek. Siya kasi ‘yong tipong niloloko na pero tatawa-tawa kahit siya ‘yung pinagtatawanan. Mukhang tanga.

“Naku! Kailangan mo munang magpayamam bago mo makama ‘yon!”

Ginawa pa akong bayaran at p****k ng mga adik na ito!

Nasa ganoon ang eksena nang lumapit ako sa grupo nila. Pauwi na dapat at hindi na dapat papansinin kung hindi ko lang narinig ang pangalan ko.

Laglag na naman ang panga, luwa na naman ang mata at tulo laway na naman ang mga tambay. Kita na kasi sa malapitan ang ganda ko.

Wala akong maupuan at walang gentleman na tumabi kaya ako na ang nagtanong.

“Paupo, Estong,” sabi ko sabay upo sa kandungan niya.

Hindi na napulot ng mga lasing ang laglag nilang mga panga. Kahit ang inuupuan kong si Estong, nanigas. Kinuha ko ang shot ni Estong at inisang lagukan.

“Sup?” Expensive na tanong ko kagaya ng akusa nila.

Parang timang na nawala sila sa sarili. Ang mga bully ni Estong na kanina ginagawa akong pulutan ay mistulang mga aso na bahag ang mga buntot.

“Nagbababag na naman sa inyo kanina, ah!” kapagkuwan ay narecover ng isa ang dila niya.

Tsk. Ano pa bang bago.

“Kawawa naman pala ‘ko, no? Baka madamay pa ‘ko. Saan kaya puwedeng tumuloy?” Sabay palupot ko ng braso sa leeg ni Estong.

Napaiwas ng tingin si Estong at nagkaniya-kaniya namang presinta ang mga nasa inuman.

Dinig ko ang chismisan sa malapit kung gaano ako kapokpok pero anong pakielam nila. P****k kapag may bayad. Kapag libre, malandi lang.

Hindi ko sila pinansin, pati ang mga nasa inuman. Si Estong lang at ang matigas na inuupuan ko sa hita niya ang nasa atensiyon ko.

“Ano, Estong? Puwede ba ‘ko sa inyo?” Nagpuppy eyes pa ako para effective.

Napangisi ako sa namumula at nanginginig na si Estong. “S-Sige.”

Tumili at tuwang-tuwa na hinalikan ko ang pisngi niya. Hindi ko pinansin ang mga nanghihinayang na daing ng mga tambay at kapagkuwan ay bumulong sa mismong tainga ni Estong.

“Mag-sex tayo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status