Share

Chapter 3 Care

<Mia>

"Chan ayaw ko na niyan!" Sigaw ko sa kanya. Pinapa inom na naman niya ako ng mapait na tubig.

Nagising na ako na nasa bahay at ang daming Doctor na nag check up sa'kin at kinuhanan din nila ako ng dugo at kung ano-ano ang ginawa sa'kin. May nurse din na nagbantay noong unang araw. Dinaig ko pa ang may malalang sakit.

"You need this to feel better." Seryosong sabi niya at nakatingin lang sa'kin. Nakatayo siya sa side ko habang hawak ang isang mug.

"Magaling na ako."

Kung makapag-alala siya akala mo may malubhang sakit ako.

"No. You need to this." Kinuha na sa kanya ang hawak niyang mug. Siya pa rin ang masusunod kahit na mag argue kami hanggang bukas. Hindi niya ako titigilan hanggat hindi ko sinunod ang gusto niya.

Pigil hininga kong ininim iyon. He treated me better and took care of me so well. He never left my side for the past 3 weeks.

"Ang pait!" Nilabas ko dila ko.

Kinuha niya ang mug sa'kin at nilagay sa side table.

"Okay na ako. Kaya pwede ka ng pumasok sa work." Hindi talaga siya pumasok at siya ang nagbantay sa'kin. Ang sarap niyang mag-alaga lasang temptation.

"No. I'll stay until you fully recover." Matigas na sabi niya.

He is emotionless. Nag unat ako "see? Magaling na ako."

Umupo siya sa tabi ko. "Do you want to eat something?" Ang seryoso naman ng mukha niya.

"Wala. Gusto kong lumabas." Nagsawa na ako kakahiga sa kama.

One month na yata akong nakahiga. Tapos ang dami pang ginawa sa'kin ng mga Doctor.

Sabi naman sakin ni Ethan minemake sure lang daw niya na okay ako at wala ng ibang fracture sa'kin or kung may problem ako sa katawan.

He worried too much.

"Hindi ako balbado. Magaling na nga ako!" Tinulungan niya akong tumayo at kung maka-alalay siya sa'kin akala mo isang akong balbadong tao.

Hindi siya nagpatinag at inalalayan ako hangga sa sala.

"Let me help you." Nag stretching ako. "I will call Doctor Smith if you're finally okay." Imporma niya.

"Ang OA mo!" Inirapan ko siya. "Isang Doctor lang ah? Ayaw ko na ng marami. Pakiramdam ko para akong mamamatay." Ang dami kasing Doctor na nag che-check sa'kin.

"Yeah. I'm just making sure you are well. No fractures or disease. Doctor Smith will check your condition, and after that, I'll leave you alone."

Kinuha niya ang remote at binuksan ang TV.

"What do you want to watch?" Nilipat-lipat niya ang channel.

"Iyan na lang!" Sigaw ko ng napadaan siya sa Chinese Drama.

Binalik niya sa Chinese Drama dahil nalagpasan niya.

"Wake up early tomorrow. Kailangan mong maarawan."

"Oo na. Ang dami mong paalala." Naiiritang sabi ko.

Nag focus na ako sa pinapanood ko.

His phone rang.

"I'll just take this call." Paalam niya. Hindi ko siya pinansin.

Psh!

Tatawagan ko mamaya si Yunnie ang tagal ko na siyang hindi nakikita at nakakausap.

Nakatulong din naman sa'kin ang mga pinapa-inom ni Ethan. Parang mga herbal nga 'yung mga iyon.

"Aalis ako bukas, ah." Paalam ko para hindi niya ako hanapin.

Nakabalik na siya. Tapos na makipag-usap.

"Makikipagkita ako kay, Lorena."

"Don't drink too much." Kahit na seryoso ang boses niya at walang ka buhay-buhay ay alam ko na may pag-alala doon.

"Advance ka masyado." Tumingin ako sa kanya. "Poke makikipag kita iinom na kaagad?"

He is wearing a plain blue polo long sleeve. "Aalis ka?" black pants and shoes. Naka tuck in iyon.

"I am having a virtual meeting later." Tumingin ako sa bandang pwet niya. Matambok kasi ang pwet nitong lalaking ito, eh.

"Saan? Akala ko ba hindi mo ako iiwan?" Tinaasan ko siya ng kilay habang nakatingin pa rin doon.

"It's virtual." Tamad na sagot niya.

Inalis ko na ang tingin doon baka mahuli pa niya akong nakatingin doon at baka ano na naman ang isipin niya.

"Ang tamad mo naman sumagot." Ngumuso ako.

Hindi ko siya type kasi ang seryoso niya sa buhay tapos hindi pa siya marunong ngumiti, wala pa siyang sense of humour.

"May tanong ako." Panimula ko.

"Tignan natin kung matalino ka nga." Hamon ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at seryoso lang na nakaiki-nood.

"Hoy!" Hinampas ko ang tiyan niya at hindi man lang nag "aray" ang lakas ng pagkakahampas ko, hindi man lang nag react. "May tanong nga kasi ako. Bigyan mo naman ako ng atensyon mo!" Tumingin siya sa'kin ng seryoso.

"My attention is all yours." Para akong matutunaw sa titig niya at ang boses niya ang sexy.

Niyeam.

"Ano ang kabaliktaran ng swimming pool?"

Hindi siya kumurap. Ayan, 'yan na ang sinasabi ko, wala siyang sense of humuour. Isa siyang robot. Walang emosyon, hindi tumatawa.

Pero bawi naman siya sa fezlat niya at katawan. Lalo na ang matambok niyang puwet.

"Hoy, ano nga!" Niyugyog ko siya kasi hindi siya sumasagot.

"I don't know." Plain na sabi niya.

"Edi swimming empty." Tumawa ako at wala man lang siyang naging reaksyon.

Tumigil na ako sa kakatawa kasi parang robot itong kasama ko.

"Tumawa ka naman!" Wala man lang moral support sa mga jokes ko. Ang swerte nga niya sa'kin dahil pinapatawa ko siya.

"What kind of egg do you want?" Anong egg nag -iinsulto ba siya sa corny na joke ko?!

"What kind of egg do you want me to cook for dinner? It's high in calcium, and you need it since you had a small bone fracture."

Ah, dinner. Akala ko itlog means zero kasi, corny mga jokes ko at, zero kasi hindi man lang siya natawa.

Kinabukasan.

Wala kaming ginawa maghapon ni Ethan, habang siya ay may virtual meeting.

Maaga niya akong ginising para maarawan. Inaway ko pa siya dahil antok na antok na ako at ang aga niya manggising. It's 5 am in the morning.

"Drink a lot of water. We found in your test that you have UTI." Sabi niya sa'kin kanina. At naka 3 liters na ako ng tubig at hindi niya ako tinantanan.

O see, sa dami ba naman ng iba't ibang Doctor na tumingin sa'kin, nalaman nila 'yon. Kung makapag-alala kasi hanggang moon.

Lahat na yata ng klasing Doctor tinignan na ako.

"Ayaw ko na! Tama na! Masakit na tiyan ko." Reklamo ko.

Kakalapit niya lang sakin at iyon ang binungad ko sa kanya.

May hawak kasi siyang tumblr at baka paibumin na naman niya ako.

9 am in the morning. Dumating na yung doctor na magtitingin sa akin at okay na daw ako. Walang lagnat, walang fractured, walang sakit, pero may UTI.

Hapon na at nandito kami sa sala.

"Ang init naman!" Reklamo ko. "Paki bukas naman 'yung aircon." Utos ko sa kanya.

Nandito ulit kami sa sala at nanonood at ang daming prutas sa center table. Napaka healthy naman kasi nitong si Ethan pati ako nadadamay na. Hindi ko makain ang gusto ko. He'd tracking ecerything on me.

"You need to at least sweat." Ayaw ko na.

"Sigi na ang init talaga. At saka pinagpawisan naman ako kaninang umaga."

"What time will you go? Bring water with you." Ayan na naman po.

"Buksan mo muna 'yung aircon." Utos ko. Sumunod naman siya.

Payapa na akong nanonood mag-isa dahil may may meeting ulit siya. Nakakulong siya sa experimental room niya habang may kausap.

Nag prepare na ako ng pumatak ang 4 pm at saktong 5 pm ako natapos.

"Take care, okay? Be mindful of what you eat and drink." Paalala niya. Paalis na ako.

Gusto niyang ihatid niya ako pero ayaw ko at hindi naman niya alam kung saan ako pupunta. Hindi maman siya nagtanong kaya hindi ko sinabi. At saka may meeting pa siya.

"I'll pick you up. Don't go home alone."

"Oo na. Aalis na ako." Ayaw akong paalisin ang daming paalala. Jsq.

I was about to leave when they held my wrist and pulled me.

I stilled.

He kissed my forehead. " Take care." He murmured against my forehead.

Hindi ako makagalaw at maka react. Para akong nabato.

Bakit kasi nanghihila siya bigla-bigla?

Ang bilis ng tibok ng puso ko

"Are you, okay? Babe? Breath." Marahan niya ako ng niyugyog.

Kumurap ako at nag-alala na siya sa'kin.

"You're not breathing."

"Bahala ka diyan!" Sigaw ko at tumakbo na paalis.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Don't forget to text me." Habol niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status