Share

Kabanata 29.1 - Wait Until

"She really looked like me, siguro sakaniya ako pinaglihi ni Mama." I chuckled.

We were eating dinner together, na-topic ko rin yung nakita ko sa ancestral house ng Lola, yung picture nung babaeng kamukha ko. I found out that she is my mother's younger sister. Her name is Charizze and she died too young daw. Felt bad for her, gusto ko pa naman siyang makita.

"Too bad I didn't get the chance to meet her," dugtong ko.

They were so silent the whole time, nagulat pa si Mama kanina nang tanungin ko ang tungkol doon pero sinabi niya rin naman kalaunan dahil panay ang kulit ko rito.

"Finish your food, Treia.. We're going to meet our relatives tomorrow night, are you sure you want to come?" Papa change the topic.

Oh, speaking of the family dinner. Agad na nabalot ng kaba ang buong pagkatao ko. Nakalimutan kong may family dinner pala kami, isa na namang dagok ang haharapin ko. I sipped on my water before answering my father's question.

"Of course I want to come, don't worry about me.." I smiled at them before continue to eat.

Napuyat ako noong gabing 'yon dahil inaalala ko ang magaganap kinabukasan, hindi ako nakatulog nang ayos dahil doon kaya tanghali na nang magising ako. Isaiah visited me in our house, siya rin ang gumising sa'kin kaya gulat na gulat ako kanina. Wala daw kasi siyang pasok.

We were in the kitchen baking some cookies, pinangakuan niya kasi akong magbebake daw kami together. Akala ko naman sa condo niya, dito pala sa bahay. He already brought ingredients and we still have time so nag bake nga kami. I want to master baking because I promised to bake him a cake on his birthday. Pinilit niya 'ko kaya wala na 'kong nagawa, I want to surprise him pa naman..

"This looks gross, baby. It doesn't looks like a cookie, it looks like a poop!" I told him.

He chuckled because of my reaction. Paano ba naman, mukhang tae talaga yung cookies na ginawa ko. Gusto ko na ngang itapon pero ayokong masayang ang pagod ko, baka pangit lang tingnan pero masarap naman ang lasa. Sana nga ganoon 'yon.

Wala na 'kong nagawa nang ilagay na ni Isaiah sa oven 'yon. Habang naghihintay, bigla niya kong pinahiran ng flour sa mukha. Pawis na pawis ako tapos pinahiran niya ko no'n, ang lagkit tuloy sa pakiramdam. I'm pissed kaya pinahiran ko rin siya ng flour. Yung inis ko kanina, naging tuwa nang makita ko yung mukha niya, hindi siya umalma nang lagyan kong muli ang mukha niya. Nilagyan ko siyang bigote tapos dalawang circle sa mata at tig tatlong line sa pisngi, parang pusa.

I took his phone and take a picture of him. Nag-picture din kami together habang hinihintay na tumunog yung timer. Isa isa naming tiningnan yung pictures, lahat 'yon maganda.

"Post that one," utos nito. Tiningnan ko yung litratong tinutukoy niya, picture naming dalawa 'yon. Hinalikan niya 'ko sa pisngi bigla kaya gulat na masaya yung reaction ko, we looked cute and inlove on that photo.

Kinuha ko ang phone ko para sana ipasa yung picture na 'yon nang pigilan niya 'ko.

"Why? You told me to post this one, 'di ba?" I asked. Naguguluhan ako sakaniya.

"Post it on my account," pagtatama nito at tinuro pa yung phone niya gamit ang nguso niya. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Why don't you post it? It's your account, Isaiah," sambit ko rito.

We don't usually check each other's account, ni hindi rin kami nagsabihan ng password ng isa't-isa because we both value our privacy and also, we trust each other. There are times that he lets me hold his phone but I didn't used that as an opportunity to see what's in his phone. Hindi lang kami yung tipo ng couple na magpapalitan pa ng account, I don't know.

"I want you to post it on my account, baby," pagtatama niya.

Wala na 'kong nagawa kung hindi gawin ang gusto niya. I opened his I* and posted that specific picture of us. I also tagged myself. I was about to hit the post button when he stops me.

"Put 'my wife' as a caption, please," aniya at ngumuso pa.

Lumapit ito sa'kin at agad akong niyakap patagilid. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko at pasimple itong hinahalikan. Kumunot ang noo ko at nagtaka.

"I'm not even your wife.. yet," the last word was almost a whisper.

I heard him chuckled, tumindig ang balahibo ko sa tawa niyang 'yon.

"Alright. But soon, you will be. For now, put 'my girl' as a caption.. wait until it turns my wife," ibinulong niya ang huling sentence kaya agad na nag-init ang pisngi ko.

My heart is beating loudly now. Nanginginig pa ang kamay ko nang i-type ang sinabi niya. After few seconds, the picture of us is already posted. Tumunog na rin yung timer hudyat na tapos na yung cookies namin. Nagpresinta si Isaiah na siya na ang kukuha no'n kaya naiwan akong mag-isa habang hawak ang phone niya. Nasa I* pa rin ito kaya nag-scroll lang ako sa feed niya, he usually posted pictures of us at nakita ko na ang mga 'yon, ilang beses na. But seeing it now, kinikilig pa rin ako. He's so proud of having me.. Mas marami pa yata ang picture namin together kesa sa picture niya mag-isa.

We ate the cookies we baked, masarap 'yon pero hindi nga lang maganda tingnan, pero at least masarap! Nagpasya na 'kong mag-ayos nang dumating ang hapon, narito pa rin si Isaiah, mamaya na raw siya uuwi kapag paalis na kami. Ayos lang naman kila Mama.

Today is our baby time but since I have to attend to our family dinner, hindi na naman kami magkakasama. Buti nalang at pumunta siya dito. Abala na rin kasi siya sa work niya kaya hindi na kami usually nagkikita, twice or thrice a week nalang unlike before na everday niya 'kong binibisita. But we do video calls everyday, minsan kapag free time niya sa work. He looks more matured now, not that I find him immature before. Noon palang naman mukha na talaga siyang grown up man, mas nagmukha lang siyang matured talaga ngayong nagtatrabaho na siya.

"Should I wear this.." itinaas ko ang isang champagne dress para ipakita sakaniya. ".. or this one?" dugtong ko at itinaas naman ang maroon na dress. He chose the maroon one dahil ang sexy ko raw tingnan doon sa champagne dress, gusto niyang siya lang ang makakakita no'n.

He blow dried my hair habang naglalagay ako ng light makeup sa mukha, he's too serious while doing that kaya I took my phone and filmed us, wala akong balak i-post 'yon, gusto ko lang talagang i-film para sa memories.

"I'm nervous.." sambit ko.

To be honest, kagabi pa 'ko kinakabahan. I only felt this kind of nervousness when I'm meeting with our relatives. Siguro nga ganito talaga yung mararamdaman mo kapag makakaharap mo yung mga taong gusto mong i-pleased. Daig pa ang kaba sa final defense.

"Just be yourself, 'kay?" he whispered and gently hugged me from behind.

"I love you.." dugtong nito, he lean closer and kissed the back of my ears. This is the first time he said those three words. Pakiramdam ko nagwawala na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok.

I held his hand and feel his hug. His words is like a music to my ears, with him I feel at ease..

After preparing, nagpasya kaming magtungo na sa pupuntahan. Nauna nang umalis si Isaiah. Kinakabahan pa 'ko habang papunta kami kaya si Ate ang pinag-drive ko ng sasakyan. She keeps on asking me kung sigurado na raw ba ako, pwede pa naman daw kaming umatras. Iniirapan ko nalang ito.

Nang makarating ay agad kaming sinalubong ng mga Tita at Tito kasama ang mga anak nito. Madaming pagkain at kahit relatives lang ang narito ngayon ay halatang pinaghandaan pa rin.

"Good evening po.." I kissed them one by one. Halata agad ang tension between us, ang awkward tuloy.

Nang makumpleto kami ay nagsimula na kaming kumain. I am silent the whole time, buti nalang hindi nila ako tinatanong ng kung ano-ano gaya noong mga nakaraang family gathering namin. Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang kainan at nag-proceed lahat sa garden para roon mag-usap.

Nanatili lang kami sa loob ni Ate at bunso kasama ang mga pinsan namin na kaedaran ko lang ang iba. Halos lahat sila ay mukhang ayaw sa'kin, pwera nalang doon sa mga bata pa kaya sila nalang ang nilalapitan ko. May ibang kinakausap si Ate kaya hindi ko naman malapitan ito, si bunso naman ay abala sa iPad niya kalaro ang ibang pinsan namin kaya heto ako ngayon, hawak ang five years old kong pinsan na hinihila ako patungong kitchen. Gusto niya raw ng chocolate at may chocolate daw sa refrigerator kaya kunin daw namin 'yon. Wala naman akong nagawa kung hindi kunin at ibigay sakaniya 'yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status