Share

Kabanata 31.2 - Camera and Album

Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.

Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.

I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Rio at tinanggap ko na rin ang offer niyang doon mangupahan sa isang condo unit niya. Pahirapan din kasing kumuha ng unit o apartment doon, ang mahal pa, yung kay Rio naman ang mura lang. Ni ready ko na rin ang sarili ko dahil araw araw kaming magsasama ni Almario, mahaba habang pasensya ang kakailanganin ko panigurado.

Isaiah, I never told him anything about my plans yet. Balak ko sanang huwag na sabihin sakaniya pero ayoko namang maglihim. I'm still mad at him for hiding the truth but I already forgive him. My love for him is just too overflowing than my madness, I can't stay mad at him.

"Sigurado ka bang ayaw mo magpahatid, Treia?" tanong ni Papa.

We are eating dinner together, last dinner na magkakasama kami. Nagpasya kaming dito nalang sa bahay maghapunan, gusto pa nga nila na sa restaurant kami kaso ayoko.

"Sigurado po ako, Pa.." desidido kong sabi.

Ayokong magpahatid sakanila dahil baka umatras ako bigla, baka magdalawang isip ako at mag stay nalang dito. Ayoko silang iwan pero kung ito ang paraan para mag grow ako at maabot ko ang mga pangarap ko, I'll gladly leave them behind.

Natapos ang dinner na puro paalala sila sa'kin, panay ang bilin na huwag ko daw pabayaan ang sarili ko. May pa-despidida party din ang mga kaibigan ko ngayon at doon na 'ko magpapalipas ng gabi sa penthouse ni Adel. Tomorrow night pa naman ang flight ko at balak ko rin kausapin si Isaiah bukas.

Nasa kwarto ako ngayon, inaayos ang mga dadalhin ko. Nakaayos naman na siya pero kailangan ko pa rin i-double check. Isasara ko na ang luggage nang pumasok bigla si Mama sa kwarto, may hawak siyang lumang model ng camera at photo album. Lumapit ito sa'kin at naupo sa gilid ng kama ko.

"This is your father's camera, ito yung ginagamit niya tuwing fini-film niya yung mga ginagawa niyo, simula noong pinanganak ka, bininyagan ka, lahat nandyan. Even your last moment together, nandyan 'yon, anak.." sambit ni Mama.

Kinuha ko mula sakaniya ang camera, gusto ko sanang panoorin ang mga video na 'yon kaso ayokong mas maging madrama ang gabing ito kaya nagpasya akong sa New York na panoorin. Inabot niya naman sa'kin ang photo album at tiningnan namin pareho isa-isa ang mga litrato. Sa unahan ng album, nakalagay ang pangalan ko.

"Gusto niya na magkatunog ang pangalan ng mga magiging anak namin kaya sinunod niya ang pangalan mo sa pangalan ni Chandria. Ang Daddy mo ang nakaisip ng Sage samantalang ang Mommy mo naman ang nakaisip ng Chantreia," kwento niya.

Ang unang litrato ay yung ultrasound at pregnancy test ng Mommy, sa baba no'n ay picture ni Mommy habang nagpapa ultra sound siya, she looks very happy. Sa pinakahuling picture sa page na 'yon ay litrato ni Daddy na hinahalikan ang tiyan ni Mommy. May note sa gilid no'n, 'Can't wait for you to see the world, our princess'. Sunod ay ang mga process na kung paano ako ipinagbuntis ni Mommy hanggang sa ipinanganak na 'ko, duguan pa 'ko at karga ako ng Mommy ko. Nakatingin siya sa'kin habang nakangiti at may luha sa mata. May note sa gilid no'n, 'All the pain was worth it. Welcome to the world, our beautiful daughter. We love you more than ourselves.' Sa baba naman no'nang picture namin ng Daddy ko, malinis na 'ko at nakabihis na 'ko doon. Daddy is carrying me, nakahalik siya sa noo ko at bakas sa mukha nito ang tuwa. May note din sa gilid no'n, 'See that old man, he is your father. I am your father and I'll do everything to make you and your Mommy be the happiest.'

Isinara ko na ang album at nagpasyang sa New York nalang tingnan ang lahat. Kailangan ko nang pumunta sa penthouse ni Adel at magpaalam sa family ko, ngayon na yung huling araw na makikita ko sila.

"I will not go back here until I prove something. When I get home, I promise, you'll be proud of me," huli kong sinabi sakanila bago ako umalis para magtungo na sa penthouse ni Adel dala ang mga gamit ko.

I expected balloons and party popper but the opposite of it is what I encountered the moment I entered Adel's penthouse. Ang gloomy ng atmosphere, lahat pa sila nakaitim. Ano ako, patay? Tahimik lang silang nakaupo sa may couch, mabuti nagkasya sila doon. Ako naman ay naupo sa tapat nila at kulang nalang ay matawa ako sa mga mukha nito.

"Despidida party should be a happy party, bakit ganyan ang mga mukha niyo? Para naman akong mamamatay nyan. Paalala ko lang, ha? Film school ang pupuntahan ko, hindi military service!" I hissed.

Nakitaan ko ng pagkairita ang mga mukha nila kaya hindi ko na napigilan ang matawa dahil sa reaction nila. Hindi ko alam kung kaninong idea na mag itim silang lahat, noong una akala ko umaarte lang sila pero mukhang totoong nalulungkot sila ngayon. Oh God, nagpunta ako rito kasi akala ko may party, nagpunta ako para makatakas sa drama ng pamilya ko tapos mas madrama pa pala ang madadatnan ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status