Share

Kabanata 30.1 - Unstable

Kararating lang namin sa ospital, my father is in the ICU, fighting for his life. Sumabay nalang ako kay Isaiah patungo rito, hindi ko kasi alam kung kaya ko bang mag drive knowing that one of the important person in my life is in danger. Iniwan namin ang kotse ko roon, he promised to take care of that. Isaiah never leave my side, my mother is also here with us, nakaupo lang kami sa labas ng ICU habang hinihintay na matapos ang operasyon. Si Ate naman hinatid daw pauwi si bunso pauwi. No one told me what happened to Papa, parang iwas silang lahat sa'kin nang dumating ako, even my mother.

Napatayo kami nang makarinig ng ingay, patungo sa'min si Tita at mukhang galit na galit. Huminto siya sa harap ko, akmang sasampalin na 'ko ngunit naiwan sa ere ang kamay niya at dinuro-duro nalang ako nang makita kung sinong nasa tabi ko.

"You.. this is all your fault!" her voice thundered.

Her words is like a poison to my ears. Kahit anong pilit kong huwag pakinggan ang mga sinasabi niya, hindi ko magawa. A part of me believed in her, maybe it is really my fault. Lumapit na rin si Mama at pinagitnaan kami ni Tita, Isaiah held my waist. Pakiramdam ko nanghihina na 'ko sa lahat ng mga nalaman ko.

"Cristy, stop it. This isn't the right time to talk about that, walang kasalanan si Treia sa nangyari, aksidente ang nangyari," kalmadong sambit ni Mama.

Bilib din ako sa pagiging kalmado ni Mama sa mga ganitong sitwasyon, ramdam ko ang kaba niya pero hindi niya lang ipinahahalata 'yon. I know how hard it is for her..

"Ano, ipagtatanggol mo na naman yang anak anakan mo? Hindi ba't totoo naman, kasalanan niya naman talaga kung bakit naaksidente si Kuya? Kung hindi sana siya nag-inarte at umalis, hindi siya susundan ni Kuya! Hindi sana maaaksidente si Kuya!" she shouted.

Ramdam na ramdam ang tensyon ngayon dito, no one dared to speak after what Tita Cristy said. Pinapakalma na siya nila Tito habang si Mama naman ay walang nagawa kung hindi umupo at umiyak nang tahimik doon.

This is all my fault, I am the only one to blame. Kasalanan ko kung bakit narito si Papa. Wala na 'kong nagawang tama sa pamilyang 'to. Puro nalang problema ang dinudulot ko sakanila. Ako 'tong hindi tunay na anak, ako pa 'tong ang lakas magdala ng problema.

Huminga ako nang malalim at marahang inalis ang pagkakahawak ni Isaiah sa'kin. Our relatives are in calm now, umalis na rin saglit si Tita habang patuloy siyang pinapakalma nila Tito. Nakitaan ko ng pag-aalala ang mukha ni Isaiah kaya nginitian ko na lamang ito at tinanguan. Naglakad ako palayo roon at nagtungo sa chapel, Isaiah didn't follow me just like what I wanted. I want to be alone, gusto kong makapag-isip isip muna. Masyadong maraming nangyari ngayong araw, hindi yata kinaya ng utak at katawan ko lahat. I'm just.. tired.

Nakarinig ako ng mga yabag patungo sa'kin. Nakaupo ako ngayon sa long chair at nakatingin lang sa harap, malalim ang iniisip at hindi nilingon ang kung sino mang tumabi sa'kin.

"Charizze and Troy were really happy when you were born. Sa akin pa unang sinabi ni Chari na ipinagbubuntis ka niya, she was so happy kaya naman nang lumabas ka na, she put all her love and effort to took care of you.. Your father values art so much, sakaniya mo namana yung pagkahilig mo sa art, sa filming. While your Mom, she's a stubborn kid and an adventurous one. Gaya mo, may asthma rin siya kaya minsan pinagbabawalan siya sa mga adventure na gusto niya but she's just too stubborn," kwento ni Mama.

I glance at her once, nakatingin siya sa unahan at sinulyapan din ako bago ngumiti. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Buong akala ko'y ubos na ang tubig sa katawan ko, may iluluha pa pala ako. Tumingin muli si Mama sa unahan, gayon din ang ginawa ko. I just silently listen to her.. those words, its like a music to my ears but the painful one.

"And then one day, the three of you are going on a trip in Tagaytay.. exactly on the same spot you called your comfort place. Remember the first time we bring you there? Unang beses mo palang makapunta roon pero mahal na mahal mo na agad yung lugar na 'yon. Maybe because it was your parent's favourite spot.. it became yours too," she chuckled.

That spot.. it always have a special place in my heart. Akala ko deja vecu lang 'yon dahil parang familiar agad ang place sakin noong una ko itong napuntahan but it isn't dahil napuntahan ko na pala 'yon noon, with my real parents. Now, it reminds me of them..

"As I was saying, dear.. You are on your way to Tagaytay when you met an accident, nabangga ang sinasakyan niyo at ikaw lang ang nakaligtas. You were just two years old back then.. Troy was dead on arrival while Chari was barely breathing that time, she made it to the hospital and on her last breath.. she told me to take care of you.. treat you like you're my own.. She also told me how much she loves you, how much they love you. Even on her last minute, she's thinking about you.."

My heart is aching, mabigat ang paghiga ko at mas humagulgol ako ng iyak dahil sa mga narinig

Why do I feel like I'm missing them even though I never met them. Maybe I've met the before when I was a child but I can't remember it. Naiisip ko tuloy, paano kung buhay pa sila ngayon? Ano kaya ang buhay ko ngayon? Masaya kaya kami?

I can't help but to doubt.. Bakit naman ang daya. Bakit naman maaga silang kinuha sa'kin. Bakit sa dinamirami ng tao, bakit ako pa? Did I do something worst on my past life to deserve this kind of sufferings? I'm fucking two years old and He took my parents away from me. Wala pang kamuwang-muwang sa mundo, naulila na. Why is it so unfair? Ang daya daya!

"It's not hard loving you.. Tinrato ka namin na parang tunay na anak, not because your Mom told me so, but because it is what we want. I treated you like my own, you are my daughter, hindi mababago 'yon. Pero.. ayokong ipagkait sayo ang katotohanan. Trust me, anak, nakailang beses kaming attempt ng Papa mo na sabihin na sayo pero habang tumatagal, mas lalong humihirap. And I'm very sorry, anak.. Ginawa ko lang 'yon dahil ayokong lumayo ang loob mo sa'min. I am a mother, and it hurts for a mother to lose her child. I'm so sorry, Treia.." humagulgol ng iyak ni Mama.

We cried our hearts out that night at the chapel. My mind is too clouded, my hearts is beating loudly and my body is tired of everything. Nang humupa ang emosyon ay hinarap ko si Mama at marahang niyakap ito. Muli na namang tumulo ang mga luha ko, akala ko humupa na ang emosyon, hindi pa pala.

"Thank you, Ma.." I whispered.

It's been almost two weeks since that incident happened, hindi pa rin gumigising si Papa kaya labis nalang ang pag-aalala namin sa bawat araw na lumilipas. Masyadong napuruhan ang ulo niya sa aksidente kaya ang sabi ng doctor, crucial ang lagay nito. Maayos na siya ngayon at hinihintay nalang ang paggising.

I never lose hope each day, palagi akong nasa tabi niya, inaasahan na baka magising na siya. Gusto kong narito ako sa tabi niya kapag nagising na siya. Ni hindi na 'ko nakakatulog at nakakakain ng maayos dahil sa pag-aalala. Pinapagalitan lagi ako nila Mama at Ate dahil sa ginagawa kong 'yon pero wala akong pinakinggan ni isa sakanila. I feel like I should do something and taking care of my father while risking my own health is somehow satisfies me. It lessen the guilt I'm feeling.

"Gusto mo bang patayin ang sarili mo, Treia? Hindi ka kumakain, hindi ka rin natutulog, kahit ang pag-inom man lang ng tubig inaayawan mo! Kung balak mong magpakamatay, isipin mo naman kami!" si Ate.

Nandito ako sa room ni Papa, inilipat na siya dalawang araw matapos ang aksidente. Nakaupo ako sa isang silya malapit kay Papa at nakatulala lang ako sa kawalan habang hawak ko ang kamay nito. Kararating lang ni Ate kasama ang asawa niya, pinagagalitan na naman ako. Parang 'yon na yung nagiging almusal, tanghalian at hapunan ko sa mga nagdaang araw. Palagi silang ganito, silang dalawa ni Mama. Buti nga at wala si Mama ngayon, inaasikaso niya si bunso, kasi kung nandito 'yon baka nag join force pa sila ni Ate.

Hindi ko kinibo si Ate, nanatili akong nakaupo at nakatulala roon. Gaya ng mga nakaraan, hindi ko siya pinakinggan. Ayokong kumain dahil hindi naman ako nakakaramdam ng gutom, hindi rin ako inaantok. Pakiramdam ko namanhid na ang buong sistema ko, pakiramdam ko ibang tao na 'ko.

"Pati si Nikolai, hindi mo rin pinapansin. Ano ba talagang nangyayari sayo, Chantreia? May trabaho yung tao pero naglalaan pa rin ng oras para bisitahin at kumustahin ka! Alam mo bang pati sarili niya napapabayaan niya na dahil sa kakaintindi niya sayo? He turned down projects para lang mabantayan ka! He's here almost every hour para kumustahin ka pero ni isang beses, Treia, hindi mo siya pinansin gaya ng ginagawa mo sa'min! I bet you don't even know that he's sick!"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig kaya agad akong napalingon kay Ate. Realization hits me, she's right, Isaiah is always here but I chose to ignore him. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang nararamdaman niya, ang nararamdaman nila. I'm so selfish. Pati sila nadamay sa kagaguhan ko sa buhay. Even my friends, they often visit here but I ignore them too. All they want what's best for me yet I chose to be this worst. Malala na 'ko, hindi na ako 'to.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status