Share

Kabanata 31.1 - Envelope

I couldn't contain it, I just want to cry and cry all day pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahina ako ngayon.

"You knew yet you didn't even told me? How dare you, Isaiah!" my voice thundered.

Agad na napalitan ng pagkabahala ang itsura niya. Lumapit ito sa akin para pakalmahin ako pero bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, siya namang pag-iwas ko. Panay ang paghampas ko rito, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya kasi ako, sobrang nasasaktan ako!

I told him everything, wala akong nilihim sakaniya. Alam niya kung gaano ko kagustong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko, alam niya kung gaano ako katakot makagawa ng pagkakamali dahil baka tuluyan na nila akong hindi tanggapin. Alam niya rin kung gaano ako kapursigidong matanggap ng pamilya ko, na ultimo sarili kong pangarap binitawan ko para lang matanggap ako. He knows how much I hate liars yet he lied to me! He knows how hard is it for me to trust someone yet he broke my trust. He knows everything about me..

"I'm sorry.. I'm not in the right position to tell you. Ayokong pangunahan ang mga magulang mo kaya—"

I slapped him.

"Don't fucking make excuses! It won't change the fact that you lied to me.. you fucking betrayed me. Everytime we're talking about how much they hated me, you had a fucking chance to tell me but you chose to hide it. You chose to comfort me with your flowery lies! Putang ina, Isaiah, nandoon ka noong gabing nalaman ko 'yon, sinundan mo 'ko no'n pero ni isang beses hindi mo sinabi sa'kin na alam mo na pala. Na mas nauna mo pang nalaman kesa sa'kin! Lahat kayo, pinagmukha niyo 'kong tanga!" I cried.

I wipe away all my tears, I can't be weak right now. Ayoko na maging mahina, ayoko na ng ganito. He's the last man I think would betray me. Ang sakit, p**a.

"Baby.. you have to calm down first." He grabbed my hand but I pushed it away.

Hindi ako makatingin sakaniya dahil ayokong makita siyang nasasaktan. He is my weakness and I can't be weak right now. I took my bag, ready to leave.

"You're right, I should calm down first. Huwag ka munang magpapakita sa'kin, we'll talk about this some other time," sambit ko. I tried to sound cold, I hope I did.

Dali dali akong lumabas doon at nagdrive patungo sa ospital. I stayed for about five minutes inside my car para pakalmahin at ayusin ang sarili ko. Ayokong makita nila Papa na ganito ako, kagigising niya lang tapos ganito agad ang bubungad sakaniya.

I smiled widely as much as possible nang makapasok ako sa loob dala ang mga prutas at pizza na binili ko. Agad na nilantakan nila bunso yon, ako naman ay dumeretso sa tabi ni Papa. He looks fine now. Niyakap ko agad ito.

"I'm sorry.." I whispered.

I wipe away the tears that falls down my eyes. Kakasabi ko lang kanina na dapat masaya ako ngayon, bakit naman kailangan pang umiyak.

"It's not your fault. Everything will be fine, anak.." aniya.

Kumalas na 'ko sa pagkakayakap dahil baka mas lao akong maiyak. We talked and eat together, sinumbong din nila ako kay Papa kaya pinagalitan ako nito. Somehow, I doesn't feel like I don't belong. Walang nagbago sa trato nila sa'kin, and I can't help but to be thankful that I have them. Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin yung katotohanang hindi naman talaga ako parte ng pamilyang 'to.

"Treia, nakita ko 'to sa mailbox, naka address sa pangalan mo," sambit ni ate at may inabot na envelope sa'kin, katulad nung envelope na pinakta sa'kin ni Rio. Oh my God!

I opened it and I'm right, nakapasa ako sa film school na 'yon. Nanginginig ako habang binabasa ang mga nakalagay, tumulo na rin ang mga luha ko kaya agad na nagtungo sa'kin sila Mama para tanungin kung anong nangyari sa'kin.

I'm overwhelmed, hindi ako makapagsalita. Buong akala ko'y hindi ako makakapasa doon. Sobrang saya ko pero agad din namang napalitan 'yon ng pangamba. Hindi nga pala ito kasama sa plano ko, nonsense rin kung nakapasa ako dahil hindi naman ako mag-aaral doon.

"Hala, Mama! Nakapasa si Treia sa sikat na film school sa New York!" sigaw ni Ate.

Tiningnan ko ang bawat reaction nila, sobrang saya ngunit halata ang lungkot at pangamba sa itsura nila Mama at Papa. They know how much I love filming but they also know that I can't pursue it. But maybe, maybe I can pursue it this time? I want to be independent, ayokong habang buhay na dumepende sakanila. This time, I want to decide on my own. I want to stand on my own, hindi dahil sa nalaman kong hindi nila ako anak, kung hindi dahil gusto kong patunayan na kaya kong mag-isa.

Napatingin ako kay Mama, halata ang lungkot sa mukha niya. Naramdaman ni ate 'yon kaya niyaya niya muna si bunso na lumabas sandali. I want to talk to them.

"Ma, hindi po ako nagpapaalam.. gusto ko lang pong ipaalam sainyo kung anong plano ko. You know how much I love this, you also know how much I love our family. Gusto ko pong magpasalamat dahil.." tumigil ako ng bahagya, hindi ko na napigilan ang pag-iyak. ".. dahil tinuring niyo 'kong totoo niyong anak. You are still my mother and Papa is still my father. And I know you would understand me if I want to do this alone. Kaya ko na po.." sambit ko.

I stopped midway to breathe some air. Sumasakit na ang lalamunan ko at nanlalabo na ang mata ko dahil sa kakaiyak.

"I want to grow independently and I know I won't grow if I'm on your wings. I want you to let me go, by that, I know I'll grow and conquer everything," dugtong ko.

Marahan akong sinabunutan ni Mama kaya natawa nalang ako. Lumapit din siya sa'kin para yumakap, si Papa naman at tahimik lang kaming tinitingnan.

"Sino bang may sabi na pipigilan kita dyan sa gusto mo? Isa lang ang pangarap ko sayo, 'yon ay ang maging masaya ka. If setting you free will make you the happiest, then I'll let you go," aniya.

I felt relieved about what she said. Pati si Papa ay nakisali sa yakapan namin. I know he's sad about my decisions but I also know that he will always support me in everything.

"Tumatanda na talaga ang mga anak natin, baka sa susunod niyan si Treia na ang magpapakasal!" Papa joked.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status