Share

Kabanata 31.3 - Despidida

"Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.

Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?

"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.

Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads.

"Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.

Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.

"Kahit kailan, panira ka talaga!" inis na sabi ni Adel at binatukan ulit si Mads, binawian naman siya nito.

Nagsitayuan na sila doon at iniwan mag-isa si Madison. Hinubad ni Kendall ang suot nitong black dress at naiwan lang siya sa bikini suit niyang red. So pool party ang ganap namin tonight? Akala ko pa naman buong gabi ay magmumukmok lang sila.

"Bobo mo Madison, prank gone wrong tuloy!" reklamo niya.

Isa isa na silang naghubad sa harap ko, panay naka bikini suit sila. May mga bikini suit din naman akong dala in case na magkayayaan sa NY na magbeach o magswimming kaso tinatamad akong buksan ang maleta ko para kunin 'yon. Mukhang alam ni Adel ang nasa isip ko kaya may kinuha siyang paper bag at nang tingnan ko ang loob no'n, bumungad sa'kin ang tatlong pares ng swimsuit, bagong bili lang ang mga ito.

"Naks, ang yaman talaga ni Mareng Adel, pautang naman dyan!" pagbibiro ni Grace kaya natawa nalang kami.

Sa huli, yung lavender bikini suit ang sinuot ko. Nasa pool area pala nakalagay ang mga pagkain. May cake din doon, plain back ito na may nakasulat sa gitnang 'Para sa Pangarap. Goodluck, Direk!'. Kulay puti ang kulay nung sulat. Ang plain nung cake pero ang ganda! I took a picture of it.

Nag picture muna kami bago kumain para hindi mukhang bloated sa picture. Si Grace ay nagvivideo, for memories daw. Kaunti lang ang alak at hindi masyadong hard dahil may flight pa 'ko bukas, ayoko namang magka hang over.

Nag open forum kami at nag balik tanaw sa mga nangyari sa'min noon. Ang dami na pala naming pinagdaanan pero hindi ibig sabihin no'n ay malapit na kami sa finish line, lahat kami ay nagsisimula palang. I finally took my right path now, nagpapasalamat ako dahil isa sila sa mga sumuporta sa'kin, isa sila sa mga taong piniling manatili sa tabi ko noong mga panahong pati sarili kong kakayahan, pinagdudahan ko. I will forever treasure them and our friendship.

Hapon na nang sinundo ako ni Rio dito sa penthouse ni Adel. Iniwan ko ang kotse ko at ibinilin nalang sakanila na iuwi 'yon sa'min. I hugged them for the last time before entering Rio's car. Sa likod ako umupo, kasama si Rio. Ipinagdrive kami ng driver nila pero bago kami tumungo sa airport, dumaan muna kami sa condo ni Isaiah. Iniwan ko sila sa parking lot dahil ayoko namang isama sila habang nag-uusap kami ni Isaiah. I know he's here because I told him I'll talk to him here.

Pagkabukas ko ng pinto ay hinanap ko agad siya. Natagpuan ko siya doon sa may balkonahe, nakatanaw sa papalubog na araw hudyat ng pagtatapos.

"Hey.." bati ko nang makalapit sakaniya.

Tumabi ako rito at ginaya ang ginagawa niya, pareho lang kaming nakatanaw sa papalubong na araw. Ang ganda, nakakabighani, pero kaakibat no'n ay ang lungkot, lungkot dahil isa na namang araw ang nagtapos. Ang papalubog na araw ang hudyat ng pagtatapos, hindi lang ng araw na ito, kung hindi pati ang pagtatapos ng relasyon namin.

If there's one thing that I hate the most, it is saying goodbye. I don't like the idea of it but he deserves to know everything so here I am, beside him. I am here standing next to the man who chose to love me despite of my imperfections. The man I chose to love and let go at the same time.

"I am here to tell you that.. I already forgive you and I'm not mad at you anymore. I know you did that because you care about my feelings, I'm sorry if I didn't understand that before. Nagalit lang ako dahil ang dami ko nang problema tapos.. tapos yung taong nagbibigay lakas sa'kin para lumaban, pinaglihiman din ako. But don't worry, I am fine now." I stopped to breathe some air. Kakapusin yata ako ng hininga. Bumibigat na rin ang paghinga ko at may nagbabadya na ring luha sa mata ko ngunit pinili kong huwag pagbigyan ang mga ito.

"And.. I'm also here to say goodbye." tumigil ako sandali para tingnan ang reaction niya. He swallowed hard, hindi pa rin makatingin sa'kin habang ako ay unti-unti nang lumuluha, hindi ko na napigilan.

"I'm here to say goodbye, aalis na 'ko at.. at doon na sa ibang bansa magpapatuloy. Magkakalayo na tayo.. mag-iiba na yung mundong gagalawan natin kaya sana.. sana pagbigyan mo itong gusto kong mangyari. Ayokong dumepende ka sa'kin, g-gusto kong mamuhay ka sa kung paano mo gustong mamuhay. Ayokong hadlangan ka sa mga gusto mong gawin kaya mas makakabuti siguro kung.. kung maghiwalay na tayo." I wiped away my tears.

I've been thinking about it the past few days. I cannot leave knowing that I will leave him behind kaya bago sana ako umalis, gusto kong tapusin ang lahat sa amin. I don't want him to depend on me, alam ko ang mga kaya niyang gawin para sa'kin at natatakot ako roon. Sa relasyon namin, parating siya ang umiintindi. He even risked his own health just to take care of me. He turned down big projects just because of me! Nagsisimula palang siya at alam kong mas lalo siyang makikilala sa field na tinahak niya sakaling maghiwalay kami. He should focus more on his career, I want him to be successful, I want him to explore, 'yon ang gusto ko para sakaniya. I want him to explore the whole world without me. By that, we will both grow. We will both be successful on our own. And if one day we crossed paths again, I promise I will love and fight for him, whatever it caused.

"You hurt me, you know that?" he smiled at me painfully.

And that made me cry.. that made me hate myself because I hurt the person I love the most.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status