Share

Kabanata 1.2 - Home

"Fuck you, Almario! What's this, huh?" singhal ko rito.

Hinampas ko siya sa braso, wala akong pake kung masaktan siya. Mukhang hindi niya naman iniinda yon kaya mas nilakasan ko pa. This jerk planned this.

"Chill, Treia.. they just want to surprise you!" aniya, natatawa pa.

Medyo kumalma na 'ko at inayos ang sarili. Nagdadalawang isip pa rin kung tutuloy ba o hindi.

"Wala siya, I assure you. I even told your sister not to invite or tell him kaya sigurado akong wala siya d'yan," aniya. Tila pinapagaan ang loob ko.i

Kalaunan ay lumabas na rin ako at nag-lakad na papasok sa bahay nila Ate Dria at Kuya Froi. This house became my second home here in the Philippines. Palagi kasi ako rito noon bago ako magdesisyong umalis ng bansa.

Tahimik, madilim at parang walang tao kung titingnan ngunit nang tuluyang makapasok sa living room nila ay biglang bumukas ang ilaw kasabay ng sigawan nila at pagpapaputok nung party popper. Medyo nagulat ako sa bandang 'yon kahit pa inaasahan ko na 'yon.

Iginala ko agad ang paningin ko, I surveyed everything. Wala nga siya. Of course, I should not expect him to be here. Iniwan mo siya Treia, remember?

"Welcome back, Treia!" sigaw nila at inilapit pa sa'kin ang cake na tingin ko'y pina-customized nila dahil sa disenyo nito. I bet Rio's ass, Iris did it.

It looks like a clapperboard with the words 'Welcome Back, Direk Sage' on top. I don't have any choice but to blow the hell out of it.

"You know how much I hate surprises, seriously," sambit ko.

Nilapitan ako ng mga kaibigan ko at niyakap agad. Kumpleto sila ngayon, this is what I didn't expect. Ang huling pagkakaalam ko kasi ay nasa iba't ibang parte na kami ng mundo.

"After five years bitch, ngayon ka lang umuwi, ever! Tapos you expected us to just welcome you without this? Bitch, no!" si Kendall.

God, I miss them! Nothing change, except me. I am the only one who changed.

I hugged them all, nandito rin sila Ate Laureen at Kuya Isagani pati si Kuya Berty, Kuya Morris, Ate Merliah, Kuya Grae at Ate Cora. Travis isn't here, I assumed it is because of Kendall. Hindi ko nalang tinanong.

"Let's eat na, baka gutom na si Treia," sambit ni ate.

I'm not really hungry but because they put a lot of effort tonight, kumain nalang din ako. Gosh, I want to ask them if I can rest na, sobrang pagod na 'ko kaso gusto pa yata nilang magpa-kwento.

"I really love your films! Lalo na yung recent film mo, grabe nakakaiyak talaga!" si Ate Laureen.

I don't know how to respond so I just smiled at her shyly. Nakatingin lang sa'kin si Kuya Isagani habang hawak ang red cup na may lamang alak. I can't even glance at him, not even once. I don't know if he's mad at me for hurting his beloved brother. I'm at fault.

"Napanood ko rin 'yon, sis. Parang pamilyar nga yung mga eksena," makahulugang sabi ni Ate Merliah bago ako nginitian.

Natahimik naman sila dahil doon. Siniko ni Kuya Morris ang asawa bago ako nginitian. Awkward.

"Actually.. it is based on reality. That was the last film I made with Hollywood actors and actresses so I put all my efforts while making it, I want it to be realistic as possible," paliwanag ko sakanila.

Lalo pang lumalim ang gabi, paminsan-minsan ay binibigyan nila ako ng alak pero tumatanggi ako. Pinapagalitan din naman sila ni Ate dahil kauuwi ko lang daw at pagod ako. Alam naman nilang pagod ako, bakit ayaw pa nila akong pagpahingahin?

"Nagbago ka na talaga, neneng ka pa dati, kinakarga pa kita noon tapos ngayon malaki ka na, nak." Kuya Morris joked kaya lahat kami ay natawa.

They are now surveying me from head to foot at inaalam nila ang mga nagbago sakin, ipinagkukumpara yung noon na ako sa ngayon na ako. What's this, spot the difference?

"In all fairness, you rock that short curly ash-grey hair!" papuri ni Grace.

Sa loob ng limang na taon, never kong pinahaba ang buhok ko. Tuwing hahaba siya ng hanggang balikat ay papaputulan ko na. My looks reminded me of my past so I did everything to change it. Binago ko yung itsura ko, mula sa buhok, sa pananamit, mga gamit at iba pa. Nagpaputi rin ako at hindi naman ako nahirapan doon kaso hindi bagay sa'kin kaya itinigil ko. Mabuti nalang at bumalik sa dating kulay ang balat ko.

May nag-doorbell kaya lahat ng atensyon namin ay napunta roon. Hating gabi na, sino naman kaya yon?

"Baka sila Froi na 'yan, pinabili ko pa kasi silang alak at pagkain sa convenience store." Agad na nagtungo sa labas si ate para pagbuksan sila Kuya Froi.

Napalilibutan ako ng mga kaibigan ko, panay ang tanong nito tungkol sa mga naganap sa'kin nitong mga nakaraang taon. Panay din ang tanong nila sa mga artistang nakakasalamuha ko.

"Crush na crush ko yon! Omg, ang swerte mo talaga babaita ka!" kinikilig na sabi ni Adel na may kasamang paghampas pa sa braso.

"— bawal nga sabi! Hey.." boses ni ate mula sa labas.

Biglang nagkagulo sa labas, hindi ko alam kung anong meron o kung sino ang sinisigawan nito pero may isang taong sumagi sa isip ko. Sana mali ang nasa isip ko.

"Chill, Dria! I just want to punch my brother for putting my chichay outside."

Natigilan ako nang marinig ang boses na 'yon. Alam kong siya yon, even after five years, I still memorize his voice. How could I forget the voice of the man I love?

Hindi ko ito nilingon, ramdam na ramdam ngayon ang tensyon. Tahimik ang bawat isa at wala sakanilang nangahas na magsalita.

"What did I missed here? Looks like you're having some fun, why didn't you invite me?" pambabasag ni Isaiah sa katahimikan.

Naglakad ito palapit sa lamesa na nasa harap ko, kumuha siya ng alak at naupo sa katapat na couch.

Tiningnan ko ito nang magkaharap kami. Malaki ang pinagbago niya, he looks more matured now. His hair is in clean cut, hindi na tulad noon na mahaba, he's wearing white button down polo na naka tucked-in sa black nyang pants, nakatiklop din ito hanggang siko at ang dalawang butones ay naka-unbutton na. Mas naging tan ito kumpara sa huli naming pagkikita. Mukhang kagagaling niya lang sa trabaho, this midnight? I doubt it. Mukhang pagkatapos ng trabaho ay nag bar muna siya bago umuwi dahil medyo namumula na ang mukha nito, medyo lasing na yata. Since walking distance lang ang bahay nila rito, pumunta agad siya rito at gaya ng sabi niya, he's here to punch his brother for putting our or should I say his dog, chichay, outside their mansion.

"Welcome back," walang emosyong sambit nito, ni hindi man lang ako ginawaran ng tingin.

The tension between us is overflowing, hindi ko ito pinansin. Nag-iwas na rin ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Tila hindi pa yata nakakabawi ang lahat, mabuti nalang at dumating na sila Kuya Froi at Rio kaya medyo gumaan ang atmosphere dito.

I took my phone out and texted Rio, nagulat pa ito nang makita si Isaiah pero kalaunan ay ipinasawalang bahala na lang nila like it's not a big deal when in fact, it is!

To: Almario

Get me out of here.

I glance at him as soon as I click the send button. Agad n'yang kinuha ang phone niya para tingnan ang mensahe ko, nahuli agad niya ang tingin ko. Naka-kunot ang noo nito at napailing nalang. I sighed.

Napansin kong nakatingin sakin si Isaiah at nang tingnan ko ito ay nagtaas lang siya ng kilay sabay iwas. Attitude.

"Punch me now, brother, nang makabalik ka na sa lungga mo," sambit ni Kuya Isagani rito.

Tiningnan siya ni Isaiah at ngumisi rito. Kita naman ang inis sa mukha ni Kuya Isagani, looks like they exchange attitudes, huh?

"No, I want to have fun here. You didn't invite me, it hurts you know?" malokong sambit nito bago tinungga ang hawak n'yang alak.

Hindi ko na lamang ito pinansin at nag-focus na sa mga tanong ng kaibigan ko.

"So what's your plan now? Are you staying here for good?" tanong ni ate nang umupo siya sa tabi ko. Halos lahat sila ay nag-aabang ng isasagot ko. Napalunok nalang ako.

"I'm not sure if I'll stay here for good. If our plan become successful, maybe I'll stay here, if not, I'll go back abroad. I'm sure Mr. Bentley will still accept me with open arms, just like what he promised earlier," tugon ko rito.

"Plano namin magtayo ng production  company. Mabuti nga't pumayag yan na dito sa pinas gawin, buti napilit kong umuwi," dugtong ni Rio.

Nagpatuloy ang kwentuhan nila, nagpaalam ako sandali para magtungo sa cr, kanina pa kasi ang nagpipigil ng ihi.

Sa taas ako nagtungo, doon sa dati kong kwarto rito. Hindi pa rin nila iniiba ang ayos nito ngunit malinis naman siya kumpara noong huli kong punta. Nanatili muna ako rito bago nagpasyang lumabas.

"Looks like you achieved all your dreams now. Good for you.."

Nagulat ako nang marinig ang boses na 'yon nang makalabas ako sa dati kong kwarto. Nakasandal siya sa pader habang naka-crossed arms at nakatingin sakin, mukhang sinundan niya 'ko. Hinarap ko ito at pinantayan ang mga tingin niya. Just like the first day we met, his eyes were all blank, wala akong makitang kahit anong emosyon mula rito.

"Looks like you already achieved everything, too," tugon ko.

He achieved his goals, I've read every single articles about him. Natupad niya na ang mga pangarap niya, good for him.

"No, not at all." He shifted on his weight and faced me fully.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"I'm not yet married, I still have no kids. That's part of my goals so I haven't achieve everything yet," dugtong niya.

I don't know what to say, I'm trembling. Napatango nalang ako at umiwas ng tingin. Gosh, please get me out of here! He glance at me before glancing at the necklace I'm wearing, shit! Baka nakita niya yung singsing na binigay niya sa'kin! Agad kong hinawakan yon at tinago sa loob ng suot ko, he also glance at my wrist, suot ko pa rin yung couple bracelet namin, oh God! Agad kong tinago sa likod ang kamay ko.

"I-I'll go home now and.. I hope we're fine. I don't want our past to meddle with our future, I hope you don't mind.."

Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas para sabihin sakan'ya 'yon. I want us to be fine, kahit hindi na maibalik yung dati, kahit bilang magkakilala nalang. Kasi mahihirapan akong gumalaw knowing na hindi pa kami okay.

Okay na ba talaga kami?

"Of course, I'm fine. We're fine.. very fine." He smirked. Tunog sakrastiko ang pagkakasabi nito ngunit isinawalang bahala ko nalang.

Hindi ko na pinatagal at umalis na 'ko roon. Nagpaalam na rin ako kay ate na sa condo ako matutulog ngayong gabi. Bukas na siguro ako pupunta sa bahay para bisitahin sila mama.

"Pati ikaw Rio, uuwi ka na din?" tanong ni Kuya Morris nang tumayo na rin si Rio.

Tiningnan ko ito at ako na ang sumagot.

"No, kuya. Ihahatid niya lang ako," sagot ko kay kuya bago binalingan si Rio, "You can go back here pagkahatid mo sakin," dugtong ko rito.

Tiningnan niya lang ako at parang hindi nagustuhan ang suhestyon ko.

"No, buddy. We'll go home together," aniya at ginulo pa ang buhok ko.

Sinamaan ko lang siya ng tingin bago nagpaalam sa mga kaibigan namin pati kila ate.

Hanggang sa pag-uwi, hindi ako makatingin nang maayos kay Isaiah.

It's official, I'm really home.. but not the home that I'm craving for all these years.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status