Share

Kabanata 4.1 - Thought

Saturday ngayon at birthday ni bunso. Maaga kaming umalis sa bahay para pumunta sa zoo, 'yon kasi ang gusto ni Charmaine, bunso kong kapatid. Mahilig siya sa mga hayop, no wonder mukha siyang hayop. Syempre biro lang, magaganda kaya ang lahi namin!

"Ate, look! Monkey oh!" pabebe niyang sabi, hinihila pa laylayan ng damit ko. Kay Kendall yata nagmana to, e.

I'm wearing gray halter top and white shorts, white sneakers and gray sling bag. Kinulot ko din yung dulo ng buhok ko para maiba naman, medyo mahaba ito kaya natagalan pa 'ko kanina.

"I know, nakikita ko Maine. Tinitingnan ko nga ngayon," sagot ko habang nakatingin sakaniya, napatingin naman siya sa'kin at biglang bumusangot ang mukha. Maya-maya ay binatukan ako ni Ate Chandria, nasa likuran lang pala namin siya.

"Baliw ka talaga! Pati bata pinagtitripan mo," sambit niya habang natatawa, si Maine naman ay nakasimangot pa rin.

"E malay ko ba, nalilito ako kung sino titingnan. Magkahawig kasi," pang-aasar ko pa.

"Mama si ate oh!" sumbong ni Maine kaya nanahimik na 'ko. 'Di pa rin matigil ang tawa namin ni Ate.

Saming tatlo ako yung pinaka mapang-asar, pikunin naman si Maine at si Ate Dria mapanakit, ginagamit niya pagka-ate niya, madaya.

Nang bumalik si Papa ay napagpasyahan na namin kumain. May katawagan kasi siya kanina at sinabing may emergency sa ospital. Ngayon na nga lang ulit kami nakagalang pamilya, may istorbo pa. Di ko rin naman siya masisisi, trabaho niya yon.

Pagkatapos kumain sa isang buffet restaurant ay nagpasya na kaming umuwi, 5pm na kami nakauwi at sobrang nakakapagod kaya dumeretso na 'ko sa kwarto para maligo at mag-pahinga. Si Papa naman ay dumeretso sa ospital kasi kailangan siya doon.

Nakaidlip ako saglit at nang magising ako ay 10:30 pm na. Di man lang ako ginising para mag dinner, nakakatampo talaga sila. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung may nag-message ba. Tahimik ang group chat, mukhang nagkakasiyahan na sila sa party ni Mateo. Nag scroll lang ako sa IG, na-view ko yung story nila Ky. Video 'yon, ang daming tao at yung iba ay nagsu-swimming na. Abala ako sa pagtingin ng IG story nila nang biglang may mag message.

@davisthegreat: Hindi ka talaga pupunta? :(

Luh, bat nagmemessage 'to? Close ba kami? 'Di ko nalang nireplyan yung chat niya, 'di ko naman siya close, bakit ko re-reply-an? Tsaka ang weird nung emoji niya, ano siya bata?

Mga ilang minuto ay biglang tumawag si Iris, siya ang pinakamalapit sa 'kin, siya kasi ang una kong naging kaibigan noon. Still, pantay-pantay trato ko sakanila, walang lamangan.

"Sup Iris, kumusta party?" bungad ko, rinig agad ang malakas na tugtog sa background niya.

"Oh my God, Treia! Buti sinagot mo agad! Pick us here, hindi ko kaya 'tong apat 'to, si Mads bagsak na, sumuka pa kanina, si Adel tsaka si Grasya naman tulog na dito, at si Ken jusko! Nagsasayaw at nagliligalig sa dance floor. Pumunta ka dito nang maiuwi-" I cut her off.

Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin. Ganoon talaga sila kapag nalalasing, I'm just wondering why they let theirselves get wasted tonight.

"Send me the address of that place, wait for me okay?" sambit ko at ibinaba na ang tawag. Hindi na 'ko nag-abalang mag ayos, pinatungan ko nalang ng hoodie na navy blue ang white sando ko habang naka pajama naman akong black sa pambaba, pwede na 'to.

Hiniram ko kay Ate yung sasakyan niya, marunong ako mag drive at may driver's license na 'ko pero nagdalawang isip pa siya bago ibigay sa'kin yung susi, 'di ko rin naman siya masisisi gaya ng iba.

"Mag-ingat ka, Chantreia! Dahan-dahan sa pagda-drive! Ako malilintikan kay Papa kapag nalaman niya 'to!" frustrated na sambit nito.

Nginitian ko nalang siya bago lumabas.

Naka tsinelas lang ako na one strap papunta doon. Wala na 'kong pake sa itsura ko, hindi na 'ko nag-abalang ayusin ang buhok ko, naka messy bun lang 'yon. Baka kapag binagalan ko pa ay kung ano na mangyari sa mga kaibigan ko. Iba pa naman ang mga yon kapag nalalasing, kung sino-sino ang hinahalikan. Kung kani-kanino sumasama.

Inabot ako ng fifteen minutes bago makarating. Sa labas palang ay ang dami na agad tao, mga lasing, yung iba ay naglalampungan na. Umakyat agad ako para puntahan na ang mga kaibigan ko, lahat ng atensyon ay nasa akin, siguro dahil sa suot ko. Sila pormang-porma, tapos ako ano? Naka pantulog na.

Luminga-linga ako at natanaw ko sa isang couch ang mga kaibigan ko kasama sila Paul. Nang magtama ang mata namin ni Nikolai ay napaiwas siya.

Na-scam ako!

Ang aayos pa ng itsura ng mga gaga, talagang gusto lang na pumunta ako punyeta!

Nang makarating ako sa harap nila ay napunta sa'kin ang atensyon nila, gulat na natatawa dahil sa suot ko. Isa isa ko silang sinabunutan kasi naiinis na 'ko.

"Dude kung need niyo pa ng drinks lapit lang kayo doon— hey, Treia! Ngayon lang kita napansin, bakit ganyan—" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, naiinis ako!

"Akala ko pajama party," sarkastikong sabi ko at nagtawanan naman ang mga gaga. Napatango-tango si Mateo, tinapik ako sa balikat, mag-enjoy daw ako, bago siya naglakad paalis.

"Uuwi na ko," sambit ko, maglalakad na paalis pero pinigilan nila ako.

"Later na sis, enjoy nalang muna tayo since nandito ka naman na," pagpigil ni Grace. Napairap nalang ako at naupo gaya ng gusto nila.

"Anyway, how did you get here?" tanong ni Adel habang hawak ang tequila sa isang kamay niya, ang feeling niya! Hindi naman malakas uminom.

"Ah, siguro lumipad ako," pambabara ko. Naiinis na talaga ako! Nagmadali pa 'kong pumunta dito tapos scam lang pala yon? Nag-alala ako sakanila!

They keep on saying sorry, napairap nalang ako at inagaw kay Adel yung tequila na hawak niya, tinungga ko yon. Nakaramdam ako ng init sa lalamunan at dali daling inabot ang lemon. Gosh ang init!

"Seryoso na, paano ka nakarating dito? Sumakay kang jeep? Tricycle? Ano?" tanong ni Mads, halatang nag-aalala.

"Dala ko kotse ni Ate," sagot ko nalang, nagkatinginan sila pero wala ding sinabi. Inaya nila ako sa dance floor, maraming tao dun, mukhang masaya.

"Wag niyo na isama si Treia doon, dito nalang muna siya." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Davis.

Lahat kami ay napabaling sa gawi niya, nagulat naman ito at halatang natakot.

"Yung suot mo kasi.." dugtong niya pa.

Why? Anong mali sa suot ko? I mean, yes hindi to pang party but who cares? Hinubad ko ang hoodie at inihagis sa couch, tanging white fitted sando at black pajama nalang ang suot ko, ganito suotan ko kapag matutulog lalo na ngayon at mainit. Tinanggal ko ang ipit sa buhok ko, nakaladlad na siya ngayon. Tinali ko naman yung sa likod ng sando ko para magmukhang croptop ang suot ko. Perfect.

"Let's go," napangisi ako.

It's time to party!

Dinala nila ako sa gitna ng dance floor at doon kami nagligalig. May mga lalaking lumalapit pero hindi ko pinapansin yon. Ang iba ay pasimpleng humahawak kaya lumalayo agad ako.

Wow, parang kanina lang ay inis na inis ako sakanila. Tapos ngayon, magkakasam kaming sumasayaw sa dancefloor? Speed!

Si Ken ay may dalawang kasayawan na dun, halatang hinihipuan si gaga pero wala siyang pake. Si Mads naman may kausap na guy, school mate yata namin yon. Mukhang nerd kasi nakasalamin. Mukhang ayos naman usapan nila. Ganoon din si Adel at Grasya, may kausap na lalaki habang nakikipag sayawan. Si Iris naman ay nasa countertop, may kainumang hindi ko kilalang lalaki. Mukha namang masaya sila kaya bumalik ako sandali sa couch namin. Si Nikolai lang ang naiwan doon.

"I thought you wouldn't come."

I don't know why he said that. Napatingin lang ako sakaniya at nag-kibit ng balikat.

"Akala ko din, e." I'm trying to sound serious pero mas tunog sarcastic ang pagkakasabi ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status