Share

Kabanata 7.2 - I'll be back

'Di naman masyado hassle ang biyahe lalo na't di naman ako ang nagdadrive. Mabuti nalang din at hindi siya nagtanong ng kung ano-ano, nagpatugtog lang ako para 'di masyado awkward.

"Psychology student, right?" pambabasag niya sa katahimikan. Napatingin ako sakaniya saglit bago sumagot.

"Yeah, ikaw? Ano pala course mo?" tanong ko pabalik, tiningnan ko lang siya. Ang isang kamay ay makahawak sa manibela habang ang isa ay nakapatong sa bintana habang nakahawak sa ulo niya. Kinakabahan ako kasi one hand lang gamit niya sa pagdadrive, yung jowa ko baka mapano!

"Architecture," tipid na saad niya, napatango-tango nalang ako at humarap ulit sa bintana.

"Pwede ko makita plates mo? May picture ka ba dyan? Gusto ko kasing magpatayo ng bahay someday, kung sakaling kilala mo pa 'ko that time, sayo ko na ipapa-design para makamura," sambit ko habang patuloy na nakatingin sa bintana.

Maya-maya ay inilahad niya sa 'kin ang phone niya, tiningnan ko 'yon pagtapos ay tiningnan ko siya bago kinuha ang phone.

Nag-swipe pa 'ko sa gallery niya para makita pa ang mga gawa niya, ang gaganda. Simple lang, minimalist pero maganda.

"Hala, ito gusto ko. More on glass, kaso gusto ko color grey." Turo ko sa isang white house na puro glass. Ang simple lang niya, two-storey house na hindi masyadong malaki pero 'di rin naman maliit. Ang ganda!

Nang i-swipe ko ulit ay hindi plates ang nakita ko kundi picture niya na kaya agad kong pinatay ang phone niya at ibinalik na sakaniya.

"Desidido na 'ko, sayo ko ipapa-disenyo ang bahay ko," seryoso kong sabi.

Minsan gusto ko na tumanda at magkatrabaho agad para ma-achieve ko na mga goals ko, ayoko na rin umasa sa mga magulang ko.

"I saw your IG posts, film director ka?" tanong niya bigla. Na-excite tuloy ako dahil film ang pinag-uusapan.

"Self-proclaimed film director," pagtatama ko kaya natawa na naman siya, ilang beses na ba siyang tumawa sa harap ko? Hindi ko na mabilang.

"You are performing this December right? Are you the one who directed that stage play?" tanong niya pa, kaunti nalang at maiisip kong crush ako nito. Panay ang tanong tungkol sakin, e, ano kami nasa tinder? 

"Yes, co-director lang ako and kasali ako sa magpe-perform. Sasayaw lang, ganoon. Gusto mo manood? Sa 'kin ka bumiling tickets ha, sama mo na rin friends mo."

Yes, sumali ako sa performing arts theater since hobby ko ang paggawa ng film. 

"We are having a fun run the day after that, buti at hindi nagsabay. You wanna come? I have tickets also, I can give it to you for free," sambit niya, nilingon niya 'ko sandali bago ibinalik ang tingin sa kalsada.

Wow, medyo nahiya ako roon. Siya, ibibigay niya sa 'kin yung ticket niya for free habang ako pagbabayarin pa siya. Pero since siya naman ang nag insist na for free raw, sige sunggaban ko na. 

"Sure!" tugon ko. At pagkatapos no'n ay wala na ulit nagsalita sa amin. 

"Hey, I'll drop you na," sambit ko nang matanaw na ang building kung nasaan ang condo niya.

"I told you, I'll drive you home," sagot naman niya.

"Paano ka uuwi?" tanong ko. Bakit ba kasi siya pa ang pinag-drive ko e, nakakahiya na masyado. Ako na nga ang nang istorbo at nang bulabog tapos magpapahatid pa 'ko.

"I'll ask Mat to pick me up, nasa bar siya ngayon." Kumpara sa tono ng mga pananalita niya kanina, mas ayos yung ngayon. Baka bad mood siya kanina kaya parang ang cold ng mga sagot niya. Anyway, wala naman akong pake doon.

Sinabi ko yung address namin, nag waze nalang siya kasi 'di niya alam kung saan 'yon. Hindi naman malayo yung subdivision namin kaya wala pang twenty minutes ay nakarating na kami sa bahay. Wala ni isang bumaba ng sasakyan, nakakahiya naman kung iiwan ko siya mag-isa rito habang hinihintay ang kaibigan niya. Ayaw ko rin naman siyang papasukin dahil baka magtaka sila Mama, 12 midnight na at may inuwi pa 'kong lalake sa bahay, baka kung anong isipin.

"Uh, papunta na raw ba si Mateo?" pambabasag ko ng katahimikan, wala ng music kaya ang awkward. 'Di ko alam kung bakit hindi ko matagalan ang katahimikan ngayon, ang weird ko ngayon. 

"Malapit na raw siya," tanging sagot niya at hindi na nadagdagan 'yon kaya tumango nalang ako.

"Labas na tayo para makita niya tayo agad," sambit ko, 'di ko na talaga matiis ang awkwardness sa loob ng sasakyan kaya nauna na 'kong lumabas sakaniya, hindi ko na siya hinintay.

Naka sandal lang kami sa sasakyan, medyo nabawasan na yung awkwardness. Inunat-unat ko yung leeg ko, siguro kailangan kong mag/punta sa spa para magpa-massage. Sakit ng katawan ko these days, e. Mga ilang minuto pa ay natanaw ko na ang isang BMW na blue at iniilawan kami, huminto 'yon sa gilid at nakita ko namang lumabas si Mateo galing doon.

"Dude, pare 'di mo naman sinabing— oh, hi Treia!" halata ang pagkagulat niya nang makita ako, itinaas ko naman ang kamay ko para mag wave.

"Hi," bati ko, napakunot siya ng noo habang si Isaiah naman ay nagtatakang nakatingin sa 'kin. Ano bang mali sa sinabi ko? 

"Kaya pala hindi mo kasama yung kaibigan mo, yung Imogen ba 'yon? Iris? Nandoon siya sa bar, she's with her other friends, I think?" sambit nito.

Right, nakita ko IG story ni Iris Kasama niya yung iba niyang blockmates.

"Teka, nag-date ba kayo? Improving pare, I'm proud of you!" pang-aasar ni Mateo, medyo nabigla ako roon kaya napalunok ako bigla. Hindi ko lang na-gets yung huli niyang sinabi. 

"Shut up dude, let's go," inis na sabi ni Isaiah, medyo nag-igting ang panga niya dahil doon. Naglakad na siya papunta sasasakyan ni Mateo, ngumiti ng maloko si Mateo habang umiiling bago sumunod sakaniya.

"Ingat kayo! Salamat!" Nag-wave pa 'ko bago sumakay sa sasakyan para ipasok ang kotse sa loob.

Tinawagan ko si Ate para pagbuksan ako. Nang mabuksan ang gate ay pinasok ko agad ang sasakyan at ipinarada sa may garahe. Piningot agad ako ni Ate pagkababa ko ng kotse.

"Lagi mo nalang akong pinapakaba!" sambit niya at halatang nag-aalala. Natawa nalang ako at naunang pumasok sa loob. Napagod ako sa buong biyahe.

Nag half bath ako at ginawa ang night skin care routine ko bago humiga sa kama. Chineck ko muna ang IG ko para sabihin kila Mads na nakauwi na ako, ayokong mag-worry pa sila. Nag scroll lang ako hanggang sa nag pop up sa 'kin ang IG post ni Isaiah, kaka-post niya lang a minute ago. Picture 'yon nung pinuntahan namin at kahit madilim ay kita ako sa gilid, nakatalikod at pinipicturan din ang view. Ang dami agad nag-like no'n, famous siya, e. Napakunot ako bigla nang basahin ang caption.

@inikolaij: I'll be back.

I was about to turn off my phone nang mag-message siya.

@inikolaij: I forgot to ask you, who's love, btw? 

Right, I didn't tell him about that one. Baka hindi pa 'to makatulog kakaisip.

@treiaaafabregar: That's my sister

@inikolaij: Oh okay, sleep well!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status